INICIAR SESIÓN“Hon… gising na!,” untag ko kay Irven.
“Hmnnp.. mmm.. ang sarap pa matulog, Hon!,” nakapikit pa ang mga mata na sagot nito. “Okay, hon… sleep ka muna, ako na bahala!,” h******n ko siya sa kanyang labi at hindi na ako nag-intay na gantihan niya rin ako, agad na akong tumalikod at bumaba ng kama. “Mmmm… uhmnn… love…!,” rinig kong wika ng asawa ko sa likod ko pero hindi ko na pinagkaabalahan pang lingunin siya. As usual, kailangan ko ng magmadali dahil magluluto pa ako ng almusal namin. Pero bago ako tumungo sa kusina ay inayos ko muna ang pampaligo ng aking pinakamamahal na mister. Naayos ko naman noong weekend pa ang susuoting niyang pang- opisina sa buong linggo. Biyernes ngayon at huling araw na may pasok si Irven sa opisina. Mag- lilimang buwan pa lang umuupo bilang presidente ng colleges si Irven. Alam kong nangangapa pa ito at naninibago sa bagong posisyon nito. Nag-iisa at tagapagmanang anak ang aking mahal na mister sa Ledesma Colleges na may mga branches sa iba’t- ibang panig ng Pilipinas. Inihanda ko na ang mga ingredients para sa lulutuin kong breakfast naming mag- asawa. I see to it na healthy ang kinakain ng aking mahal na asawa. Kaya’t pati lunch nito ay ako ang naghahanda at nagluluto. I quit teaching just to be a plain and full- time wife to Irven. Hindi naman niya ako pinagbabawalaan sa ano ang gusto kong gawin. Mas pinili kong pagsilbihan at supprtahan si Irven sa pag- abot ng mga pangarap niya sa buhay. Bukas na nga ang ikaapat na taong wedding anniversary naming mag-asawa. Sa nakalipas na taon, palagi ang mister ko ang sumusupresa sa akin pero ngayon gusto ko siyang unahan. Gusto kong maging special at intimate ang araw na iyon sa aming mag-asawa. Tamang- tama dahil sabado bukas at walang pasok sa opisina si Irven. Excited at napapangiti na lang ako sa naiisip na surpresa ko sa kanya. Alam kong matutuwa siya sa ibibigay ko sa kanya. Hindi naman ako natagalan sa pagluluto dahil gamay ko na ang proseso at pasikot- sikot sa araw- araw na ito lang ang parati kong routine. Hinding- hindi ako magsasawang pagsilbihan si Irven habang ako ay nabubuhay. Mahal na mahal ko ang aking asawa. Siya lamang ang kaisa- isang lalakeng nagmahal din sa akin ng tunay sa nakalipas na taon. Hinamak niya ang kanyang mga magulang upang makasama lang ako na siyang patunay sa totoo ang pag-ibig niya sa akin. Sa awa ng Diyos, mag-aapat na taon na kami bukas pero ni minsan hindi pa kami nag- aaway ng matindi ni Irven. Pareho kasi naming iniintindi ang isa’t isa. I am a submissive wife and Irven is a loving husband. What can I ask for? Kontento na ako sa kanya at kita ko naman na responsable at mapagmahal na asawa sa akin si Irven. May tiwala ako sa aming pag- iibigan. Wala akong hindi kayang tiisin para sa kanya. I love him so much and I felt his love for me too. Tinanggal ko na ang apron na isinuot ko matapos kong maihanda na ang pagkaing niluto ko sa lamesa. Hindi ko na naggawang maghilamos o mag-ayos paggising ko dahil mas mahalaga sa akin na lahat ng needs at kailangan ni Irven ay pulidong nakahanda na. Huli kong ginawa ang brewed coffee niya na ako laging nagtitimpla. Napapangiti na lang ako dahil isa sa minahal raw sa akin ng mister ko ang aking secret ingredient sa pagtimpla ng kape noong nililgawan niya pa ako kaya’t hanggang ngayon na mag- asawa na kami ay hindi pa rin nawawala ang kape tuwing umaga. “Hon… good