TULUYAN NANG NAPADILAT ang mga mata ni Bethany sa nakitang picture pagkaraan ng ilan pang minutong pagtitig niya sa screen ng cellphone. Mula sa pagkakayakap sa unan ay dumapa siya habang marahang hinaplos-haplos ang kanyang screen ng cellphone gamit ang kanyang mga daliri. Parang biglang gusto niyang mag-join sa abogadong tumambay doon, sayang lang at hindi siya nito inaya kanina doon. Ngayon pa talaga ito nag-send ng picture e anong oras na iyon? Alangan namang pumunta pa siya? Pagkatapos ng ilang sandaling pag-alinlangan ay nagtipa na siya ng message ngunit hindi niya naman agad sinend iyon kay Gavin, naipadala niya ito makalipas ang halos kumulang sa kalahating oras.Bethany Guzman:Pasensya na Attorney Dankworth, nakatulog na ako. Kakagising ko lang…Doon ay napatayo na ang binatang hawak pa rin ang isang baso ng alak sa kanyang isang kamay. Matapos makita ang mensahe ni Bethany, malapad siyang ngumiti pagkasimsim niya ng alak sa basong hawak. Hindi na siya muling tumugon at nang
SA GINAWANG IYON ni Bethany ay medyo nadismaya ang direktor. Ang buong akala nito ay igigiit ng guro na umapela at lumaban upang hindi siya mawalan ng biglaang trabaho. Hindi niya inaasahan ang mabilis na pagsukong ginawa ni Bethany ng dahil lang doon. Kung tutuusin ay kaya niya namang ipaliwanag ang tungkol doon, malusutan at makakuha ng pabor kung gugustuhin ni Bethany tutal favorite naman siya ng mga student niya na kahit na ayaw na sa kanya ng mga magulang nila. Walang magagawa ang mga ‘yun oras na ang mga bata ang mag-decide. Sila ang masusunod kung kaya malaki ang pag-asa pa rin siyang manalo kung ang mga student niya ay papanig lahat sa kanya, ngunit ngayong sumusuko na ito agad mukhang wala na talaga itong planong ilaban ang karapatan niya at manatili sa music center.“Alam mo naman siguro kung ano ang ibig sabihin ng pag-alis mo sa Music Center na ito, Teacher Thanie. Magiging pangit mong experience iyon na mapupunta sa credentials mo.” hinga nang malalim ng direktor na pilit
SUMAMA ANG HILATSA ng mukha doon ni Bethany, alam niyang ito ang may pakana at ngayon na wala na siya sa music center malamang ay ito ang unang matutuwa.“Alam ko ang patakaran, Teacher Audrey. Baka gusto mo pang i-recite ko sa’yo ‘yun isa-isa?” pikon na sagot ni Bethany ng hindi lumilingon, baka lalo lang uminit ang kanyang bunbunan. “O alam mo naman pala, anong—”“Huwag ka ngang pabibo Teacher Audrey, alam mo namang kailangan ni Teacher Thanie na makaipon ng malaking halaga para sa kapakanan ng Papa niya. Napaka-insensitive mo naman doon!” singit ng isa sa mga kasamahan nilang bwisit na sa pang-aasar pa ng kapwa guro nila.“Wait lang, sinasabi niyo bang ako ang—”“Oo, ikaw. Si Direktor Aguinaldo na mismo ang nagsabing ikaw ang nagsumbong.” prangkang pagputol sa kanya ni Bethany na biglang ikinahawak ni Audrey sa kanyang dibdib.“OMG!” tanging nasabi ng babae.Pinanliitan siya ng mga mata ni Bethany na agad namang ikinaatras ni Audrey sa gilid.“OMG talaga, Audrey kasi utak talangka
