Share

Kabanata 15

Author: Shinzanzou
last update publish date: 2026-06-30 21:20:29

Pinasadahan niya ng tingin ang buo kong katawan habang naroroon pa rin ang ngising aso sa kanyang labi. Suot ko'y manipis na puting dress na agad dumikit sa katawan ko dulot ng pagkakabasa. Iyon marahil ang dahilan kaya nauulol itong lalaking ito ngayon.

Naupo siya sa aking harapan. Sinubukan ko pa ring umatras kahit pa wala na akong maaatrasan dahil sa mga trosong nasa aking likuran. Inilabas niya ang dila niya't dahan-dahang binasa ang kanyang mga labi. Naging malalim ang bawat paghinga ko dahil sa kamanyakang nakikita ko.

"A-anong k-kailangan niyo sa akin?"

"Pera . . . Sana," sabay ngisi na naman niya. "Pero kung ganito naman kaganda ang magiging katabi ko gabi-gabi, ayos lang kahit hindi mo na bayaran ang utang ng tatay mo sa akin."

"Pasensya na. Hindi ako pumapatol sa asong ulol!" buong tapang kong sabi. Pilit na nagtatapang-tapangan kahit na sa loob loob ko'y labis-labis na ang takot na nararamdaman ko.

Humalakhak siya na siyang agad na sinabayan ng mga kasama niya. Ngunit agad ring huminto sa paghalakhak ang lahat nang galit niyang lingunin ang mga ito.

Umangat ang palad niya at akmang sasampalin ako. Napapikit ako ng mariin, hinahanda ang sarili sa paparating na sakit. Pero mas lalo lamang akong napapikit nang imbis na sampal ay marahang haplos ang naramdaman ko sa pisngi ko.

"Mas malaki ang utang sa amin ng daddy mo kumpara sa utang niya kay Spike Guillermo. Pero bakit sa kanya ka nagbabayad? Hindi ba ay dapat sa amin?"

Bumaba ang haplos niya patungo sa aking dibdib. Hindi ko magawang alisin ang kamay niya dahil nakagapos ang mga kamay ko sa aking likuran.

"Ang laki," komento niya matapos hawakan ng isa niyang kamay ang dibdib ko.

"Ohhh!" Agad na nagsipagungulan ang mga lalaki sa kanyang likuran.

"Sabi ko naman sa 'yo, tumatanggap kami ng katawan bilang kabayaran, e. Ano, game ka?" Muli niyang pinisil ang dibdib ko. Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko.

"Ang bababoy niyo!"

Humalakhak siyang muli at nilingon ang mga kasamahan niya. "Baboy daw?!" Muli niya akong nilingon. "Hindi naman pwedeng kay Guillermo ka lang magbabayad ng utang, Miss Madrigal. Paano naman kami?"

Ibinaba niya ang kamay niya sa aking hita at ito naman ang hinahaplos. Dahan-dahang inaangat ang laylayan ng damit ko, inilalantad ang aking hita. Sinubukan kong ilayo ang mga hita ko, pero mabilis na sinusundan iyon ng kanyang kamay.

"HOY, ANONG GINAGAWA NIYO D'YAN?!" May biglang sumigaw sa pintuan kaya agad na nagsipaglingunan ang lahat doon. Kinuha ko agad ang oportunidad na iyon para sipain ang lalaking nasa aking harapan. Mas lalo lang hindi umayos ang damit ko. Pati suot kong cycling shorts ay lumantad na sa kanilang harapan.

"Aray! Gago ka ah!" bulyaw nito sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Yoko, Ano 'yan?"

Tumayo ang lalaki at umalis sa harapan ko. Nagbigay daan iyon upang makita ko kung sino ang lalaking sumasaway sa kanila. Parehong nanlaki ang mga mata namin nang magtagpo ang aming mga tingin.

Kuya ni Terese!

Nag iwas siya ng tingin sa akin at marahas na bumuga ng hangin.

"Sabi ko naman sa inyo, huwag niyo siyang gagalawin 'di ba?!" bakas ang galit sa kanyang boses nang ibulyaw niya 'yon.

Teka . . .

