Share

Chapter 4: Shout for my life

Author: Olive Everly
last update Last Updated: 2025-08-20 14:04:15

Chapter 4: Shout for my life

Lisha's P.O.V.

HINDI ko akalain na makakakita at makakasalamuha ako ng isang takas na pasyente mula sa mental. May behavioral issues pala 'tong taong 'to at basta-basta na lang pupunta o pumapasok sa hindi naman niya teritoryo.

Tinitigan ko lang si Trego na nakatitig rin sa akin pabalik, tsaka ako umatras ng bahagya.

"Pasok na," anyaya niya, tinuro pa niya ang loob na para bang guard sa isang fast-food chain.

Dahan-dahan akong umiling. Nagsisitayuan ang mga balahibo ko sa katawan, marahil ay dahil sa lamig o mas tamang isipin ay dahil sa kaba na uti-unting umuusbong sa aking pagkatao. Hindi naman siya pangit. Hindi rin naman siya nakakatakot. Tao pa rin naman siya, may tahi lang sa kanyang balat pero kung tutuusin, may itsura siya. 

Parang natural lang ang kulay rusty-brown niyang mga mata, at sabog slash, makapal niyang mga kilay, ang ilong niya ay katamtaman lang ang tangos, hindi ito nakakatusok o nakakamatay sa sobrang tangos pero pwede siyang maging modelo ng mga boxing fight or pwede sa mga banner ng mga MMA matches na makikita mo sa television screen dahil sa hubog ng kanyang katawan.

Hindi ko siya pinagnanasaan. I'm just describing him. 

At kumpara sa mga taong nasa VIP lounge kanina, pinakamabigat ang aura ng isang 'to. Yes, I saw their scars, I saw how rough and harsh they hold my friends with underlying lust. Pero itong taong 'to na nasa harapan ko ngayon?

He's way different—he's unusual. 

Laging maraming pautot ang mga lalaki. Ibat-ibang banat para lang makuha ang atensyon ng mga babae sa paligid nila. Pero itong si Trego, parang natural sa kanyang maging mukha at umaktong 'gago'. 

Pumunta siya sa pinakamalapit na white sofa na makikita sa loob ng shop mismo. Ibinagsak niya ang kanyang katawan doon at parang hinihintay pa rin ako na sundin siya.

Bakit ako susunod?

Ano siya, isang Santo Niño?

Wala siyang pakialam kahit na merong nakakakita sa kanyang ilan-ilang dumadaan. 

Napabuntong hininga ako at hindi ko siya pinansin. Itinago ko ang aking mga kamay sa aking coat para uminit at kumalma ito sa panginginig.

Deretso ang tingin, walang lingon, lingon sa paligid. Komportable akong naglakad hanggang sa kaya ng mga paa ko. I took light strides but still, there's this unsettling feeling that I couldn't push off.

Hanggang sa tumigil ako sa isang poste ng ilaw, gumagana at stable ang yellow light nito kumpara sa iba. 

Pero ang dahilan ko kung bakit ako tumigil ay dahil randam kong parang may sumusunod sa akin. 

Napakunot ang noo ko sa malaking anino na nagre-reflect mula sa likod ng aking sariling anino. Tumigil rin ito sa paglalakad katulad ko.

Ayokong lumingon, wala akong lakas na lumingon it feels like I'm having a stiff neck pero ang totoo ay abot sa talampakan ang kabang nararamdaman ko.

I hummed a usual song to calm my nerves. Dapat pala hinintay ko na lang ang mga kaibigan kong matapos sa kalandian nilang ginagawa o kaya naman ay hinatak ko na silang lahat palabas.

Wala akong ni isang dala na kahit na anong matulis na bagay para protektahan ang sarili ko. Binilisan ko ang maglakad.

'Yong tipo ng lakad na parang male-late ka na sa trabaho o sa school. O kaya naman ay, 'yong tipo ng lakad kapag nakakainis na may mag-jowa sa harap mo tapos ang bagal maglakad kaya mag-overtake ka sa harap nila. 

