PINILING HINDI UMUWI ni Bethany sa penthouse ng gabing iyon hindi dahil masama ang loob niya kung hindi dahil mas lumakas pa kasi ang buhos ng ulan kagaya na lang ng walang patid na pagbuhos ng kanyang mga luha. Ayaw niya rin munang bumalik sa lugar na iyon at baka kung ano lang ang kanyang magawa kay Gavin. Itinigil niya ang kanyang sasakyan sa nadaanan niyang hotel pagkalabas niya ng highway. Basang-basa siya ng kanyang mga luha at ng malakas na buhos ng ulan, paglabas niya ng sasakyan. Nasa open space na ng hotel ang parking na kanyang nakuha dahil sa punuan ang mga customer na piniling doon magpalipas ng gabi, kung kaya naman wala siyang choice kung hindi ang tumakbo upang makapasok sa entrance ng hotel. Sinalubong naman siya agad doon ng mga staff ng hotel upang bigyan ng malinis na towel para maibalot sa nangangatal niyang katawan. Nagngangalit din ang ngipin ng dalaga sa sobrang ginaw. Idagdag pa ang sama ng loob niya na lumalamon sa buo niyang sistema. Napansin ng receptionist
BUONG-BUO NA ANG desisyon ni Bethany. Wala ng makakabali pa doon. Hinding-hindi siya papayag sa gustong mangyari ni Gavin anuman ang gawin nito sa kanyang harapan. Lumuha man ito ng dugo o hanggang umaga man itong lumuhod doon upang ipakitang nagmamakaawa siya at pinagsisisihan niya ang lahat. Ano ang tingin nito sa kanya martir pa rin? Ayos lang sa kanyang ulitin ang bagay na iyon? No way! Kung hindi lang dumating ang staff na may dala ng pinalabhan niyang damit, hindi niya hahayaang pumasok si Gavin sa loob ng silid. Nahiya kasi siya sa kanilang nakita at baka mamaya ay mag-cause pa iyon ng biglaang tsismis. Ayaw na ayaw pa naman niyang maging viral siya online at pag-usapan ng maraming taong hindi nakakakilala sa kanya dahil paniguradong mauungkat ang lahat sa pagkatao niya. Isa pa, iginagalang ang pamilya ni Gavin. Kahit ganun ang ginawa ng abogado sa kanya ay ayaw niya pa rin itong walanghiyain. May konsiderasyon pa rin naman ito sa pamilyang hindi siya itinuring na ibang tao, la
NABALOT SILA NG nakakabinging katahimikan sa ginawang pagsigaw ni Bethany ay paglalabas niya ng sama ng loob. Walang maapuhap na mga salita si Gavin upang mag-explain pa sa kanya. Para siyang bigla na lang naging blangko. Iyong tipong kanina ang dami niyang naiisip na dahilan, ngunit hindi niya na ito kayang bitawan sa mukha ni Bethany. Inunahan na rin siya ng invisible na matinding sakit sa kanyang dibdib. Nanatiling magkahinang ang kanilang mga mata. Sa paulit-ulit na pagkurap ng mga mata ni gavin ay halata sa kanya na naubusan na talaga siya ng ikakatwiran sa dalaga. Aaminin niyang magaling siyang abogado. Magaling siyang mangatwiran kahit ano pa ang pag-uusapan nila. Marami rin na kaso siyang naipanalo kahit pa alanganin iyong maipanalo ng pipitsuging abogado, kung kaya naman hindi niya maintindihan na pagdating kay Bethany kahit anong galing niyang mangatwiran parang hindi iyon papasa sa babae kahit na sobrang galingan niya pa. Hindi ito maniniwala sa kanyang mga sinasabi dahil i