Magkakasama sila? Isa din ba siya sa nagpa-kidnap sa akin? May utang ang daddy ko sa kanila? Hindi kaya kasabwat din nila si Terese? Hindi kaya . . . Sinadya talagang banggain ni Terese si daddy? At planado ang lahat?

Ang dami kong gustong itanong at isigaw sa kanya pero tila napipi ako at hindi ako makapagsalita.

"Ilang linggo na kasi tayong naghihintay, Welvorn! Hanggang ngayon ay wala pa ring ipinapadala iyong tauhan ni Guillermo. Kaya ipina-kidnap ko na. Pwede na rin nating paghatian ito! Siguro naman ay papayag din si Herrex."

"Pakawalan niyo siya."

"Pero, Welvorn!"

"PAKAWALAN NIYO SIYA SABI!"

Marahas na napabuga ng hangin iyong lalaki kanina, Yoko yata ang pangalan.

"Pakawalan niyo," utos niya sa mga tauhan niya. Agad namang tumalima ang mga ito at inalis ang pagkakagapos ng mga kamay at paa ko.

Agad akong tumayo at tumakbo papalabas pero nakalimutan kong nakaharang pala iyong Welvorn sa pintuan. Mabilis niyang hinawakan ang braso ko, dahilan upang mapahinto ako sa pagtakbo.

"Huwag niyo ng uulitin ito," malamig niyang sabi sa mga kasama niya bago niya ako hinila paalis sa lugar na 'yon.

"PUTANGINA! LAGI NA LANG IKAW ANG NASUSUNOD!" Narinig ko pang sigaw ni Yoko bago ako isinakay ni Welvorn sa sasakyan niya.

"Ihahatid na kita," aniya nang nakasakay sa driver's seat.

Nanatili akong tahimik. Basang-basa ako at mukhang wala siyang pakialam kahit na mabasa ko ang sasakyan niya. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na ilang sandali siyang nanatiling nakatitig sa akin bago niya dinungaw ang likuran at may kinuha roon.

"Isuot mo." Inilapag niya sa kandungan ko ang itim at makapal na jacket. Nagbaba ako ng tingin doon.

Binuhay niya ang makina ng kanyang sasakyan at agad iyong minaniobra palayo sa lugar na pinagdalhan sa akin ng mga lalaking 'yon. Sunod-sunod na tumulo ulit ang mga luha ko habang nakatitig sa jacket. Ngayon pa lang tuluyang nagsink-in sa akin ang takot ko. Ngayon ko palang tuluyang naiiyak ang kahalayang ginawa sa akin ng lalaki kanina.

"Stop crying. Ligtas ka nang makakauwi," aniya. Agad ko siyang nilingon.

"Kasabwat ka nila!"

"Hindi. Business partners ko si Yoko at Herrex."

"Magkakakasama pa rin kayo. At ano ito? May utang sa inyo ang daddy ko? Kayo ba ang pumatay sa kanya? Kasabwat niyo rin ba si Terese? PLANADO NIYO ANG LAHAT NG ITO!"

Inihinto niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Marahan siyang bumuntonghininga bago ako nilingon. Kinuha niya ang jacket na kanina ay inilapag niya sa kandungan ko at siya na ang nagkusang magpasuot niyon sa akin.

"Magkakasakit ka."

"SAGUTIN MO ANG TANONG KO! PLANO NIYO BA TALAGANG PATAYIN ANG DADDY KO?"

"Iyong kamay mo," utos niya sa akin, binabalewala ang pagsisisigaw ko dito.

Marahas akong napabuga ng hangin. "ANO BA!"

Tila wala siyang naririnig at kinuha pa ang kamay ko upang isuot ng maayos sa akin ang jacket. Nang natapos ay doon lang siya umayos ng upo at humarap sa kalsada. Pinanatiling patay ang makina.

"Malaki ang utang ng daddy mo sa amin. Pinangakuan kami ng tauhan ni Spike Guillermo na sila ang magbabayad ng utang ng daddy mo. Marahil ay hindi na nahintay nina Yoko kaya ka nila nagawang kidnapin. Herrex and I are patiently waiting for the money. Wala kaming planong galawin ka. At walang kinalaman si Terese dito, Serra."

