Share

Chapter 4

Florence's POV

Pagod na inihiga ko ang aking katawan sa kuwarto na pinagdalhan sa akin ni Joaquin sa bahay niya. Hindi pala kami magkasamang matutulog sa iisang kuwarto na labis kong ikinatuwa. Ngayon ay puwede na akong pansamantalang manatili rito habang hinihintay ang pagbabalik ng tunay na Feelin. Hihintayin ko siya dahil gusto kong mabigyan ng kasagutan ang mga katanungan sa aking isip lalong-lalo na ang tanong kung bakit para kaming pinagbiyak na mansanas at magkamukhang-magkamukha kami?

Natutuwa ako na hindi kami magkatabing matulog atleast safe ang aking puri. Hindi ko kailangang mag-ingat sa kanya kapag gabi dahil magkabukod kami ng kuwarto.

Dahil sa pagod ay hindi ko na nakuhang magpalit pa ng aking suot na wedding dress at tuluyan na akong natulog. Kinabukasan na ako nagising at dahil pa sa malakas na pagkatok sa pintuan ng aking silid. Pabalikwas akong bumangon sa kama.

"Natulog kang hindi nagpapalit ng damit?" nakakunot ang noo na tanong sa akin ni Joaquin na siyang kumatok sa pintuan. Pumasok na ito nang hindi ko agad nabuksan ang pintuan.

"Napagod ako kahapon kaya hindi na ako nakapagpalit pa ng damit," mabilis kong paliwanag sa kanya. Bumaba ako sa kama at tumayo sa harapan niya. Inaantok pa ako kaya hindi ko napigilan ang maghikab.

"Sa susunod ay bumangon ka ng maaga para ikaw ang maghahanda ng aking almusal. At sasabihin ko sa'yo na hindi ka dapat magreyna-reynahan sa pamamahay ko. Katulad ng mga kasambahay ko ay magtatrabaho ka rin dito. Nagkakaintindihan ba tayo?" mariin ang boses na wika niya sa akin.

Wala sa akin kung magtrabaho man ako sa bahay niya ngunit dahil sanay naman ako sa mga gawaing-bahay ngunit hindi ko gusto ang kanyang tono pati na rin ang kanyang mga sinabi.

"Bakit mo ba ako pinakasalan? Para maging maid mo?" matapang kung sagot sa kanya. Nakakainis kasi. Ano ang akala niya sa akin? Magfi-feeling reyna rito sa bahay niya? As if naman gusto kong magpakasal sa kanya at manatili sa bahay niyang ito. Kapag bumalik na ng tunay na Feelin ay ora-orada akong aalis sa bahay niyang ito.

Bigla akong napaatras nang dumilim ang anyo ni Joaquin at nag-isang linya ang mga mata nito. "Nakalimutan mo ba ang sinabi mo sa akin bago tayo ikasal? Ang sabi mo ay pagsisilbihan mo ako at gagawin mo lahat ng mga gusto ko basta pakasalan lang kita. Tapos ngayon ay magre-reklamo ka?"

Ano? Sinabi iyon ni Feelin? Ganoon kalaki ang pag-ibig niya sa lalaking ito? Pero bakit hindi siya nagpakita sa araw ng kasal nila? Ako tuloy ngayon ang nalalagay sa alanganin, ani ko sa aking isip.

"K-Kahit anong sabihin mo ay asawa mo pa rin ako. Magtatrabaho ako sa bahay mo kapag gusto ko at hindi ako magtatrabaho kapag ayaw ko at wala kang magagawa," nakataas ang noo na sabi ko sa kanya. Hindi ko alam kung saan ako humuhugot ng tapang at nakakaya ko siyang sagot-sagutin kahit na nakakatakot at nakaka-intimidate ang hitsura niya.

"Hinahamon mo ba ako, Feelin?" Nabigla ako nang basta na lamang niyang inilapit sa akin ang mukha niya kaya napaatras ako. Hindi ko inaasahan ang kilos niyang ito kaya nawalan ako ng balanse. On instinct, naipalibot ko sa kanyang leeg ang dalawa kong braso kaya ang nangyari ay dalawa kaming bumagsak sa ibabaw ng kama. Nanlaki ang mga mata ko at tila naparalisa ang aking buong katawan nang pagbagsak namin sa ibabaw ng kama ay aksidenteng nagkadikit ang aming mga labi. Maging si Joaquin ay nabigla rin sa nangyari at tila hindi rin nakakilos sa ibabaw ng aking katawan.

