Sa batang puso ni Nikka ay minahal na niya ang kanyang senyorito ngunit ang kanilang katayuan sa buhay ay hadlang sa sumisibol niyang damdamin. Sa patagong paraan ay inalagaan niya ang pagtangi sa amo niyang hindi niya malaman kung pinaglalaruan ba siya o may pagtingin din sa kanya. Ang lahat ng pangarap at pagasa ni Nikka ay naglaho dahil sa isang kasinungalingan at isang katotohanang kailangan niyang harapin. Sa kanyang pagbabalik ng Hacienda makalipas ang ilang taon, muling sumariwa ang pait at sugat ng una niyang pagibig at pagkabigo. Ngunit muli rin naman nabuhay ang apoy ng pagmamahal niya ng muling makita ang amo at kababatang hindi niya malaman kung bakit namumuhi na sa kanya ngayon.
View More"Ikay.... Ikay... nasan ka? Wag mo ko iwan dito Ikay.....Ikay may gagamba Ikay tulungan mo ako"
Sigaw ni Terrence."Senyorito Terrence nasan ga kayo, e kadilim dine. ala ey hindi ko po kayo makita eh"sigaw ni Ikay."Bakit po ba kayo narine sa kamalig?"pasigaw na tanong din ni Ikay na panay pa rin ang kapa at hanap kay Terrence gamit ang maliit na gasera."Ikay nasan ka Ikay, bilisan mo IKay" sigaw ulit ni Terrence na tila malapit ng umiyak ang boses."Ere na nga po Senyorito heto nga at akoy nabilis na nga, ay sus wag kang matakot diyan at akong pariyan na" sigaw naman ng nag aalalang si Ikay."Diyos ko naman kase ereng lalaki ere ay ginoo ko kalaking tao eh kaduwag naman ay sya ako'y nagkanda dapa narine kakamadali eh. kadilim pa naman gawa ng ireng gasera koy aandap andap na eh" bubulong bulong na sabi ni Ikay.Sa wakas ay natanglawan ng malamlam niyang gasera ang binata na nakasuksok sa isang sulok malapit sa tambak ng palay. Agad niyang nilapitan ang kababata."Senyorito Terrence , ano ga kaseng ginagawan nyo riyan at kayo'y nagawi rene, halina kayo parine na" sabi ni Ikay na inaabot ang kamay sa binatang nakasiksik sa mga ponpon ng sako sakong palay pero laking gulat niya ng bigla siyang kinabig ng binata at niyakap ng mahigpit.Napasalampak si Ikay sa kandungan ng binatang malapad na ang ngiti."AY KABAYONG PUTI"sigaw ni Ikay sabay tapik sa balikat ni Terrence."ABAY ANO GANG KALOKOHAN NAMAN ERE SENYORITO?" sita ni Ikay na nagpipilit tumayo dahil sa hindi komportableng ayos."IKAY"Lumamlam ang mata nito."TERRENCE......! AKOY WAG MONG MATAWAG TAWAG NG GANYAN ,, AY SIYA! KA NAKU EH MALILINTIKAN KA AKIN MAKITA MO. NAKU NAIRAL NA NAMAN IYANG KALOKOHAN MONG IYAN IKAY MAGTIGIL TIGIL. AY SYA KA!!" babala ni Ikay sabay pinadilatan ang amo binata na kababata at kaibigan niya.Pero imbes na makinig ay kinabig siya lalo ni Terrence at lumapat ang labi ng binatilyo sa nagulat na dalaga."SENYO...." Pero hindi na nagawang magreklamo ni Ikay. Ramdam na kase niya ang pag galaw ng bibig ni Terrence na tila inaaya siyang sagutin ang halik na iyon.Sa mosmos na puso ni Ikay na may itinatagong paghanga sa amo. Naakit ang dalagitang tugunin ang halik na iyon."I love you Ikay" bulong ni Terrence."Huh! ay inang ko po..." biglang bitaw ni Ikay sa binata.Hindi na halos namalayan ni Ikay na isang taon na pala ang lumipas. Malaki ang pasasalamat inya sa kanyang ama at sa inang si Aling Perla dahil nagign matiyaga ang mga ito na unawain siya, halos muntikan ng dumanas ng post partum depression si Ikay dahil sa kakaisip ng sitwasyun. Paminsa minsan ay dumadalaw sa kanya ang naging kaibigan na si Levi na naging katiwala ngayon ng kanyang ama sa isang negosyo nito sa bayan. Dapat sana ay gusto ng pabinyagan ng kanyang ama ang kanyang anak upang maiwasan daw na mamgkasakit ito pero dahil hindi pa handa si Ikay na isaubliko ang kalagayan at harapin nag sitwasyun ay ipiangpaliban muna ito ni Don Manolo.Sa ilang pagkakataon na dumadalaw noon si Levi palagi itong masy bitbit na prutas, may ilang mga katulogn ang nangsasabing nakakasagap sila ng tsismis na marami ang nangsasabing baka daw si Levi ang ama ng kanyang anak. Hindi na ito pinansin ni Ikay lalo naman hindi ito ipinarating sa ama. Ipinangkibit na lamang niya ng aliakt ang issue,
Mga ilang oras din ang hinintay nina Don Manolo at Aling Perla bago may magbukas ng pinto. Isang nurse ang pumasok na may bitbit na sanggol. "Good Morning Mrs. Esteban, narito na po ang inyong vute na baby, kailanghan na po nating siyang i breatfeed. paalala lamang po na napat elevated ang katawan nating mommy at dpat pagkatapos pon padedein ang bata ay padapain sa balikat upang siya po ay mamg burp" paalala ng nurse. Inbot ng nurse ang sanggol sa ibabaw ni Ikay, "Maiiwan na po muna namin siya sa inyo, babalik na lang po kami mamaya. Bye baby cute" paalam na pa ng nurse at nginitan ang anak niya. Tumango tango naman si Ikay. "Oh, Diyos ko po! Napakagwapo ng aking apo! Kamukhang-kamukha niya si Terrence nung ganyang kaliit pa lamang. Naalala ko pa noong ilabas si Terrence sa ospital, eh ganyan na ganyan siya: bilugan, napakatangos ng ilong, at napakaganda ng labi. At ang lakas humikab!" Napangiti si Don Manolo. "Kamukhang kamukha siya ng kanyang ama," bulong pa nito. "Napaguwapon