morning… where is my shoes?,” bungad sa kanya ni Irven sa hapag. “Ah… sandali lang hon… kukunin ko… kain ka muna, breakfast is ready!,” malapad ang ngiti kong sumalubong sa kanya para ayusin ang kurbata niya. “Thanks hon… but I am sorry… I am gonna be late with my flight… Oh… I am sorry I forgot to tell you, I have to visit Cebu College for some inspection with the new buildings,” saad pa nito nakatunghay ang mukha sa maliit na salamin hindi man lang siya tiningnan nito. Medyo natigilan siya sa sinabi ni Irven. Kailanman ay hindi ito nakakalimot sa pag-update sa kanya ng mga whereabouts at coming meetings or activities nito. Pero agad naman niyang pinalawak ang isipan niya, baka nga nakalimutan lang nga nito sa dami ng gawain nito bilang bagong presidente.“Ate, ang baho muna, maligo ka na nga!,” angal sa akin ni Nica matapos kong magluto ng mga putaheng ihahain ko mamaya sa surprise anniversary dinner date namin ni Irven. “Oo mamaya na, tatapusin ko munang linisin ang mga kalat ko rito,” saad ko pa sa bunsong kapatid. “Hay, naku, ate… ako na bahala rito—- magpahinga ka na at magpaganda, sige ka mamukha kang haggard mamaya pagdating ni kuya Irven,” dagdag pa nito. “Ikaw talaga Nic— kapatid ba talaga kita? okay lang naman na eremind ako eh, may dagdag pang negatibong patutsada!!!,” balik ko sa kanya. “Haist—- ate, nagrereal- talk lang naman ako. Oo na, ang haba na ng hair mo kasi sa dami- daming babae diyan pero ikaw ang pinakasalan ni kuya Irven. Pero ate dapat magself- care ka rin kasi dagdag ganda iyon para sa mga kalalakihan!,” parang sinong may malawak na karanasan at kaalaman sa pakikipagrelasyon na pangaral pa ni Nica. “Ai—- nagsalita ang matanda!!! Sige na nga— ate— hahaah!!,” sabi ko sabay amoy sa magkabilaang kiliki- kili
“Wow!!!— ang ganda naman ng naggawa nating set- up, ate!,” hiyaw pa ni Nica matapos namin ayusin ang mga balloons sa may parte ng hardin. Dito ko naisipang e- set ang intimate dinner date namin ni Irven bukas ng gabi. Siguro naman ay nakauwi na rin ito mula sa Cebu. Mula kasi kaninang umaga na umalis siya ay hindi na nakatawag sa akin. Busy lang siguro masyado sa trabaho nito. Hindi na rin ako nag- abala pa disturbuhin si Irven kapag nasa sa trabaho siya. Pwera na lang kung emergency or urgent na talaga. Malaki ang tiwala ko sa aking mister. Wala na akong mahihiling pa sa Diyos dahil binigyan niya ako ng napakaresponsable at matapat na asawa. Kaya lang nararapat lang na pagsilbihan ko siya sa abot ng aking makakaya. Hindi niya lang ako minahal kung hindi ay inako niya ang lahat ng responsibilidad ko sa aking mga kapatid. Siya ang nagpapaaral kay Jerry at Nica. Kung baga inahon niya kaming lahat sa kahirapan. “Sana magustuhan ni Irven ang inihanda natin, Nic!,” may agam agam na
“Hello, mom—-,” she cut me short immediately. “Where is Irven? Kanina pa kaming naghihintay sa kanya dito sa airport, his dad is so furious! Hindi mo siguro inaasikaso ng mabuti ang asawa mo kung kaya’t palagi na lang nahuhuli sa mga business meetings and other gatherings ng kumpanya!!,” galit at matinis na tinig ni mommy Adora. “Walang galang na po mom—- kanina pa po umalis si Irven… mahigit kuwarenta’y singko minutos na po! Hin-di ko po pinapa—-,” again she cut me short. “Pag-aasikaso na lang nga ng asawa mo ang maitutulong mo ay palpak ka pa rin!,” nakakainsultong paratang sa akin ni mommy na agad na pinatay ang linya. She was always like that kung kami lang ang nag-uusap. Pero kapag nariyan at nakikinig si Irven sa aming usapan ay akala mo’y sinong butihing ina. Hinayaan ko na lang ang pag-aalipusta sa akin ni mommy. Mahal na mahal ko si Irven kaya lahat ng mahal niya at mahalaga sa buhay niya ay pinapahalagahan ko na rin. Nagpakawala ako ng malalim na buntong- hininga. Gani
