Mag-log inAgad na napalingon ang babae sa pintuan, tiningnan niya ang lalaki ngunit hindi man lang siya nito tiningnan pabalik. Mabilis na lumapit si Raiza, inabot ang pambahay na tsinelas nito at kinuha ang itim na coat na suot niya.Sakto naman na lumabas ng kwarto si Catherine. Nang makita si Nathaniel na kakauwi lang, nagtanong siya agad.“Kumain ka na ba?”Tumango lang ang lalaki bilang tugon bago tahimik na umakyat sa second floor ng bahay.Dahan-dahang binawi ni Arabella ang kanyang tingin.Kinabukasan tinawagan ni Catherine si Lorenzo, sinabi nito na nais munang muling suriin ng kabilang panig bago magdesisyon kung itutuloy pa ba nila ang pagpirma ng kontrata.Nang marinig iyon ni Arabella, hindi niya maiwasang magduda.Sa mundo ng negosyo, kapag malapit nang mapirmahan ang isang kasunduan at biglang may ganitong dahilan, kadalasan ay palusot lamang iyon. Ninety percent ng mga ganitong kaso ay nauuwi sa pagkansela ng kontrata.Malinaw na may nangyaring problema sa pinakahuling parte ng
Nagsimula ng kumanta ang TheJuans, lalo ng natuwa ang mga tao na nanunuod. Tuluyan ng naging masaya ang buong concert hall. Tuluyan nang nawalan ng gana si Chriztle dahil sa mga taong nakita niya kanina.Sa kabutihang-palad, unang nag perform ang isa sa mga paborito niyang banda. Talagang maganda ang concert ngayon kumpara noong nakaraang taon.Habang nakikinig sa musika, unti-unting nailalayo ni Arabella ang isip niya kay Nathaniel.Sa totoo lang, hindi naman talaga siya ganoon kadaling naka-move on gaya ng ipinapakita niya.Ngunit nang makita niya ang susunod na aakyat sa entablado, bahagyang nanigas siya.Nakasuot si Valentina ng isang kulay-lilang strapless gown na puno ng kumikislap na mga dyamante. Nakaayos pataas ang mahaba nitong buhok at lalong namumukod-tangi ang maganda nitong mukha. Para itong nagniningning sa ilalim ng mga ilaw.Mula sa kinauupuan ni Arabella, kitang-kita niya ang tagiliran ng mukha ni Nathaniel.Nakatitig ito sa dalaga sa entablado nang may buong atensyon.
Pagkatapos ng tanghalian, alam ni Lhanze na may gustong pag-usapan sina Nathaniel at Sir Jim, kaya nagpaalam siya at umalis kasama ang iba pang guro ng paaralan.Habang naglalakad ang dalawa, biglang nagtanong ang matanda.“Napag-isipan mo na ba kung ano ang ipapangalan mo sa anak mo?”Mabilis na sumagot ang lalaki,“Hihintayin po muna namin na ipanganak ang bata bago po kami mag desisyon.”Tumango ang matanda, pero ramdam pa rin ng lalaki ang mabigat na aura nito.“Kahit ano pa ang ginagawa mo ngayon, walang kasalanan ang bata. Isa ka nang taong may responsibilidad sa lipunan. Sana ay panindigan mo rin ang responsibilidad mo sa pamilya.”Sa kaibuturan ng kanyang puso, umaasa pa rin siyang mare-realize ng lalaki ang pagkakamali nito at magbabago.“Kapag hindi maayos ang paghawak sa pag-aasawa at relasyon, habang-buhay mong dadalhin ang epekto nito. Alam kong bata ka pa, matagumpay ang career, at kasama mo ang babaeng mahal mo. Sa edad mo, malamang iniisip mong kaya mong solusyonan ang
Binawi ni Valentina ang tingin niya at sumunod kay Andrei papasok ng restaurant.May nakatakda silang meeting sa isang nakatatanda kaya dumiretso sila sa isang pribadong silid.Pagkatapos mag hapunan nina Arabella, nabanggit na pala ni Dominic sa manager ng restaurant ang tungkol sa kanila kaya hindi na sila pinagbayad.Paglabas nila ng restaurant, nagsimula nang bumagsak ang ulan.“Hindi ko alam na maaga pala ang tag-ulan ngayon,” sabi ng Professor.Iniunat ng babae ang kamay niya upang saluhin ang patak ng ulan. Pagdampi nito sa kanyang palad ay agad siyang natuwa.“Oo nga. Mukhang mas lalamig din ang taon na ito,” sagot niya.Inalalayan siya ni Catherine pababa ng hagdan habang sabay silang naglakad papunta sa parking area ng restaurant.Bago sumakay si Arabella sa kotse, nagpaalam siya kay Professor Lhanze.Habang papunta naman si Lhanze sa sarili niyang sasakyan, napansin niya si Valentina na nakatayo hindi kalayuan.Suot nito ang kulay rosas na fur coat, nakalugay ang mahabang b
