Nanginginig ang mga kamay ko. Kinakabahan. Nagdadalawang isip kung sasagutin ba o hindi ang tawag niya. Ngunit sa huli, hinayaan ko lamang na matapos ang pag-ring at hindi iyon sinagot. At dahil alam kong tatawag siya muli ay agad kong pinatay ang cellphone at muling humilata sa kama."Now what, Sage? Ano ng gagawin mo?" tanong ko sa sarili.Nangunguna sa isipan ko ang umuwi na at ilayo sila Mommy at Daddy. Ngunit hindi ko naman alam kung paano gagawin iyon. Inabot ako ng ilang oras hanggang maggabi ay hindi pa rin alam ang dapat gawin.Ano nga lang ba ang bitbit ko papunta rito? Pera niya at cards niya.Napatigil ako sandali. Alam kong hindi ako makahihingi ng pera kila Mommy lalo pa't lugmok kami ngayon. Iniisip ko na baka pwede kong gamitin ang cards niya? Or kahit ang online bank niya na lang.Alam kong mapanganib ang balak ko at ma-te-trace niya kapag ginawa ko iyon pero desidido na ako.Kaya naman kinabukasan, kahit ayaw ko pang marinig ang boses niya ay sinagot ko pa rin ang ta
Mabilis pa sa alas kwatrong tinungo ko ang comfort room at doon pansamantalang nagtago. Hindi ko alam na simbilis ng kidlat na ma-te-trace ako ni Delton. Heto nga't nandito lang din sa airport ang kampon niyang si Ian."What now, Sage?!" taranta kong tanong sa sarili.Mariin akong pumikit, iniisip ang tamang gawin. Imposible kasing hindi ako mahanap rito ni Ian. Baka nga nagtawag pa iyon ng mga kasama.Ningatngat ko ang hinlalaking daliri at tumitig sa salamin sa sink. Nagtagal ang titig ko sa sarili matapos makaisip ng ideya.Wala akong sinayang na oras at agad na muling binuksan ang cellphone ko. Maging ang pag-book ng ticket sa ibang Airport ay minadali ko upang maisip ni Delton na roon ang tungo ko at aalis na rito. Pagkatapos niyon ay agad ko rin muling pinatay ang cellphone. Imposibleng hindi niya mapansin ang notification sa kanya ng bangko.Dalawa lang naman ang posibleng mangyari. Lilipat sa ibang Airport si Ian o di kaya'y magpapadala roon ng ibang tao si Delton. Kahit ano p
Walang tigil sa pagtulo ang luha ko habang nakikinig kay Yaya Nenita. Ni hindi ko na maramdaman ang pagtibok ng puso ko sa sobrang sakit. Pakiramdam ko ay namatay na rin ako."S-abi ni Attorney S-antiago, hindi na raw n-akayanan ng k-atawan ng Da-ddy mo tapos... tapos nag-suicide ang M-ommy mo, Ma'am Sage."Ni hindi ito makapagsalita ng matino dahil sa pagluha. Maging si Andres ay lumuluha at nasa akin lamang ang tingin.Naglapat ang mga labi ko. Kung kanina ay nagsisisigaw ako sa pag-iyak, ngayon naman ay hindi ko mahanap ang boses ko. Pawang mainit na luha lamang ang bumabagsak sa aking pisngi. Walang patid lalo pa't gumuguhit sa isipan ko ang masayang mukha nila Mommy at Daddy. Ang giliw sa kanila at ang mga panahong... kumpleto pa kami at hindi mag-isa.Bumagsak ang tingin ko sa sahig at naikuyom ang mga kamay.Kasalanan itong lahat ni Delton!Kung hindi siya dumating sa buhay namin ay matahimik sana pamumuhay namin at buhay pa sana ang mga magulang ko! Kung hindi siya umeksena ay
"The mansion was never theirs." Ilang beses na umulit iyon sa aking isipan at talagang nanghihina ako sa kaisipang iyon.All this time? Hindi sa amin ang mansyon? Ngunit paano nangyari iyon?!Ibig bang sabihin na kay Delton ang mansyon? Hindi pa siya nakuntento sa kumpanya at pati mansyon ay inako niya!Para akong pinagtaksilan. Simula at paglaki ay doon ako nakatira kaya paanong hindi sa amin ang mansyon?Inis akong pumikit at muli lamang nag-play sa isipan ko ang boses ni Delton.Iba ang boses nito. May halong galit at pangungulila. Pero paniniwalaan ko ba iyon? Malamang na galit iyon sa pagtakas ko ngunit hindi iyon mangungulila. Hindi na nga ako magtataka kung ngayon pa lang ay pinaiimbestigahan niya na rin si Yaya Nenita."Your father is such an asshole, Baby," mahinang bigkas ko habang hinahaplos ang impis kong tiyan.Napailing ako matapos muling maalala ang sinabi nitong 'live peacefully in my house.'Gusto ko sana itong sagutin kanina at sumbatan. Nanggigil ako na nagagawa ni
