Share

CHAPTER 44

~2 MONTHS LATER~

"Ma?" sagot ko sa video call ni Mama. Dalawang araw na akong hindi nakakauwi sa Antipolo dahil hectic ang schedule ng mga artist ko. Ngayon lang nakaluwag-luwag.

"Kanina pa umiiyak itong anak mo, hindi namin mapatahan. Kanina pagising ay panay halik sa picture mo sa cellphone."

Kaagad namang namasa ang mga mata ko. Napatingin ako sa wrist watch ko. May performance mamayang gabi ang isa sa alaga ko.

"Susubukan kong makasaglit mamayang tanghali diyan, Ma."

"Kung pwede lang kaming pumunta diyan sa trabaho mo ay ginawa na namin. Sumaglit ka muna rito kahit isang oras lang, Yongsann," rinig kong sabi ni Papa. "Nami-miss ka ng anak mo. "

Naramdaman ko naman ang paninikip ng aking dibdib. Napatingala rin ako para pigilan ang aking luhang magsikawala.

"Opo, Pa. Sasaglit ako diyan. Graxylla," tawag ko sa batang umiiyak. Saglit naman itong napahinto at hinahanap kung saan nanggagaling ang boses ko. Iniharap naman ni Papa ang bata sa screen.

"Ma...ma!" sambit nito at bigla na l
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status