Home / Romance / The Sin Of Wanting You / A Dangerous Invitation

Share

A Dangerous Invitation

Author: Boss Chef
last update publish date: 2026-10-28 13:30:39

CHAPTER 2

Alessandra’s POV

Hindi ko inasahan na ang simpleng pagbabalik ko sa buhay ni Kaelith Draven ay magiging ganito kahirap. Dapat madali lang. Ngumiti, lumapit, ipaalala sa kanya ang lahat ng nawala, at hayaan siyang mahulog sa bitag na ako mismo ang gumawa. Kapag tuluyan na siyang umibig ulit sa akin, saka ko siya iiwan. Gusto kong maramdaman niya ang sakit na apat na taon kong kinimkim.

Pero may problema. Sa tuwing naaalala ko ang paraan ng pagtingin niya sa akin kagabi, bumabalik ang mga damdaming pilit kong ibinaon.

“Stop staring at your phone,” sabi ni Mireya habang inilalapag ang tasa ng kape sa harap ko. “You’ve been looking at it for ten minutes. Are you waiting for someone?”

“Hindi.”

“Then why do you look like you’re expecting a message from your ex?”

Napatingin ako sa kanya. “I’m not waiting for Kaelith.”

“Of course.” Ngumisi siya.

Binalewala ko siya at ibinalik ang tingin sa telepono ko. Wala namang bagong mensahe, at hindi ko rin alam kung bakit umaasa akong mayroon. Kagabi, bago kami naghiwalay, sinabi ni Kaelith na gusto niya akong makausap ulit. Hindi ko siya binigyan ng sagot. Gusto kong siya ang gumawa ng paraan para makalapit sa akin.

At mukhang hindi na ako maghihintay nang matagal.

Nag-vibrate ang telepono ko.

KAELITH: Good morning, Alessandra.

Napahigpit ang hawak ko sa cellphone.

MIREYA: “Oh, my God. Siya nga!”

“Tumahimik ka.”

“Reply!”

“Bakit? Para isipin niyang hinihintay ko siya?”

“Girl, you are literally holding your phone like it contains the secret to eternal life.”

Napailing ako, pero hindi ko napigilang mapangiti nang bahagya.

ALESSANDRA: Good morning. What do you want?

Mabilis ang sagot niya.

KAELITH: To see you.

KAELITH: Dinner tonight. Just you and me.

Napakagat ako sa labi. Ang diretso niya. Walang paligoy-ligoy, walang kunwaring dahilan.

ALESSANDRA: You’re assuming I want to see you.

KAELITH: No. I’m hoping you do.

Napahinto ako. Apat na taon na ang nakalipas, ganyan din siya magsalita. Simple, direkta, at kayang tunawin ang galit ko sa ilang salita lang. Hindi na ako ang babaeng iyon.

ALESSANDRA: Seven o’clock. Send me the address.

KAELITH: I’ll pick you up.

ALESSANDRA: I didn’t say you could.

KAELITH: Then tell me where to meet you.

Napangiti ako nang hindi sinasadya.

KAELITH: And Alessandra?

ALESSANDRA: What?

KAELITH: I’m glad you said yes.

Mabilis kong ibinaba ang telepono ko.

“Patay na,” bulong ni Mireya.

“Walang patay.”

“You’re smiling.”

“Hindi ako nakangiti.”

“Your lips disagree.”

Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang isang kamay. Nakakainis. Ni hindi pa kami nagkikita, at nagagawa na naman niyang guluhin ang isip ko. Pero hindi ko hahayaang mangyari ulit iyon. Ngayong gabi, ako ang may kontrol.

***

Alas-siyete y medya nang dumating ako sa restaurant. Pinili ko ang isang itim na dress na simple ngunit eleganteng tingnan. Sapat na para maakit sya ulit. Hindi ko kailangang magpakitang-gilas para mapansin niya ako. Kilala na niya ang bawat galaw ko, ang paraan ng pag-ayos ko ng buhok kapag kinakabahan, at ang maliit na ngiting lumalabas kapag may gusto akong itago.

