ANMELDENHindi pa tuluyang nawawala ang ngiti sa mga labi ni Lorraine. Hindi na niya kayang magpanggap pa. Alam niyang kahit anong gawin niyang pagtatakip ngayon ay halata na ang kilig na nararamdaman niya. Lalo pa’t si Tyron itong kausap niya. Na kahit pati utot niya yata ay alam na nito ang meaning.Gusto niyang matawa kanina kasi pinipilit talaga siya ni Tyron na sabihin ulit ang sinabi niya kanina kasi may narinig nga daw talaga ito. Pero hinding-hindi siya aamin. Kahit pa siguro kilitiin siya nito ay hindi siya nito mapapaamin.Quotang-quota na siya sa hiya ngayong araw ah. Ayaw na niyang dagdagan.Grabe ang umagang to sa totoo lang. Napaka roller coaster ride ang nararamdaman niya. Halo-halo na eh. Kilig, tuwa, inis, at hiya. Daig pa ang itlog na scrambled sa sobrang scrambled eh.Nakatayo pa rin siya sa may paanan ng kama, habang pilit na ikinukubli ang pamumula ng kaniyang mukha. Hindi niya maharap si Tyron at baka mabasa na naman nito ang iniisip niya. Pero kahit hindi nito mabasa ang
"Pero paano kung sabihin ko sa'yo na ayaw kong irespeto mo ang personal space ko?"Halos kasabay ng paglabas ng mga salitang iyon sa kaniyang bibig ay nanlaki rin ang sariling mga mata ni Lorraine.Napasinghap siya nang mahina. Hindi niya talaga na control ang sarili niya. Para talagang may nagtutulak sa kaniya na halikan ito sa mga labi o di kaya kagatin ang leeg nito. Pero, kung gagawin niya yon. Parang hindi na siya yon.Tinitigan na lang niya si Tyron at napakagat siya sa ibang labi. Yong pinapakita niya kanina ay parang iba talaga sa sinasabi niya ngayon. Pakiramdam niya tuloy ay nahuli ng sarili niyang bibig ang isip niya.Hindi niya sinasadyang sabihin iyon. Hindi niya man lang pinag-isipan. Basta na lamang iyong kumawala sa bibig niya.At heto na naman siya ngayon, naglalakad palapit kay Tyron. Pero para siyang nagising nang magtama na naman ang kanilang mga mata.Bakit niya ba ginagawa ito? Nanigas siya sa kaniyang kinatatayuan. Unti-unti niyang itinaas ang tingin kay Tyron.
"Well..."Marahang napabuntong-hininga si Tyron habang nakatingin sa nag-iisang king-size bed sa gitna ng silid.Ipinilig nito nang bahagya ang ulo bago napangiti na tila natatawa na lamang sa sitwasyong kinasadlakan nila."I guess..." mahinahon nitong sabi habang ibinabalik ang tingin kay Lorraine. "...we really need to set some ground rules."Nanatiling nakatayo si Lorraine sa may pintuan. Hindi pa rin niya maialis ang tingin sa kama. Napakalaki nito. Sobra pa nga yata para sa apat na tao.Pero sa kung anumang dahilan ay mas lalo siyang kinakabahan dahil iisa lamang iyon. Hindi dahil natatakot siya kay Tyron. Kabaligtaran pa nga.Alam niyang hinding-hindi siya sasaktan ng lalaki at marahil iyon mismo ang problema. Habang mas nakikilala niya ito ay mas lalo siyang nahihirapang kumbinsihin ang sarili na isa lamang itong kontrata.Marahan niyang ibinaba ang tingin. Napansin niyang mahigpit na pala ang pagkakahawak niya sa strap ng kaniyang handbag. Hindi niya namalayang kinakabahan na
Hindi na lamang iyon basta simpleng katahimikan. Oo, katahimikan nga ang maririnig sa pagitan nila. Pero sa loob ng puso at kaloob-looban niya, walang takahimikang maririnig kundi kaba at lagabog lang kaniyang dibdib.Hindi na niya tuloy alam kung anong gagawin niya o kung anong sasabihin niya. Pero mas gusto pa niya kasi yatang manahimik na lang tapos hayaan na lang na si Tyron na lang ang magsalita. Parang mas gugustohin pa niyang marinig niya dito na girlfriend siya nito.Bakit kaya parang ang sarap sa feeling no? O masiyado lang akong delulu? Bulong ng utak niya. Eh kasi ang sarap naman talaga sa feeling na hindi ka i-deny. Pakiramdam niya parang nasa clouds siya at nakalutang.Pakiramdam ni Lorraine ay maging ang hangin sa loob ng lobby ay biglang bumigat matapos marinig ang sinabi ng receptionist."She's your girlfriend."Paulit-ulit na umalingawngaw sa isip niya ang mga salitang iyon. Para siyang kinikilig na ewan. At hindi niya alam kung valid ba tong nararamdaman niya. Alam n