Nag iwas ako ng tingin at nilingon ang labas. Walang kahit ni isang salita na lumabas sa bibig ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Sa sobrang kalmado ng boses niya, pati ako yata kumalma.

"Your accounts are blocked. I can't send you the money. Ilang beses din akong nagpunta sa bahay niyo pero wala ka na doon. You're marrying Spike Guillermo? Tell me, Serra . . . Mahal mo ba siya o papakasalan mo lang siya dahil sa utang ng daddy mo sa kanya?"

Lumingon akong muli sa kanya. "Alin man sa dalawa ang sagot ko, ano namang pakialam mo?"

Ilang sandali siyang nakatitig sa akin. Malamlam ang kanyang mga mata. Naaawa ba siya sa akin o ano? Hirap akong pangalanan ang nakikita ko sa mga matang iyon.

"Babalik ako ng Las Vegas, gusto mong sumama?" pagkaraan ng ilang sandali ay sabi niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Uncontrollable Desire   SPECIAL CHAPTER 02

    SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEWI watched her every move. I watched her when she first held our sons. I watched her when she first cries out of joy. At no'ng araw na 'yon... Nakita ko kung paanong bumalik ang tunay na ngiti sa mga mata't labi ng babaeng pinakamamahal ko.Parang sa isang iglap nabuhay din ako. Binuhay kaming pareho ni Serra ng mga anak namin.Hindi ako agad bumalik ng Pilipinas. I remained in Las Vegas at makailang beses na nagpabalik-balik sa bahay ni Serra upang silipin kung kailan siya lalabas. Ganyan nga siguro kapag bagong panganak. Lagi lang nasa loob ng bahay. I wonder what she's doing inside her house. I wonder if she's taking good care of herself."Bakit hindi ka na lang magpakita? Humingi ka na lang ng tawad. Hindi 'yong nandito ka lang sa labas at naghihintay kung kailan mo siya makikita. Isa pa, ngayon ka mas kailangan ni Serra. Tatlong bata ang inaalagaan niya. Hindi pa nakakabawi ang katawan niya mula sa panganganak.""Can you do it for me?""Bro, ako ba

  • Uncontrollable Desire   SPECIAL CHAPTER 01

    SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEW"Please, Spike. I am begging you. Kunin mo ang anak ko kapalit ng malaking utang ko sa 'yo. Hindi ko na 'yon kayang bayaran. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng pera pambayad. Lahat ng mayroon ako nasa iyo na.""Aanhin ko ang anak mo?""Hindi ba ay naghahanap ka ng mapapangasawa? Hindi ba nga ay hindi mo makukuha ang lahat ng kayamanang ito kung wala kang maipapakitang tagapagmana mo at magtutuloy ng legacy ng pamilyang Guillermo?""I already have someone in mind. Hindi ko kailangan ang anak mo. Bayad mo ang kailangan ko, Mr. Madrigal."Nagmadali siya sa pagkuha ng pitaka niya na nasa kanyang bulsa. Nanginginig pa nga ang kanyang mga kamay habang binubuksan ito."Tingnan mo 'to." Itinaas niya sa aking harapan ang litrato ng sinasabi niyang anak niya. "Isang modelo ang anak ko sa Las Vegas. Hindi mo siya kayang itapon na lang basta, Mr. Guillermo. Sa sobrang ganda ng anak ko ay marami kang magiging kaagaw sa kanya. Kaya ito na at binibigyan na ki

  • Uncontrollable Desire   Wakas

    Habang nasa lamesa ay hindi ko maiwasang panoorin si Lois at Spike na magkatabi sa gilid ko. Nilalagyan ni Spike ng mga pagkain ang pinggan ni Lois, pagkaing mga itinuturo nito na gustong nitong kainin."Ito pa?" ani Spike na agad tinanguan ni Lois."Tama na 'yan baka hindi na niya maubos," pigil ko kay Spike pero nginitian niya lang ako."Huwag kang mag alala, Serra. Kayang ubusin 'yan ng anak ko."Pilit akong ngumiti. Alam ko kung anong kayang ubusin ng anak ko kasi ako ang kasama nito. Ako ang nagpapakain sa kanya kaya alam ko kung ano lang ang kaya niyang ubusin."Ako ang kasama niya lagi sa bahay, Spike. Hindi siya mahilig sa kanin."Kumunot ang noo ni Spike at tuluyan na itong nag angat ng tingin sa akin. Umayos na rin siya ng upo."Lagi naman niyang nauubos ang mga dala kong pagkain. Hindi ba siya kumakain sa bahay niyo?""It's because I'm still full from what you brought kaya hindi na ako nag h-heavy meal sa bahay pag uwi ko," singit ni Lois."And you never told your mom?" Spi

