CHAPTER 1
Habang umiinom ng gamot si Sophia ay bigla namang tumunog ang kanyang phone kaya naman dali dali na nya iyong kinuha at nakita nga nya na ang kanyang matalik na kaibigan na si Karylle ang nagmessage sa kanya kaya naman agad na nga nya iyong binuksan. “Girl, Bumalik na pala ang asawa mo,” basa ni Sophia sa mensahe ng kanyang kaibigan. Kaya naman bigla syang natigilan dahil doon. Higit isang buwan din kasi silang walang komunikasyon ng kanyang asawa matapos itong ipadala ng ama nito sa ibang bansa para pamahalaan ang kumpanya ng pamilya nito roon. “Hindi ko alam na bumalik na pala siya ng bansa,” sagot ni Sophia sa kanyang kaibigan Bigla namang tumunog muli ang kanyang phone kaya agad na nga nya itong binuksan muli. “Bumalik na sya at alam mo ba na mayroon syang kasamang babae na mukhang mas bata pa sa kanya at kilalang kilala mo rin ,” sagot pa ni Karylle sa kanyang kaibigan at kalakip pa ng kanyang mensahe ay isang larawan at nakita nga roon ni Sophia ang kanyang asawa na mayroong kasamang babae at hindi na sya nagulat pa dahil kilalang kilala nya kung sino ang kasama nitong babae na kamukhang kamukha nya at walang iba ito kundi si Bianca. Si Bianca ay ang nakababatang kapatid ni Sophia sa ama na pinadala noon sa probinsya at doon na nga ito lumaki at nagkaisip. “Magdaraos ng isang welcome party ang iyong ama para kay Bianca. Gusto mo ba na pumunta tayo roon?” basa pa ni Sophia sa mensahe ng kanyang kaibigan. Napabuntong hininga naman si Sophia saka nya tiningnan ang kanyang mga gamot. Tatlong araw na kasi syang nasa ospital dahil sa taas ng lagnat nya. Napatingin din sya sa kamay nyang namumula at namamaga na dahil sa kakatusok ng karayom doon. “Ayokong pumunta roon Karylle. Isa pa ay hindi naman ako imbitado para pumunta roon kaya hayaan mo na lamang sila na magsaya,” sagot ni Sophia sa kanyang kaibigan. Matapos sagutin ang kanyang kaibigan ay ipinikit naman na muna ni Sophia ang kanyang mga mata dahil parang biglang sumakit na naman ang kanyang ulo at hindi na nga nya namalayan pa na nakatulog na pala sya. *************** Makalipas nga ang ilang araw ay nakalabas na rin ng ospital si Sophia at ilang araw na rin ang nakalipas matapos bumalik ng bansa ni Francis at ngayon nga ay narito ito ngayon sa kanilang bahay. “Kumusta ka?” tanong ni Sophia kay Francis pero imbes na sagutin ang tanong ng asawa ay may iniabot syang sobre rito. Nagtataka man ay agad na rin ngang tinanggap iyon ni Sophia at agad na binuksan at ganon na lamang ang gulat nya ng makita nya divorce paper ang laman noon. “Divorce paper?” kunot noo na tanong ni Sophia sa kanyang asawa. Dahan dahan naman na tumango si Francis. “Yes. Divorce paper. Maghiwalay na tayo Sophia,” wala ng paligoy ligoy pa na sabi ni Francis kay Sophia. “Francis kung dahil lamang ito sa nangyare noon ng kunin mo si Bianca ay pwede naman natin itong pag usapan,” pakiusap ni Sophia sa kanyang asawa ng sabihin nga nito na makikipaghiwalay na ito sa kanya. “Hindi ito dahil doon Sophia,” sabi ni Francis at saka nya seryosong pinakatitigan ang kanyang asawa. “Alam mo naman na pinagkasundo lamang tayo ng mga magulang natin diba at wala talaga tayong espesyal na relasyon na dalawa. Kaya wala ng dahilan pa para ipagpatuloy natin ito,” dagdag pa ni Francis. Noong una pa lamang kasi ay tutol na talaga si Francis sa arrange marriage sa pagitan nila ni Sophia. Tanging ang mga magulang lamang naman nila ang may gusto noon dahil sa isang gabing aksidenteng may nangyari sa kanila. Pero wala na rin syang nagawa pa kundi ang sundin na lamang ang kagustuhan ng kanyang mga magulang dahil doon. Napabuntong hininga naman si Sophia at saka nya muling tinitigan ang divorce paper na binigay sa kanya ni Francis at saka sya dahan dahan na tumango. “Sige kung iyan ang gusto mo at