Share

Chapter 01

last update Last Updated: 2026-01-07 21:19:39

CAROLINE CERVANTES POV

*Three years later....*

Nakaupo ako sa silya habang abala ang mga kamay sa pagtitipa. Hindi ko na matandaan kung ilang oras na ang nakalipas simula nang umupo ako rito.

Ang tanging naaalala ko lang ay dito ako dumiretsyo pag-uwi ko galing sa university para nag take ng exam. Kumakalam ang t'yan, pero walang balak na tumayo kasi nag-aalala Ako na baka makalimutan ko na naman ang mga ideya na pumapasok sa utak ko. Kaya habang naaalala ko pa ay ititipa ko na iyon sa laptop para makatulog ako nang maayos.

I was writing a continuation scene for my new novel. Isang buwan na din ang lumipas ng masimulan ko ito at maraming tumangkilik sa kwento.

At ngayon ay nasa exciting part na ako kung saan ay magkikita na ulit ang main lead sa story na ilang taon ding nalayo sa isa't isa.

And what's more surprising? Was that the male lead in my novel was based in that I met two years ago. Siya ang ginawa kong inspirasyon sa aking kwento at dahil doon ay mas lalo lang lumala ang imahinasyon ko sa mga bagay bagay.

Baka nga kapag nagpa-check ako sa isang psychiatrist ay sasabihin niyang nasisiraan na ako ng bait... dahil sa mga senaryong binubuo ko sa utak ko.

Pero gano'n naman talaga ang buhay ng isang manunulat. Hindi ka basta-bastang makakabuo ng isang kabanata na hindi mo ini-imagine sa loob ng ulo mo. Kailangan mong pag-isipan nang mabuti kung gusto mong magustuhan ng iyong taga suporta.

"Sa wakas..... natapos din!" masayang sambit ko sabay taas ng aking mga kamay para mag-stretching.

Nai-post ko na rin iyon sa writing platform na kinabibilangan ko at pagkatapos ay isinara ko na ang aking laptop at tumayo mula sa aking pagkaka-upo.

Tinalikuran ko ang study table at lumabas na ng kwarto. At paglabas ko ay agad na sumalubong sa akin ang mabangong amoy na nagmumula sa kusina. Ngumiti ako at dumiretsyo doon at kahit hindi pa ako tuloyang nakakapasok sa loob ng kusina ay natanaw ko na si Akisha... Nakaharap sa stove at abala sa pagluluto habang sumasayaw.

Si Akisha ay naging kaibigan ko noong naging third year college na ako. At ngayon na graduating na kami pareho ay sanggang-dikit pa rin at hirap paghiwalayin.

"Angas mo ah..." komento ko at umupo sa upuan.

Agad siyang bumaling sa akin at sinamaan ako ng tingin. Pero agad niya ding ibinalik ang tingin sa kanyang niluluto.

"Tapos kana magsulat?" tanong niya na hindi nakatingin sa akin.

Sa lahat yata ng tao sa paligid ko ay siya lang ang nakakaalam ng tungkol sa pagsusulat ko. Wala naman talaga akong balak na ipaalam sa kanya ang tungkol doon. Pero nagkataong aksidente niyang nabasa niya ang manuscript na ginawa ko dahil nakabukas ang laptop. Kaya ayon, hindi na ako nakalusot.

Huminga ako nang malalim.

"Oo.. tapos na," tipid kong sagot at tumango tango pa kahit hindi naman niya iyon nakikita.

Iginala ko ang aking tingin sa buong kusina dahil sa sobrang pagkaburyo at nang makita ko ang iilang prutas na nakahilera sa counter at tumayo ako upang lapitan iyon.

"Galing kay Mike?" tanong ko, tinutukoy ang kanyang manliligaw.

Kinagat ko ang apple at sumandal sa counter para hintayin ang kanyang sagot.

"Oo. Napadaan siya dito kanina. Nagyaya na lumabas daw tayong tatlo mamaya at manood ng sine," pag-kwento niya at kitang-kita ko ang kanyang ngiti.

Hindi ko mapigilan ang paniningkit ng aking mga mata dahil sa reaksyon na nakikita ko sa kanyang mukha. Hindi ko rin alam kung bakit may ugali akong ganito, siguro masyado lang akong bitter kaya parang nandidiri ako kapag nakikita ko siyang kinikilig.

