Share

Kabanata 12 - Halaga

Nang magising si Carmina, dahan dahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata at nakita na puti ang tuktok ng kanyang ulo, at ang amoy ng disinfectant ay naaamoy niya sa lahat ng dako.

Umupo si Enrico sa gilid, at nang makita niyang nagising si Carmina ay humakbang siya papalapit dito, "Ano ang nararamdaman mo? Masakit pa rin ba? May iba ka bang nararamdaman na kakaiba?”

"Mas mabuti na ngayon."

Sabihin man niya na ayos lamang siya ay taliwas ito sa pisikal na makikita kung titingnan ang itsura ni Carmina ngayon. Napakaputla niya, medyo magulo ang kaniyang buhok, at may kaunting dugo sa labi.

"Nagpabili ako ng lugaw para pag nagising ka ay malalamanan ang iyong tiyan, pero ang tagal bago ka magising kaya lumamig na ito. But then I let someone warm this, kaya kumain ka muna ng konti, Carmina.”

Binuksan ni Enrico ang termos, at kaniyang sinandok ang lugaw na sinabi niyang pinainit niya muna.

Isa ito sa mga paboritong pagkain ni Carmina.

"Ayoko kumain.” Umiling siya, gustuhin man niyang kum
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status