At iyon ang delikado. Kabisado pa rin niya ako.

Nakita ko siya sa isang mesa malapit sa malaking bintana. Nakasuot siya ng dark suit, nakaluwag ang kuwelyo, at may isang basong tubig sa harap niya. Nang mapansin niya ako, tumayo siya.

For a moment, neither of us spoke. His eyes moved over my face, then paused at my dress.

“You look beautiful,” he said.

“Thank you. You look exactly the same.”

May bahagyang ngiti sa labi niya. “Is that a compliment?”

“Take it however you want.”

Hinila niya ang upuan para sa akin. Nag-alinlangan ako bago umupo, pero hindi ko pinalampas ang pagkakataong mapansin ang paggalang niya sa maliit na bagay na iyon.

“Still opening doors and pulling chairs?” tanong ko.

“Some habits are difficult to forget.”

“Some habits should have been forgotten.”

Nawala ang ngiti niya. Alam niyang hindi lang tungkol sa upuan ang sinasabi ko.

Umupo siya sa tapat ko. “I deserve that.”

“Good. At least we agree on something.”

Dumating ang waiter at umorder kami. Pinilit kong ituon ang pansin sa menu, pero ramdam ko ang mga mata ni Kaelith sa akin.

“What?” tanong ko sa wakas.

“I’m trying to understand how you became even more beautiful.”

“Flattery won’t work.”

“I’m not flattering you.”

“Then stop looking at me like that.”

“Like what?”

“Like you still have a right to.”

Natahimik siya.

Iyon ang gusto ko. Gusto kong ipaalala sa kanya na hindi na kami katulad ng dati. Hindi na niya ako maaaring tingnan na para bang sa kanya pa rin ako.

“I know I lost that right,” he said quietly. “I’m not asking you to give it back tonight.”

“Then why did you invite me?”

“Because I’ve spent four years wishing I could sit across from you again.”

Muntik akong mawalan ng sagot. Masyado siyang magaling. O baka masyado lang akong mahina kapag siya ang nagsasalita.

“Four years is a long time,” sabi ko.

“I know.”

“And you had plenty of time to move on.”

“I tried.”

“Did you succeed?”

Tumingin siya nang diretso sa akin.

“No.”

Isang salita lang, pero sapat para guluhin ang lahat ng inihanda kong sabihin.

Dumating ang pagkain, at pansamantala kaming natahimik. Pinili kong pag-usapan ang trabaho, ang mga lugar na napuntahan ko, at ang buhay ko sa apat na taong wala siya. Nakinig siya sa bawat detalye, na para bang mahalaga sa kanya ang bawat salitang lumalabas sa bibig ko. Hindi niya ako pinutol. Hindi rin niya sinubukang gawing tungkol sa sarili niya ang usapan.

At iyon ang mas nakakainis. Dahil ipinapaalala niya sa akin ang lalaking minahal ko noon.

Pagkatapos ng hapunan, inalok niya akong samahan hanggang sa kotse ko. Naglakad kami palabas ng restaurant, magkatabi ngunit walang nagtatangkang lumapit. Hanggang sa huminto siya sa harap ko.

“Can I ask you something?”

“Depends.”

“Is there someone else?”

Napataas ang kilay ko. “Why?”

“Because I saw you with Adrian last night.”

Napangiti ako. “He’s a friend.”

“Does he want to be more than that?”

Tinitigan ko siya nang ilang segundo bago sumagot. “Why? Are you jealous, Kaelith?”

Hindi siya agad sumagot. Sa halip, lumapit siya nang bahagya, sapat para maramdaman ko ang presensya niya ngunit may distansya pa rin sa pagitan namin.

“Would it make you happy if I said yes?”

“Maybe.”

“Then yes,” bulong niya. “I’m jealous.”

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko inaasahang aamin siya nang ganoon kadali.

“Wala ka nang karapatang magselos,” sabi ko, pilit pinananatiling malamig ang boses ko.

“I know.”

“Wala ka ring karapatang magtanong kung sino ang kasama ko.”

