Share

Chapter 5

Florence's POV

Napabalikwas ako ng bangon nang makarinig ako ng magkakasunod-sunod na malakas na katok sa labas ng aking kuwarto. Iinot-inot na bumangon ako sa kama at naglakad palapit sa pintuan para pagbuksan ang taong kumakatok sa labas. Hindi man lang ako nag-abalang magsuklay ng aking buhok na mistulang pugad ng ibon na gusot-gusot. Wala rin akong pakialam kung may morning glory pang sumisilip sa gilid ng aking mga mata. Bahalang tumakbo palayo ang makakakita sa akin. Inaantok pa ako at gusto ko pa sanang matulog kaso inaabala naman ako ng malakas na mga katok sa pintuan. 

Sanay naman akong gumising ng maaga dahil sa bahay nina tiyang ay ako ang gumigising para magluto ng almusal. Ngunit napuyat ako kagabi sa dami ng iniisip ko kaya madaling araw na ako nakatulog. Nakapikit ang mga mata na binuksan ko ang pintuan.

"Mataas na ng sikat ng araw pero natutulog ka pa rin?" agad na sita sa akin ni Joaquin na siyang napagbuksan ko ng pintuan. 

Biglang naimulat ko ang aking mga mata nang marinig ko ang masungit na boses na iyon ng lalaking nasa harapan ko. Pagmulat ko ng mga mata ay nakita ko ang lukot na mukha ni Joaquin habang namamasyal sa mukha ko ang kanyang mga paningin. 

"Mataas na ang araw?" tinatamad kong tanong sa kanya. Lumapit ako sa may bintana at hinila ko ang kurtina para makita ko ang labas. Napasimangot ako nang makita kong OA lamang ang sinabi ni Joaquin. Sumikat na ang araw ngunit hindi pa mataas gaya ng sinabi niya sa akin. Sa tingin ko ay hindi pa nga yata natutuyo ang mga hamog sa labas dahil hindi pa naman gaanong mainit. "Ganyan ba ang mataas ang araw? Eh mukhang sisipunin pa nga ako kapag lumabas ako ngayon."

Biglang naningkit ang mga mata ni Joaquin sa sinabi ko. Walang salitang nilapitan niya ako at hinila papasok sa loob ng banyo at pagkatapos ay itinapat sa dutsa ng shower at binuksan. Napatili ako nang sumigid sa aking laman ang lamig ng tubig. Ber months na kasi kaya nag-uumpisa nang lumamig ang panahon kaya pati tubig sa umaga ay malamig na rin.

"Maligo ka para magmukha kang tao. Mabuti at ako ang nakakita sa hitsura mo dahil kung si Manang Aida ay natitiyak kong inatake na iyon sa puso," ani Joaquin habang nakapamaywang sa harapan ko. "Bilisan mo maligo at sasama ka sa amin ni Manng Aida sa pamamalengke."

Inis na hinarap ko siya at pinagmaywangan. "Paano naman ako makakaligo kung nasa harapan kita?" nandidilat ang mga matang sabi ko sa kanya. Biglang napakunot ang noo ko nang hindi siya umimik sa halip ay nakatitig lamang sa katawan ko. Nang bumaba ang tingin ko sa aking katawan ay napatili ako ng malakas nang makitang halos wala na pala akong itinatago sa kanya. Bakat na bakat ang aking nagmamalaking dibdib dahil nabasa ng tubig ang see through kong damit pantulog na sobrang nipis. "Bastos! Lumabas ka sa silid ko! Bastos!" sigaw ko habang sinasabuyan ko siya ng tubig.

Mabilis ni Joaquin ang dalawa kong kamay at pagkatapos ay itinulak niya ako at isinandal sa dingding ng banyo. "Kunwari ka pa na nahihiya at ayaw mong ipakita sa akin iyan? Huwag kang mag-alala dahil hindi ako naakit diyan. Ni hindi nga ako tinayuan kahit na halos wala ka ng itinago sa akin. At saka, ano pa ba ang ikinahihiya mo gayong ilang ulit mo nang ibinuyangyang sa harapan ko noon ang halos hubad mong katawan?" nang-iinsulto ang ngisi na wika niya sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa aking narinig. Hindi ko akalain na aabot sa ganoong pagpapakababa si Feelin para lamang magustuhan ng bastos at walang modo na lalaking ito. Mas lalo tuloy akong na-curious sa dahilan niya kung bakit nagawa niyang hindi sumipot sa kasal niya kay Joaquin. At saka nagtataka ako kung bakit ganoon kalaki ang pagkagusto niya sa lalaking ito gayong ang sama naman ng ugali. 