"Papa ...Papa, napakasakti ng tiyak ko...... Papa! Papa....., mangangabak na ata ako. Papa, manganganak na ako" sigaw ni Nikka. Napasigaw naman ng "Tulong" si Don Manolo at nataranta kaya naman nabulabog din si Aling Perla ."Perla...... Perla tulong dali, bilisan mo, tawagin mo si Andoy dalian mo." "Oho bakit ho anong nangyayari?Ay si Ikay bakit ikay," "Manganganak na....... manganganak na si ikay, bilisan mo sabihin mo kay Andoy umakyat dito!" sigaw ni Don Manolo sa natatarantang si Aling Perla. Hindi naman malaman ni ikay kung matatawa ba siya o maiiyak sa naging reaksyon ng kanyang ama at Nanay Perla. niya pero dahil sa sobrang sakit na talaga ng tiyan niya ay hoidcna lamang niya pinansin.Namikilipit na talaga siya. Agad naman tumakbo ang Nanay Perla niya pababa na panay ang sigaw at tinatawag si Andoy. Wala pang sampong segudo ay dumating na ang driver na isa pang tarantahin at binuhat si Nikka at isinakay sa sasakyan . Agad pumasok sa tabi niya ang kanyang nanay Perla at si
Sa sobrang kaligayahan at tuwa ni Don Manolo sa pagbabalik ni Ikay ang salu - salo sa Hacienda ay tila nagtagal ng halos isang linggo, araw-araw ay abala ang mga kawani ng hacienda dahil sa pagdagsa ng ibat ibang bisita. Parang araw-araw ay fiesta, bukod kase sa mga kalugar ay maraming mga kaibigan at mga kasosyo sa negosyo at mga pami pamilya nito ang dumadalaw kay Don Manolo upang magbigay ng pagbati.Nang magbalik kase si Nikka ay agad na inanunsiyo ni Don Manolo ang pagbanalik ng nawalay na Anak at tagapagmana. Nang araw mismi ng pagbabalik ni Nikka na nasabi na agad ni Levi sa matandang amo ay agad na ipinakalat ni Don Manolo ang palitang pauwi na ang anak. Ipinakilala na ni Don Manolo sa ng kanyang mga kasosyo sa negosyo bilang katuwang ni Terrence sa pagpapalago ng negosyo at pamamahala sa Hacienda.May mga ilang lokal na politiko rin ang naroon at mga ilang klalang matataas na tao sa kanilang lugar kaya ipinakilala din ni Don Manolo si Nikka na kanyang unica. Nang mga sandalin
Samantala, labis labis naman ang kaba ni ikay nang bumaba siya ng sasakyan. Hinatid lalamng siya ni Levi hanggang sa pantalan. Hindi na siya pumayag na ihatid siya nito hanggang sa Hacienda. Nagpahatid siya sa isang habal habal na inupahan niya. Kadalasan kase ay wala masyadong pumapasok na sasakyan sa looban dahil nga private property iyon. Pagpasok ni Ikay sa bukana ng Hacienda ay nangilabot siya dahil napakatahimik ng lugar, parang walang tao.Kinilabutan si ikay kaya agad agad siyang pumasok sa bakuran at halos patakbong pumasok sa villa. "Papa....Papa...! Papa... nasaan kayo?" sigaw niya."Nanay Perla...!Nanay Perla... Papa nasaan kayo" muling tawag ni ikay habang ang tibok ng kanyang puso ay doble doble na sa sobrang kaba. Nang hindi makita ang ama sa sala ay agad na tumakbo si ika'y sa ikalawang palapag ng Villa at diretsong pumunta sa silid ng kanyang ama, pero wala rin doon ang matanda. "Dios ko sana po ay walang nangyari sa kanila?"bulong ni Ikay. "Nasaan ang mga
Napabalikwas bigla si Ikay at kadiliman ang nabungaran niya. Pagkatapos ay inikot niya ang kanyang paninginay saka lamang niya na napag alaman na naroon pala siya sa tindaha.Kung ganun ay panaginip lang pala ang lahat pero parang totoo, parang naroon siya pangyayari. Kapag naaalala ni Ikay ay nahawakan niya ang kanyang dibdib na napakalakas ang kabog na halos nahihirapan siyang huminga.Tumayo si Ikay at nagpunta sa maliit na lamesitang nasa may bandang gilid ng tindahanat pagkatapos ay nagsalin ng tubig. Kinakailangan niyang uminom ng maraming tubig dahil hindi talaga siya makahinga bagamat nalamang panaginip lang ang lahat ay hindi naman ito naalis sa isipan ni Ikay kaya halos matapos magising ay hindi na muling nakakatulog pa ang dalaga. Iniisip nya na panahon na ba para umuwi sya at bumalik at humingi ng tawad sa kanyang ama. Marahil ay panahon na nga para tanggapin niya ang kanyang kapalaran ganun din ay bumalik sa piling ng kanyang ama. Natatakot si Ikay na baka totoo ang kany
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments