Share

Chapter 7: Little monkey.

Author: Olive Everly
last update Last Updated: 2025-08-24 00:08:07

Chapter 7: Little monkey.

Trego's P.O.V.

We are in position, nakatago ako sa taas ng tree house samantalang nasa baba naman ang dalawang magkapatid. Naka-hawak si Kuya Santino ng megaphone at akmang magsasalita pero binulungan siya ni Nazareth.

Pinanood ko lang sila. Kumunot ang noo ko nang pinatayo ni Nazar ang nag-iisang babae sa grupo.

Kaya wala akong sinayang na oras at bumaba ng Tree House.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Nazareth Azrael?!" Sigaw ko.

"Walang dapat madamay na babae, that's one of our rules,"seryosong tugon niya.

"She's a ghoster. Why not let her become a real ghost?!"

"Hindi siya kasali and that's final." Nagsukatan kami ng tingin ni Nazar.

"Okay, sabi mo," pinaikot ko ang aking dila sa loob ng aking pisngi sa sobrang pikon ko.

Tumalikod ang babae, aalis na sana— 'sana' pero mabilis kong binunot ang tinatago kong injection, tinanggal ko ang needle cap gamit ng aking ngipin at mabilis na isinaksak sa leeg ng babae.

"Trego!" Sigaw nilang dalawang magkapatid. Para silang kambal tuloy.

"Easy, hindi ko pinatay pinatulog ko lang."

NATAPOS ng mabilis ang laro dahil hindi pa rin humuhupa ang emosyon ko, hindi pa lang tapos sa pagbibilang ng sampu si kuya Santino, inubos ko na silang lahat.

"Ang bilis mong mapikon para ka laging nireregla!" Biro ng dalawang magkapatid bago ako umalis.

Aminado naman ako, mainitin ang ulo ko, kulang sa pasensya, pagtitiis at madalas hindi makapaghintay.

Lisha's P.O.V.

Magtatakip silim na nang tawagan ako ni Diana na aalis daw silang mag-asawa kaya nakiusap siyang ako muna ang magbantay sa mga anak niya.

Naghanda agad ako para umalis, nagpaalam ako kay Lola na bukas na siguro ako makakauwi ng bahay. Palabas na sana ako ng pinto nang may makita akong laruan—it's a small monkey with a drum.

Napatitig ako sa toy monkey lalo na nang bigla na lang itong tumugtog ng basta-basta. Ang cute ng tunog parang pang nursery rhyme pero hindi ko lang matandaan ang title.

Inangat ko siya ng dahan-dahan at may sumilip na ngiti sa aking mga labi. Iba ang texture ng skin ng nasabing laruan, para ngang skin ng totoong tao, tapos may isa pa akong napansin, parang totoo rin ang kulay tsokolate nitong mga mata.

Ang cute!

Ang galing pa ng pagkakagawa ng naturang laruan.

When the song comes to an end, may bigla na lang mga maliliit na bulaklak ang lumabas mula sa drums na hawak ng monkey na literal na ikinagulat at mas lumapad pa lalo ang ngiti ko.

Red morning glory flowers ang lumabas sa drums. Noong una akala ko hindi ito totoo pero nang haplusin ko ang mga petals nito ay sobrang natuwa ako.

Nawala lang ng biglaan ang aking matamis na ngiti nang sumulpot ang isang matangkad na Trego sa harapan ko.

"Mukhang nagustuhan mo ang bigay ko, next time dadamihan ko," masiglang sabi nito.

Hindi ko alam kung ibabalik ko ba sa kanya o tatanggapin na lang. Wala namang masama kung bibigyan niya ako ng bulaklak— I just feel uncomfortable around him.

Diba kapag binigyan ng ganito ng isang lalaki ang babae ay parang traditional na panliligaw na ang labas nito o kahit simpleng regalo lang tapos hindi naman kayo close ay parang iba na ang ihip ng hangin?

"Sorry ha, hindi kita mahaharap ngayon nagmamadali kasi ako—may pupuntahan ako," pinahawak ko sa kanya ang naturang toy monkey at mabilis na sinarado ang pinto namin.

"Sorry," hindi man dapat ako mag-sorry o dapat mag-explain ako ng maayos sa kanya pero iba ang pinagawa sa akin ng utak ko. Basta na lang akong umalis sa harap niya na parang takot na takot na kuting.