NANG ARAW NA iyon ay hindi muna deretsong umuwi ng bahay agad si Bethany matapos niyang mag-walked out paalis ng school. Ayaw niyang sabihin sa madrasta na nawalan siya ng trabaho dahil ayaw niyang maging ito ay mag-alala rin ng sobra lalo na sa kung saan na sila kukuha ng pera na kailangan nila sa pang-araw-araw nilang gastusin. Hindi sasapat ang kinikita niya sa part time job dahil ilang oras lang ‘yun. Paniguradong makakadagdag lang ang lahat ng ito ng bigat sa kanyang mga iniisip.“Mamaya na lang ako uuwi para hindi siya maghinala na may nangyari sa trabaho ko.” hinga niya nang malalim sabay linga sa paligid, bitbit pa rin ang box ng mga gamit. Humantong ang dalaga sa isang park kung saan kakaunti lang ang mga namamasyal dahil masyado pang maaga ‘yun. Nang makahanap siya ng bakanteng bench ay deretso siya doong naupo. Maingat na ipinatong niya sa gilid niya ang kanyang mga gamit. Lumalim pa ang kanyang iniisip. Matingkad na ang sikat ng araw noon pero hindi maramdaman ni Bethany
MAHINA PANG PAULIT-ULIT na napamura si Rina na panay ikot sa ere ang mga mata. Bakas pa rin ang matinding galit sa kanyang mukha na animo ay siya ang inapi ng babaeng labis na kinakainisan ng kaibigan niya.“Naku, malamang kayo pa ni Albert noon kinakalantari na niyan ang boyfriend mo dahil ang akala niya mayaman ang gagong mahirap pa noon sa daga. Jusko, hindi na nahiya ang gaga sa balat niya!” sagad pa rin sa buto ang galit ni Rina sa babae na parang siya ang nakaranas dito ng panloloko, “Hindi ko lang nabanggit sa’yo pero ilang beses daw silang nakita ng asawa ko na lumabas ng hotel noon. Anong gagawin nila sa hotel aber? Maglalaro ng jack en poy? Hindi ko na lang sinabi sa’yo dahil wala naman kaming ebidensya. Eh, that time sobrang mahal mo siya at bulag na bulag ka sa pagmamahal mo sa kanya. Mamaya niyan ako pa ang awayin mo dahil iniisip mong sinisiraan ko ang boyfriend mo.” “Hayaan mo na. Magiging masaya na siguro siya ngayong nakuha na niya ang gusto. Isaksak niya sa baga ni
ILANG SANDALI PA ang hinintay ni Bethany para kumalma ang kaibigan niyang sobrang gigil na gigil pa rin ang awra sa ex-boyfriend niya. Sa reaction nito ay parang siya ang niloko at ginawan ng masama. Laking pasalamat niya na may kaibigan siyang ganito. Muli silang naupo upang ipagpatuloy ang naudlot na pagkain. Galit din naman siya, sobrang nanggigigil nga siya pero pinapairal na lang niya ang pagiging professional at mabuting tao. Hindi siya pwedeng maging padalos-dalos ang galaw lalo pa at may mga naiipit sa sitwasyong ‘yun na kanyang kinakaharap. Kung siya lang at hindi damay ang kanyang ama, baka mas malala pa ang naging pagwawala niya at ganti kumpara sa kaibigan niyang si Rina. Kaso nga lang ay hindi. Hindi ganun kadali ang sitwasyong kinasasadlakan niya kung kaya hindi siya pwedeng magwala.“Mula ngayon, sa sarili ko na lang itutuon ang atensyon ko. Kailangan kong makahanap ng ibang trabaho upang magpatuloy sa buhay. Walang ibang mangyayari sa akin kung magpapalamon ako sa gali
MALAPAD PANG NAPANGISI si Albert habang nakaupo sa kanyang swivel chair ng dahil sa narinig niyang tanong ni Bethany mula sa kabilang linya. Tinatanong ba talaga siya ng babae kung ano ang gusto niya? Iniikot niya ang kanyang upuan. Humarap siya sa bintana ng opisina kung saan ay tanaw niya ang labas ng makulimlim na kalangitan. “Alam mo kung ano ang gusto ko, Bethany.” sagot niyang nasa labi pa rin ang kakaibang ngisi, “Ikaw. Ang katawan mo. Iyan ang gusto ko.” Hindi sumagot doon ng ilang minuto ang dalaga na kung kaharap lang ang dating nobyo ng mga sandaling iyon ay malamang ay nahambalos na niya ito nang kung anong mahawakan niya dahil asar na asar na siya.“Subukan mong magmakaawa sa akin ngayon, Bethany. Malay mo naman maawa ako sa’yo? Huwag kang mag-alala, do-doblehin ko ang balik ng lahat ng nawala sa’yo ng dahil sa katigasan ng ulo mo. Mas magiging buhay prinsesa ka kumpara sa dati. Masaya naman tayo dati eh, bakit hindi natin balikan ang panahong iyon?” himok pa ni Albert
