Share

Chapter 10

Pagdating ko sa bahay namin ay bumungad agad sa akin si mommy kasama si daddy. Nang makalapit ako sa kanila ay nagmano ako at inilagay ng mga kasambahay namin yung mga gamit ko sa aking silid.

            

"Mabuti naman at sinunod mo ako. Matagal-tagal ka rin na nanatili sa Cagayan kaya ngayon ay ang nalalapit mong kasal ang pagtuunan mo nang atensyon. Magkakaroon din tayo nang dinner with Eric's family kaya magpahinga ka na muna." 

            

Napatango na lang ako sa tinuran ni mommy at nagtungo na ako sa aking kwarto. Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng aking silid at napagtantong wala pa rin itong pinagbago. Matagal-tagal din akong nawala at kahit naman papaano ay namimiss kong manatili sa silid na ito.

            

Hihiga na sana ako sa aking kama ng marinig na tumunog ang aking cellphone. I just received a message from Allen and it makes my heart flutter. Nagpalitan kami nang mga mensahe ni Allen hanggang sa makaramdam ako ng antok dala na rin siguro ng pagod sa biyahe kaya naman nagpaalam na ako sa kanya at pagkahiga ko ay agad akong nakatulog.

    

                                                       

                                      ~~~

            

"Diana nandiyan na yata sila. Pagbuksan mo sila ng pinto." Utos sa akin ni mommy ng makita ako. Habang siya ay abala sa paghahanda sa mga pagkain sa hapag kainan. Ako naman ay nagtataka. Mayamaya'y napagtanto kong mayroon nga pala kaming family dinner ngayon kasama ang pamilya ni Eric. Muntik ko nang makalimutan. Napatingin naman ako sa aking suot at ayos lang naman kaya naglakad na ako patungo sa pintuan para pagbuksan ng pinto yung kumakatok. Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ay si Eric ang una kong nakita at agad ako nitong sinunggaban nang mahigpit na yakap.

            

"Na miss kita nang sobra." Hindi ako umimik at pilit na ngumiti.

            

"Hija it's nice to see you again," wika ni tita Carmen. Tinapik ko naman sa balikat si Eric at kumawala sa pagkakayakap.

            

"Likewise tita. Tara na po sa dining area naghihintay po na roon sina mommy at daddy." Tumango naman sila at iginiya ko sila patungo sa dining area.

            

"So, how's your vacation hija?" biglang tanong ni tito john. He's Eric's dad.

            

"Ayos naman po at kahit papaano ay nag-enjoy ako." 

            

"Mabuti naman kung ganoon." Ngumiti lang ako sa tinuran ni tito at patuloy lang sa pagkain.

            

"Nga pala ano po pala yung sasabihin niyo sa amin?" tanong ni Eric kina mommy at napakunot naman ang aking noo. May sasabihin sila sa amin? Bakit hindi ko alam? Ano naman kaya iyon?

            

"Makinig kayong dalawa. Lalong-lalo ka na Diana," panimula ni mommy at tumingin sa akin.

            

"Napagdesisyonan namin na mas mapaaga ang inyong kasal at sa susunod na linggo na iyon magaganap."

   

"But mommy wala pa akong wedding gown. Bakit kailangang madaliin ang aming pagpapakasal?" sabat ko at isang masamang tingin ang ipinukol sa akin ni mommy kaya naman napatikom ako agad ng labi.

            

"Lahat ay nakahanda na para sa inyong kasal. Mayroon ka nang wedding gown kaya hindi mo na kailangang mag-alala para sa bagay na iyon. Susukatan ka bukas para sa wedding gown mo para mai-adjust nila ang kailangang i-adjust sa gown mo," wika ni mommy.

            

"Pero bakit nga minamadali niyong makasal kami ni Eric?" 

            

"Dahil kailangang makasal na kayo sa lalong madaling panahon," wika naman ni daddy. Magsasalita pa sana ako pero hindi ko nalang tinuloy. 

