MasukSakay ng isang taxi ay nagpunta sila sa Diamond Hotel. Nasa harapan si Nelia samantalang sa likod naman sila nakaupo na mag-iina. Bakas sa mukha ng kanyang mga anak ang pananabik at saya. Kaya naman, hindi na rin maiwasan ni Amaris na mapangiti habang nakatitig sa tatlo. "The event is exclusive and private at the same time," anang Nelia na nakasilip na mula samay passenger seat. "Upang hindi mahiya ang mga bisita na kumain, magpo-provide sila ng mga mask sa may entrance. Isn't it exciting?" Napatawa naman siya. "Napaka-thoughtfull naman nila." "I know, right? So, no worries! Kakainin natin lahat ng pagkain doon. 'Di, ba, kids? Magpapakabusog tayo," anito. "Yes, Ninang!" sabay-sabay na anas ng tatlo. Napailing na lamang siya tsaka siya sumandal at tumanaw sa labas ng bintana. Kailan nga ba ulit noong dumalo siya sa isang event? Hindi na niya maalala. O maaari rin naman na hindi pa siya talaga nakakapunta. Dahil sikreto lang ang arrage marriage nila ng asawa ay wala ni-isa siy
Simula nang ipakilala ni Amaris ang mga anak sa matalik na kaibigan ay halos hindi na ito umuwi. Araw-araw na rin itong pumupunta sa kanila upang dalawin ang mga bata at pasalubungan ng kung anu-ano."Nelia, baka naman masanay ang mga bata dahil diyan sa mga binibili at pasalubong mo," saway niya rito.Napanguso naman ito sa kanya. "No. Wala pa nga ito sa kalahati, ehh. I need to bawi sa kanila sa mga panahong di ko sila nakita at nakasama. Who's fault is that? Sa iyo so, hayaan mo na lang ako.""Nelly," sambit niya.Pero hindi na siya pinansin pa ng kaibigan bagkus ay masaya na itong nakikipagkulitan sa kanyang tatlong mga anak. Napahinga na lamang siya ng malalim tsaka siya naupo sa may silya at inabala ang sarili sa kanyang cellphone.Dahil hindi sinasagot ng mayordoma ang mga tawag niya ay sa text messages naman siya bumawi. Halos oras-oras siyang nagpapadala ng mensahe upang ipaalala rito ang tungkol sa divorce. Pero kahit isa ay wala siyang natanggap na reply."So, how's the div
Gustong maiyak ni Amaris nang muling makita ang matalik niyang kaibigan na si Nelia. Palagi silang magkasama at nagtutulungan noon hanggang sa magkalayo sila nang magkaroon siya ng problema. "Nelia," sambit niya. Mataray naman na naupo ang isang babae sa katapat niyang upuan. Makalipas ng anim na taon ay ngayon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob upang kontakin ang kaibigan. Kaya naman, naiintindihan niya kung galit ito sa kanya. "I-I'm sorry," pabulong na anas niya. Napatikhim naman ang babae. "Alam kong may matindi kang rason kaya mo nagawa ang mga bagay na iyon, Amaris. Pero sana naman ay nagparamdam ka kahit simpleng text o tawag man lang kahit once a month." "Sorry. Ipapaliwanag ko sayo lahat. Pakinggan mo sana ako," anas niya. Napatango naman si Nelia. "Aba, dapat lang! Hindi tayo tatayo at aalis sa cafe na ito hangga't hindi mo nasasabi sa akin ang lahat." "O-Okay. Sorry ulit, Nelia," tugon niya. Nilagay ng kaibigan ang mga kamay at braso nito sa may dibdib nit
Maaga pa ay tapos na si Amaris sa mga gawaing bahay. Nakapaglinis na siya at nakapag-luto na rin ng almusal ng mga anak. Handa na rin siya para umalis. Hinihintay na lamang niya ang tawag mula sa mayordoma ng Leona's Garden."Malapit na," bulong niya. "Makakalaya na kami."Pero lumipas ang mga minuto at wala pa rin siyang natatanggap na tawag o mensahe man lang. Kaya naman, kinuha na niya ang kanyang cellphone at siya na mismo ang tumawag."Hello," bungad niya. "Ipapaalala ko lang na tapos na ang tatlong araw na palugit na binigay nyo. Nandyan ba si John?""Good morning, Ma'am. Wala po rito si sir. Pasensya na po," tugon ng boses ng babae mula sa kabilang linya.Napahinga naman ng malalim si Amaris. "Usapan ay uspan. Pakisabi kay John na hihintayin ko siya sa Local Civil Register Office. I will be there mamayang ala-una ng hapon.""Yes, Ma'am," tugon ng babae.Isang malalim na buntong-hininga ang kumawala sa kanya habang napapailing at napapasandal sa may sofa. Pinatay na niya ang taw