Lumiko ako sa kanang banda, kahit na hindi ako sigurado kung saan ako pupunta. Nang hindi talaga niya ako tinatantanan, lumingon ako sa isang shop na puro salamin para aninagin kung sino siya.

It's the prick.

Ang sumusunod sa aking tao ay walang iba kung hindi si—

Trego.

Ayan nanaman siya sa hindi niya pagkurap ng mata, natatakot ako. Mas lalo pa akong natakot ng magtitigan kami sa salamin ng nasabing shop at ngumiti pa siya sa akin.

'Yong tipo ng ngiti na hindi aabot sa mata. 

"Bakit mo ako sinusundan? May kailangan ka ba?" I asked, pinakalma ko pa ang aking boses. Sinigurado kong walang bakas ito ng kahit anong panginginig, pag-utal, o kaba.

I tried to speak like I'm his friend. Calm and clear.

Pero, hindi siya sumagot. Nanatiling tikom ang kanyang bibig kaya ang ginawa ko—hindi na simpleng lakad.

Takbo na!

Alam niyo ba ang pinaka-ayaw ko sa lahat ng laro at physical education activities noong bata pa ako? 

Eto 'yon.

Ang makipaghabulan. Maybe my tall height is an advantage for some physical activities pero kahit na malalaki ang hakbang ko, kulang ako sa bilis. Let's also consider the fact that the freaky man behind me is wearing comfortable flat boots. 

Walang heels, hindi elevated at hind mailulusot ang stilleto sa kahit saan, but me? 

Noong unang panahon naman they allow men to wear heels according to history books but hell, I don't have any choice!

I didn't hold back, tinanggal ko ang aking mga sapatos at ibinato sa mukha niya ang mga ito.

Pero nakailag at nasalo pa niya ang isa sa mga sapatos ko. 

My last resort?

Shout. Shout for help, and shout for my life.

"Tulong! Tulongan niyo ako!" 

May nakita akong isang babae at lalaki na pasakay ng kanilang sasakyan. Tumingin sa akin ang babae at akmang sasalubungin ako. Nakita ko ang pag-aalala at kagustuhan niyang tumulong, nabasa ko 'to sa kanya mga mata, ngunit, nang mapadako ang kanyang tingin sa aking likuran nag-alinlangan na siya at mabilis na pumasok sa loob ng sasakyan.

Naaninag ko pa ang baby na naka-secure sa backseat nang paharurutin nila ang kanilang sasakyan.

Naintintidihan ko. May pamilya silang inilalayo sa alanganing sitwasyon. May pinapahalagahan silang supling. 

Hindi ko sila masisi. Kaya mabilis na lamang akong nagpatuloy sa pagtakbo, kahit namamanhid na ang aking mga binti.

Akala ko wala ng pag-asa at ang dami ng masamang pangyayari o posibilidad ang tumatakbo sa aking isipan. 

Papatayin ba niya ako agad kapag nahuli niya ako? Ibebenta sa black market ang mga laman loob ko? 

Dapat pala kumain ako ng kumain ng maalat ng pagkain noon o kaya naman pinagsabay ko ang alak at sigarilyo para damay ang lahat ng mga balun-balunan ko.

O baka naman saksakan niyan ako ng droga tapos pasasayawin at ibenta ako sa mga manyakis na afam na hindi ko sigurado kung healthy pa ba ang sperms o kulubot na.

Nako, h'wag naman sana. Hindi ko pa naman na enjoy makipag-jugjugan o makipag-bembang magdamag sa isang gwapong lalaki.

Ang sabi kasi ng mga matatanda, mag-aral muna ng mag-aral bago lumandi at kapag nakapagtapos ng pag-aaral pipilahan ka at hahabulin ng mga lalaki—

Totoo nga naman ang sinasabi nila, kita niyo nga ngayon at may humahabol sa aking estranghero pero hindi mapagkakatiwalaan.

