Share

The Billionaire Revenge (Hidden Desire Series #13)
The Billionaire Revenge (Hidden Desire Series #13)
Author: LauVeaRMD

Prologue

Author: LauVeaRMD
last update Last Updated: 2022-05-08 13:44:04

Azrael POV

NAKATINGIN ako ngayon sa puntod ni Ain. Hindi ko matanggap na wala na ang babae mahal ko. Hindi ko man lang ito nailigtas. Naikuyom ko ang aking mga kamao. Wala akong kwentang nobyo. Sana ay di ko iniwan si Ain. Buhay pa sana siya ngayon, kung nailigtas ko lang siya.

Di ako gumalaw ng may humawak dito sa aking nakakuyom na kamao. Di ko ito nilingon. Inihilig nito ang ulo sa aking braso.

"Alam kong masaya na si Ain, kung nasaan man siya ngayon. Kaya dapat ay patahimikin na natin siya." sabi nito.

"Hindi pwede. Hindi ako matatahimik, Angel. Bibigyan ko ng katarungan ang pagkamatay ni Ain." galit kong sambit.

"Nahihibang ka na ba? Wala na si Ain." kunot-noong sambit nito sa akin.  "Ngayong wala na si Ain, ipagpatuloy na lang natin ang affair natin. Ipagpatuloy na lang natin ang naudlot nating pagmamahalan." malambing nitong sabi sa akin. Sabay haplos sa aking braso.

Inalis ko ang kamay nito na nasa braso ko. "What we had before is a mistake. Bunga lang iyon ng pagkakamali at di na mauulit iyon. At ito ang itatak mo sa kukunti mo, walang tayo. Kahit kailan ay si Aingelle lang ang mamahalin ko." madiin kong sabi dito.

Bigla ay galit niya akong tinignan. "Wala na si Ain, Az, nandito naman ako. I am willing to be with you, just say it. Handa ako, Az. Alam mo naman na mahal kita." humarap ito sa aking harapan. "Nandito ako, ako na lang Az!" nagmamakaawang sabi nito sa akin.

Hindi ko siya tinignan. Dahil sa tuwing tinitingnan ko siya ay naaalala ko ang kasalanan ko kay Ain. Ayaw kong maulit iyon. Ayaw kong magkasala muli sa taong mahal ko. Ayaw ko ng maulit ang pagkakamali na iyon.

"Kahit wala na siya ay di mo mapapalitan si Ain sa puso ko. Siya at siya lang, Angel." sabi ko sa kanya. Tinalikuran ko na siya. Iniwan ko siyang mag-isa sa harapan ng puntod ni Ain. Dahil kung di ako aalis ay baka may nasabi pa akong masasakit na salita para sa kanya.

Saksi ako kung gaano nito ka ayaw ang kapatid nito. Ain is a simple woman. May maamong mukha, mabait at di mahirap mahalin. Minahal ko si Ain, dahil may nakita akong katangian sa kanya, na wala sa ibang babae.

Magkakaibigan kaming apat, ako, si Ain, si Angel at Ange. Di naman ganyan ang pakikitungo ni Angel kay Ain noon. Magiliw ito kay Ain at mahal nilang dalawa ni Ange si Ain. Pero isang araw ay bigla na lang nagbago ang pakikitungo nito sa kapatid. Nagsimula ito ng maging kami na ni Ain. Ipagwalang bahala ko iyon. Naging mailap ito sa kapatid at malamig ang pakikitungo.

Dahil ahead ako ng tatlong taon sa kanilang tatlo ay nauna akong nag-graduate ng college. Sila ay 2nd year College pa lang ng panahon na iyon.

NASA opisina ako ngayon at pinatawag ko ang Private Investigator ko. Ipapahanap ko dito kung sino ang mga salarin, sino ang may kagagawan ng kamatayan ni Ain.

"Magandang Araw, Sir." nakangiting sabi ni Inspector Ramirez. Hindi ko ginantihan ang ngiti nito, gusto ko nang matapos ito at para mabigyan ko ng hustisya si Ain.

"Ano po ang kailangan mo at pinatawag nyo po ako." tanong ng PI ko.

