共有

Chapter Thirty-five

作者: Maybel Abutar
last update 最終更新日: 2025-04-14 21:27:04

Nagulat si Gaia sa sinabi ni Aurus at hindi agad nakasagot. Nakita na lang niya ang papalayo nitong bulto sa kaniya. Wala sa sarili siyang napahawak sa tapat ng dibdib niya. Hindi niya inaasahan ang mabilis na tibok ng kanyang puso sa ginawa nito. Hindi man kapani-paniwala, pero tila naapektuhan ang damdamin niya sa sinabing iyon ng binata.

“Pinuno!”

Isang sigaw ang nagpabalik sa h’wisyo ni Gaia. Nakita niya ang kapatid ni Trey na nagmamadaling lumapit sa kaniya. Kaagad itong lumuhod sa harapan niya para magbigay galang.

“Hindi ako ang lider niyo, kaya’t huwag mo nang gawin iyan. Tumayo ka at sabihin ang sadya mo,” saway niya rito, pero hindi nito pinansin ang sinabi niya.

“Pinuno, ako po si Animfa. Nais ko lang pong ibalita na narito ang grupo ng Lunos dala ang malalakas nilang armas na pampasabog. Kung hindi raw po magpapakita ang pinuno ng tribo sa kanila ngayon, pasasabugin nila ang lugar na ito,” natataranta nitong sabi.

“Bakit sila narito?” tanong na lang niya sa babae.

“Palagi
この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード
ロックされたチャプター
コメント (1)
goodnovel comment avatar
Angie Tabalan
Nakaka-excite naman...Thanks ms. A...
すべてのコメントを表示

最新チャプター

  • The Stranger who Loves my Twin Sister   Chapter Forty-one

    “Ina!” sigaw ni Brie.Bumitaw si Gaia kay Aurus at bahagyang dumistansya bago lumingon kay Brie. Tumatakbo ito patungo sa kaniya kaya sinalubong niya ito ng yakap. Humikbi ito sa kaniyang balikat habang buhat niya.“Ina, natatakot po ako.”“Patawad, Brie, kung nakita mo ang lahat ng ito. Maayos na ang lahat at ligtas ka na. Wala ng mananakit sa ’yo at hindi ko rin hahayaan na masaktan ka habang buhay ako,” mahinahon niyang sabi sa bata habang hinahaplos ang likuran nito.“Ginoong Aurus, ayos ka lang ba?”Naagaw ng boses babae ang atensyon ni Gaia kaya bumaling siya sa likuran niya. Nakatayo roon si Aurus habang katabi ang isang babae na nagtatakang nakatingin sa binata. Nagtataka rin siya kung bakit hindi gumagalaw si Aurus. Nilapitan niya ito at marahan itong tinapik sa pisngi.“Humihinga ka pa ba, Aurus? Anong nangyari sa ’yo? Bakit natigilan ka riyan?”Bahagya siyang nagulat nang bigla nitong hinawakan ang kamay niyang tumapik sa pisngi nito, pero hindi pa ito nakuntento at niyakap

  • The Stranger who Loves my Twin Sister   Chapter Forty

    “May regalo ako sa ’yo, premier guard.”Bumaling ang tingin ni Gaia sa matandang nagsalita. Marahil ito ang nag-utos sa mga lalaking nambulabog sa pintuan ng kwartong kinaroroonan niya kanina. Mabuti na lang at nagising agad siya bago pa makapasok ang mga ito. Nararamdaman niyang may panganib, dahil sa mabibigat na presensya sa labas ng silid. Tulad ng kaniyang inaasahan, kaguluhan ang sumalubong sa kaniya nang bumukas ang pinto. Mabilis niyang natapos ang laban at plano sanang umalis sa lugar, pero mas marami ang kalabang naghihintay sa kaniya sa bulwagan. Ngayon naman ay nasa harapan na niya ang taong hinahanap niya.“Hindi ako mahilig sa regalo, tanda. Gusto ko lang maningil sa taong nag-utos para patayin ako,” seryoso niyang sabi.Tumawa lang ito at parang aliw na aliw sa kaniyang sinabi. “Sigurado ka ba? Tiyak magugustuhan mo ang regalong inihanda ko sa ’yo, premier guard. Gawin mo na lang ang gusto mong paniningil pagkatapos mong makita ang regalo ko. Iyon ay kung magkaroon ka p