Lumingon pa ako ng isang beses, nakatayo lang siya, hindi tulad noong nakaraang araw na hinabol niya ako. Pero, hindi naalis ang titig niya.

"Sige,hintayin kita dito. Mag-iingat ka," bilin pa nito.

Hindi ako pwedeng pakampante, binilisan ko na lang ang paghakbang kasi paano kung talkshit siya at habulin nanaman niya ako?

Nakarating ako sa bahay nila Diana between ten to twenty minutes. Nanonood ang mga bata ng anime. Samantalang ang mag-asawa ay hindi ko na nadatnan na nasa bahay pa.

Napakamot na lang ako sa ulo at kinuha ko agad si baby Ajax na kalong-kalong ni Aeson.

"Umalis na agad ang papa't mama niyo?" Tanong ko kay Aeson.

"Opo tita. Mga kanina pa pong tanghali," inosenteng sabi nito at narinig ko agad ang kumukulong tiyan niya.

Kaya rin pala ang lakas ng iyak ni Ajax hindi pa ata sila nakakain mula kanina. Naghanda ako ng quick and easy meal na pwede panghapunan at gatas para sa dalawang bata. Buti na lang binilisan kong pumunta dito.

TANGHALI na ako ng sumunod na araw pinayagang umalis ni Diana dahil dumating silang mag-asawa ng mga 11 am na.

Nilakad ko mula bus station hanggang sa bahay namin. Tunog ng elevated shoes ko na lumalapat sa semento at mga sasakyang dumaraan ang naririnig ko lamang sa mga oras na ito.

But a loud thump of my heart replaced all that outdoor noises when I saw him.

Trego is still standing there in front of our house. Same spot, same stunts, straight body, nakatingin pa rin siya ng deretso sa aking direksyon.

Nag-aalinlangan man ay nilapitan ko pa rin siya dahil ano nga bang magagawa ko? Nakatanim na ata ang mga paa niya sa harap ng bahay namin, sa tagal niyang nakatayo at nakadilat ang mata.

"Trego, umuwi ka na." Walang ganang sabi ko. Pero hindi siya gumalaw man lang o nagsalita.

"Trego, please. Umuwi ka na sainyo. Wala ka bang tra—" napahinto na lamang ako sa pananalita nang makarinig ako ng malakas na hilik.

Hilik? Pero kanino galing?

Nakamulat naman ang mga mata ni Trego—but he's not blinking. Only the heavy movement of his inhale and exhales are visible.

Halos ilapit ko na ang tenga ko sa bibig niya—nakarinig nanaman ako ng isang hilik.

Natulog siyang ganito ang position?!

Hindi eh, noong iniwan ko siya, hawak niya yung monkey sa left hand—left hand nga ang nakahawak ngayon, tapos steady pa.

Inikutan ko pa talaga siya para suriin at nang makabalik ako sa harap niya, kinuha ko ang isang pandilig ng halaman ni lola sa gilid at sinabuyan siya ng tubig—

"Putangina ang lamig!"

Tsaka lang siya napatalon at sumigaw. Bumalik naman siya agad sa reyalidad at ngumiti sa akin sabay sabi ng, "nakabalik ka na agad, kamusta lakad mo?" Masiglang sabi nito na para bang ang nasa isip niya ay madilim pa at pagabi.

He waited for me?

In the same spot

Same position.

Same facial expression.

I sighed, "hintayin mo ako dito may kukunin lang ako sa loob.

Dumeretso akong umakyat sa kwarto at hinanap ang binigay niyang coat. Ayokong umasa siya na may pag-asang magugustuhan ko siya.

Yup, he's tall, muscular, and handsome with or without the stitches on his face, but I'm not in the mood to have a love life now.

Sunod kong hinanap ang lumang jewelry box ko and pulled a plain gold ring that my parents gave me when I turned 18.

Isinuot ko ito at agad na tumakbo palabas ng bahay para iabot ang kay trego ang nasabing coat.

"Gusto kong ibalik 'to sayo," malumanay kong sabi.

Tinitigan lang niya ang mismong coat, "that's for you, why would you—"

"Ayokong umasa ka. I like this coat, oo, pero pag-iipunan ko kung balak ko itong bilhin, tsaka, ang cute naman talaga ng unggoy na laruan na dala mo. Nagustuhan ko 'yong mismong flowers," nagbuntong hininga ako.