"Pinatawag kita, dahil may ipapahanap ako sa iyo." sabi ko dito.

Umupo ang P.I ko sa visitor chair ko at nagtanong. "ano ang ipapahanap mo sa akin sir?"

"Gusto kong hanapin mo ang mga sangkot sa pagkamatay ni Aingelle Samonte."

Kunot noo niya akong tinignan. "Iyong babaeng natagpuan sa isang abandonadong gusali at sunog na ang katawan Sir?" tanong nito.

"Oo, gusto kong malaman kung sino ang mga sangkot sa krimen na iyon!" tumango-tango ito.

"Sige Sir. Bigyan mo ako ng tatlong linggo or isang buwan." sabi nito.

Kanina pa nakaalis ang PI ko. Naalala ko ang mga panahon na magkasama pa kami ni Ain. Sobrang saya ko noong mga panahon na magkasama kaming dalawa. Apat na taon na rin pala kaming dalawa, graduate na sana siya next year at magpapakasal na din sana kami. Mahal na mahal ko si Ain, to the point na handa kong ibigay ang buhay ko sa kanya.

Dalawang taon din akong nawala sa bansa. Akala ko okay lang si Ain. Akala ko, walang nangyaring masama kay Ain, pero nagkamali ako. Akala ko lang pala iyon. Sana ay isinama ko na lang si Ain at doon pinag-aral.

Dahil ang alam ko ay sa tuwing magkakausap kami ay lagi niyang sinasabi sa akin, na okay lang siya. Wala siyang problema. Pero ano itong nangyayari?

Napatayo ako at lumapit sa may salamin. Puro salamin kasi ang buo kung opisina. Napapitlag ako ng may biglang yumakap sa akin mula sa likuran.

"I miss you so much Az." bulong ni Angel.

"Paano ka nakapasok dito?" malamig kong sambit.

"Pinapasok ako ng sekretarya mo." sabi nito sa akin.

Hinarap ko siya at bigla niya akong hinalikan sa labi, agad ko naman siyang tinulak. Ilang ulit ko bang ipapaintindi sa babaeng ito na wala akong pagtingin dito, na di ko siya mahal.

"What the heck." sigaw nito.

"Stop it, Angel. Hindi ka nakakatuwa." madiin kong sambit dito.

"Mahal kita, Az, alam mo iyan. Noon pa man, mahal na kita. Pero bakit ganun, bakit si Ain pa rin?" may luha na sumungaw sa mga mata nito.

"Alam mo ang sagot ko dyan Angel, may mga katangian si Ain na wala ka. I am sorry, di ko kayang mahalin ka." sabi ko kay Angel.

"Az, please. Ako na lang!" niyakap niya ako ng mahigpit, pero agad ko ding hinawakan ang balikat nito. Inilayo ko siya sa akin.

"Kahit kailan ay hindi mo mapapalitan si Ain, sa puso ko." sabi ko dito, iniwan ko siya doon at lumabas na ako ng opisina ko.

Umakyat ako sa penthouse ko na nandito lang din sa building ng kumpanya ko. Gusto kong magpahinga, dahil ilang gabi na akong walang maayos na tulog ng umuwi ako na ang sumalubong sa akin ay ang kabaong ni Aingelle.

Agad akong pumasok sa kwarto ko. Nakita ko ang larawan ni Ain, nasa bedside table ko iyon, nakapatong doon. Dinampot ko ang larawan ng aking kasintahan at hinaplos iyon.

"Bakit mo ako iniwan Ain? Paano na ang mga plano natin?" di ko mapigilan ang lumuha. Nasasaktan ako, dahil wala na ang babaeng mahal ko.

Nangungulila ako sa kanya. umuwi ako ngayong araw na ito, to surprise her. But, sadly, I am the one who was surprised. Akala ko may isang Aingelle pa akong madadatnan, akala ko sasalubungin niya ako ng mahigpit na yakap at halik, pero nagkamali ako, kabaong pala ni Ain ang sasalubong sa pag-uwi ko mula sa ibang bansa. Akala ko makakasama ko pa nang matagal si Aingelle.