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 100

    "What? What did you just say?"Agad kong narinig ang sabay na halakhak ni Spike at Lois. What is happening? Bakit parang pinagkakaisahan ako ng dalawa?"What are you trying to say?""Surprise, mom!"Kunot noo kong nilingon si Lois sa back seat. Wala akong ideya na may communication siya kay Spike! And wait... Sasakyan? Para sa isang sampung taong gulang na bata? Seryoso?!"Are you guys kidding me? Bakit mo naman reregaluhan ng sasakyan ang anak ko? E, sampung taong gulang pa lang 'yan, Spike! Anong alam niyan sa sasakyan?""He said you needed a car! Hindi mo raw siya maigala ng maayos kapag umuuwi kayo dito sa Pilipinas kasi wala kayong sasakyan na magagamit. I told him you can use mine, but he said ayaw mong manghiram sa akin kaya I suggest na reregaluhan ko na lang siya ng sarili niyang sasakyan. Kasi sigurado rin naman akong kapag binigyan kita ay hindi mo naman tatanggapin 'di ba? Pero itong regalo ko sa ANAK NATIN hindi mo pwedeng tanggihan kasi hindi naman ito sa 'yo."Napaawang

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 99

    Pagkarating na pagkarating namin ng Pilipinas ay agad kaming dumiretso ni Lois sa sementeryo para bisitahin ang mga kapatid niya. Ang sabi ko nga ay umuwi na muna kami sa bahay upang ilagay ang mga gamit namin pero nagpumilit siyang bumisita na muna kami.Pagkarating ng sementeryo ay naabutan naming marami pa rin ang nakalagay na bulaklak sa libingan nila. Dati pa man, sa tuwing bumibisita kami ni Lois dito ay marami na talaga kaming naaabutan na mga bulaklak dito. At first, ay ipinagtataka namin 'yon. But then I remember na oo nga pala at nandito sa Pilipinas si Spike. Alam din niya kung saan nakalibing ang mga bata dahil siya naman ang naglibing ng mga ito. Sa tabi pa nga ay nandirito ang lola at daddy niya.I already expected it pero hindi ko akalaing magpapang-abot kami dito ngayon.Maayos naman kaming dalawa. Hindi man kami nagkabalikan pero maayos kaming naghiwalay five years ago bago kami bumalik ni Lois sa Las Vegas."Hey..." aniya."Hey..." tugon ko rin pabalik. Hindi ko alam

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 98

    I was true to myself when I said na kapag nahuli na si Mama Rosella ay aalis na rin kami kaagad ni Lois. Unlike the last time, hindi na mabigat ang loob ko sa pag alis ko, unlike last time, umalis ako to heal at hindi lang dahil may tinatakasan ako. Hindi tulad sa dati, ngayon ay umalis ako para sa sarili ko naman.Lois and I started a new life. Mahirap man dahil kami na lang dalawa ay kinakaya naming pareho. I continued my business, I focused on it and Lois. As time goes by, unti-unti kaming nakabangon. Pero alam naming pareho na kahit saan man kami dalhin ng kapalaran namin ay mananatiling nasa mga puso namin sina Lennox at Levi."Congratulations, Serra!"Nakangiti si Miller habang bitbit ang isang bouquet nang lumapit siya sa akin. Inabot niya sa akin iyon na agad ko namang tinanggap."Good thing nakahabol ka. Patapos na 'yong party," biro ko pa sa kanya matapos ko siyang ibeso."I'm sorry, my job won't let me out early.""Your job? Or si Lovelaine?""Serra!" may pagbabanta sa bose

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status