AKMANG LALAPITAN NA si Bethany ni Gavin upang kunin ang pagkakataon na yakapin sana ng binata ang kasintahan nang biglang mabilis siyang umatras at patakbong pumasok ng banyo. Sinubukan siyang habulin ni Gavin ngunit agad namang naisara at na-lock ng dalaga ang pintuan. Magpapalit lang siya ng damit at iiwan niya na sa silid na iyon ang binata. Wala siyang panahon na makinig sa mga kasinungalingan niya. Sarado na ang isip ni Bethany. Maaari ngang nang dahil iyon sa selos pero hindi siya papayag na ulitin nitong saktan lang siya. Hindi siya magpapakamartir gaya ng ginawa niya noon kay Albert na kahit may nakita na siyang kakaiba, sige pa rin siya nang sigeng magpatawad dahil umaasa siyang magbabago ang lalaki. Isang pagkakamali na kanyang ginawa na hinding-hindi niya na uulitin. Nagtanda na siya. Hindi na siya papayag na muling mayurakan ang buong pagkatao niya. Hinding-hindi kahit mahal pa niya iyon. “Malaya na silang magsama. Tutal, iyon naman ang gusto niya!” patuloy na himutok ni
BINUHAY NIYA PA rin ang makina ng sasakyan at dahan-dahang umalis sa parking lot ng hotel. Lingid sa kanyang kaalaman na lihim siyang tinatanaw ni Gavin mula sa loob ng nilisan niyang hotel. Nais sana siyang sundan ng binata ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili na gawin ang bagay na iyon dahil baka mas lalo pang magalit si Bethany kung desperadang hahabulin niya at pipigilan itong umalis. “Sir, sure po kayo na hindi na kayo magpapa-laundry? Ibinilin po ng kasama niyo sa amin na—” “Kapag sinabi kong hindi, hindi! Alin doon ang hindi niyo maintindihan?” anang binatang itinaas ang kamay upang pigilan ang kaharap na magsalita, pag-alis ni Bethany ay sumunod siya sa ibaba. Hindi alintana ang kanyang itsura. “Huwag kang makulit at paulit-ulit!”“S-Sige po…Sir...” Lumabas na rin si Gavin ng hotel nang makaalis si Bethany at nag-drive. Paglabas niya ng highway ay hindi niya na nakita pa kung saan nagtungo ang sasakyan ng nobya. Hindi niya na sinubukan pang tingnan ang tracker na lihim
ANG UNANG PINUNTAHAN ng dalaga ay ang kumpanya ni Patrick. Iyon kasi ang mas malapit sa lugar. Nasa meeting ang lalaki ayon sa front desk nang itanong niya kung nasaan ito. Iniwan na lang niya ang cheke, at ibinilin na ibigay iyon sa lalaki. Nang matapos ang meeting nito ay nakaalis na doon si Bethany. “Ipinapabigay po sa’yo ni Miss Guzman, Mr. Hidalgo.” magalang na saad ng receptionist.Nahulaan na ni Patrick kung ano iyon pero binuksan pa rin niya upang kumpirmahin. Mahina siyang natawa at kapagdaka ay kinuha ang kanyang cellphone upang tawagan ang dalaga at magreklamo dito. “Regalo ko ito sa’yo, bakit mo ibinalik? Alam kong kakailanganin mo ito eh.” “Patrick, I am good. Hindi ko kailangan ng pera ng iba. At saka ang laking halaga kaya niyan.” “Babayaran mo naman ito sa hinaharap eh, kumbaga pautang ko lang. Ipinahiram na walang interest.” “Kilala mo ako, ayokong magkaroon ng utang na loob sa ibang tao. At saka wala akong pagagamitan niyan. I am driving. Sa ibang pagkakataon na
PARA MATAHIMIK NA si Albert ay pinagbigyan na lang siya ni Bethany. Magkaharap silang naupo sa isang coffee shop sa loob ng kanyang kumpanya. Nakikita ni Bethany ang panaka-nakang tingin sa kanya ng mga empleyado na nakakakilala sa kanya ngunit hindi niya na lang iyon pinag-ukulan pa ng pansin. Siguro naman hindi na masama kung agad niyang iwanan. Ang mahalaga ay pinagbigyan niya kahit na hindi niya ubusin ang kanyang kape. “Ano pa bang kailangan natin pag-usapan?”Humalukipkip si Bethany at sumandal na ang likod ng upuan. Mataman niyang pinagmasdan si Albert na mas mukhang nabawasan pa yata ng timbang ang kanyang katawan. Kung dati, aligaga na siyang nagbabawas ito ng timbang nang dahil sa stress, ngayon ay balewala na lang iyon sa kanya. Parang normal na lang na tanawin at wala na siyang pag-aalalang nadarama pa.“Ilang cubes ng sugar ang gusto mo?” sa halip ay balik-tanong nito. “One.” Pinagmasdan ni Bethany na lagyan ni Albert ng sugar ang kanyang kape. Hinalo-halo niya ito. Ma
