Share

Chapter 9.

"WHAT'S UP, Uno?" Bati ni Connore na sumulpot mula sa kung saan at nag-apir sa kanya. Nasa library siya at kasalukuyan nagbabasa habang nakasandal sa single couch na naroon.

Araw ng linggo kaya't nasa mansion sila. May konting salo-salo na ginaganap tuwing linggo. 'Yon ay para lamang sa mga Vallejo na hindi abala sa kanya-kanyang trabaho. At siya, bilang isang happy-go-lucky guy, ay laging present. Wala pa siyang tinatanggap na posisyon sa kompanya kahit pa nga nais na ng ama na magretiro at siya ang papalit dito.

"Ang aga mo," wika ng binata at hinubad ang suot na reading glass. "Hindi ka na ba kinukulit ni Colton na makipagpalit?" Ang tinutukoy niya ay ang pakikipagpalit ni Connore kay Colton sa mga occasion na kinabibilangan ng huli. Sa tuwing ayaw nito ay si Connore ang pumapalit.

"How I wish." Nakapamulsang turan nito at inisa-isang tingnan ang mga libro sa bookshelf.

Bago pa siya makapagsalita ay may kumatok na at iniluwa no'n ang katulong para sabihing may bisita siya.

"Sino'ng
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status