“Oi, ate, huwag ka ng malungkot, I am sure may supresa sa iyo si kuya Irven pagbalik niya,” pukaw sa akin ni Nica dahil saglit akong napa-isip. “Haist… iyon na nga bunso, gusto kong supresahin ang kuya mo para maiba naman… buti pa kaya tulungan mo ako!,” untag ko kay Nica. “Ai bet ko iyan ate!!! Siyempre naman nuh para sa pinakamabait kong ate at kuya kong pogi … gusto ko masaya kayong dalawa sa anniversary n’yo bukas!,” masayang pahayag pa ni Nica. “Sure ka Nic… baka naman may kailangan ka sa akin… ano ba iyon?!,” biro kong tanong sa kapatid. “Hala si ate, nahulaan na agad… ang lakas talaga ng radar mo ate.. oo!,” manghang sagot nito. “Siyempre naman bunso! Sige na dalian muna sa pagkain at mahuhuli ka na sa klase. Nasa ibabaw ng cabinet sa sala ang pera at may extra pa iyon!,” bulalas ko pa. “Wow, the best ka talaga! Salamat ate, basta ate tutulungan kita sa plano mo ha, mamaya pag-uwi ko ate, sabihan mo lang ako ate!,” masayang dinaluhan ako ni Nica at yumakap sa aking
“Don’t you worry, hon… babalik naman ako kaagad bukas… in time for our fourth wedding anniversary!,” saad pa ni Irven sa akin ng makabalik ako galing sa pagkuha ng sapatos niya. Nakaupo na siya sa couch at tila hininhintay na suotan ko siya ng sapatos. Hindi naman ako nag- atubiling suotan siya ng bagong laba ko na itim na medyas saka ko isinuot sa magkabilang paa niya ang black leather shoes na pinakintab ko ng husto kagabi. “Salamat naman at naalala mo hon ang ating anniversary… ayan ang gwapo- gwapo na talaga ng mister ko… anyway, kain ka na habang mainit pa ang pagkain!,” untag ko sa kanya ng masiguro kong okay ang postura niya. “Naku… hon, sorry mahuhuli na talaga ako, mabuti pa ikaw na lang ang kumain ha?,” tumayo na si Irven at inabot ang suitcase at isang bagpack. “Uminom ka muna ng kape hon ng sa ganun mainitan naman iyang sikmura mo… Wait lang hon, kukuha ako!,” mabilis kong sabi sa kanya at kinuha ko sa hapag ang isang tasang kape at ang lunch box niya. Pagbalik k
“Hon… gising na!,” untag ko kay Irven. “Hmnnp.. mmm.. ang sarap pa matulog, Hon!,” nakapikit pa ang mga mata na sagot nito. “Okay, hon… sleep ka muna, ako na bahala!,” hinagkan ko siya sa kanyang labi at hindi na ako nag-intay na gantihan niya rin ako, agad na akong tumalikod at bumaba ng kama.“Mmmm… uhmnn… love…!,” rinig kong wika ng asawa ko sa likod ko pero hindi ko na pinagkaabalahan pang lingunin siya.As usual, kailangan ko ng magmadali dahil magluluto pa ako ng almusal namin. Pero bago ako tumungo sa kusina ay inayos ko muna ang pampaligo ng aking pinakamamahal na mister.Naayos ko naman noong weekend pa ang susuoting niyang pang- opisina sa buong linggo. Biyernes ngayon at huling araw na may pasok si Irven sa opisina. Mag- lilimang buwan pa lang umuupo bilang presidente ng colleges si Irven. Alam kong nangangapa pa ito at naninibago sa bagong posisyon nito. Nag-iisa at tagapagmanang anak ang aking mahal na mister sa Ledesma Colleges na may mga branches sa iba’t- ibang pani

![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