Bakit mo kinuha ng maaga sa akin si Ain?

Pangako, Ain. Pagbabayarin ko ang may gawa sa iyo nito. Pangako ko sa iyo, bibigyan kita ng hustisya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire Revenge (Hidden Desire Series #13)   Book 2 Special Chapter

    Anastacia POV"Anastacia, please!" sigaw nito."Pwede ba. Tantanan mo ako, Clyde. Hindi ako uuwi.""But dad need you.""Sabihin mo kay dad. I am happy sa buhay ko ngayon. Masaya ako, dahil may nagmamahal sa akin. Mahal nila ako, kung sino ako.""But, they didnt know you. For god sake, Anastacia.""Iyon nga ang gusto ko eh. Mahal nila ako bilang si Stacy Aragon. Hindi si Anastacia Morthon Miller."Hindi ito nagsalita. Kaya iniwan ko na ito. Papunta kasi ako sa kumpanya na pinagta-trabaho-an ng asawa ko. Yes, I am married. Kasal ako sa lalaking mahal ko at mahal ako.Nang makarating ako sa kumpanya at agad akong dumiretso sa elevator. Hindi na ako dumadaan sa reception. Dahil kilala naman nila ako."Hi, Milley, si Kurt nandyan ba?"Nagulat si Milley nang makita niya ako. Para ba itong nakakita ng multo. Kumunot ang noo ko. Tumingin ako sa pinto ng opisina ng asawa ko. Dahil alam ko na ang klaseng tingin ni Milley sa akin."Who is this time, Milley?" tanong ko sa kanya."Anak ng isa sa b

  • The Billionaire Revenge (Hidden Desire Series #13)   Book 2 Epilogue

    Maria Lyn POVNasa gilid lang ako. Nagbabasa ng magazine at tinitignan ang pag te-therapy ni Ezekeil. He had an improvement. Determinado talaga itong makalakad muli.For 8 month since his therapy. Walong buwan din ang ginugol nito upang makalakad talaga ng maayos. Ngayon na tapos na ang session nito at maayos na ang lakad nito ay natutuwa ako."This is your last session, Mr. Miller. You are such an obedient patient. I hope I can see more patients like you.""Thank you, too. Doc. Sanchez."Tumayo na ako. Dahil alam ko na aalis kami ngayon at kakain sa isang restaurant. We will celebrate now. Dahil nakakalakad na talaga ito ng maayos ngayon."Let's go, baby.""Sure, love."Hinawakan nito ang baywang ko at pinatakan ng halik ang aking ulo."I miss you, you know.""Ezekiel, kailangan nating pumunta sa restaurant na nireserved ng pamilya natin.""I miss you.""Nakailan ka kagabi? Hindi mo ako pinatulog."Ngumuso ito. Totoo naman talaga na hindi niya ako tinantanan kagabi. Sobrang lakas ng

  • The Billionaire Revenge (Hidden Desire Series #13)   015

    Maria Lyn POVNasa tabi ako ni Ezekiel. Limang buwan na kami dito at hangganv ngayon ay hindi pa rin siya gumigising. Pero ang sabi ng doktor ay may chance na gumising ito."Love, winter na dito. Sobrang ginaw. Hindi kaba giniginaw? Ang haba na nang tulog mo. Gising ka na. Gusto na kitang makasama. Gusto ka na naming makasama."Araw-araw iyon ang ginagawa ko. Kausapin siya. Dahil sabi ng doktor ay nakakatulong daw iyon. Para sa progress nito. Kaya araw-araw. Kinakausap ko ito."Alam mo bang si Leigh ay magaling sa klase? Palaging kinakausap ka din noon. Pag kagalinh sa school. Hindi ko na din naaalagaan ng maayos ang mga anak natin. Please, gumising ka na. We need you. I need you."Hindi ko mapigilan ang umiyak. Dahil sa sitwasyon namin ngayon. Noong nakaraang buwan lang ay may pumasok dito ay nag code blue si Ezekiel. Buti na lang at nahuli ang salarin. Ayon dito, may nag utos daw sa kanya at hindi namin nakuha ang pangalan ng totoong may sala. Dahil namatay na lang bigla ang lalaki.