Dininig naman ni lord ang aking panalangin. May isang bus na blue ang tumigil sa harapan ko at nagsakay ng ilan-ilang pasahero.

Kaya, mas binilisan ko pa ang pagtakbo, nagdasal na lang ako na sana hindi ako madapa o matisod.

Nang makalundag ako sa loob ng bus sakto namang pinaadar na ito paalis ni manong.

Mukhang may guardian angel naman pala ako kahit papaano. Naghanap ako ng bakanteng upuan.

Akala ko nga titigil na si Trego sa paghahabol 'yon pala, warm up niya lang iyon at hinabol pa ang bus na sinasakyan ko.

Lumingon ako sa driver, "Manong paki-bilisan niyo po ng kaunti please," pagmamakaawa ko.

Sa sobrang anxious ko lumingon ulit ako sa likod, sakto namang wala na siya at hindi na ako naabutan pa.

Doon ko lang naramdaman ang pagod at hingal pati na rin ang sakit at hapdi ng aking mga paa. Subalit, hindi pa rin nawawala ang malakas na kabog at kaba sa aking dibdib.

Hindi na talaga ako lalabas ng bahay kung ganito rin lang.

Sa bus naman, napansin kong pinagtitinginan ako ng mga tao pagkaupo ko pa lamang. Kaya imbes na mag-stay at umupo ako sa gitnang bahagi ng mga upuan, naghanap ako sa likod kung may bakante pa. Sakto namang meron na malapit sa bintana.

Mabilis akong kumilos, umpo, at sumiksik sa pinaka dulo. Buti na lamang at makapal ang tela ng aking suot, hindi kaagad makikita ang undergarments ko.

Dito talaga sa Pilipinas iba makatingin ang mga tao, nakaka-offend.

NAKARATING naman ako sa bahay ng matiwasay at buo. Ngunit, basang-basa ako ng ulan. Niyakap ko ang aking sarili at pinilit na lakasan ang pagkatok sa pinto. Nagbabakasakali akong magigising si lola at pagbubuksan ako ng pinto. 

Narinig ko naman ang mga yabag niya na papalapit sa nasabing pinto, "sino 'yan?' Sigaw ni Lola.

"Ako po 'to Lola. Pwede pong pabukas ng pinto?" Sigaw ko pabalik. Malakas ang ulan na may kasama nang kulog kaya naman kailangan kong lakasan dahil may problema na rin sa pandinig ang aking Lola.

Gumalaw ang kurtina at sumilip si Lola sa labas"Ano iyon? Pambura?"

Itinapqt ko ang aking ulo sa may window at itinuro ko ang aking sarili and I mouthed, "ako ho 'to Lola," itinuro ko ang pinto, "pabukas po ako ng pinto, please po."

Napakamot pa talaga siya ng tenga bago pa niya ako pagbuksan.

"Ay susmariosep kang bata ka akala ko ba ay sa school ka ng mga bata pupunta? Asaan mga kasama mo bakit basang one day old ka naman ata," Hindi ko alam kung nagbibiro si Lola o seryoso sa buhay.

"Hala sige, akyat ka na at magbihis agad para hindi ka magkasakit," Pinapasok na niya ako ng bahay. 

Agad akong umakyat sa hagdan naming gawa sa kahoy, nagmarka ang bawat hakbang ko hanggang sa makarating ako sa aking kwarto.

Mabilis akong bumunot ng bagong damit at inabot ang nakasampay na tuwalya malapit sa nakasarang bintana.

Tumakbo agad ako sa loob ng banyo para maligo  na tubig. Halos hindi ko ipinipikit ang mga mata ko kahit na may tubig na lumalandaa sa aking mukha dahil sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata, naalala ko ang mga nangyari kanina.