“I know that too.”

“Then stop acting like you still care.”

His eyes held mine. “I tried to stop caring. It didn’t work.”

Hindi ako nakasagot. Ang mga salitang iyon ay tumama sa bahaging pilit kong pinoprotektahan sa loob ng apat na taon.

Dahan-dahan niyang iniangat ang kamay niya, ngunit huminto bago niya mahawakan ang pisngi ko.

“Can I?” tanong niya.

Alam ko kung ano ang hinihingi niya. Isang simpleng haplos lang sana, pero para sa akin, mas mapanganib iyon kaysa sa lahat ng sinabi niya ngayong gabi.

Dapat tumanggi ako. Dapat umalis na ako at ipaalala sa sarili kong paghihiganti ang dahilan ng lahat.

Pero tumango ako.

Marahan niyang hinaplos ang pisngi ko. Mainit ang palad niya, at sa isang iglap, bumalik sa isip ko ang mga gabing magkahawak-kamay kaming naglalakad, ang mga halik na dati kong inaasahan, at ang pangakong akala ko ay hindi niya sisirain.

“Alessandra,” bulong niya.

“Don’t say my name like that.”

“Like what?”

“Like you still know how to make me forget everything.”

His expression softened. “I never forgot you.”

“Then you should have thought about that four years ago.”

“I know.” Inalis niya ang kamay niya sa pisngi ko. “I’m sorry.”

Naiinis ako sa sarili ko dahil gusto kong hawakan ulit ang kamay niya. Gusto kong lumapit, isandal ang ulo ko sa dibdib niya, at magkunwaring walang nangyari. Pero hindi na ako ang babaeng basta-basta nagpapatawad dahil lang sa isang paghingi ng tawad.

“Good night, Kaelith.”

Tumalikod ako, ngunit narinig ko ang boses niya.

“Alessandra, wait.”

Huminto ako.

“Can I kiss you?”

Napapikit ako sandali. Iyon ang tanong na kinatatakutan kong marinig, dahil alam kong may bahagi sa akin na matagal nang naghihintay nito.

Humarap ako sa kanya. “Why should I let you?”

“Because I want to,” sagot niya. “But I won’t unless you want it too.”

Ang simpleng sagot niya ang halos sumira sa depensa ko.

Lumapit ako nang isang hakbang. “One kiss,” bulong ko. “Don’t mistake it for forgiveness.”

“I won’t.”

Nang magtagpo ang mga labi namin, banayad muna ang halik niya, tila naghihintay kung magbabago ang isip ko. Ngunit nang hawakan ko ang kuwelyo niya at hindi ako lumayo, naging mas malalim ang halik—puno ng pangungulila at mga salitang hindi namin nasabi sa loob ng apat na taon.

Sandali kong nakalimutan kung bakit ako bumalik. Nakalimutan ko ang hotel, ang babaeng nakasuot ng damit niya, at ang sakit na nagtulak sa akin palayo. Ang alam ko lang, ang lalaking ito pa rin ang kayang magpahina sa tuhod ko sa isang halik.

Ako ang unang lumayo.

Huminga ako nang malalim habang nakatingin sa kanya. Magkadikit pa rin ang aming mga noo, at hindi niya ako pinilit na manatili.

“That was a mistake,” sabi ko.

“Then I’ll try not to make you regret it.”

“Don’t make promises you can’t keep.”

“Then I’ll prove it instead.”

Umatras ako at inayos ang aking buhok, pilit ibinabalik ang kontrol sa sarili ko.

“Good night, Kaelith.”

“Good night, Alessandra.”

Naglakad ako papunta sa kotse ko nang hindi lumilingon. Pero nang makaupo ako sa loob, napahawak ako sa labi ko. Ramdam ko pa rin ang mainit niyang halik, At naiinis ako

Dahil sa halip na maramdaman kong nagsisimula na ang paghihiganti ko, ang naramdaman ko ay ang parehong pananabik na pilit kong tinakasan apat na taon na ang nakalipas.