Pagpasok pa lang nila sa lobby ay agad na bumungad kay Lorraine ang napakalawak na espasyo na nababalutan ng tahimik na karangyaan. Parang nahihiya pa tuloy siyang tumapak sa sahig. Alam mo yong pakiramdam na parang pati paa niya ay aatras na lang at baka hindi niya afford bayaran kung sakaling may masira siya dito.Pero kebir ba, nandito naman si Tyron para magbayad kung sakali.Charot lang, bawi ng utak niya. Akala mo naman totoong boyfriend niya eh.Ang kisame ay napakataas, sinabitan ng isang napakalaking crystal chandelier na kumikislap sa bawat tama ng sikat ng araw na pumapasok mula sa malalawak na salamin. Ang makinis na marmol na sahig ay halos magsilbing salamin sa linaw nito, habang ang banayad na tugtog ng piano ay nagbibigay ng kakaibang katahimikan sa buong paligid.Hindi maingay ang lobby. Walang nagsisigawang mga bisita. Walang nagmamadaling staff. Alam mo yong parang hindi sila naghahabol sa oras. Ganon ang atake dito, lahat kalmado.Lahat ay kumikilos nang mahinahon,
Paglabas nila ng café ay mas maliwanag na ang kalangitan.Ang manipis na hamog na kanina lang ay nakayakap sa kabundukan ay unti-unti nang naglalaho habang sumisilip ang araw mula sa silangan. Tinina ng ginintuang liwanag ang mga punong kahoy sa gilid ng kalsada, dahilan upang magmistulang kumikislap ang bawat dahon sa tuwing tinatamaan ng hangin.Saglit na huminto si Lorraine bago tuluyang sumakay sa sasakyan.Lumingon muna siya sa maliit na café. Gusto niyang i-memorize ang lahat ng nakikita niya dito. Baka kasi ito na ang una’t huling beses niyang punta dito. Kinuha niya ang cellphone niya sa bag at kinunan ng picture ang cafe at saka siya napangiti.Ang ganda talaga, bulong niya sa sarili."Hindi ko makakalimutan ang lugar na 'to."Mahina niyang bulong.Narinig iyon ni Tyron. He looked at the café before shifting his gaze back to her."I'm glad." He opened the passenger door for her. "Because I was hoping you'd remember this place."Napatingin siya rito. "Bakit?"Tyron waited unti
Tahimik ang loob ng sasakyan habang tinatahak nila ang mga kalsada pauwi sa mansion.Sa labas ng tinted window ay sunod-sunod na dumaraan ang mga ilaw ng siyudad. Madilim na talaga sa labas at hindi rin alam ni Lorraine
Nagising si Lorraine dahil sa sikat ng araw na tumatama sa makapal na kurtina ng silid na parang dumadapo rin iyon diretso sa mukha niya. Ayaw pa niya sanang bumangon dahil hinihila siya ng kaniyang ulo na sobrang sakit ngayon at mabigat pa. Maliban pa don, sobrang bigat din ng katawan niya.Pero k
“You’re ready? I’m f*cking horny.”Nanlaki agad ang mga mata ni Lorraine. Na para bang sanay na sanay ang lalaking kaharap niya sa ganoong usapan. Para bang nag-aalok lang ng popcorn sa gilid. Kinagat na lang niya ang pang-ibabang labi niya, hindi niya kasi alam kung anong gagawin at isasagot sa l
Malalakas na patak ng ulan ang halos bumubulag kay Lorraine habang naglalakad siya sa gilid ng madilim na kalsada. Sinamahan pa ng malamig na hangin kaya wala siyang nagawa kundi yakapin na lang ang sarili at pasimpleng nagsisisi kung bakit pa niya tinuloy ngayon ang plano niya.Mahigpit niyang haw