makapagpapaligaya sa’yo ay papayag na lamang ako sa gusto mong mangyare,” sagot naman ni Sophia at pigil nya ang sarili nya na pumiyok sa pagsasalita dahil sa totoo lang ay nalulungkot sya sa nais mangyari ni Francis. “Salamat naman kung ganon,” sagot naman ni Francis dito. “Sandali lang. May gusto sana akong hilingin bago ko tuluyang pirmahan ang divorce paper na yan. Pwede ba na makuha ko muli ang bahay at lupa ng aking ina?” sabi pa ni Sophia dahil gusto nya sanang maibalik sa kanya ang bahay ng kanyang namayapang ina na ibinenta noon sa pamilya nila Francis. “At hindi rin ako magreresign sa trabaho konsa inyong kumpanya. Sana ay hayaan mo lamang ako na magpatuloy sa trabaho ko,” dagdag pa ni Sophia. Napabuntong hininga naman si Francis saka sya dahan dahan naman na tumango. “Sige. Kung Yan ang gusto mo ay pagbibigyan kita sa iyong nais. Ibabalik ko sa’yo ang bahay at lupa ng iyong ina at wala namang problema roon,” baliwala namang sagot ni Francis kay Sophia. “Baka may iba ka pang gusto. Sabihin mo na ngayon pa lang at willing naman akong ibigay yun sa’yo,” dagdag pa ni Francis. “Wala naman na. Yun lang ang gusto ko,” mahinang sagot ni Sophia. Dahan dahan naman na tumango si Francis. “Kung may iba ka pang nais ay sabihin mo lang sa akin. Dahil kapag naaprubahan na ang divorce paper na yan ay ayoko ng magkaroon pa tayo ng anumang ugnayan sa isa’ isa,” sabi pa ni Francis. “Wag kang mag alala dahil ang bahay lamang talaga ng aking ina ang gusto kong maibalik sa akin dahil mahalaga iyon para sa akin,” sagot ni Sophia kay Francis. Habang nag uusap pa silang dalawa ay bigla namang tumunog ang phone ni Francis kaya naman agad na nya iyong tiningnan pero bago nya iyon sagutin ay hinarap na muna nya si Sophia. “May mga importante pa akong gagawin ngayon. Kakausapin ka na lamang ng abogado ko tungkol sa divorce paper na yan,” sabi pa ni Francis. “Aalis na rin ako dahil may pupuntahan pa pala ako ngayon,” pagpapaalam na ni Francis at saka ito dire diretsong lumabas ng kanilang bahay at ni hindi na nga nito hinintay pa na magsalita si Sophia. Naiwan naman na nakatanaw na lamang si Sophia sa paalis na si Francis. Napabuntong hininga pa nga sya dahil ni hindi man lang sya hinintay na magsalita nito at dire diretso na nga itong umalis. Nang gabing iyon ay hindi naman dinalaw ng antok si Sophia kaya naisipan nga nya na magbukas ng social media at hindi nya maiwasan na malungkot ng makita nya ang larawan ng kanyang asawa kasama ang kanyang kapatid na si Bianca na masayang masaya sa kuha ng larawan. Kaya pala nagmamadaling umalis ang kanyang asawa dahil may lakad pala ito at ang kanyang kapatid. Mapait naman syang napangiti dahil talagang wala syang puwang sa puso ni Francis. Itinabi na lamang nya ang kanyang phone at pinilit na lamang din nya ang kanyang sarili na makatulog. Kinabukasan ay nagising naman si Sophia na medyo ayos na ang kanyang pakiramdam. Isang malalim na bunting hiniinga pa nga ang pinakawalan nya bago sya tumayonsa kanyang higaan at saka nag asikaso ng kanyang sarili. Ngayong araw kasi makikipagkita sa kanya ang abogado ni Francis para ipaliwanag sa kanya ang tungkol sa divorce paper na ibinigay sa kanya ni Francis kagabi. Sa buong panahon ng pagiging mag asawa nila ni Francis ay hindi naman sya trinato ng masama nito yun nga lang ay hindi talaga sya mahal nito. Pinaliwanag naman ng abogado ni Francis kay Sophia ang lahat lahat ng tungkol sa divorce paper na iyon at sinabi rin nito na bukod sa bahay nga ng kanyang ina ay binigyan din sya nito ng isang real estate property. “Kung naiintindihan mo na ang lahat ng sinabi ko at wala namang itong problema sa’yo ay maaari mo ng pirmahan ang divorce paper na ito,” sabi ng abogado ni Francis kay Sophia. Napabuntong hininga naman si Sophia at saka nya kinuha ang ballpen