            

"Hindi ba't mas magandang mas maagang maganap ang ating kasal Diana?" tanong naman ni Eric.

            

"I'm not yet ready to get married." 

            

"Diana!" wika ni mommy at magkasalubong na naman ang mga kilay.

            

"Hija kahit naman na hindi mapaaga ang inyong kasal eh ikakasal pa rin naman kayo. Unless ayaw mong matuloy ang kasal kase ayaw mong magpakasal sa anak ko or may minamahal kang iba?" Napatingin naman ako kay tita Carmen dahil sa kanyang tinuran at agad ding iniiwas ang tingin. Nanatili akong tahimik hanggang sa matapos ang dinner namin with Eric's family.

            

"Bye Diana. See you tommorow," wika ni Eric at niyakap ako bago umalis kasama ang kanyang mga magulang.

            

"Diana tapatin mo nga ako." Napahinto ako sa paglalakad dahil kay mommy at hinarap ito.

      

"What is it mommy?"

            

"May minamahal ka bang ibang lalaki?" tanong nito na siyang ikinabigla ko. May minamahal ka na ibang lalaki? Eh si Allen lang naman ang mahal ko.

            

"Bakit hindi ka makasagot?"

            

"Mom paano naman ako magmamahal kung pinagbabawalan niyo ako dahil gaya nga ng gusto niyo ay si Eric ang mahalin ko. Kahit naman labag sa kalooban ko ay wala akong magagawa" Pagsisinungaling ko. I'm sorry Allen pero hindi pa ngayon ang tamang oras para ipagtapat ang relasyon natin.

            

"Mabuti kung ganon ng wala nang problema pa," wika nito at umalis na sa aking harapan. Huminga ako nang malalim at nagtungo sa aking kwarto.

                                                               

                                       ~~~

            

Tatlong araw na ang nakakalipas mula ng may nagtungo sa bahay at kinuha ang sukat ko para sa wedding gown.

            

"Ma'am Diana nasa labas po si sir Eric hinihintay kayo," wika ng isa sa mga kasambahay namin.

            

"Bakit daw?"

            

"Mabuti pa Diana mag-bihis ka nang maayos at puntahan mo si Eric dahil baka magde-date kayo." biglang sabat ni mommy. Tututol sana ako sa tinuran niya pero alam kong pagagalitan lang niya ako kapag sumuway ako kaya wala akong choice kundi sumunod sa gusto niya. Kaya nagtungo ako sa aking kwarto at nagbihis. Pagkatapos ay pinuntahan si Eric na naghihintay sa labas ng bahay. No choicce again.

             

"Eric. Why are you here?"

             

"I just want to have a date with you. C'mon," wika nito. Labag man sa kalooban ko ay sumakay ako sa kanyang sasakyan.

             

"Mabuti naman at gusto mong makipag-date sa akin."

             

"Kahit naman ayaw ko wala akong choice kundi pumayag dahil malalagot ako kina mommy." Napangisi lang ito at naging tahimik kami sa biyahe hanggang sa makarating kami sa isang restaurant. Agad kaming pumasok at nag-order ng pagkain.

             

"Bakit hindi mo nalang ako dinala sa restaurant namin?" tanong ko kay Eric pero nagkibit balikat lang ito bilang sagot sa aking tanong. Mayamaya ay may naglalapag na ng mga inorder naming pagkain sa table namin ni Eric at pagtingin ko sa nagse-serve ay halos lumuwa ang aking mga mata ng makita kung sino. Napatingin din ito sa akin at ganun din ang reaksyon.

             

"Allen," wika ko sa aking isipan. He's here pero bakit hindi niya sinabi sa akin? Kailan pa kaya siya nandito? Saka bakit nagtatrabaho siya sa isang restaurant as a server dapat ay nagtatrabaho siya bilang isang architect sa architecture company.

             

"You can go now," wika ni Eric kay Allen kaya umalis na ito. Sinundan ko naman ito ng tingin.

             

"Diana," tawag sa akin ni Eric at halatang nagtataka ito.       

