***DAHIL sa sagutan nilang mag-ina ay hindi na inalintana ni Reynold Wayne kung magalit man ito sa kaniya. Totoo namang hindi sumagi sa isipan ang tungkol sa parent consent. Ngunit kaya naman niyang sabihin at pakiusapan ang hipag upang pahintulotan siyang pakasalan ang kapatid nito kahit pa nag-aaral pa. Kaya nga niya iniwan ang mga magulang na mukhang tagilid na rin sa relasyon nila ni Adel. Ngunit hindi naman siya magpursige sa kasal kung labag sa kalooban nito.Subalit pagdating na pagdating niya sa bahay nito ay iba ang isinalubong sa kaniya."Mahal, let's run away from the City,""Ha? Mahal na mahal kita, Adel. Huwag mong pagdudahan iyan. Ngunit maari bang ipaliwanag mo kung bakit mas gusto mong magtanan tayo kaysa ang ilaban kita sa mundo.""Kailanman ay hindi sumagi sa isipan ko ang pagdudahan ka sa iyong pagmamahal. Dahil kung may plano akong gawin iyan ay noon pa. Ngunit kako ay kailangan nating lumayo rito dahil lahat sila ay hindi sumasang-ayon sa plano nating magsama bil
MAKALIPAS ng ilang buwan..."Wala pa rin bang balita kung nasaan ang dalawa, honey?" tanong ni Ginang Jannelle sa asawa."Wala pa, Honey. Sa kabila ako nanggaling at napag-alaman kong kahit sina Khalid at Antonette ay umupa na rin ng PI upang ipahanap sila." Napabuntunghininga si Ginoong Pierce Wesley dahil sa usapan nilang mag-asawa.Alam niyang tama ang nasabi sa panganay na anak noong bago ito nawala. Ngunit sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam siya ng habag. Kailanman ay hindi siya nakaranas ng hirap kaya't nagsumikap silang mag-asawa upang maibigay ang magandang buhay sa mga anak. At sa awa ng Diyos ay napag-aral nilang ang mga dalawang anak. Mga propesyunal na nga. Subalit sa pagkakataong iyon ay hindi niya maiwasang mag-alala. Pakiramdam niya ay hindi siya alagad ng batas dahil wala siyang magawa upang alamin kung nasaan ang anak."MUKHANG nakalayo ang imahinasyon mo, honey? Do you feel sorry for them now?" tinig ng asawa ang nagpabalik sa imahinasyon niyang totoo namang nag
"Hey, handsome. How are you?" maharot na saad ng isang babaeng sa hitsura pa lamang ay masasabi nang pakawala. "I'm fine thanks. How about you?" Ayaw man sana itong pansinin ni Reynold Wayne kaso kung hindi so a kikibo ay magmukha siyang masungit at bastos."I'm okay but I'll be more alright if you will tell me your name. By the way, I'm Elizabeth Jamaica Ponce. But you can call me Zabeth."Hindi pa nga siya nakasagot ay nakalahad na ang palad nito. Kaya't mas nainis lumukob ang inis sa isipan niya. Sasabihin na nga sana niya itong mayroon siyang asawa kaya't maari na itong umalis. Kaso ang kaibigan naman ang nagsalita. Likas naman kasi siyang palakaibigan kaya't sa ilang buwan nilang paninirahan sa Laoag City simula noong umalis sila ng asawa sa Manila ay doon sila napadpad.Naisip kasi niyang kung sa Mt Province sila pupunta at manirahan doon sa mga kamag-anak ay baka ora mismo ay pauwiin silang dalawa. Idagdag pa ang katotohanan at kamuntikan niyang makalimutang nandoon ang pinsan
"Oh my God! What I have done to my wife?" piping tanong ni Reynold Wayne nang nadatnan ang asawang mahimbing ang tulog sa sofa.Ilang sandali rin niya itong pinagmasdan. Malaki na ang ipinagbago ng katawan nito kaysa dati. Bukod sa mas lumitaw ang pagka-morena ay medyo pumayat pero mas gumanda. Mas naging mahubog ang katawan nito."I'm so sorry, Mahal ko. Hayaan mo sana akong makabawi sa aking pagkakamali sa iyo. Ipinapangako kong hindi na iyon mauulit pa. Mahal na mahal kita, Adel Dela Peña." Yumuko siya ng bahagya saka kinintalan nang halik sa noo.DAHIL ayaw din niyang maudlot ang mahimbing nitong tulog ay dahan-dahan niya itong binuhat saka dinala sa kanilang silid."Good night, Mahal ko. I love you so much," seryoso niyang saad nang nailapag na niya ito sa kanilang higaan.KINABUKASAN labis-labis ang pagtataka ni Adel dahil pakiramdam niya ay mayroong nakadagan sa kaniya. Kaya't napabalikwas siya upang alamin sana kung sino ang sira-ulong dumagan sa kaniya samantalang sa pagkakaa