  • The Billionaire Revenge (Hidden Desire Series #13)   014

    Maria Lyn POVHindi kami pwedeng tumigil. Dahil alam ko na hinahabol niya kami. Akala ko talaga ay napatay na ito. Pero hindi pala. Napatay niya pala ang kanyang tauhan."Takbo, Maria Lyn, Ezekiel. Maabutan ko din kayo!" sigaw nito."Tumigil muna tayo, Maria Lyn. Pagod na ako.""Hindi pwede, Ezekiel. Kaya tumayo ka.""Iwan mo na ako. Tumakas ka na.""No, hindi kita iiwan."Humihingal din ito. Dahil kanina pa kami tumatakbo. Nanghihina na din ako. Dahil nakikipaglaban pa ako kanina kay Mezzy.Nasa kagubatan kami ngayon. Pinag-aralan din namin ang kagubatan na ito."Malapit na tayo sa labasan. May nag-aantay sa atin doon. Kaya, lalaban tayo," sabi ko sa kanya. Hinawakan ko ang kamay nito.Tumayo ito at tumakbo kaming muli. Alam ko na malayo pa ang bukana ng kagubatan na ito. Pero kailangan namin makipagsapalaran. Lalo na ngayon na alam ko na naghihintay sa amin ang mga anak namin. Patuloy lang kami sa pagtakbo. Hanggang sa makita ko ang bukana ng kagubatan. Ngunit bago pa kami makaratin

  • The Billionaire Revenge (Hidden Desire Series #13)   013

    Maria Lyn POVLumayo ako sa kanya. Pero hindi pa man ako nakakaupo ng maayos ay binangga ang aming sasakyan. Kaya tumilapon ako sa isang bahagi ng sasakyan. Huling naalala ko at nakita ko at pilit na inilalabas ng sasakyan ang nanghihina na si Ezekiel."Ezekiel!" tawag ko sa kanya."Hindi ka na sana nakialam. Ngayon, mauuna kang mama–"Isang putok ng baril ang narinig ko bago ako nawalan ng malay.Nagising ako na masakit ang ulo ko. Buong katawan ko. Nagmulat ako ng mga mata at tumambad sa akin ang mga mukhang ng mga taong malapit sa akin. Alam kong nag-alala sila sa akin."I am okay." assurance ko sa kanila."Okay? Look at you. Nandito ka sa hospital, nakaratay. Ilang araw na walang malay. Tapos sasabihin mong okay ka lang!" galit na sambit ni Kuya kier.Ngumiti na lang ako. Dahil alam ko na sobrang nag-alala ito sa kalagayan ko."Mom, please, don't do it again.""Okay."Iginala ko ang paningin ko sa paligid. Kompleto lahat ng pamilya ko. Pero isang tao ang gusto kong makita."Si Eze

  • The Billionaire Revenge (Hidden Desire Series #13)   012

    Maria POV"Who are you?" Iyon agad ang tanong ni Ezekiel sa akin. Matapos naming kumain ng agahan. Dito kami sa isang restaurant sa baba ng condo na inuukupa nito."Can we talk that in private?" saad ko."No, dahil once na mapag-isa tayo. Iba ang nararamdaman ko. Gusto kitang angkin ng paulit-ulit."Ngumisi ako. Dahil ganun din naman ako."Actually, I am your wife. At hindi si Mezzy ang asawa mo."Hindi agad ito napagsalita. "I am sorry, Ezekiel. Kung nagsinungaling ako sa iyo. Noong una, hindi ko naman talaga na ikaw ang business partner ko. Until my secretary. She took you a photo at pinakita niya iyon sa akin. Alam ko na hindi ako makakagalaw ng mabuti sa Paris. Dahil alam kong nandoon si Mezzy. Kaya pinalabas ko na gusto kitang makausap dito sa Pinas. For 10 years. Akala ko nawala ka talaga sa amin. I feel like dying. Pero naging matatag ako. Dahil sa mga anak nating dalawa."Hindi agad ito nakapagsalita. Nakatitig lang ito sa akin."How can I be sure na nagsasabi ka ng totoo.""C

