Share

Chapter Thirty Three: What If's

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin ako kinakausap ni Wesley. Dalawang araw na ang lumipas simula ng pagtalunan namin ang patungkol sa mga larawan na ibinigay ng kanyang ina.

Ngayon ay naririto ako sa isang parke kung saan ay napagkasunduan namin ni Cindy na magkita. Halos dalawampung minuto na akong naghihintay sa kanya ngunit hindi pa rin siya dumarating.

Naupo muna ako sa isang bench at inabala ko muna ang aking sarili nang sa gayo'n ay hindi ako mainip. Kinuha ko ang aking cellphone at earphone. Kapagkuwa'y nakinig muna ako sa mga kanta ni Dua lipa. Hindi ako nakuntento sa pakikinig lang kaya't mas pinili kong sa youtube na lang nang sa gayo'n ay mapanood ko rin ang kanyang music video. Pakiwari ko kasi ay nari-relax ang utak ko sa tuwing naririnig ko ang kanyang mga kanta.

Makalipas ang ilang minuto ay naramdaman kong may biglang umupo sa aking tabi. Subalit binalewala ko lamang iyon. Dahil ang buong atensiyon ko ay naroon sa aking pinapanood at pinapakinggan. Palagay r
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status