Sa aming dalawa ay ako ang unang nakabawi sa pagkabigla. Itinulak ko siya ng malakas para makaalis siya sa aking ibabaw. "Bastos! Walang modo!" galit na sigaw ko sa kanya at tila may sariling isip ang aking kamay na bigla na lamang dumapo sa pisngi ni Joaquin.

Nagtagis ang mga ngipin nito at mariing hinawakan ang aking braso't hinila palapit sa kanya. "Sa susunod na sampalin mo pa ako ay hindi mo magugustuhan kung ano ang gagawin ko sa'yo."

Itinulak ko siya ng malakas ngunit para lamang akobv tumulak sa pader dahil hindi man lang siya natinag.

"Eh bakit basta ka na lamang nanghahalik? Hindi kita sasampalin kung hindi mo ako hinalikan!" sigaw ko sa kanya.

"Sino ba ang yumakap sa leeg ko at nanghila sa akin kaya ako bumagsak sa ibabaw mo? O baka naman sinadya mo ang nangyari kanina?" naniningkut ang mga matang tanong niya sa akin at may pagdududa sa kanyang tono. Pinahid pa nito ng likuran ng palad nito ang bibig na para bang nandidiri ito na n*******n niya ako. Bigla tuloy uminit ang ulo ko sa ginawa niya. Ang kapal ng mukha niya. Ako nga ang dapat na mandiri sa kanya dahil siguradong maraming babae na ang n*******n niya samantalang ako ay virgin na virgin pa ang aking mga labi. Wala na tuloy ang pinapangarap kong first kiss sa lalaking magiging una at huling boyfriend ko.

"Hindi ko naman sinasadya iyon. At para sabihin ko sa'yo ay hindi ko gustong mahalikan ka," inis na sabi ko sa kanya. Ginaya ko ang ginawa niyang pagpahid ng kanyang kamay sa mga labi niya.

"Hindi mo gusto na mahalikan ako? Ang galing mo namang magsinungaling, Feelin. Nakalimutan mo na ba kung paano mo ako akitin noon? Kaya imposibleng hindi mo nagustuhan ang pagdidikit ng ating mga labi," nang-iinsulto ang tono na wika niya sa akin.

Biglang namula ang mukha ko sa  aking narinig. Kahit naman hindi ako ang tinutukoy niya kundi si Feelin pero sa kanyang mga mata ngayon ay ako ang babaeng iyon na kamukhang-kamukha ko. Sa kanyang sinabi ay mas lalo lamang akong naguluhan sa dahilan ni Feelin kung bakit nagawa nitong hindi sumipot sa kasal nito at ni Joaquin gayong malaki pala ang pagkakagusto nito sa lalaki?

"D-Dati pa iyon. Pero ngayong alam ko na ang totoo mong ugali ay wala na akong gusto sa'yo at ngayon din ay makikipaghiwalay ako sa'yo. At para malaman mo, hinding-hindi ako magpapahalik sa'yo dahil hindi ko gusto ang halik mo, okay?!" pagkasabi ko niyon ay naglakad ako palabas ng silid para umalis sa bahay na ito. Wala akong pakialam kung nakasuot pa rin ako ng wedding dress. Ngunit nakailang hakbang pa lamang ang nagagawa ko ay bigla na lamang akong hinila ni Joaquin sa aking braso. At hindi ko inaasahan ang ginawa niya. Mariin niyang hinalikan ang aking mga labi na sa sobrang pagkagulat ay napaawang na lamang. Hindi ko alam kung ilang segundong naglapat ang aming mga labi. Basta namalayan ko na lamang na pinakawalan na niya ang aking mga labi at walang salita n basta na lamang lumabas ng silid. Ibinaon ko ang aking mulha sa malambot na unan at napasigaw ako ng malakas. Ano na lamang ang mukhang ihaharap ko sa kanya ngayon? Matapos kong sabihin na hindi ko gusto ang halik niya at hinding-hindi ako magpapahalik sa kanya pero heto at pumayag akong mahalikan niya ng ilang segundo na wala man lang ginagawa.

Florence, nakakahiya ka. Wala kang isang salita! kastigo ko sa aking sarili. Walang hiya ang lalaking iyon. Naisahan niya ako. Pero never na mauulit ang nangyari kanina. Never!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status