BUT life will not go as we always wishes. Dahil isang araw ay may kumatok sa bahay nilang mag-asawa makaraan ng dadalawang buwan."Hi, ano'ng maipaglilingkod ko sa iyo?" tanong ni Adel nang napagbuksan ang isang babaeng hindi nalalayo ang edad sa asawa niya."Hello, Miss. Ah, gusto ko lang sanang itanong kung dito ba nakatira si Reynold Wayne Abrasado," anito."Dito siya nakatira, Miss. Dahil sa katunayan ay bahay namin ito. Sandali lang, Miss. Sino ka ba? Bakit mo hinahanap si Reynold Wayne?" tanong niya. Dahil ang isipan niya ay nagsisimula nang maglikot."Ako si Elizabeth Jamaica Ponce, Miss. At sa tanong mo kung bakit ko hinahanap si Reynold Wayne ay dahil hindi na ito muling nagpakita sa akin. Simula noong may namagitan sa aming dalawa ay umiwas na siya. Ngunit hindi ako papayag na abandonahin niya kaming mag-ina. Dahil karapatan kong ipaglaban ang nasa aking sinapupunan. Kaya't parang awa mo na, Miss. Sabihin mo sa akin kung nasaaan siya," paliwanag ni Elizabeth.Kilala naman ni
*** Sa kaniyang pagtingala, sinalubong agad ni JC ang kaniyang mga labi. Hindi rin niya naiwasang huwag tugunin dahil walang matinong babae ang aayaw sa halik ng taong pinakamamahal. Kaya't naging painit nang painit ang kanilang kalikan. Halatang walang gustong bumitaw, walang may gustong putulin ang init na unti-unti na ring nabubuhay sa kanilang pagitan. Hanggang sa nagsimula na ring naglumikot ang kanilang mga kamay damhin ang init ng katawan sa bawat isa. Ilang sandali pa ay bumaba ang labi ni JC sa leeg ng dalagang mukhang may ibang binabalak. Dahil ngiting-ngiti na wari'y nagsimula nang mawala sa katinuan. Pababa pa sa malulusog nitong dibdib. At sa oras na iyon ay sapong-sapo na ng dalawa nitong palad. Dahan-dahang inaalis ni JC ang kaniyang damit hanggang sa malaglag sa sahig. Kasabay nang pagtanggal nito sa kaniyang damit panay ang paghalik sa punong dibdib niya. Hindi rin lingid sa kaniya ang ginagawa nito sa mga nakaraang buwan na hinahaluan ang inumin niya ng droga. Ngun
"You have a very good record here, Mr Abrasado. As your boss in this bank, may I know why you are quiting?""Dahil hindi ko po maaring isagot na dahil sa personal reason ay ganito na lamang po. Aalis na po ako sa Laoag City, Sir. Babalik na po ako sa piling ng pamilya ko sa Manila.""Hindi na ba iyan maaring bawiin, Mr Abrasado? Sa katunayan ay ayaw tanggapin ng aking utak ang plano mong pagbitiw."SA tinurang iyon ng boss niya ay bahagya siyang natigilan. Dahil sa katunayan ay lugar lang ang ipinagkaiba sa dati niyang trabaho. Kung hindi lang sana umalis sa Laoag ang kaniyang asawa ay magpatuloy pa rin siya roon. Ngunit sadya yatang may mga bagay na kahit gustuhin ay hindi mangyari."Actually, Sir, I repeatedly think what's going on. Why should I bid my goodbye to you and quit from my job. But I've learned during my time here in Laoag, I trust easily. But because of that I lost my wife and I eventually don't know where is she. Ngunit ako ang masusunod ay maari mo nang ibigay kay JC a
"So, ano ngayon ang plano mo, pinsan?" tanong ni Khalid nang sa wakas ay humupa na ang kanilang kumustahan."Sa katunayan ay hindi ko alam, pinsan. Kailanman ay wala akong pinagsisihan sa naging desisyon ko noong umalis kami sa Manila. Ngunit sa ngayon ay aminado akong hindi ko alam ang sagot sa tanong mo," tugon nito."Kung ikaw pa rin ang kilala kong pinsan na best friend ko ay masasabi kong kailangan mong hanapin muna si Adel dito. Kahit pa sinabi niyang huwag mo siyang hanapin. Dahil alam kong iyon din ang sasabihin sa iyo nina Mama at Papa. Subalit nasa iyo rin ang desisyon," aniyang muli.Sa tinurang iyon ng pinsan niya ay bahagyang natigilan si Reynold Wayne. Dahil nagbitiw siya sa trabaho dahil sa rasong kailangan niyang hanapin ang asawa. Subalit sa oras na iyon ay aminado siyang walang pumapasok sa isipan niya. Kaso sa kaniyang pananahimik ay ang abogado namang pinsan ni Reviera ang nagsalita."Ah, alam kong hindi tayo masyadong nagkikita, brod. Ngunit kung isa-isahin mula s