NAMUMUTLA HABANG NATITIGILAN na doon si Audrey na animo nakakita ng demonyo sa katauhan ni Albert. Ilang beses niyang sinalat-salat ang mahapdi niyang sugat sa kanyang noo at lalo pa siyang namutla nang makita ang sarili niyang dugo sa palad. Agad kasing kumapit iyon sa kanyang kamay; ang pulang mainit na likido sa sarili niyang sugat. Medyo nakaramdam siya ng hilo sa tanawing iyon. Hindi pa rin nagpakita ng kahit na katiting na awa si Albert sa babae. Hindi pa doon nakuntento ang lalake at muling sinugod si Audrey na umiigting pa rin ang panga. Muling hinawakan ang buhok ng babae at pilit na iniharap sa kanya.“A-Albert…” mahinang tawag nito sa kanya na puno ng pakiusap ang boses, nagmamakaawa.“Ano masakit ba ha? Talagang masasaktan ka sa pagiging pakialamera mo sa mga desisyon ko! Hindi lang din ito ang makukuha mo kapag hindi mo tinigilan ang pagmamagaling mo! Alam mo ba kung ano ang kaya kong gawin sa pakikialam mo sa akin? Marami! Ang iba doon ay alam kong hindi mo magugustuhan
IPINAGKIBIT NA LANG ni Briel iyon ng balikat. Hindi na siya nag-e-expect kay Giovanni noong mga gasgas na dinner na may pasabog ng petals sa nilalakaran. Masyado na siyang matanda para sa bagay na iyon. Naranasan na niya iyon sa iba niyang manliligaw, pero para sa kanya ay hindi naman na iyon mahalaga. Magiging masaya na lang siya kahit saan pa sila pumunta ni Giovanni basta magkasama, sapat na sa kanya ang bagay na iyon. Hindi siya nag-e-expect nang mas bongga sa dati dahil para sa kanya ang makapiling ito gaya ngayon ay sapat ng regalo. Ano pa ang hihilingin niya dito?“Burnham Park? Anong gagawin natin dito?” puno ng pagtatakang tanong ni Briel nang bumaba na sila matapos i-park ang sasakyan at maglakad na patungo doon, “Galing na tayo dito kanina di ba? Sumakay pa nga tayo ng boat eh.” dagdag ni Briel na blangko na ang mukha kung bakit kinakailangan nilang bumalik doon ni Giovanni gayong napuntahan na nila kanina, pinasakay nila si Brian na nakailang balik dahil ayaw pa nitong bu
SABIK NA NAGPATULOY ang usapan nina Rina at Bethany na mabilis na nilang naibaling sa ibang bagay ang paksa. Sa pagkakaroon nila ng buhay may asawa na iyon napunta. Kung paano naging mahirap na maging ina kahit na masarap umanong maging asawa ang mga taong sobrang pinapahalagahan umano sila. Naging lampas-lampasan lang naman iyon sa tainga ni Briel na pagkaraan pa ng ilang sandali ay tumayo na nang maubos ang kanyang kape upang magpaalam na. Sabay siyang tiningnan nina Rina at Bethany na parehong nagulat sa agad niyang pagpapaalam. Puno ng pagtataka ang kanilang mukha sa mga katanungan na hindi maikukubli sa kanilang mga matang mapanuri doon.“Ha? Hindi ka sasabay sa akin pauwi, Briel? Saan ka pa naman pupunta?” natatarantang alma na ni Bethany na tumayo pa at nameywang dahil wala naman iyon sa kanilang usapan ng hipag na kailangan nilang maghiwalay kapag nasa city proper na, ang usapan lang nila ay sabay silang mag-shopping at inaasahan na ni Bethany na sabay rin sila nitong uuwi. Ka
