Share

KABANATA 31

Apolonia

Sa kalagitnaan ng pagkain ay may mga dumating upang makisalo sa mesang inookupa namin. Maingay at kanya-kanyang kuwentuhan at halakhakan ang mga ito.

Samantalang ako ay heto at tahimik lamang habang inuubos ang dessert na bet na bet ko, ito lang kasi ang masasabi kong na-enjoy kong kainin. Dahil siguro nalipasan na ng gutom ay hindi ko tuloy naubos ang kanin at ulam sa plato ko kaya bumawi na lang ako sa dessert, mabuti na lang at 'yong bet kong strawberry shortcake ang isinilbi sa amin.

Medyo nalungkot nga lang ako nang malunok ko na ang huling piraso na isinubo ko. Bitin kasi.

"Here, you can also have mine."

Nagulat ako nang itinulak ni Druskelle palapit sa akin ang platito ng dessert na para dapat dito pagkatapos ay ibinalik na nitong muli ang atensyon sa mga kasama namin sa mesa.

Seryoso ba? Ibibigay ulit nito sa akin ang dessert nito?

Napakurap-kurap ako.

Makalipas ang ilang segundo nang matanto siguro nito na hindi pa ako gumagalaw ay binalingan ako nitong muli.

"What?
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status