  • The Stranger who Loves my Twin Sister   Chapter Thirty-nine

    “Huminahon ka, tiyo. Maupo ka muna at mag-usap tayong mabuti,” pagpapakalma niya sa hindi mapakaling tiyuhin.“Wala akong oras para makipag-usap sa ’yo, Liam. Kailangan ko ang babae, buhay man o patay! Halughugin niyo ang buong paligid,” utos nito sa mga tauhan. Kahina-hinala ang kilos ng tiyuhin niya ngayon, at nagkaroon siya ng hinala rito nang maalala ang tanong ng babae sa kaniya. Hinahanap ng babae ang taong nag-utos sa mga tauhan ng Riyam para pasabugin ang dooms gate at patayin ang premier guard.Hindi kaya may kinalaman doon ang tiyuhin niya?“Pigilan sila at huwag hahayaang makalabas sa bulwagan,” maawtoridad niyang utos na agad sinunod ng kaniyang mga tauhan. Mabilis din humarang ang sampu niyang tagasilbi sa unahan niya para protektahan siya sa anumang panganib.Malakas na tumawa si Guyam. “Magaling, mahal kong pamangkin. Nakuha mo na ang tiwala ng sampung babaeng iyan at nakuha mo pa rin ang isang iyon. Ganoon ba kataas ang kagustuhan mong manatili sa posisyon bilang lide

  • The Stranger who Loves my Twin Sister   Chapter Thirty-eight

    “Wala akong alam sa sinasabi mo, pero sa tingin ko, ito ang kailangan mo.”Kaagad napansin ni Gaia ang pagbabago ng emosyon sa mga mata ng lalaki. Agad niyang naisip na krandular ang dahilan kaya sapilitan nitong kinukuha ang pinuno ng mga amazona. Gusto nitong malaman sa mga lider mismo kung namukadkad ang krandular, pero wala siyang ideya kung bakit hindi bumabalik ang mga pinuno sa tribo. Lalo na’t walang pagsisisi siyang nakita sa mukha ng mga kababaihan kanina.Tumitig siya sa lalaki. Maaari kayang tama ang sinasabi nito na kusang loob nagpaalipin ang mga dating lider, pero ano’ng dahilan?“Paano mo nakuha ang krandular?” Kunot noo itong naghihintay sa sagot niya.Huminga nang malalim si Gaia. Hindi na niya dapat isipin ang tungkol sa mga dating lider ng amazona. Mas dapat niyang isipin ang pakay sa lugar na ito at kung paano matutukoy ang utak sa pagpapasabog sa dooms gate. Dalawang taon siyang naghirap upang pangalagaan iyon, at hindi siya papayag na makalusot ang mga ito nang

  • The Stranger who Loves my Twin Sister   Chapter Thirty-seven

    Lulan ng karwahe, nakikiramdam si Gaia habang nakapikit. Napapagitnaan siya ng dalawang lalaki sa loob. Alam niyang may tumitingin sa nakahantad niyang hita mula sa mga kasama sa loob ng karwahe. Nang maramdaman ang pagkilos ng nasa kanan, mabilis siyang nagmulat ng mga mata at dinakot ang kamay nito na nagtangkang hawakan ang hita niya. Nagulat ang lalaki, pero hindi ito nakahulma nang ihampas niya ang sarili nitong kamay sa mukha nito. Napatingala ito at nauntog sa dingding ng karwahe.“Argh! Bwiset kang babae ka!” Galit nitong binunot ang patalim sa baywang, pero mabilis niyang sinapak ang lalaki at sinipa palabas ng karwahe. Nasira ang pintuan at tuluyan itong nahulog. Hinawakan siya ng natitirang lalaki sa loob ng karwahe, pero pinilipit niya ang braso nito.“Aray! Bitiwan mo ako!” sigaw nito.Naramdaman ni Gaia ang bahagyang pagtigil ng karwahe.“Ano’ng nangyayari dito?” bungad na tanong ng isang lalaki na sumilip sa nasirang pinto ng karwahe.Hinila ni Gaia ang hawak na lalaki

  • The Stranger who Loves my Twin Sister   Chapter Thirty-six

    Binaybay ni Aurus at Trey ang daan na tinahak ng grupong kumuha kay Gaia. Ayon kay Trey, isa ang grupong iyon sa sumugod sa dooms gate na gustong pumatay kay Gaia. Ngayon alam na niya kung bakit pamilyar sa kaniya ang mga lalaking iyon. Hindi niya maiwasang mag-alala sa dalaga kahit alam niyang kaya nitong ipagtanggol ang sarili. Nag-aalala siya na baka hindi pa bumabalik sa dati ang lakas nito pagkatapos ng mga nangyari kagabi. Alam niyang hindi nagpapakita ng kahinaan si Gaia, pero nararamdaman niyang may epekto rito ang pagtatalik nila kagabi. Napansin niya iyon nang lumabas ito sa silid kaninang umaga. May panginginig ang mga binti nito, pero kaagad nitong naitago iyon. Wala naman siyang ideya sa plano nito kung bakit nagkusa itong sumama sa grupo ng Lunos.“Kuya Aurus, bakit po tayo iniwan ni Ina?” inosenteng tanong ni Brie.Marahang lumalakad ang sinasakyan nilang kabayo dahil sa makipot na daan. Medyo madulas din iyon dahil sa pag-ulan kagabi.“Hindi niya tayo iniwan, Brie. May

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status