KANINA PA PANAY ang irap ni Briel na nakatayo na sa may pintuan at hinihintay ang hipag na nagpapaalam sa kanyang kapatid. Naroon din si Giovanni na karga si Brian na kinausap na nang masinsinan ni Briel na may bibilhin lang siya sa labas. Kung gaano ito kaluwag sa kanya, napakahigpit ng kapatid niya na akala mo may kabalbalan silang party na pupuntahan. Sa mall lang naman sila. Bale-baleng batukan na ni Briel nang harapan ang kanyang kapatid.“Oo nga Kuya Gav, bigyan mo naman si Bethany ng oras para sa kanyang sarili. Nakakapagod kayang mag-alaga ng bata bente-kwatro oras at alam mo naman iyon. Saka, hayaan mo na kaming mag-date na dalawa. Huwag kang epal diyan!” singit ni Briel na sinamaan ng tingin ang kapatid na mukhang ayaw pa yatang payagan ang kanyang asawang umalis.“Oo na, pero huwag kayong magtatagal. Oras na magtagal kayo, ako mismo ang susundo kung nasaan man kayo! And please, huwag kayong papasok ng bar sa gitna ng tirik na araw. Binabalaan kita, Gabriella. No alcoholic d
GINALUGAD NILANG MAG-ANAK ang lahat ng pasyalan sa buong Baguio at umabot pa sila sa La Trinidad kung nasaan ang malawak na taniman ng strawberry. Kumikinang ang mga mata ni Brian nang makita niya ang mga strawberry. Hindi ito nagpaawat sa pagha-harvest na ang feeling ay sa kanila ang tanimang iyon. On guard naman ang mga kasamang bodyguard tutal ay public place iyon. Panay ang halakhak ni Giovanni at Briel habang pinapanood ang anak. Bitbit ni Giovanni ang ilang basket na nagawa ng mapuno ni Brian, samantalang si Briel ay nagmistulang photographer ng anak. Maging si Giovanni ay kinunan niya ng larawan na hindi naman umangal. Ultimong SM Baguio ay kanilang pinuntahan upang makakuha lang ng maraming pictures na hindi maintindihan ni Giovanni kung bakit kailangang e-detalye pa iyon ni Briel. May mga katanungan man ay kanya na lang iyong hinayaan. Sinakyan na lang ang lahat ng kalokohan ni Briel. Ganundin naman ito noong namasyal sila sa Italy. Batid niyang sa mga susunod na panahon maga
BUMABA NA SINA Briel at Giovanni pagkatapos ng ilang minuto na matapos ang kanilang kababalaghang ginawa. Humarap sila kay Donya Livia na para bang walang nangyari habang salitan ang malagkit at makahulugan nilang mga tingin. Hindi naman sila tinanong ng matanda kung bakit natagalan bago bumaba. Dala ni Briel ang pamalit na damit ni Brian na sa mga sandaling iyon ay ang dungis na ng mukha dahil sa kung anu-anong kinain nito. Pagkatapos ng hapunan ay hindi naman na sila pinigilan pa ni Donya Livia na umakyat na ng silid upang umano ay magpahinga. Batid niyang pagod sila sa biyahe kahit pa chopper ang ginamit nila. Pinatunayan iyon ni Brian na agad nakatulog pag-akyat nila ng silid. Matapos na i-pwesto nang maayos ni Briel ang anak ay nahiga na rin siya. Tumabi naman sa kanya si Giovanni na agad na doong nakayakap sa kanya. Ang akala pa ni Briel ay lalabas ito upang may asikasuhin na trabaho.“Wala kang gagawing trabaho?” harap na ni Briel sa kanya at ginantihan na ito ng yakap, nasanay
MULING HINALIKAN SIYA ni Giovanni ngunit sa pagkakataong iyon ay namasyal na sa loob ng bibig ni Briel ang dila nitong mapaghanap at kung saan-saan pumupunta na para bang mayroon doong kung anong bagay na hinahanap. Sa inis ni Briel ay inihawak na niya ang dalawa niyang kamay sa garter ng suot nitong pajama na pangbahay. Walang kahirap-hirap na nagawa na niyang ipasok ang isang kamay sa loob noon habang patuloy ang kanilang mas lumalim na halikan. Hindi pa nakuntento doon ang babae na ipinasok na sa loob ng boxer ang kanyang isang palad. Segundo lang at nagawa na niyang mahawakan ang pagkalalaki ni Giovanni na mabilis ng nag-react sa init ng palad ni Gabriella.“Briel!” bulalas ni Giovanni na mabilis ng ini-angat ang katawan na para bang sinisilaban na ang buo niyang pagkatao at napaso sa hawak pa lang ni Briel sa kanyang pagkalalaki, windang na windang ang mukha niya sa ginawa ni Briel.Napangisi na doon si Briel na hinagod na ng tingin si Giovanni na para bang nang-aasar. Napaupo na