             

"Kain na tayo," wika ko at nagsimula na kaming kumain pero ang isipan ko ay puro Allen ang laman. Kailangan ko siyang makausap mamaya.

            

"Diana, I need to go now. May emergency sa office eh," biglang wika ni Eric habang kumakain kami.

            

"Kung ganoon ah mauna kana at dito muna ako. Sayang naman itong mga pagkain kung walang kakain," wika ko na siyang sinang-ayunan naman niya. Nagbayad muna ito bago umalis at kumain lang ako nang kaunti habang inaabangan si Allen. Nang hindi ko ito makita na nagse-serve ay tinawag ko ang isang waiter at sinabing papuntahin sa kinaroroonan ko si Allen.

            

"Allen, please sit down," wika ko ng dumating ito.

            

"Diana."

            

"Why didn't you informed that you're here?"

            

"Sorry biglaan lang din kase akong nagpunta dito. Sorry," wika nito at hinawakan ang kamay ko.

            

"Then, why are you working here? You're supposed to work in a architecture company."

            

"Nag-apply ako pero wala pang tumatanggap sa akin kaya dito muna ako nagwo-work." Napatango-tango na lang ako sa kanyang tinuran.

            

"If that's the case, maybe I can help you."

            

"Huwag na. Ayos lang naman ako sa trabaho ko sa ngayon. Ikaw kumusta kana?" Napayuko naman ako dahil sa kanyang tanong. Huminga ako nang malalim bago siya tinignan nang diretso sa mata.

            

"A—Allen sa susunod na linggo na ang kasal namin ni Eric." As I said those words. I saw how his smile slowly fades and it breaks my heart. Mas hinigpitan nito ang pagkakahawak sa aking kamay at unti-unting ngumiti.

            

"Huwag kang mag-alala Diana. Hindi ko hahayaang makasal ka sa lalaking iyon," wika nito na siyang ikinangiti ko.

            

At sa paglipas ng mga araw ay palagi na kaming nagkikita ni allen ng palihim dahil hindi pa ako handang sabihin kina mommy na may mahal ako. Hindi madali ang ginagawa namin ni Allen lalo na sa tuwing pumupunta kami ni Eric sa pinagtatrabahuan niya.

            

"Allen," wika ko at niyakap ito. Nandito kami ngayon sa park na malapit lang sa restaurant na pinagtatrabahuan niya.

            

"Diana, pinapangako kong sa araw mismo ng kasal niyo ng Eric na iyon ay siyang araw na magiging malaya tayo para ipahiwatig sa kanila na mahal natin ang isa't-isa. Magiging malaya tayo para makasama ang isa't-isa ng walang pumipigil sa atin at hindi na natin kailangan magkita pa ng palihim. Pinapangako ko rin na hinding-hindi kita bibitawan para lang mapunta ka sa kanya. Mahal kita Diana at ipaglalaban natin ng magkasama ang ating pagmamahalan."

            

"Mahal din kita allen at pinapangako ko rin na kahit anong mangyari ay hindi rin ako bibitaw sa ating dalawa. Mahal na mahal kita at kahit anong mangyari ay hindi iyon magbabago," wika ko rin at niyakap ito.

            

Nakatingin lang kami pareho sa kalangitan habang magkasalikop ang mga kamay at magkatabi. We just stayed like that for an hour before we decided to go. It's already 7:30 at night and I really need to go.

            

"Dito na lang po ako bababa," wika ko sa taxi driver at tila naguguluhan si Allen pero isang matamis na ngiti an aking iginawad sa kanya.

            

"Bakit?" tanong nito.

            

"Baka kase makita ako ni mommy na kasama kita. I'm sorry." 

            

"Naiintindihan ko," wika nito at niyakap ako. Niyakap ko rin ito pabalik. Nagbayad na ako kay manong driver bago lumabas ng sasakyan at naglakad patungo sa bahay pero ng makarating ako sa tapat ng bahay ay huminga muna ako nang malalim bago pumasok sa bahay.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status