Hindi ko alam kung makakatulog ako ng matiwasay ngayong gabi, dahil pagkatapos ko pa lamang na maligo at magbihis,  nakatanggap agad ako ng mga unknown missed calls and messages mula sa iisang numero.

Iisang mensahe o paulit-ulit lang ang naka-type na message and that is—

From unknown number:

'Why are you running away from me?"

Nanlamig ang mga palad at ang bawat daliri ko, napatigil rin ako sa pagpunas ng basa kong buhok at nabitawan agad ang towel na hawak ko.

_______

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Collector's Darling (Brutal Order Series 2-Taglish)   Chapter 6:Run a little, skip a little

    Chapter 6:Run a little, skip a littleLisha's P.O.V.Noon, ang estilo ng mga guhit ko ay parang sa Thumbelina 'yon kasi ang nakasanayan kong basahin noong bata pa lang ako. Magaan, makulay, at puno ng buhay. Puro pastel ang ginagamit ko, malambot rin ang mga linya, at ang mga tauhan ay may inosente at kalmadong anyo. Laging may mga bulaklak, dahon, at kahit anong bagay na konektado sa nature na nagbibigay liwanag at hiwaga sa bawat pahina.Pero mula nang nakilala ko ang lalaking may tahi-tahing mukha sa loob ng club, nag-iba ang lahat. Naging madidilim ang kulay ng mga ginuguhit ko. Ang mga mata ng tauhan ay hindi na inosente. Kailangan kong makaisip ng bagong obra at makagawa ulit ng isang bagong libro para sa contest sa susunod na buwan at may kikitain rin ako kapag naibenta ko ito.Sinubukan kong manood ng mga cartoon movies o kaya naman pinapanood ko ang mga bata sa Park na ilang distansya lang ang layo sa aming bahay para lamang mare fresh ang utak ko at may mailagay akong bag

  • The Collector's Darling (Brutal Order Series 2-Taglish)   Chapter 5: Her Personal Profile 

    Chapter 5: Her Personal Profile Trego's P.O.V.MAYBE I'm just flabbergasted that someone would take the risk to touch my stuff without my prior permission. It's not all about the thrill. She's not that unique or her face structure is simple and typical asian, but somehow, there is something amusing, easy, and calming about her presence. I'm not saying that 'I love her' because I'm not a fan of cliche rom-com stories where the main couple fell for each other immediately in the first episode.But I like it when—She can run at nakakasabay siya sa pagtakbo ko even if biologically speaking, we, males, are naturally faster than females when it comes to running. That's why most of my victims are males, and I rarely, to be honest, pick women as my prey.I'm a devil's offspring, and I won't deny it, but I always choose whoever matches my size and weight. Plus, depende kung deserve ng tao mapabilang sa listahan ng mga biktima ko. Para lang 'yang pageant at ako lang ang judge, may criteria.N

  • The Collector's Darling (Brutal Order Series 2-Taglish)   Chapter 4: Shout for my life

    Chapter 4: Shout for my lifeLisha's P.O.V.HINDI ko akalain na makakakita at makakasalamuha ako ng isang takas na pasyente mula sa mental. May behavioral issues pala 'tong taong 'to at basta-basta na lang pupunta o pumapasok sa hindi naman niya teritoryo.Tinitigan ko lang si Trego na nakatitig rin sa akin pabalik, tsaka ako umatras ng bahagya."Pasok na," anyaya niya, tinuro pa niya ang loob na para bang guard sa isang fast-food chain.Dahan-dahan akong umiling. Nagsisitayuan ang mga balahibo ko sa katawan, marahil ay dahil sa lamig o mas tamang isipin ay dahil sa kaba na uti-unting umuusbong sa aking pagkatao. Hindi naman siya pangit. Hindi rin naman siya nakakatakot. Tao pa rin naman siya, may tahi lang sa kanyang balat pero kung tutuusin, may itsura siya. Parang natural lang ang kulay rusty-brown niyang mga mata, at sabog slash, makapal niyang mga kilay, ang ilong niya ay katamtaman lang ang tangos, hindi ito nakakatusok o nakakamatay sa sobrang tangos pero pwede siyang maging m