mula sa abogado at kaagad na pinirmahan ang divorce paper na iyon. “Dalawang araw lamang ang hihintayin mo at agad mo na ring makukuha ang certificate,” sabi pa ng abogado matapos pirmahan ni Sophia ang divorce paper. “Okay po attorney. Wala pong problema. Pakisabi na lamang po sa ex-husband ko na kung hindi sya abala ay kunin na nya kaaagd ang certificate at wag ng ipagpaliban pa,” sabi pa ni Sophia sa abogado ni Francis. Tanging pagtango lamang naman ang naging sagot ng abogado bago ito tuluyang umalis roon. Agad naman na nabalitaan ni Karylle ang tungkol sa pakikipaghiwalay ni Francis kay Sophia kaya inaya nya ang kanyang kaibigan na magkape naman silang dalawa sa labas at agad naman iyong pianunlakan ni Sophia. “Alam mo ang tungkol kay Bianca noon diba? Pinaalis sya ng iyong ina at pinadala sya sa probinsya at doon na rin sya nag aral ng mabuti sa isang kilalang unibersidad doon. At sa hindi inaasahang pangyayare ay nagkrus ang landas nila roon ni Francis,” daldal pa ni Karylle sa kanyang matalik na kaibigan. “At nabalitaan ko rin na hinahangaan pala ng iyong half sister si Francis,” dagdag pa ni Karylle. Npabuntong hininga naman si Sophia at saka sya sumimsim ng kape. “Tapos na ang lahat Karylle. Bukod sa kasal ay wala kaming nararamdaman ni Francis sa isa’t isa,” malungkot na sagot ni Sophia sa kanyang kaibigan at napapikit pa sya ng mariin ng maalala ang unang beses na makilala nya si Francis Kinabukasan pagpasok ni Sophia sa kumoanya ay nabalitaan nga nya na mula sa pagiging sekretarya ay inilipat nga sya bilang isang manager ng isang department doon.“Babalikan kita Sophia. Tandaan mo yan… babalikan kita. At sa pagbabalik ko ay babawiin ko ang mga dapat ay sa akin. Tandaan mo iyan,” sigaw pa ni Bianca bago siya tuluyang nailabas ng mga guard ni Francis.At nang tuluyan na nga na mailabas si Bianca ng mga guard ay yinakap naman kaagad ni Francis si Sophia dahil alam niya na kahit hindi ito magsalita ay natakot pa rin ito sa biglang pagsulpot ni Bianca roon.Ito kasi talaga ang kinakatakot nila ang malaman ni Bianca na nagkabalikan na sila at kinasal pa dahil panigurado na hindi na naman sila nito tatantanan.“Sorry… hindi ko alam na nasundan pala niya ako. Pasensya ka na kung hindi ako nakapag ingat,” hinging paumanhin ni Francis kay Sophia habang yakap nga niya ito.Bumitaw naman sa pagkakayakap niya si Sophia at saka niya hinarap si Francis.“Wala namang may gusto na masundan ka ni Bianca. Pero alam naman natin na darating talaga ang araw na malalaman niya na nagkabalikan na ulit tayong dalawa. Hindi lang talaga tayo naging handa
CHAPTER 300“Tama ka Bianca. Si Sophia nga ang kasama ko at masaya na kami ngayon na bumubuo ng sarili naming pamilya. Kaya pakiusap lang tigilan mo na kami. Tigilan mo na ako dahil wala ka ng mapapala pa sa akin dahil kasal na kami ni Sophia,” seryoso pa na sabi ni FRancis kay Bianca.Gulat na gulat naman si Bianca sa sinabi na iyon ni Francis at pakiramdam nga niya ay biglang nanghina ang kanyang tuhod dahil sa kanyang narinig kaya naman napahawak na lamang siya sa pader upang doon kumuha ng lakas dahil pakiramdam niya ay matutumba siya sa labis na pagkagulat. At habang nakahawak nga siya roon ay patuloy din ang paglandas ng masaganang luha niya.“H-hindi… hindi totoo yan. Bawiin mo ang sinabi mo. Hindi pa kayo kasal ni Sophia dahil naghiwalay na kayo… divorce na kayo kaya hindi na kayo kasal. Nagsisinungaling ka lang, Francis. Walang katotohanan ang mga sinabi mo na iyan,” hindi pa rin makapaniwala na sabi ni Bianca.Bumuntong hininga naman si Sophia at saka niya hinaplos ang kanya
