Share

TOO LATE TO LOVE ME
TOO LATE TO LOVE ME
Author: Kaile Guevarra

Chapter 1

last update publish date: 2026-10-26 01:01:34

CHAPTER ONE - ANG LALAKING KATABI KO

ATHENA'S POINT OF VIEW

Ako si Athena Buenaventura at mayroon akong kakambal na si Alexa.

Simula pagkabata, palagi kaming magkaribal sa halos lahat ng bagay. Sa grades, sports, mga medalya, at maging sa maliliit na bagay na hindi naman dapat pag-awayan, lagi kaming nag-uunahan.

Minsan, sa sobrang inis ko sa kaniya, naiisip kong murahin na lang siya. Pero sa huli, sinusubukan kong pigilan ang sarili ko.

Kakambal ko siya, eh.

At kahit gaano kami kadalas mag-away, may bahagi pa rin sa akin na gusto ko parin rin siyang protektahan.

Pero may isang bagay kaming hindi magkapareho, ang swimming.

Ako kasi mahilig lumangoy. Samantala, si Alexa ay takot sa tubig dahil sa traumatikong pangyayaring nangyari noong mga bata pa kami.

Pero dahil sa pagkakaibang iyon, hindi ko inaaakala na iyon ang magiging simula ng pinakamalaking sugat na dadalhin ko hanggang sa aming paglaki, lalo na nang dumating si Akhiro Fuentes.

'First day of class'

Maaga akong pumasok, hindi dahil gusto kong mag-aral.

Well, medyo… pero ang totoo niyan, excited akong makita ang isang tao.

Si, Akhiro Fuentes. Ang kababata ko na matagal ko nang pinapangarap.

Habang naglalakad ako sa corridor, palihim akong sumisilip sa mga classroom. Kunwari, hinahanap ko ang room number ko, pero ang totoo, nagbabakasakali akong makita siya.

“Grabe, Athena,” bulong ko sa sarili ko. “First day pa lang, baliw na baliw ka na.”

Natawa ako nang mahina sa sarili ko.

Pagdating ko sa classroom, dumiretso ako sa upuang malapit sa bintana. Paborito ko iyon dahil nakakarelaks tumingin sa labas kapag nakakaantok ang klase.

Inilapag ko ang bag ko at inilabas ang notebook.

Tahimik akong nakaupo nang may biglang nagsalita sa tabi ko.

“Miss, puwede bang dito ako umupo?”

Napahinto ang kamay ko.

Pamilyar ang boses na iyon.

Dahan-dahan akong lumingon.

Kumakabog ang dibdib ko,

At sa isang iglap, parang nakalimutan kong huminga.

Si Akhiro.

Nakatayo siya sa tabi ko habang mayroong tipid na ngiti sa kanyang mga labi. Hawak niya ang kanyang bag na mukhang mas mahal pa sa mga gamit ko.

“Ah… eh…” Nauutal akong tumingin sa kaniya. “O-okay lang. No problem.”

Napangiti siya. “Thanks.”

Umupo siya sa tabi ko na para bang wala lang ang lahat. Samantalang ako, halos hindi ko na alam kung paano kikilos.

'Lord, ito na ba ’yon?'

Ang dami kong gustong sabihin, pero wala akong maisip na kahit isang matinong pangungusap.

Bahagya siyang yumuko para ilabas ang mga gamit niya. At doon ko naamoy ang pabango niya.

Mabango.

Sobrang bango.

Napapikit ako sandali.

Athena, please. Umayos ka.

“By the way,” sabi niya habang lumilingon sa akin. “Athena, right?”

Nanlaki ang mga mata ko.

“K-Kilala mo ako?”

Tumawa siya nang mahina.

“Of course. Magkababata tayo, hindi ba?”

Napatigil ako.

Tama.

Magkababata nga pala kami.

Pero hindi ko alam na naaalala niya pa rin ako.

“Akala ko nakalimutan mo na ako,” mahina kong sagot.

Saglit siyang natahimik bago ngumiti. “Hindi naman ako madaling makalimot.”