"Tsk... ayusin mo na ang lamesa para makakain na tayo!" biglang asik niya na siyang ikinatawa ko.

Asar na asar kasi siya kapag ganito ang ekspresyon ko kapag nagku-kwento siya tungkol sa love life niya at natutuwa naman ako.

"Pikon," banat ko bago siya iniwanan sa kusina para ayusin ang hapagkainan.

~~~~~~~

"Hindi ka talaga sasama?" pangungulit niya.

Kanina niya pa tinatanong iyon sa akin at hindi ko na matandaan kung ilang beses na. At kahit parehong sagot ang natatanggap niya sa akin ay hindi pa rin talaga siya tumitigil.

"Hindi nga! umalis kana. Ang kulit mo!" asik ko at agad na isinara ang pinto.

"Ang sama talaga ng ugali!" reklamo niya.

Lumapit ako sa bintana upang siguraduhin na nakasakay na siya ng taxi. At nang nasiguro kong nakaalis na siya ng ligtas ay ibinaba ko na ang kurtina at tumalikod patungo sa sala.

Paupo na sana ako sa sofa nang biglang umalingawngaw ang sunod-sunod na pagkatok sa pintuan. Agad na nalukot ang mukha ko at padabog na humakbang papalapit sa pintuan at handa ng sermonan si Akisha.

"Yan kasi... May nakalimutan kana naman sigur--"

Nanlaki ang mga mata ko nang hindi si Akisha ang bumungad sa aking harapan. Kundi isang lalaki.

Sugatan... punit-punit ang d*mit at halos hindi ko na makita nang maayos ang kanyang mukha dahil nabalutan iyon ng maraming d*go.

"S-sino k-ka?"....

TO BE CONTINUED......

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The writer's Temptation (SSPG)   Chapter 11

    CAROLINE CERVANTES POV The Madrigal's mansion stood like something pulled straight out of a magazine. From gall iron gates, warm lights glowing from massive windows, and marble steps that made me suddenly aware of how small I felt. Kung Ako ang tatanungin, hindi na ito mansyon kundi isang malaking kaharian. Dahil sa kaba ko ay humigpit ang kapit ko sa balikat ni Niccolo, habang naglalakad kami papasok sa loob ng kanilang mansyon. I didn’t even realize I was clinging to him until I felt his hand settle over mine... firm and steady. “Just elax,” he murmured under his breath. “Just smile.” Kung sabihin niya iyon ay parang naglolokohan lang kami dito. Sinong hindi kakabahan gayong haharapin ko ang pamilya niya. At unang beses ko pa naman itong maranasan. The doors opened, and the moment we stepped inside, a wave of elegance hit me... The crystal chandeliers, polished floors, walls lined with paintings that probably cost more than my entire life savings. “Niccolo.” Lumap

  • The writer's Temptation (SSPG)   Chapter 10

    *Warning: Mature Content 🔞⚠️ CAROLINE CERVANTES POV (Continuation) I froze the moment I saw him lift himself from the sofa. The towel clung low around his waist, leaving glimpses of strong, toned legs and the faint shadow of his abs under soft light. Sa bawat hakbang niya ay pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko. At kahit isang beses man lang ay hindi siya kumurap at tajagang nakatitig lang sa akin. Na para bang gusto niya akong lamunin ng buhay. Step by step, he closed the distance between us, and with each movement, the air seemed to thicken. My stomach tightened, my knees weak, and I wanted to look away, but I couldn’t. Not when those eyes were fixed on me, holding me captive with a magnetic force that both terrified and thrilled me. He stopped just a breath away, the space between us suddenly became too small. I could feel the warmth radiating off his skin, smell the faint trace of his cologne mixed with the subtle scent of wine and soap. Parang tinambol a

  • The writer's Temptation (SSPG)   Chapter 9