MALALAKI ANG MGA hakbang at halos magbuhol na ang mga binti na tinungo ni Bethany ang elevator upang agad siyang makaakyat ng penthouse ng binata. Para na siyang kakapusin ng hininga. Hindi niya na gusto ang kanyang nararamdaman ng mga sandaling iyon. May kakaiba sa tibok ng kanyang puso. Bumilis pa ang tibok nito na parang umaakyat na sa kanyang lalamunan habang lulan siya ng elevator. Itinipa-tipa na ng dalaga ang kanyang isang paa habang ang mga mata ay naktuon sa floor na kanilang dinadaanan. Inip na inip na siya. Kumabog pa ang puso niya habang papalapit siya nang papalapit sa palapag ng penthouse. Iyong tipong parang lalabas na iyon sa loob ng kanyang dibdib. Nanlamig na ang kanyang dalawang palad na makailang beses na ipinunas sa suot na damit. Tensyon na tensyon na siya.“Kalma, Bethany, e ‘di sana tatawagan ka na ng kapatid niya kung may masamang nangyari. Think positive. Masamang thoughts, layuan mo ang isip ko. Please lang, huwag ngayon.” kumbinsi niya pa sa sarili kahit na
IPINAGKIBIT NA LANG ni Briel iyon ng balikat. Hindi na siya nag-e-expect kay Giovanni noong mga gasgas na dinner na may pasabog ng petals sa nilalakaran. Masyado na siyang matanda para sa bagay na iyon. Naranasan na niya iyon sa iba niyang manliligaw, pero para sa kanya ay hindi naman na iyon mahalaga. Magiging masaya na lang siya kahit saan pa sila pumunta ni Giovanni basta magkasama, sapat na sa kanya ang bagay na iyon. Hindi siya nag-e-expect nang mas bongga sa dati dahil para sa kanya ang makapiling ito gaya ngayon ay sapat ng regalo. Ano pa ang hihilingin niya dito?“Burnham Park? Anong gagawin natin dito?” puno ng pagtatakang tanong ni Briel nang bumaba na sila matapos i-park ang sasakyan at maglakad na patungo doon, “Galing na tayo dito kanina di ba? Sumakay pa nga tayo ng boat eh.” dagdag ni Briel na blangko na ang mukha kung bakit kinakailangan nilang bumalik doon ni Giovanni gayong napuntahan na nila kanina, pinasakay nila si Brian na nakailang balik dahil ayaw pa nitong bu
SABIK NA NAGPATULOY ang usapan nina Rina at Bethany na mabilis na nilang naibaling sa ibang bagay ang paksa. Sa pagkakaroon nila ng buhay may asawa na iyon napunta. Kung paano naging mahirap na maging ina kahit na masarap umanong maging asawa ang mga taong sobrang pinapahalagahan umano sila. Naging lampas-lampasan lang naman iyon sa tainga ni Briel na pagkaraan pa ng ilang sandali ay tumayo na nang maubos ang kanyang kape upang magpaalam na. Sabay siyang tiningnan nina Rina at Bethany na parehong nagulat sa agad niyang pagpapaalam. Puno ng pagtataka ang kanilang mukha sa mga katanungan na hindi maikukubli sa kanilang mga matang mapanuri doon.“Ha? Hindi ka sasabay sa akin pauwi, Briel? Saan ka pa naman pupunta?” natatarantang alma na ni Bethany na tumayo pa at nameywang dahil wala naman iyon sa kanilang usapan ng hipag na kailangan nilang maghiwalay kapag nasa city proper na, ang usapan lang nila ay sabay silang mag-shopping at inaasahan na ni Bethany na sabay rin sila nitong uuwi. Ka
