เข้าสู่ระบบRizza's POV May ilang importanteng meeting siyang kailangang asikasuhin at sinabi niyang may makakausap siyang investigator sa hapon.Ako naman ay naiwan sa mansyon dahil gusto kong samahan si Asher.Abala kami sa sala sa paggawa ng drawing nang biglang pumasok na kasambahay.Pinaalam sa akin na may bisitang naghahanap sa amin ni Asher. "Mama! Someone's here!" bulalas ni Asher."Stay there, baby boy."Tumayo ako at dumiretso sa pinto.Nagulat ako nang makita si Alexander."Alexander?"Ngumiti siya. Na para bang wala siyang alam sa mga nangyayari sa paligid niya. Wala ba talaga siyang alam o sadyang wala siyang pakialam?"Surprise!""Hi. Anong ginawa mo dito, Alexander?""I hope I'm not interrupting anything.""No, not at all. Come in."Pumasok siya at may iniabot na paper bag."I brought something for Asher."Agad na lumapit ang anak ko nang marinig ang pangalan niya."Tito Alexander!""Hey, little man!"Binuhat niya si Asher at bahagyang iniikot."How's my favorite artist?""I'm draw
Rizza's POV Gabi na nang makauwi kami sa mansyon.Nasa sala si Damian habang may kausap sa telepono. Nasa tabi niya ang ilang dokumento at laptop. Nang makita niya kami ni Asher, agad siyang tumayo. "Hey, buddy!" "Daddy!" Binuhat niya ang anak namin at hinalikan sa pisngi. "How was school?" "Good! Look what Tito Alexander gave me!" Ipinakita ni Asher ang drawing book at colored pencils. Napatingin si Damian sa mga iyon. "Alexander gave you these?" Tumango si Asher. "Yes! He's nice, Daddy." Saglit na nagkatinginan kami ni Damian. "That's good, buddy. Why don't you go upstairs and show gradma your drawings?" "Okay!" Hinalikan niya ang daddy niya bago tumakbo papunta sa hagdan. Nang makaalis si Asher, humarap ako kay Damian. "Alexander visited his school." "I know. My security team already informed me." "Bumili siya ng mga libro pambata. Tapos binigyan din niya si Asher ng art materials." Hindi siya agad sumagot. "Did you talk to him?" "Y
Rizza's POV Hindi naging maganda ang tulog ko kagabi.Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang nangyari sa amin ni Damian. Ang mga lalaking humarang sa sasakyan namin, ang pagbabanta nila, at ang mensaheng natanggap ng fiancé ko. At higit sa lahat ang palitan nila ng salita ni Damian at ni sir Darius.Kahit hindi man sabihin ni Damian sa akin.Nararamdaman ko na nalungkot siya sa nangyari.Dahil hindi lang kaibigan ang turingan nila sir Damian kundi magkapatid na rin. Hindi ko alam kung sino ang may kagagawan no'n, pero isang bagay ang sigurado ako hindi basta-basta titigil ang taong iyon hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya. Maaga akong bumangon upang ihanda ang almusal ni Asher. Nasa kusina ako at inaayos ang kanyang baon nang dumating si Damian. "Good morning, baby." Lumingon ako at ngumiti nang bahagya. "Good morning.Ang aga mong nagising." Lumapit siya at hinalikan ako sa noo. "I couldn't sleep well." Napatingin ako sa kanya. "Dahil ba sa mga pangyayari?"
Rizza's POV Hindi pa lumilipas ang isang oras nang biglang bumukas ang pínto ng opisina ni Damian.Napaangat ako ng tingin. Si sir Darius. Hindi ko pa man siya nababati ay napansin ko na agad ang seryosong ekspresyon ng mukha niya. "Damian. We need to talk," wika niya,sa seryosong boses. Napatingin si Damian sa kanya. "What's wrong?" "What the hell is this?" Inilapag ni sir Darius ang cellphone niya sa mesa. Nakita ko ang isang litrato ng dokumentong may pangalan ni Alexander Montenegro. Saglit na nagkatinginan sina Damian at sir Darius. "Where did you get that?" tanong ni Damian. "That's not the point. I heard you ordered a private investigation against my cousin." Hindi man sabihin ni sir Damian na galit siya pero halata naman sa boses niya. Nakaramdam tuloy ako ng takot baka mag-away pa itong dalawang magkaibigan. Napahinga ako nang malalim. Hindi ko inaasahan na ganito kabilis malaman ni sir Darius ang ginawang hakbang ni Damian laban sa pinsan ni sir Dar
Rizza's POV Pagdating namin sa opisina ni Damian, agad niyang ipinatawag ang kanyang secretary. Bukod sa personal assistant niya ako.May secretary pa siyang lalaki na siyang nag-aayos sa kanyang nga schedule. Ang gastos ni Damian sa tao.Pwede naman kasi ako na din ang gawin niyang secretary.Pero sabi nga niya ayaw niyang mahirapan ako sa trabaho ko. "Cancel my meetings for this morning," maawtoridad niyang utos sa secretary niya. "Yes, sir." "And ask Mr. Reyes to come to my office. Tell him it's urgent." Ang tinutukoy niya ang kanyang private investigator. "Understood, sir." Pagkaalis ng secretary niya, inilapag ni Damian ang cellphone sa mesa at tumingin sa akin. "Sit down, baby." Umupo ako sa sofa habang siya naman ay dumiretso sa kanyang mesa. "I need to discuss something with you,baby." Napatingin ako sa kanya. "What is it?" "I want you to be careful about the people around us." Napakunot ang noo ko. "What do you mean?" nagtataka kong tanong. "Not everyone who
Rizza's POV Maaga akong nagising kinabukasan dahil sa sunod-sunod na pagtunog ng cellphone ko.Nasa tabi ko si Damian na mahimbing pa sanang natutulog. Ngunit nang mapansin niyang gumagalaw ako, bahagya siyang nagmulat ng mga mata. "What's wrong, baby?" "Someone keeps calling me." Kinuha ko ang cellphone ko sa bedside table. Sunod-sunod ang notifications mula sa mga kaibigan ko na sila Janette at Donna, kasamahan sa trabaho, at maging sa ilang taong hindi ko naman gaanong kakilala.Napakunot ang noo ko nang makita ang mga mensahe. Agad akong napaupo sa kama nang mabasa ko ang isang headline mula sa isang online news page. BREAKING NEWS: BILLIONAIRE DAMIAN VERGARA, FIANCÉE AND SON, INVOLVED IN HIGHWAY AMBUSH! Nanlamig ang mga kamay ko. "Damian..." Agad siyang bumangon nang marinig ang tono ng boses ko. "What is it?" Iniabot ko sa kanya ang cellphone ko. "Tingnan mo ito." Wika ko sa mahinang boses. Kinuha niya iyon at binasa ang headline. Hindi ko alam kung ano