Hindi pa kasi pwedeng malaman ni Bianca na nagsasama na sila ni Sophia at nagdadalang-tao nga ito dahil ayaw niya na gambalahin na naman ni Bianca si Sophia. Ayaw talaga kasi niya na ma-stress si Sophia dahil buntis nga ito.“Bakit naman kita papapasukin dito? At isa pa ay bakit nga ba narito ka? Sinusundan mo ba ako?” sunod sunod pa na tanong ni Francis kay Bianca.“Oo, sinundan kita dahil matagal tagal ka ng hindi nagpapakita sa akin. Hindi naman ako makapasok sa kumpanya mo dahil naka-ban ako roon. Kaya sinundan na lamang kita rito dahil hindi ka na rin naman umuuwi sa bahay mo,” matapang pa na sagot ni Bianca.“Tsk. Wala ka talagang magawa sa buhay mo. Sige na… umalis ka na lamang at wag ka ng babalik pa rito,” sabi ni Francis at akmang sasarhan na sana niya ang gate ng pigilan nga ito ni Bianca.“Sandali nga Francis. Kausapin mo nga muna ako. Ano ba ang problema mo? Ilang buwan na ang nakalilipas at nasaan na ang pangako mo sa akin na pakakasalan mo ako? Ang tagal ko ng naghihin
CHAPTER 299Samantala naman wala pa rin kaalam alam hanggang ngayon si Bianca na nagkabalikan na nga sila Sophia at Francis at nakapagpakasal na nga ang mga ito.At ngayon nga ay naghahanda na si Bianca na umalis sa kanilang bahay para puntahan na naman si Francis at balak niya na lihim na sundan ito ngayon dahil palagi nga siyang pinagtataguan nito.Pagkarating ni Bianca sa kumpanya ni Farncis ay nakita na kaagad niya ang sasakyan nito. Kaya naman nanatili lang din siya sa kanyang sasakyan at wala talaga siyang balak na magpumilit na pumasok doon dahil ang gagawin niya ngayon ay babantayan niya si Francis.Halos maghapon naman na naghintay si Bianca sa parking lot ng kumpanya ni Francis para lamang bantayan nga ang sasakyan nito. At nang makita nga niya na papalabas na si Francis ay agad na siyang napangiti at agad na rin niyang binuhay ang makina ng kanyang sasakyan.Nang umandar na nga ang sasakyan ni Francis ay agad na itong sinundan ni Bianca at hindi nga ito nagpapahalata na sum
“Alam mo Jacob matagal ko ng kasama ang ate Sophia mo at sa totoo lang ay utang na loob ko sa kanya ang kung anumang meron ako ngayon dahil siya ang tumulong sa akin na maabot ito. Kaya nga bilang kapalit sa ginawa niyang pagtulong sa akin noon ay tinutulungan ko siya na mapanatiling maayos ang kanyang kumpanya,” pagpapatuloy pa nga ni Louie.Hindi naman nagsalita si Jacob dahil alam naman niya na kinukumbinsi rin siya ni Louie na tanggapin ang ibinibigay ng ate Sophia niya.“Jacob sobrang halaga sa ate Sophia mo ng kumpanya na ito kaya gusto niyang ipagkatiwala ito sa iyo. Hindi naman porket siya ang nagtatag ng kumpanya na ito ay parang iniasa mo na sa kanya ang lahat. Hindi ganon Jacob. Kapag ikaw na ang may hawak ng kumpanya ay nasa kamay mo na kung magiging matagumpay pa rin ba ito at kahit na hindi ikaw ang nagtatag nito ay parang ikaw na rin ang nagsikap na mapanatili ang pamamayagpag nito sa mundo ng negosyo. At kung iniisip mo naman na baka hindi mo ito kaya ay wag kang mag a
CHAPTER 298Kinabukasan naman ay maaga nga na pumasok sa opisina si Jacob para doon ipagpatuloy ang kanyang mga hindi natapos na gawain kahapon dahil sa hindi na talaga siya makapag focus sa kanyang ginagawa matapos nilang mag usap ng kanyang ate Sophia.PAgkarating niya sa kanyang opisina ay agad na niyang sinimulan ang kanyang trabaho at maya maya nga ay may kumatok sa pintuan ng opisina ni Jacob at ng bumukas nga iyon ay si Louie nga ang pumasok doon.Bahagya naman na nagulat si Jacob sa pagdating ni Louie sa kanyang opisina. Kaya naman itinigil na muna niya ang kanyang ginagawa para harapin nga ang bagong dating.“May kailangan ka ba kuya Louie?” agad na tanong ni Jacob dito.“Wala naman. Ang aga mo yatang pumasok ngayon,” sagot naman ni Louie habang nakapamulsa pa nga siya na naglalakad palapit kay Jacob.“Ah… oo kuya, maaga talaga akong pumasok ngayon dahil hindi ko natapos ang mga ito kahapon kaya dito ko na lamang ito ipinagpayuloy na gawin,” sagot ni Jacob.Dahan dahan naman