KANINA PA PANAY ang irap ni Briel na nakatayo na sa may pintuan at hinihintay ang hipag na nagpapaalam sa kanyang kapatid. Naroon din si Giovanni na karga si Brian na kinausap na nang masinsinan ni Briel na may bibilhin lang siya sa labas. Kung gaano ito kaluwag sa kanya, napakahigpit ng kapatid niya na akala mo may kabalbalan silang party na pupuntahan. Sa mall lang naman sila. Bale-baleng batukan na ni Briel nang harapan ang kanyang kapatid.“Oo nga Kuya Gav, bigyan mo naman si Bethany ng oras para sa kanyang sarili. Nakakapagod kayang mag-alaga ng bata bente-kwatro oras at alam mo naman iyon. Saka, hayaan mo na kaming mag-date na dalawa. Huwag kang epal diyan!” singit ni Briel na sinamaan ng tingin ang kapatid na mukhang ayaw pa yatang payagan ang kanyang asawang umalis.“Oo na, pero huwag kayong magtatagal. Oras na magtagal kayo, ako mismo ang susundo kung nasaan man kayo! And please, huwag kayong papasok ng bar sa gitna ng tirik na araw. Binabalaan kita, Gabriella. No alcoholic d
GINALUGAD NILANG MAG-ANAK ang lahat ng pasyalan sa buong Baguio at umabot pa sila sa La Trinidad kung nasaan ang malawak na taniman ng strawberry. Kumikinang ang mga mata ni Brian nang makita niya ang mga strawberry. Hindi ito nagpaawat sa pagha-harvest na ang feeling ay sa kanila ang tanimang iyon. On guard naman ang mga kasamang bodyguard tutal ay public place iyon. Panay ang halakhak ni Giovanni at Briel habang pinapanood ang anak. Bitbit ni Giovanni ang ilang basket na nagawa ng mapuno ni Brian, samantalang si Briel ay nagmistulang photographer ng anak. Maging si Giovanni ay kinunan niya ng larawan na hindi naman umangal. Ultimong SM Baguio ay kanilang pinuntahan upang makakuha lang ng maraming pictures na hindi maintindihan ni Giovanni kung bakit kailangang e-detalye pa iyon ni Briel. May mga katanungan man ay kanya na lang iyong hinayaan. Sinakyan na lang ang lahat ng kalokohan ni Briel. Ganundin naman ito noong namasyal sila sa Italy. Batid niyang sa mga susunod na panahon maga
BUMABA NA SINA Briel at Giovanni pagkatapos ng ilang minuto na matapos ang kanilang kababalaghang ginawa. Humarap sila kay Donya Livia na para bang walang nangyari habang salitan ang malagkit at makahulugan nilang mga tingin. Hindi naman sila tinanong ng matanda kung bakit natagalan bago bumaba. Dala ni Briel ang pamalit na damit ni Brian na sa mga sandaling iyon ay ang dungis na ng mukha dahil sa kung anu-anong kinain nito. Pagkatapos ng hapunan ay hindi naman na sila pinigilan pa ni Donya Livia na umakyat na ng silid upang umano ay magpahinga. Batid niyang pagod sila sa biyahe kahit pa chopper ang ginamit nila. Pinatunayan iyon ni Brian na agad nakatulog pag-akyat nila ng silid. Matapos na i-pwesto nang maayos ni Briel ang anak ay nahiga na rin siya. Tumabi naman sa kanya si Giovanni na agad na doong nakayakap sa kanya. Ang akala pa ni Briel ay lalabas ito upang may asikasuhin na trabaho.“Wala kang gagawing trabaho?” harap na ni Briel sa kanya at ginantihan na ito ng yakap, nasanay
MULING HINALIKAN SIYA ni Giovanni ngunit sa pagkakataong iyon ay namasyal na sa loob ng bibig ni Briel ang dila nitong mapaghanap at kung saan-saan pumupunta na para bang mayroon doong kung anong bagay na hinahanap. Sa inis ni Briel ay inihawak na niya ang dalawa niyang kamay sa garter ng suot nitong pajama na pangbahay. Walang kahirap-hirap na nagawa na niyang ipasok ang isang kamay sa loob noon habang patuloy ang kanilang mas lumalim na halikan. Hindi pa nakuntento doon ang babae na ipinasok na sa loob ng boxer ang kanyang isang palad. Segundo lang at nagawa na niyang mahawakan ang pagkalalaki ni Giovanni na mabilis ng nag-react sa init ng palad ni Gabriella.“Briel!” bulalas ni Giovanni na mabilis ng ini-angat ang katawan na para bang sinisilaban na ang buo niyang pagkatao at napaso sa hawak pa lang ni Briel sa kanyang pagkalalaki, windang na windang ang mukha niya sa ginawa ni Briel.Napangisi na doon si Briel na hinagod na ng tingin si Giovanni na para bang nang-aasar. Napaupo na