Hindi ko alam kung bakit, pero tumatak sa isip ko ang mga salitang iyon. Pero hindi ko alam na balang araw, sa lahat ng tao, ako ang isa sa pinakamadali niyang makakalimutan.

At siya rin ang magiging taong pinakamahirap kalimutan sa buong buhay ko.

Hindi ko namalayang unti-unti nang naging bahagi ng araw-araw ko si Akhiro.

Sa umaga, siya ang una kong hinahanap sa classroom.

Sa lunch break, siya ang inaabangan kong makasabay.

At kapag may pagsusulit, kunwari ay wala akong pakialam sa score niya, pero palihim ko pa ring tinitingnan kung mas mataas ba ang nakukuha niya kaysa sa akin.

Minsan, nahuhuli niya akong nakatingin sa kaniya.

“Anong tinitingnan mo?” tanong niya.

“Wala!”

“Sure?”

“Oo nga!”

Tatawa lang siya, at ako naman ay magkukunwaring naiinis.

Hindi ko alam kung kailan naging seryoso ang simpleng paghanga ko sa kaniya.

Ang alam ko lang, isang araw, nahuhuli ko ang sarili kong nagluluto ng cookies sa kusina.

Hindi naman talaga ako mahilig mag-bake.

Pero nalaman kong minsan ay nakakalimutan ni Akhiro na kumain kapag sobrang busy siya sa pag-aaral.

Kaya naisipan kong magdala ng cookies para sa kaniya.

Hindi ko nilalagyan ng pangalan ang lalagyan. Sa halip, nag-iwan lang ako ng maliit na sticky note.

'Huwag mong kalimutang kumain. Alalahanin mo, Akhiro, hindi ka robot.'

Sa ibaba nito, isinulat ko ang paborito kong mga letra:

PS: MLAO.

Kinabukasan, nakita kong hawak niya ang lalagyan habang nakangiti.

“Uy, sino kaya ang nagbigay nito sa akin?” tanong niya sa mga kaibigan niya.

Napatigil ako sa ginagawa ko.

Hindi niya alam na ako iyon.

Pero nang makita kong kumain siya ng cookies at ngumiti pagkatapos, hindi ko na kinailangang ipakilala ang sarili ko.

Sapat na sa akin na nagustuhan niya ang mga iyon.

Mula noon, naging lihim kong gawain ang magpadala sa kaniya ng cookies at maglagay ng maiikling sulat. Tumagal iyon ng ilang taon.

At siyempre, hindi ko iyon magagawa nang mag-isa.

Kasabwat ko si Mavel, isa sa mga kaklase ko na kalaunan ay naging best friend ko. Madalas kaming magkuwentuhan tungkol kay Akhiro, lalo na kapag may libreng oras kami.

Dahil alam ni Mavel kung saan nakatira si Akhiro, at malapit lang sa kanila ang bahay nito sa UP, mas napapadali ang pagpapadala ko ng cookies at mga sulat sa kaniya.

Si Mavel ang naging katuwang ko sa lahat ng kalokohang iyon.

At bilang supportive kong best friend, hindi niya ako tinigilan sa pang-aasar.

“Alam mo, Athena, kung hindi ka pa rin niya mapansin niyan, ewan ko na lang,” natatawa niyang sabi minsan.

“Tumahimik ka nga!” sagot ko, sabay kuha ng cookies na dala niya.

Pero kahit inaasar niya ako, alam kong masaya siya para sa akin.

Kapag may pagsusulit si Akhiro, binabati ko siya ng good luck sa pamamagitan ng maliliit na sulat.

Kapag mukhang pagod siya, pinapaalalahanan ko siyang magpahinga at kumain nang tama.

At kapag napapansin kong tahimik siya o parang may problema, nag-iiwan ako ng ilang salitang umaasa akong makakapagpagaan sa araw niya.

Hindi ko alam kung nakakatulong ba talaga ang mga iyon.

Ang alam ko lang, sa bawat pagkakataong nakikita ko siyang ngumiti matapos mabasa ang mga sulat ko, gumagaan na rin ang pakiramdam ko.

Hindi ko hinihingi na malaman niya kung sino ako.