“Lolo!”Biglang may narinig na matamis at malambing na boses.Si Khloe ay nakasuot ng kulay rosas na jacket. Ang kanyang sumbrerong may tainga ng kuneho ay pataas-baba sa bawat galaw niya. Sa sobrang cute at lambing niya, para talaga siyang isang munting mabalahibong kuneho habang mabilis na tumatakbo papunta sa hardin. Maingat naman siyang sinusundan ng kanyang yaya.“Miss, dahan-dahan po,” nag-aalalang sabi ng yaya.Agad na lumapit si Angie sa kanyang apo at binuhat ito.“Naku, ang apo kong si Khloe! Mag-ingat ka, paano kung madapa ka?”Yumakap ang bata sa leeg ng kanyang lola at hinalikan ito sa pisngi.Napangiti agad ang matanda hanggang sa lumalim ang mga kulubot sa gilid ng kanyang mga mata. Hindi niya napigilang haplusin ang malambot na buhok ng bata.“Batiin mo si Uncle Nathaniel.”Tumingin si Khloe sa lalaki at malambing na ngumiti.“Hello Uncle Nath.”Lumambot ang tingin ng lalaki. Iniabot niya ang kanyang mga kamay.“Gusto mo bang magpabuhat kay Uncle?”Masunuring iniabot n
Napatingin si Lola Maricel sa kanilang dalawa at nagtanong, “Natapos na ba?”“Opo, natapos na po. Malaking tulong talaga si Pinsan. Kailangan ko siyang ilibre ng maayos na pagkain sa susunod.”“Dapat lang na ilibre mo siya, lagi ka nang humihingi sa kanya ng pabor.” sagot ng matanda.Matapos magpaalam sa mga nakatatanda, nagsuot na ang babae ng jacket at sumunod kay Nathaniel palabas.Naiparada na ng driver ni Nathaniel ang kotse sa tapat ng pinto. Dire-diretso itong nag lakad ito habang nakapamulsa at agad na sumakay ng kotse.Halos kakatila lang ng ulan kaya naman medyo madulas ang kalsada ngayon. Maingat na inalalayan si Arabella ng isang kasambahay mula sa pagbaba ng hagdan hanggang sa maihatid siya sa harap ng kotse.Sa loob ng sasakyan, ang lalaki ay nakatingin sa cellphone, mukhang may kausap o may mine-message. Hindi niya man lang tiningnan ang babae.Pagkasakay niya, agad isinara ng driver ang pinto at nag maneho palabas ng mansyon. Tahimik ang loob ng kotse, nag aalinlangan
Hindi nag tagal ay huminto na ang sasakyan sa tabi ng istasyon.Dahan-dahang bumaba si Arabella hindi man lang siya pinagbuksan ng pinto ng asawa niya. Pagsara ng pinto, agad siyang sinalubong ng malamig na hangin ng gabi. Agad na namula ang kanyang mga mata. Naglakad na siya patungo sa istasyon. H
Nang makauwi na sila Arabella at Catherine sa bahay, agad na nagpalit ng damit si Arabella at naglagay ng kaunting make-up para naman maging presentable siyang haharap sa kasama ng kanyang Prof. Nang tingnan niya ang sarili niya sa salamin medyo napang hinaan pa siya ng loob. Dahil para sa kanya k
Kasabay nito sa Forbes Park sa bandang makati. Isa itong exclusive village ng mga mayayaman na matagal nang nakatayo. Bagama’t medyo luma na ito, nananatili pa rin ang karangyaan nito.Dahan-dahang huminto ang isang Bentley sa harap ng isang malaking bahay.Ito mismo ang dating mansyon ng pamilya Ro
Nang marinig ni Joyce ang mga sinabi ni Arabella ay bigla siyang tumayo at mariin na hinampas ang lamesa.“Arabella!” Ngunit wala nang pakialam ang babae rito, tuluyan na siyang tumalikod at umalis. Pag balik niya sa kanyang lamesa, inilabas niya ang kanyang pocket mirror at tiningnan ang maliit n