NANLALAKI ANG MGA matang pinalo ni Briel ang palad ni Giovanni nang maramdaman niyang yumakap ito mula sa kanyang likuran habang nagpapalit siya ng damit. Nakapalit na siya ng pants ngunit hindi pa ng pang-itaas na suot. “Tigil nga, baka mamaya biglang umakyat dito ang Mama mo at kasama si Brian!” asik pa niya habang nandidilat na humarap na kay Giovanni na pinapapungayan na siya ng mga mata, “Mamaya na lang, hindi ka ba napapagod, hmm? Bugbog pa tayo sa biyahe. Uso ang magpahinga muna.” taas pa ng isang kilay dito ni Briel na halatang nate-tempt din. Makahulugang ngumisi si Giovanni nang maalala ang nangyari sa kanila ng nagdaang gabi. Ito kaya ang gutom na gutom na kulang na lang ay lamunin siya nang buo kung makakaya lang nitong gawin ang bagay na iyon.“Ano bang inaarte mo? Kagabi nga ayaw mo akong tigilan, tapos ngayong nakabawi na ako ng lakas ang dami mong dahilan. Ready na ako ngayon, Baby, kahit ilan pa. Kung gusto mo bukas na tayong umaga lumabas ng silid na ito eh!” nagta
MAHIGPIT NA YAKAP ang isinalubong ng matanda sa kanilang mag-ina na noong una ay kinailangan pa ni Briel. Hindi naman kasi sila sobrang close nito para agad ng mapalagay ang kanyang loob. Medyo naiilang man ay nagawa pa rin niyang pakibagayan ang matandang Donya na nakita na niyang parang naluluha na sa labis na sayang naroroon na sila.“Mabuti naman at naisipan niyong umakyat ng Baguio?” anang matanda na hinanap pa ang mata ni Briel, ngumiti lang naman ang babae sa kanya. Nag-aapuhap na ng isasagot. “Ang tagal noong huli tayong nagkita. Ang laki mo na, Brian.” Ngumiti lang si Brian na bagama’t medyo takot sa matanda ay nagawa pa rin nitong ngitian ito matapos na mag-mano. Nangunyapit na siya sa isang hita ng ina at hindi sumagot sa mga tanong pa ng matanda kay Brian na mahiyain bigla. Hindi naman siya itinulak ni Briel dahil kilala niya ang anak na sa una lang naman nahihiya. Kapag lagi na nitong nakikita ang matanda, ito na ang kusang lalapit dito upang makipag-interact. Ganun nama
NAPADILAT NA ANG mga mata ni Briel nang makitang wala namang nakahiga doon na inaasahan niyang bulto ng katawan ni Giovanni. Lasing man siya nang nagdaang gabi ay alam niya ang naganap sa kanilang pagitan ni Giovanni. Hindi niya lang basta guni-guni ang bagay na iyon. Sinuri niya ang kanyang katawan na natagpuan niyang may suot na saplot, iyon nga lang ay hindi na iyon ang damit na huli niyang natatandaang suot niya bago sila umakyat ng silid. Malamang ay binihisan siya ni Giovanni. Ganun kaya ang lalaki. Imposibleng basta na lang siyang iiwan nitong hubad. Sinuri niya rin ang sahig at wala doong kalat na alam niyang basta na lang nila inihagis ang kanilang mga hinubad dito.“Hindi iyon panaginip lang…sigurado ako…” turan niya pang hinawakan na ang parte sa pagitan ng kanyang mga hita at maramdaman ang pananakit noon na para bang binugbog siya, sumilay na ang kakaibang ngiti sa kanyang labi. “Sabi ko na eh, may nangyari sa aming dalawa. Imposible namang sumakit ito kung panaginip lang