Hindi ko rin inaasahang susuklian niya ang lahat ng ginagawa ko.

Gusto ko lang siyang mapasaya.

Simple lang naman, hindi ba? Pero sa ganitong bagay, nagbibigay na sa akin ng kaunting kasiyahan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • TOO LATE TO LOVE ME   CHAPTER SEVEN

    CHAPTER SEVEN – MAPIPIGILAN BA NI AKHIRO ANG SARILI?ATHENA'S POV“Okay, Miss Independent,” natatawang sabi ni Camil. “Sige na nga. Kain na tayo bago lumamig ang pagkain.”Ngunit kahit nakabalik na kami sa pagkain, hindi pa rin mapakali ang isip ko.Sinubukan kong huwag siyang tingnan. Pinilit kong makisali sa usapan at tumawa sa mga biro ni Camil.Pero may mga pagkakataong kusang lumilihis ang mga mata ko sa kinaroroonan niya.At sa isa sa mga sandaling iyon, nagkamali ako.Dahan-dahan akong napalingon.Nakatitig din siya sa akin.Hindi ko matukoy kung gaano na siya katagal nakatingin, ngunit nang magtama ang aming mga mata, para akong nawalan ng kakayahang huminga.Walang ngiti sa kaniyang mukha.Wala ring pagtataka.Sa halip, may kung anong lungkot sa mga mata niyang hindi ko na gustong unawain.Para siyang may gustong sabihin.Para siyang matagal nang may hinahanap, at sa wakas ay natagpuan niya iyon sa harap niya.Ako.Agad akong nagbawi ng tingin.Huwag, Athena.Huwag mong bigya

  • TOO LATE TO LOVE ME   CHAPTER 6 - ANG PAGTATAGPO

    CHAPTER SIX – ANG PAGTATAGPOATHENA'S POVDumating din ang araw na matagal kong pinaghandaan—ang unang araw ko bilang intern sa isang ospital sa Global City.Ilang taon kong pinangarap na makarating sa puntong ito. Ilang gabing puyat, pagod, at sakripisyo ang pinagdaanan ko bago ko tuluyang mahawakan ang pagkakataong matagal kong ipinagdasal. Dapat ay puno ako ng pananabik sa araw na iyon, ngunit hindi ko maikakaila na may halong kaba ang nararamdaman ko. Bawat pintig ng puso ko ay halos gustong kumawala sa dibdib ko.Bagong lugar. Bagong mga mukha. Bagong responsibilidad.At higit sa lahat, isang panibagong yugto ng buhay na kailangan kong harapin nang mag-isa.Hindi ko alam kung anong mga pagsubok ang naghihintay sa akin sa loob ng ospital. Ang alam ko lamang, kailangan kong maging matatag. Hindi na ako ang dating Athena na madaling masaktan at hinahayaang idikta ng nakaraan ang bawat desisyon ko.Matagal ko nang ipina

  • TOO LATE TO LOVE ME   Chapter 5

    CHAPTER 5- ANG MULING PAGKIKITAATHENA'S POVPaglapag ng eroplano sa airport, makalipas ang ilang taon, sa wakas ay nakauwi rin ako sa Pilipinas upang makasama ang pamilya ko sa pagdiriwang ng aking pagtatapos.Hindi naging madali ang lahat. Maraming gabing kulang ako sa tulog, maraming araw na gusto ko nang sumuko, at maraming pagkakataong kinailangan kong labanan ang sarili kong pagod at panghihina.Pero heto ako ngayon.Nakatayo sa harap ng salamin, nakasuot ng simpleng damit habang pinagmamasdan ang sarili kong repleksiyon.Athena Buenaventura.Ang dating babaeng madaling umiyak dahil sa pag-ibig ay unti-unti nang nagiging isang babaeng marunong tumayo sa sarili niyang mga paa.Akala ko, sa pagbabalik ko, ang pamilya ko lamang ang kailangan kong harapin.Hindi ko inaasahang makikita ko rin ang lalaking matagal ko nang pilit na kinakalimutan.Si, Akhiro Fuentes.Ang lalaking minsan kong minahal nang higit pa sa pagmamahal ko sa sarili ko. Ang lalaking ilang beses kong ipinaglaban k