"Ayaw mo bang magpakita na kay Delton, Ma'am Sage? Para naman makuha mo na ang mga abo nila Sir George at Ma'am Selma," si Yaya Nenita na sinama ako sa pamamalengke.Tipid akong ngumiti at binayaran sa tindera ang mga manggang hilaw na nabili ko. Mabuti nga at hindi nagtanong si Yaya Nenita kung bakit ko binili ang mga iyon."Saka na po. Alam ko namang itatabi niya ang mga iyon," simpleng sagot ko.Isang buwan na nga ang lumipas matapos ang tawag na iyon ni Delton. Kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko na itatabi niya ang abo nila Mommy pero hindi ibig sabihin noon na hindi na ako galit sa kanya. Gusto ko pa ring gumanti kahit alam kong sa huli, matatalo ako."Paano mo naman mababawi sa kanya ang lahat kung nakatago ka lang?" nangungunot ang noong tanong nito.Bumuntong hininga ako, "Hindi naman na po kailangang magpakita pa sa harap ni Delton. Baka nga po alam na niya kung nasaan ako. Hintayin ko na lang po na lumitaw siya sa harapan ko. Marami siyang koneksyon at imposibleng hindi
Diretso ang tingin niya sa mga mata ko at ni hindi man lang nagdalawang isip na pumasok sa loob bahay.Hindi man lang ba ito natatakot na baka galit na galit ako sa kanya?"I guess I need to leave now. Ikaw na ang bahalang kumausap sa asawa mo, Ma'am Sage," ani Attorney na tinanguan ako at maging sina Yaya Nenita."Hija, lalabas na rin muna kami ni Andres," si Yaya Nenita na pilit hinila patayo si Andres na ayaw pa yatang lumabas.Hindi ako umimik sa kanila at hinayaan lamang sila. Ayaw ko rin naman na marinig nila ang pag-uusapan namin ni Delton.Noong kaming dalawa na lang ay mariin ko siyang tinitigan. Hinayaan na nakatayo at hindi inalok ng mauupuan. Maging ako rin naman ay nanatiling nakatayo sapagkat ayokong magtagal ang usapan.Tinaasan ko ito ng kilay dahilan upang bigla itong umiwas ng tingin. Sandaling nagyuko at pagkaharap sa akin ay wala na ang galit nitong ekspresyon kanina."How are you, Savvy?" mahinang tanong niya gamit ang pagod na boses.Sandali akong natigilan at ti
Gigil na gigil ako sa buong maghapon at ni hindi ko nagawang kainin ang mga manggang pinamili ko sa takot na baka magtanong ito. Hinayaan ko rin siyang maglinis sa buong kabahayan kahit pa wala naman talagang masyadong lilinisin. Hindi ko na rin mahagilap si Yaya Nenita at Andres, mukhang sa ibang bahay nga sila matutulog."Magsibak ka na rin ng kahoy kung gusto mo," may katarayang utos ko sa kanya bago humakbang palapit sa banyo para maligo."At this hour?" tanong nito na kinalingon ko."Bakit? Bawal bang magsibak ng kahoy kapag papadilim na? Mag-flashlight ka, huwag kang mag-inarte riyan."Muli niya itong inirapan ngunit nabitin sa ere ang katarayan niya matapos itong makitang unti-unting buksan ang butones ng suot nitong longsleeve."A-no'ng ginagawa mo?"Nagsimulang tumibok nang mabilis ang puso ko na para bang lalagnatin ako sa kaba. Mabilis ko ring nayakap ang tuwalya. Kabadong-kabado ako samantalang kunot-noo lamang si Delton."Magsisibak. Isn't that what you want me to do?"Na
"Is that how you hate me? Iiwan mo ulit ako?" may himig hinanakit na bigkas nito.Tinikwas ko ang aking kilay at inip itong nilingon."Kung gusto mong manatili rito, hindi kita pipigilan, Delton. Basta ako, uuwi ako."Tumayo ako at kinuha ang isusuot ko. Isang beses ko pa siyang sinulyapan ngunit mariin ang titig nito sa maleta kaya't hindi na ako nagsalita pa at dumiretso na lang sa banyo.Kahit naman magalit ako sa kanya hindi ko naman na mababago pa ang kapalaran ko. Isa pa, nawawala ang pagkamuhi ko sa kanya kapag naiisip na kagaya ko ay wala na rin siyang mga magulang. Pinagdarasal ko na sana ay tama ang desisyong gagawin ko.Pagkatapos maligo ay agad ko siyang hinanap. Nasulyapan ko siyang nilalagay ang maleta ko sa kanyang sasakyan."Sigurado ka na ba, Sage?" may lungkot na tanong ni Yaya Nenita."Opo. Isa pa, wala naman pong mangyayari kung magmamatigas ako." Maliit akong ngumiti, "Huwag po kayong mag-alala, i-re-request ko po na ibalik niya kayo sa mansyon."Ngumiti ito at hi