CHAPTER 1Apat na taon ang nakalipas mula nang makita ko si Kaelith Draven na may kasamang ibang babae sa isang hotel. Apat na taon mula nang durugin niya ang puso ko, at apat na taon kong ipinangakong hinding-hindi na ako magiging babaeng iiyak dahil sa isang lalaki. Pero ngayong gabi, babalik ako sa buhay niya. Hindi bilang ang babaeng iniwan niyang wasak, kundi bilang babaeng magpaparamdam sa kanya kung gaano kasakit ang mawalan ng taong tunay na nagmahal sa kanya.“Alessandra, sure ka na ba rito?” tanong ni Mireya habang inaayos ang laylayan ng itim kong damit. “Kapag nakita mo siya, baka makalimutan mong galit ka sa kanya.”Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Itim na fitted dress na may slit sa kanang bahagi ng legs at backless sa likod,kitang kita hubog ng aking katawan,simpleng hikaw, pulang lipstick, at ngiting ilang linggo kong pinagpraktisan.“Hindi ko siya mahal,” sagot ko.Napairap si Mireya.“I'm serious.”“Then why have you asked me three times if he's attending tonig
최신 업데이트 : 2026-10-28 더 보기