  • TOO LATE TO LOVE ME   Chapter 4

    Chapter 4 – Ang Huling MensaheATHENA’S POVIlang araw akong hindi pumapasok.Hindi ko kayang makita si Akhiro.Hindi ko kayang umupo sa tabi niya na para bang walang nangyari.Hindi ko kayang marinig ang boses niya at magpanggap na hindi ko alam ang katotohanan.Kaya may desisyong pumasok sa isip ko upang tuluyan akong makawala sa sakit na nararamdaman ko.Pakiramdam ko, ayokong mabuhay. Ang daming tanong sa utak ko na naghahalo-halo.Puro tanong.Bakit ako?Bakit niya ginawa iyon sa akin?Bakit mas pinili niyang gamitin ako para sa kapatid ko?Bakit si Alexa pa? Bakit?Sabay ang pag-agos ng luhang hindi ko mapigilan dahil sa sakit na nararamdaman ko noong mga oras na iyon, kaya minabuti kong gawin ang desisyong pumasok sa isip ko.Nang magdesisyon akong lumipat ng paaralan, pumayag sina Mama at Papa. Hindi ko sinabi sa kanila ang buong dahilan. Sinabi ko lamang na gusto kong magsimula sa ibang lugar.At bago ako umalis, nagpadala ako kay Akhiro ng huling mensahe.'Akhiro, pasensya n

  • TOO LATE TO LOVE ME   Chapter 3

    CHAPTER THREE- ANG MASAKIT NA KATOTOHANANATHENA'S POVMay mga sandaling hindi mo alam na iyon na pala ang huling pagkakataong magiging masaya ka nang walang inaalala.Huling pagkakataon mong maniniwala sa mga pangakong hindi mo alam na kasinungalingan lang pala ang lahat. At huling pagkakataong tatawagin mong pag-ibig ang isang bagay na maaaring hindi naman pala naging totoo.Noong araw na iyon, hinahanap ko si Akhiro. May dala akong maliit na lalagyan ng cookies na ako mismo ang gumawa noong nakaraang gabi.Ilang oras ko iyong pinaglaanan. Ilang beses akong nagkamali sa unang batch, pero hindi ako sumuko. Gusto kong maibigay sa kaniya ang pinakamagandang cookies na kaya kong gawin.Gusto kong mapasaya siya. Gusto kong makita ang ngiti niya habang kinakain ang mga iyon.Habang naglalakad papunta sa faculty room, hindi ko mapigilang ngumiti. Iniisip ko kung ano ang magiging reaksiyon niya kapag nakita niya ang dala ko.Baka asarin niya ako. Baka sabihin niyang masarap. O baka simplen

  • TOO LATE TO LOVE ME   Chapter 2

    CHAPTER TWO - GUSTO KITA ATHENA'S POV Hindi ko inaasahang darating ang araw na ang simpleng paghanga ko ay mas lalalim at hihigit pa doon. Mula sa mga simpleng usapan namin, hanggang sa mga tingin na mabilis ko ring iniiwasan lalo na kapag nahuhuli niya akong nakatingin. Dahilan para lalo akong mahulog sa kanya. Tulad ngayong hapon. Matapos ang klase namin, nasa corridor kami nang hinawakan niya ako sa braso. “Athena, may sasabihin sana ako.” Napatingin ako sa kaniya. Binitawan niya ang braso ko. Sa loob-loob ko, nakaramdam ako ng kakaiba. Malakas ang tibok ng puso ko “Bakit?” Sandali siyang natahimik bago huminga nang malalim. “Gusto kita.” Diretso siya nakatingin sa akin. Parang huminto ang mundo ko. Totoo ba ang naririnig ko? Hindi ba ito isang panaginip? “Ano?” sabi ko, habang namumula ang aking mukha. “Sabi ko, gusto kita,” ulit niya. “Actually, matagal na.” Hindi ako agad nakasagot. Ang dami kong gabing ipinagdasal na sana, kahit minsan lang, maki

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status