    *Warning: Mature Content ⚠️* CAROLINE CERVANTES POV When the car finally stopped in front of the hotel, I couldn’t help but stare. The building had massive walls of dark glass reflecting the city lights, marble steps leading up to a grand entrance, and gold accents glinting under the evening lamps. It wasn’t just a hotel... it looks like a fortress of power. Habang naglalakad ako papasok sa loob ay hindi nakalagpas sa aking paningin ang lobby ng hotel, kahit iyon ay sumisigaw nang karangyaan. The chandeliers hung like liquid crystal, the floors polished to a mirror shine, and the furniture... rich leather couches and marble tables, radiated wealth and control. Lalo tuloy akong nanliit sa sarili ko at gusto ko na lamang umalis dahil nakakahiya sa ayos ko. The receptionists barely looked up as I approached. She just handed me a key card with a polite nod, her posture straight as a soldier. “Suite 2203. Mr Niccolo Madrigal will be expecting you,” aniya sa kalmado ngunit pormal na

  • The writer's Temptation (SSPG)   Chapter 8

    CAROLINE CERVANTES POV "Ma'am... Baka naman po puwedeng magawan ng paraa--" "Caroline..." putol nito sa sasabihin ko at dama ko ang matinding prustrasyon sa kanyang boses sa kabiling linya. Maging ako ay mariing napapikit at hindi alam kung saan inabaling ang atensyon. "Think about it, iha. Baka naguguluhan ka lang, frustrated or stress. You can take a break and come back when you're fine..." pag-aalo nito sa akin. Hindi ko na kasi alam kung ano ang gagawin ko. Wala pa akong tulog magmula kagabi dahil sa sinabi sa akin ng lalaking 'yun. At kahit ayaw ko mang burahin ang mga naisulat ko ay kailangan kong gawin dahil ayaw kong pumayag sa offer niya. Alam ko naman na may tinatago akong kakaibang behavior.. pero hindi naman iyon sapat para basta-basta na lang akong pumayag na gamitin niya lang nang ganun-ganun dahil gusto niya. Hindi ako gano'n ka desperada para lang mailabas itong tinatago kong kal*bugan sa katawan. Pero ngayon... tingin ko ay wala akong magagawa dahil ayaw pu

  • The writer's Temptation (SSPG)   Chapter 07: Agreement

    NICCOLO MADRIGAL POV She was shaking. But not violently. Just the subtle kind. The kind you only notice when you’re watching closely enough. Her fingers curl against the fabric of her dress, knuckles whitening for half a second before she forces them to relax. Then her throat... Her throat bobs as she swallows so many times—like she’s trying to steady something that refuses to be tamed. "Cute," sa isip ko at kinagat ang sariling labi upang pigilan ang pagguhit ng ngiti sa aking labi. Kanina pa ako nakatitig sa kanya. At hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na siya ang manunulat na matagal ko nang hinahanap. Kung titingnan mo kasi siya ay parang hindi siya iyong tipo ng babae na magagawang magsulat ng mga gano'ng kwento... She look innocent. Like someone who pretends to be brave because fear would give her away too easily. Her eyes keep darting everywhere except where I want them... down, to the side, anywhere but not my face. And yet… every few seconds, she looks

  • The writer's Temptation (SSPG)   Chapter 06: Mature Content 🔞

    CAROLINE CERVANTES POV "MANANG! PAKIDAGDAG NALANG PO ITO SA LISTAHAN NG UTANG KO!" sigaw ko.Kailangan ko kasing taasan ang boses ko dahil may problema sa pandinig itong si Manong Julie. "Libre ko na 'yan, Anak," nakangiting aniya. Agad na tumaas ang kilay ko at hinabol ito dahil papasok na ulit siya sa loob ng tindahan. "Manang naman.. Malulugi po ang negosyo niyo kung laging gano'n," asik ko. Tuloy ay kinuha ko ang aking pitaka at kumuha ng isang libo para bayarin na rin 'yung ibang inutang ko noong nakaraang araw. "Tanggapin niyo na po..." pagpupumilit ko dahil tatanggihan niya pa ang ibinibigay ko. Kinuha ko ang palad niya at inilagay doon ang pera habang nakangiting nakatingin sa kanya. "Maraming salamat po," sambit ko, bahagyang nakadukwang upang masilip ang kanyang mukha. At nang makita ko ang matamis na ngiti nito sa labi ay saka ako tumalikod at nagsimulang maglakad pabalik sa bahay. "Magandang gabi, Caroline!" bati sa akin ni Tonyo. Kumaway ako sa kanya. "Magandan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status