  • The Billionaire Revenge (Hidden Desire Series #13)   011

    Maria Lyn POVNagsisimula na ang party. Halos lahat ng mga mata ng mga tao ay nasa akin–hindi nasa kasama ko. Dahil masquerade ang theme ng party ay madaling naitago ang mukha ni Ezekiel. Tiyak, lalabas sa news ang balitang ito."Ms. Mothor—no Mrs. Miller, who is with you?"Alam kong napatingin si Ezekiel sa akin. Pero kailangan kong magsalita."He is just my business partner.""Oohh, really? Baka naka move on ka na sa namayapa mong asawa.""No, I love him. No one can replace him in my heart.""Is that said so."Hinayaan na kami ng mga reporter. Halos lahat ng mga mata sa akin ang tingin."Maria, Can I talk to you.""Excuse me, Ezekiel."Sumunod ako kay Nicole.Pumasok kami sa isang kwarto."Are you sure about your plan, Maria?""Yes, Kuya Kier. Gusto kong mapalabas sa lungga ang babaeng iyon. All this year. She hide Ezekiel from me. Kaya ito na ang tamang panahon, upang maningil. I need to help, Ezekiel, too. Kailangan na bumalik na ang mga ala-ala nito.""I see from him. That he is

  • The Billionaire Revenge (Hidden Desire Series #13)   010

    Ezekiel POV"Sir," nag-angat ako nang tingin nang nasa harapan ko ang sekretary ko."Yes?" tanong ko dito."May meeting po kayo with Ms. Maria Lyn.""Sige, Erwin, salamat," nakangiti kong sambit dito."Sir, gusto po sana ni Ms. Maria Lyn sa personal.""Okay, papuntahin mo na lang siya dito. Make her an appointment.""Pero sir, kung pwede daw sa Pilipinas. Kasi po busy po siya at hindi agad makabalik dito sa paris. Para po makapagpirmahan na kayo ng kontrata."Napaisip ako. Papaano ko ba lulusutan ito, na hindi malalaman ni Mezzy."Wag mong bangitin ito kay Mezzy. Sabihin mo na lang na may meeting ako aboard. Wag sabihin sa kanya na sa Pinas ako pupunta.""Sige, sir."Napasandal ako sa sandalan ng swivel chair ko. Alam ko na mali ang gagawin ko. Sa paglilihim kay Mezzy tungkol sa pagpunta ko sa Pinas. Pero kailangan. Dahil alam ko na nandoon din ang kasagutan sa bawat tanong ko."Hi, baby!" nakangiting mukha ni Mezzy ang bumungad sa akin. "I bring a food for you. Lunch na din kasi.""W

  • The Billionaire Revenge (Hidden Desire Series #13)   009

    Maria Lyn POVAgad kong inihinto ang kotse ko. Lumabas ako at kinuha ang bulaklak. Upang ilagay doon. Isinuot ko din ang dark shade ko."It's been a while, love. 10 years to be exact. Pero bakit ganun. Kahit sampung taon na ang lumipas mula nang iwan mo kami ay parang kahapon lang iyon nangyari? Alam mo bang malalaki na ang quadruplets. Maasahan na sila sa lahat ng bagay. Lalo na sa pagbabantay sa bunso natin."Hindi ko mapigilan ang umiyak. Dahil kahit na matagal na nangyari ang masalimo-ot na nangyari sa buhay ko ay para bang kahapon lamang iyon nangyari.Nandito ako ngayon sa isang warehouse kung saan kasama si Ezekiel sa pagsabog. It is his 10 years death anniversary. Kaya taon taon akong pumupunta dito. Tuwing death anniversary nito. Inilagay ko ang bulaklak doon.Tumunog ang cellphone ko at agad ko iyong sinagot."Yes, pumunta lang ako sa pinangyarihan noon. I know, Nic. Thanks for your concern. Pero alam mo naman na hindi matatahimik ang kaluluwa ko pag hindi ako nakadalaw. Don

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status