Share

KABANATA 14

CELESTINE'S P.O.V

I was in the middle of crying when suddenly, my doorbell rang.

Kahit alam ko na kung sino ang siguradong nasa labas ng bahay ko ay bigla pa rin akong nakaramdam ng kakaibang takot at kaba. Hindi naman ako ganito dati kaya isang bagay lang ang sigurado ko--- isa iyon sa mga hindi magagandang epekto sa akin ng nangyari kanina.

Gamit ang isang device na nagsisilbing parang remote control sa gate ng bahay ko ay pinagbuksan ko si CJ. Pero wala pang kalahating minuto ay isinara ko na rin ulit ang gate.

Kasama kasi sa takot ko ngayon na humarap sa ibang tao ay ang pangamba ko rin na baka meron nang iilang mga tao o mga taga media ang nakapalibot sa bahay ko, nakahandang atakihin ako anumang oras nang dahil pa rin sa kontrobersyal na kaganapan sa naging hearing kanina. So, yeah. Isa rin iyon sa mga dahilan kung bakit hangga't maaari ay gusto ko na limitado lang ang mga taong may kakayahang makalapit at makipagsalamuha pa rin sa akin. And they are just CJ, Jela, and Tita Car
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status