I'm not good with this one, I mean, I'm not good at rejecting people. Iniisip ko kasi na ayokong makasakit ng iba at paano rin kung ako ang nagkagusto tapos i-reject rin ako? Diba masakit kapag nasa gano'ng sitwasyon?

But the situation will get worse when you prolong something that should have ended, because instead of moving on to a better event or life, you’re only deepening the wound and dragging the pain further.

And I added a note even if there's a hard marble clogging my throat, "Pero...hindi kita gusto."

Hindi agad siya nakasagot kaya hinayaan ko lamang siyang i-process lahat ng iniisip at nararamdaman.

Umatras ako ng bahagya at akmang papasok na sana ng pinto, nakatalikod na ako sa kanya nang magsalita siya ulit—

“Mamahalin mo rin ako pabalik. Wala kang pagpipilian. Hindi ako papayag na hindi tayo magkapareho ng nararamdaman. Babalik ako, babalikan kita, at sisiguraduhin kong wala ka nang ibang pagtataguan at magagawa pa kung hindi manatili sa tabi ko, Lishana."

______

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Collector's Darling (Brutal Order Series 2-Taglish)   Chapter 8: Heels running on the treadmill

    Trego's P.O.V. Location:Capo di Monte Towers 4 AM pa lang ng umaga ay bumisita na ako sa Capo di Monte Towers, ang condominium building kung saan namamalagi ang aking kapatid na si Ate Draga, but she's not here right now. Naka-deploy siya sa military. Naglakad ako sa hallway at kumaway sa bawat CCTV camera na makikita ko na parang isa akong sikat na artista kaso hindi kami pantay ng kalidad ni Keanu Reeves, mashinigitan ko kasi siya. Pagkadating ko sa tapat ng door ng unit ni Ate Draga, tinipa ko agad ang pass code. Napakadali niyang maglagay ng pass code dahil makakalimutin siya pagdating sa numero. Anong password niya? 0000 Ang hirap memorize, hindi ba? Pinihit ko ang doorknob at pumasok ng dahan-dahan. I stroll towards her closet kung saan nakalagay ang mga sapatos niya. Iba-iba ang types ng sapatos. From flat sandals, flat closed-shoes, boots na walang heels at boots na may heels, boots na may chain tapos 'yong isang wala, boots na low-cut at isa naman ay may high-cut

  • The Collector's Darling (Brutal Order Series 2-Taglish)   Chapter 7: Little monkey.

    Chapter 7: Little monkey. Trego's P.O.V. We are in position, nakatago ako sa taas ng tree house samantalang nasa baba naman ang dalawang magkapatid. Naka-hawak si Kuya Santino ng megaphone at akmang magsasalita pero binulungan siya ni Nazareth. Pinanood ko lang sila. Kumunot ang noo ko nang pinatayo ni Nazar ang nag-iisang babae sa grupo. Kaya wala akong sinayang na oras at bumaba ng Tree House. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Nazareth Azrael?!" Sigaw ko. "Walang dapat madamay na babae, that's one of our rules,"seryosong tugon niya. "She's a ghoster. Why not let her become a real ghost?!" "Hindi siya kasali and that's final." Nagsukatan kami ng tingin ni Nazar. "Okay, sabi mo," pinaikot ko ang aking dila sa loob ng aking pisngi sa sobrang pikon ko. Tumalikod ang babae, aalis na sana— 'sana' pero mabilis kong binunot ang tinatago kong injection, tinanggal ko ang needle cap gamit ng aking ngipin at mabilis na isinaksak sa leeg ng babae. "Trego!" Sigaw nilang dal

  • The Collector's Darling (Brutal Order Series 2-Taglish)   Chapter 6:Run a little, skip a little