At kung hindi ako mag-iingat, baka ako ang unang muling mahulog.

Hindi iyon ang plano ko.

Hindi ko siya babalik-balikan dahil mahal ko pa siya.

Babalik ako dahil gusto kong maramdaman niya ang sakit na ginawa niya sa akin.

Kahit pa ang puso kong hangal ay patuloy na umaasang hahalikan niya ulit ako.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Sin Of Wanting You    A Night Of Temptation

    CHAPTER 9Alam kong hindi magandang ideya ang imbitasyon ko kay Kaelith, pero hindi ko na binawi ang mensaheng ipinadala ko sa kaniya. Gusto kong malaman kung hanggang saan ang kaya kong gawin nang hindi tuluyang sumusuko sa damdaming pilit kong itinatago. Kung gusto niya akong muli, hahayaan ko siyang lumapit. Pero hindi ko ibibigay ang buong puso ko nang ganoon kadali.Alessandra: “Come over tonight. I have something to discuss with you.”Wala pang isang minuto ay sumagot na siya.Kaelith: “Should I be worried?”Alessandra: “Maybe.”Kaelith: “I'll be there at eight.”Napangiti ako sa cellphone. Mabilis siyang sumagot, na para bang matagal na niyang hinihintay na ako naman ang gumawa ng unang hakbang.Alas-otso nang kumatok siya. Nang buksan ko ang pinto, napansin ko ang maitim niyang polo, nakatiklop ang mga manggas hanggang siko, at ang ngiting agad na nawala nang makita niya ang suot kong itim na damit.“Good evening,” sabi niya.“Are you going to stand there all night?”“Not if y

  • The Sin Of Wanting You    You Still Want Me

    CHAPTER 8Hindi ko sinagot ang huling mensahe ni Kaelith. Buong gabi kong hinayaan ang cellphone na nakapatong sa mesa, kahit ilang beses ko itong sinilip sa pag-asang may bago siyang sasabihin. Nakakainis. Ako ang babaeng bumalik para paghigantihan siya, pero ako rin ang babaeng naghihintay sa bawat mensahe niya.Kinabukasan, nagpasya akong maging abala. Pumasok ako sa trabaho nang maaga at sinubukang ituon ang isip sa mga bagay na hindi tungkol kay Kaelith. Ngunit bandang alas-onse, tumawag ang receptionist.“Ms. Veyne, there's someone here to see you.”“Who?”“Mr. Draven.”Napapikit ako. “Tell him I'm busy.”“Already did, ma'am. He said he'll wait.”Of course he would.Pagkalipas ng dalawampung minuto, bumaba ako sa lobby. Nakaupo si Kaelith sa isang sofa, may hawak na dalawang tasa ng kape. Nang makita niya ako, agad siyang tumayo.“I brought you coffee.”“Did I ask you to?”“No.”“Then why are you here?”“Because I wanted to see you.”Diretso ang sagot niya, walang palusot o maha

  • The Sin Of Wanting You    The Woman From The Hotel

    CHAPTER 7Alas-singko ng hapon nang dumating ako sa restaurant kung saan kami magkikita ni Adrian. Hindi ko alam kung bakit ako pumayag sa imbitasyon niya gayong ang buong araw ko ay ginugol ko sa pag-iisip kay Kaelith. Marahil gusto kong patunayan sa sarili kong kaya ko pa ring mamuhay nang hindi umiikot sa lalaking minsan nang sumira sa tiwala ko.Suot ko ang cream-colored dress at itim na heels. Simple lang ang ayos ko, pero bago ako lumabas ng bahay ay ilang beses kong sinilip ang sarili ko sa salamin. Hindi dahil gusto kong magpaganda para kay Kaelith. Hindi dapat.“Alessandra!” tawag ni Adrian nang makita ako. Tumayo siya at hinila ang upuan para sa akin. “You look lovely.”“Thank you. You look good, too.”Nagsimula ang hapunan sa magaan na kuwentuhan. Ikinuwento niya ang tungkol sa bagong proyektong pinagtatrabahuhan niya, habang ako naman ay nagbahagi ng ilang bagay tungkol sa trabaho ko. Sa piling niya, hindi ko kailangang hulaan kung ano ang iniisip ng kausap ko. Malinaw siy