  • The Collector's Darling (Brutal Order Series 2-Taglish)   Chapter 3: The Coat

    Chapter 3: The CoatLisha's P.O.V."You don't have to do that, sit down," sabi ng lalaki. Pero patuloy na naka-bow ang mga tauhan nito. Parang takot silang tumayo ng tuwid."This is your rest day, day-off niyo. No need to give me a piece of respect," he added at walang pasabing umupo sa tabi ko kaya napalundag ako sa kabilang dako kung nasaan mga kaibigan ko nakaupo."Okay ka lang?" Siniko ako ni Diana, at tumango na lang ako bilang sagot. Dapat ba akong mag-sorry dahil pinakialaman ko ang gamit niya? Siguro mamaya na kapag nakalimutan na niyang tumitig sa akin.Sinusundan niya ng tingin ang lahat ng galaw ko.Lumipas ang 30 minutes, hindi pa rin siya kumukurap at tumitigil kakatitig sa akin. May pumasok na parang waiter or butler sa loob ng VIP room Nakasuot ito ng dark red inner dress shirt at black vest. Lumapit ito sa lalaking may tahi sa mukha at binulungan niya ito. Tumingin sa amin ang nasabing butler pagkatapos at pinagmasdan kami isa-isa, tsaka ito umalis ng room.Kinurot ko

  • The Collector's Darling (Brutal Order Series 2-Taglish)   Chapter 2: Word puzzle

    Chapter 2: Word puzzleLisha's P.O.V."Sigurado ka bang magiging ayos ka lang dito, Lola?" tanong ko sa aking lola Carmela habang inaayos ang mga nahugasang pinggan. Walang kuryente, malamig na malamig ang simoy ng hangin kahit na nasa loob kami ng bahay dahil sa maulan nitong mga nakaraang araw.Kaunting ulan lamang ay pinapatay na ang kuryente sa aming lugar. Mahina pa ang signal kahit parte naman kami ng syudad."Oo hija, masyado kang nag-aalala sa akin. Hindi naman ako kikidlatan agad ni Kristo dito sa loob ng bahay kaya hala, sige puntahan mo na mga kaibigan mo kung saan niyo balak gumala." Sabi nito habang abala sa pagagansilyo ng bago niyang sweater."Mabilis lang ho kami, nagyaya lang hong manood ng stage play si Diana nung isa sa mga anak niya," hindi ko nga alam kung bakit hindi kanselado kahit na bumabagyo. Ayaw daw i-cancel ng mismong school. Gusto ko rin namang talagang pumunta dahil kailangan ko ng inspiration at ma-expose sa iba pang mga bagay sa paligid para makapag

  • The Collector's Darling (Brutal Order Series 2-Taglish)   Chapter 1: As faithful as a dog

    Chapter 1: As faithful as a dogTrego's P.O.V.BLINDING city lights, buzzing cars, evening breeze fans on my face. Rush hour is indeed the busiest and hellish hour of the day.I was in deep thought when the recording played from a radio cassette, “Wala na nga tayong pera nagsasabong ka pa talaga?” A woman's furious voice erupted from it.Her husband is a reckless gambler, I suppose. The man yelled back and said, “ano bang pakialam mo? Pera ko naman! Inaaway mo nanaman ako mula kanina kaya ako natatalo!”Followed by continuous shouting, children crying, loud slams of wood and cracking glasses.Lastly—“Malas ka talagang babae ka. Hindi na lang sana ako umuwi, putangina!”“Sandali lang, wala pang pangbaon ang mga bata. Please magbigay ka naman kahit konti,” even though I couldn’t see the woman, I guess she's begging on her knees.Domestic violence is really everywhere, huh. And most of the cases are not documented or overlooked by the incompetent authorities.I sat comfortably on the r

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status