Tahimik lamang na nakaupo si Deacon sa may sofa habang abala sa kanyang laptop. Kailangan niyang maayos ang malaking halaga na nawala sa kompanya noong mga nakaraang araw na hindi niya nakuha ang mga deals at properties. Alam niya na isa iyon sa dahilan kung bakit nagpakita ang kanyang mga pinsan. Umaasa ang mga ito na magagamit nila iyon na dahilan upang alisan siya ng kapangyarihan at mana. At dahil sa wala silang nakuhang impormasyon tungkol sa kanyang anak ay tiyak niyang ang kompanya naman ang pupunteryahin nila. "Dee," anang boses ng kaibigan na kakapasok pa lamang ng ward. Hindi niya nilingon ang doctor bagkus ay nag-focus lamang siya sa ginagawa. Naupo naman ito sa katapat niya na sofa. "Ito na ang hinihintay mo," dagdag nito. Kaagad naman siyang napahinto nang iabot sa kanya ng kaibigan ang isang papel na nakatupi. Binaba niya nag laptap sa may lamiseta tsaka niya kinuha ang papel. "Ikaw mismo ang gumawa nito?" tanong niya. Napatango naman ang kaibigan. "Yes. Hind
Nang makauwi na si Amaris ay kalmado na ang tatlo niyang mga anak. Wala siyang kaalam-alam sa mga ginagawa ng mga anak kapag wala siya. Sa kanyang mga mata ay pawang mga normal na mga bata lamang ang tatlo. "Mommy!" sabay-sabay na bati ng tatlo. Sinalubong siya ng tatlo na kaagad naman niyang niyakap. Pinaulanan din niya ang mga ito ng mga halik tsaka sila nagpunta sa may sofa upang doon maupo. Nang makapagpahinga siya ay naglinis muna siya ng sarili bago sila sabay-sabay na kumain ng hapunan. Alam ng tatlo na pagod ang kanilang ina kaya naman, ginawa nila ang lahat upang pasayahin si Amaris. Minasahe nila ang mga braso, paa, at likod nito. Pinagsilbihan din nila ang ina na parang prinsesa. Dahil iisa lamang ang motto ng tatlo, "Treat your Mom as a Princess.". Samantalang sa kabilang banda naman ay kasalukuyang kaharap ni Deacon ang mga kamag-anak niya. Pilit niyang hinaharangan ang mga ito upang hindi makapasok sa ward ng anak. "John, nagmadali kami na magpunta rito nang marinig
Nang tuluyan nang kumalma ang anak ay inutusan na niya ang mga katulong na linisin na ang mga kinalat ng bata. Pagkatapos ay lumabas na siya ng silid nito. Eksakto naman na nakababa na siya ng hagdan nang dumating si Nova galing sa may salas. "Honey," anito. Napahinga naman siya ng malalim. "No
Nag-init ang mukha ni Deacon nang marinig ang katagang pilit na pinapagawa sa kanya ng babae. Madami nang babae ang nangahas na magtapat at humiling na samahan sila sa kama. Pero wala pa miski-isa sa mga ito ang kasing-tapang ng babae na nasa harapan niya ngayon. Paano nito nasabi ang katagang iyon
Parang isang palaso na tumama kay Amaris ang huling katagang binitawan ng binita sa kanya. At para wala nang gulo pa ay pinili na lamang niya na manahimik. Naupo siya sa pinakamalapit sa silya roon habang nag-iisip ng mga bagay na maaari niyang gawin. Maya-maya pa ay lumapit sa kanya ang assistant
Ginawa nang bahay ni Deacon ang Leofield Corporation dahil sa sobra nitong pagtatrabaho. Halos hindi na ito umuuwi sa mansion o maging sa condo unit nito. Nagpatayo na lamang siya ng penthouse sa pinakamataas na floor ng kompanya. Abala siya sa pagbabasa ng mga report ng pumasok ang kanyang assista