  • The Sin Of Wanting You    His Shirt, Her Smile

    CHAPTER 6Nagising ako sa sinag ng araw na tumatagos sa kurtina ng aking kuwarto. Ilang segundo akong nakatitig sa kisame bago ko naalala ang nangyari kagabi. Ang ulan, ang mga pag-uusap namin ni Kaelith, ang mga halik na hindi ko napigilang suklian, at ang desisyong manatili siyang kasama ko hanggang umaga.Napalingon ako sa kabilang bahagi ng kama.Wala na siya.Isang kakaibang lungkot ang dumaan sa dibdib ko bago ko pa man mapigilang isipin iyon. Napailing ako sa sarili ko. Ano ba ang inaasahan ko? Na paggising ko ay naroon siya, nakangiti, at sasabihing hindi na niya ako muling iiwan?Hindi ganoon kadaling ibalik ang apat na taong nawala.Bumangon ako at napansin ang isang malaking itim na polo na nakasabit sa upuan. Kay Kaelith iyon. Naisuot ko iyon kagabi nang tumapon ang kape sa damit ko, at nakalimutan kong palitan bago kami matulog. Isinuot ko muli ang polo bilang pantakip sa damit pantulog ko at bumaba upang maghanda ng almusal.Pagbukas ko ng pinto ng kusina, halos mabitawa

  • The Sin Of Wanting You    Behind Closed Doors

    CHAPTER 5Alas-diyes na ng gabi nang tumunog ang cellphone ko. Nasa kama ako at pilit na nagbabasa ng librong ilang minuto ko nang hindi nauunawaan. Mula nang umalis si Kaelith sa bahay ko kagabi, hindi na mapakali ang isip ko. Nakakainis isipin na ang lalaking dapat kong paghigantihan ang siya ring dahilan kung bakit napapangiti ako sa tuwing nakikita ko ang pangalan niya sa screen.Kaelith: “Are you still awake?”Alessandra: “Why?”Kaelith: “I need to return something to you.”Napakunot ang noo ko. Wala naman akong naaalalang naiwan sa kaniya. Gayunman, bumangon ako at nagbihis ng simpleng puti at manipis na damit bago bumaba. Nang buksan ko ang pinto, nakita ko siyang may hawak na maliit na kahon.“What is that?” tanong ko.“Something I should have returned years ago.”Binuksan niya ang kahon. Nandoon ang lumang kuwintas na ibinigay niya sa akin noong unang anibersaryo namin. Ang maliit na pendant na hugis buwan ay kumislap sa ilalim ng ilaw.Akala ko itinapon na niya iyon.“Why di

  • The Sin Of Wanting You    The Jealous Game

    CHAPTER 4Dapat ay nasiyahan ako nang makita kong nagseselos si Kaelith Draven. Iyon naman ang plano ko mula pa sa simula—akitin siyang muli, hayaang mahulog siya sa akin, at pagkatapos ay iwan siya bago pa niya mapagtantong ako naman ang may hawak ng kapangyarihan. Pero bakit habang nakikita ko ang pamilyar niyang mga mata, mas lalo kong nararamdamang ako ang unti-unting natatalo?“Are you sure about this?” tanong ni Mireya habang inaayos ko ang itim kong damit sa harap ng salamin.“About what?”“About using another man to make Kaelith jealous. Adrian seems genuinely interested in you.”“Then he should be careful with his feelings.”Napailing siya. “Alam mong hindi ka ganoon kalamig.”Hindi ako sumagot. Kung may isang bagay na natutuhan ko sa nakaraan, iyon ay ang huwag ipakita kay Kaelith kung gaano pa rin niya ako kayang saktan.Alas-siyete nang dumating si Adrian upang sunduin ako. May dala siyang puting rosas at isang ngiting nakapagpagaan sa mabigat kong pakiramdam.“For you,” s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status