"Bitiwan mo ako!" mariin ang boses na sabi ko sa kanya pagkatapos ay itinaas ko ang aking noo para ipakita sa kanya na hindi ako apektado sa pang-iinsultong sinabi niya sa akin. "Para sabihin ko sa'yo, Joaquin El Greeco. Hindi ko maalala ang mga pinagsasasabi mo na inakit kita noon. Nagkaroon kasi ako ng amnesia. At kung nagawa ko man iyon sa'yo noon ay labis ko nang pinagsisisihan ngayon. Wala na akong pagtingin na nararamdaman pa sa'yo, okay?" 

"Oh really?" nakangising sagot nito pagkatapos ay bumaba sa aking nakabakat na dibdib ang malisyoso niyang mga mata. Nagpumiglas ako para makawala sa kanya ngunit walang panama ang lakas ko sa kanyang lakas kaya napapikit na lamang ng mariin dahil sa sobrang kahihiyan. Pinagsisihan ko ngayon kung bakit ipinasya kong manatili sa bahay na ito at magpanggap na asawa niya.

"Walang hiya ka, Joaquin! I hate you!" nakapikit na sigaw ko sa kanya.

"I don't believe you, Sweetheart. Ilang taon mo akong hinabol-habol at kahit anong pagtataboy ang gawin ko sa'yo ay nanatili ka pa rin sa aking tabi. Kahit anong masasakit na salita ang mga sinasabi ko sa'yo noon ay nagkukunwari kang walang narinig. Ganyan mo ako kamahal kaya hindi ako maniniwala na mawawala agad ang pagtingin mo sa akin nang ganoon kabilis,"  inilapit ni Joaquin ang kanyang bibig sa aking tainga at binulungan ako. "Let me check kung wala ka na ngang pagtingin sa akin, Feelin."

Bago ko pa nahulaan kung ano ang ibig niyang sabihin ay dumapo na sa aking leeg ang kanyang mainit na mga labi. S******p at bahagyang kinagat-kagat niya ang aking leeg pagkatapos ay dahan-dahang dumadausdos pababa sa aking dibdib. Napamulat ako ng aking mga mata nang maramdaman ko ang ginagawa ng kanyang mga labi. Pilit akong nagpumiglas sa mahigpit niyang pagkakahawak sa aking mga kamay.

"Please, no," hindi ko na napigilan ang mapahikbi dahil wala akong laban sa kanya. Sa kanyang lakas ay magagawa niyang gawin ang gusto niyang mangyari. Ngunit hindi pa ako handa sa ganitong bagay lalo pa at sa lalaking hindi ko naman mahal. 

Inihinto ni Joaquin ang ginagawa niyang paghalik sa akin nang marinig niya ang aking mahinang hikbi. Nag-angat  siya ng kanyang ulo kaya nagpantay ang aming mga paningin. "You make me confused, Sweetheart."

Bigla kong pinatigas ang aking anyo. "Mukhang hindi naman tayo magkakasundo kaya mas mabuti pang maghiwalay na lang tayo."

Halos mag-isang linya ang mga mata ni Joaquin at mas hinigpitan nito ang pagkakahawak sa dalawa kong kamay na nasa itaas ng aking ulo nang marinig niya ang sinabi ko. "Huli na ang pagsisisi mo, Feelin. I already caught you in my trap. At kahit anong gawin mo ay hindi ka makakakawala sa akin unless ako ang gustong makipaghiwalay sa'yo. Do you understand?"

Hindi ako nakapagsalita at napatitig lamang sa kanyang mukha. Hindi dahil sa mga sinabi niya sa akin kundi dahil sa apoy ng galit na nakita ko sa kanyang mga mata. Para saan ang galit na aking nakita sa kanyang mga mata? Para ba kay Feelin? Ano ang totoong dahilan niya at pinakasalan niya si Feelin kung may malaking galit siya sa babaeng iyon? Mas lalo lamang akong naguluhan sa nangyayari.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status