    Chapter 6:Run a little, skip a littleLisha's P.O.V.Noon, ang estilo ng mga guhit ko ay parang sa Thumbelina 'yon kasi ang nakasanayan kong basahin noong bata pa lang ako. Magaan, makulay, at puno ng buhay. Puro pastel ang ginagamit ko, malambot rin ang mga linya, at ang mga tauhan ay may inosente at kalmadong anyo. Laging may mga bulaklak, dahon, at kahit anong bagay na konektado sa nature na nagbibigay liwanag at hiwaga sa bawat pahina.Pero mula nang nakilala ko ang lalaking may tahi-tahing mukha sa loob ng club, nag-iba ang lahat. Naging madidilim ang kulay ng mga ginuguhit ko. Ang mga mata ng tauhan ay hindi na inosente. Kailangan kong makaisip ng bagong obra at makagawa ulit ng isang bagong libro para sa contest sa susunod na buwan at may kikitain rin ako kapag naibenta ko ito.Sinubukan kong manood ng mga cartoon movies o kaya naman pinapanood ko ang mga bata sa Park na ilang distansya lang ang layo sa aming bahay para lamang mare fresh ang utak ko at may mailagay akong bag

  • The Collector's Darling (Brutal Order Series 2-Taglish)   Chapter 5: Her Personal Profile 

    Chapter 5: Her Personal Profile Trego's P.O.V.MAYBE I'm just flabbergasted that someone would take the risk to touch my stuff without my prior permission. It's not all about the thrill. She's not that unique or her face structure is simple and typical asian, but somehow, there is something amusing, easy, and calming about her presence. I'm not saying that 'I love her' because I'm not a fan of cliche rom-com stories where the main couple fell for each other immediately in the first episode.But I like it when—She can run at nakakasabay siya sa pagtakbo ko even if biologically speaking, we, males, are naturally faster than females when it comes to running. That's why most of my victims are males, and I rarely, to be honest, pick women as my prey.I'm a devil's offspring, and I won't deny it, but I always choose whoever matches my size and weight. Plus, depende kung deserve ng tao mapabilang sa listahan ng mga biktima ko. Para lang 'yang pageant at ako lang ang judge, may criteria.N

  • The Collector's Darling (Brutal Order Series 2-Taglish)   Chapter 4: Shout for my life

    Chapter 4: Shout for my lifeLisha's P.O.V.HINDI ko akalain na makakakita at makakasalamuha ako ng isang takas na pasyente mula sa mental. May behavioral issues pala 'tong taong 'to at basta-basta na lang pupunta o pumapasok sa hindi naman niya teritoryo.Tinitigan ko lang si Trego na nakatitig rin sa akin pabalik, tsaka ako umatras ng bahagya."Pasok na," anyaya niya, tinuro pa niya ang loob na para bang guard sa isang fast-food chain.Dahan-dahan akong umiling. Nagsisitayuan ang mga balahibo ko sa katawan, marahil ay dahil sa lamig o mas tamang isipin ay dahil sa kaba na uti-unting umuusbong sa aking pagkatao. Hindi naman siya pangit. Hindi rin naman siya nakakatakot. Tao pa rin naman siya, may tahi lang sa kanyang balat pero kung tutuusin, may itsura siya. Parang natural lang ang kulay rusty-brown niyang mga mata, at sabog slash, makapal niyang mga kilay, ang ilong niya ay katamtaman lang ang tangos, hindi ito nakakatusok o nakakamatay sa sobrang tangos pero pwede siyang maging m

  • The Collector's Darling (Brutal Order Series 2-Taglish)   Chapter 3: The Coat

    Chapter 3: The CoatLisha's P.O.V."You don't have to do that, sit down," sabi ng lalaki. Pero patuloy na naka-bow ang mga tauhan nito. Parang takot silang tumayo ng tuwid."This is your rest day, day-off niyo. No need to give me a piece of respect," he added at walang pasabing umupo sa tabi ko kaya napalundag ako sa kabilang dako kung nasaan mga kaibigan ko nakaupo."Okay ka lang?" Siniko ako ni Diana, at tumango na lang ako bilang sagot. Dapat ba akong mag-sorry dahil pinakialaman ko ang gamit niya? Siguro mamaya na kapag nakalimutan na niyang tumitig sa akin.Sinusundan niya ng tingin ang lahat ng galaw ko.Lumipas ang 30 minutes, hindi pa rin siya kumukurap at tumitigil kakatitig sa akin. May pumasok na parang waiter or butler sa loob ng VIP room Nakasuot ito ng dark red inner dress shirt at black vest. Lumapit ito sa lalaking may tahi sa mukha at binulungan niya ito. Tumingin sa amin ang nasabing butler pagkatapos at pinagmasdan kami isa-isa, tsaka ito umalis ng room.Kinurot ko

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status