NANLALAKI ANG MGA matang pinalo ni Briel ang palad ni Giovanni nang maramdaman niyang yumakap ito mula sa kanyang likuran habang nagpapalit siya ng damit. Nakapalit na siya ng pants ngunit hindi pa ng pang-itaas na suot. “Tigil nga, baka mamaya biglang umakyat dito ang Mama mo at kasama si Brian!” asik pa niya habang nandidilat na humarap na kay Giovanni na pinapapungayan na siya ng mga mata, “Mamaya na lang, hindi ka ba napapagod, hmm? Bugbog pa tayo sa biyahe. Uso ang magpahinga muna.” taas pa ng isang kilay dito ni Briel na halatang nate-tempt din. Makahulugang ngumisi si Giovanni nang maalala ang nangyari sa kanila ng nagdaang gabi. Ito kaya ang gutom na gutom na kulang na lang ay lamunin siya nang buo kung makakaya lang nitong gawin ang bagay na iyon.“Ano bang inaarte mo? Kagabi nga ayaw mo akong tigilan, tapos ngayong nakabawi na ako ng lakas ang dami mong dahilan. Ready na ako ngayon, Baby, kahit ilan pa. Kung gusto mo bukas na tayong umaga lumabas ng silid na ito eh!” nagta
MAHIGPIT NA YAKAP ang isinalubong ng matanda sa kanilang mag-ina na noong una ay kinailangan pa ni Briel. Hindi naman kasi sila sobrang close nito para agad ng mapalagay ang kanyang loob. Medyo naiilang man ay nagawa pa rin niyang pakibagayan ang matandang Donya na nakita na niyang parang naluluha na sa labis na sayang naroroon na sila.“Mabuti naman at naisipan niyong umakyat ng Baguio?” anang matanda na hinanap pa ang mata ni Briel, ngumiti lang naman ang babae sa kanya. Nag-aapuhap na ng isasagot. “Ang tagal noong huli tayong nagkita. Ang laki mo na, Brian.” Ngumiti lang si Brian na bagama’t medyo takot sa matanda ay nagawa pa rin nitong ngitian ito matapos na mag-mano. Nangunyapit na siya sa isang hita ng ina at hindi sumagot sa mga tanong pa ng matanda kay Brian na mahiyain bigla. Hindi naman siya itinulak ni Briel dahil kilala niya ang anak na sa una lang naman nahihiya. Kapag lagi na nitong nakikita ang matanda, ito na ang kusang lalapit dito upang makipag-interact. Ganun nama
NAPADILAT NA ANG mga mata ni Briel nang makitang wala namang nakahiga doon na inaasahan niyang bulto ng katawan ni Giovanni. Lasing man siya nang nagdaang gabi ay alam niya ang naganap sa kanilang pagitan ni Giovanni. Hindi niya lang basta guni-guni ang bagay na iyon. Sinuri niya ang kanyang katawan na natagpuan niyang may suot na saplot, iyon nga lang ay hindi na iyon ang damit na huli niyang natatandaang suot niya bago sila umakyat ng silid. Malamang ay binihisan siya ni Giovanni. Ganun kaya ang lalaki. Imposibleng basta na lang siyang iiwan nitong hubad. Sinuri niya rin ang sahig at wala doong kalat na alam niyang basta na lang nila inihagis ang kanilang mga hinubad dito.“Hindi iyon panaginip lang…sigurado ako…” turan niya pang hinawakan na ang parte sa pagitan ng kanyang mga hita at maramdaman ang pananakit noon na para bang binugbog siya, sumilay na ang kakaibang ngiti sa kanyang labi. “Sabi ko na eh, may nangyari sa aming dalawa. Imposible namang sumakit ito kung panaginip lang