Share

Kabanata 16

Author: Shinzanzou
last update publish date: 2026-07-01 23:47:32

Napatitig ako sa kanya. Hindi ko maintindihan. Naguguluhan ako. He's offering me something.

"I-itatakas mo ba ako?" tila wala sa sarili kong sabi.

"Just tell me," aniya at binuhay na ang makina.

Buong byahe ay tahimik kaming pareho. Hindi ko alam kung anong naglalaro sa utak niya. Pero sa akin ay walang ibang laman kung 'di iyong tungkol sa offer niyang itakas ako mula kay Spike. Hindi niya alam kung saan ako nakatira. And I don't want to tell him Spike's address too kaya nagpababa na lang ako sa daang malapit lang din naman sa bahay ni Spike. Hindi ko rin alam kung bakit ayaw kong makita ni Spike na inihatid niya ako. Pasado alas onse na ng gabi at sigurado akong nasa bahay na siya. Ibinaba ko ang jacket na hinubad ko sa passenger seat bago ako bumaba ng sasakyan ni Welvorn.

Kahit na malamig at madilim sa labas ay hindi ko iyon inalintana. Nagpatuloy ako sa paglalakad pauwi sa bahay ni Spike habang yakap-yakap ko ang sarili ko.

"WHERE HAVE YOU BEEN?!"

Agad akong nagbaba ng tingin sa braso kong hawak-hawak niya. Mariin ang pagkakahawak niya at bumabaon iyon sa braso ko. Nasasaktan ako!

"Sinubukan mo bang tumakas, ha?!" punong-puno ng panggigigil ang kanyang boses nang itanong niya 'yon.

Hindi ko maintindihan kung bakit galit na mga mata ni Spike ang sumalubong sa akin. Akala ko kasi ay mag aalala siya dahil na-kidnap ako. At saan daw ako nanggaling? Hindi niya alam na na-kidnap ako?

Yeah. Bakit nga naman siya magkakaroon ng pakialam sa akin? At tumakas? Paano naman ako tatakas? Walang-wala nga ako!

Pagod akong napabuntonghininga. "Gusto ko nang magpahinga."

"Pahinga? Hindi mo sinasagot ang tanong ko. Saan ka nanggaling? Bakit mo iniwan sina Rynette at mama sa mall kanina?"

Nagbaba ako ng tingin sa damit kong ngayo'y hindi na masyadong basa. Gusto ko nang maligo at makapagbihis dahil hanggang ngayo'y nandidiri pa rin ako sa tuwing nagbababa ako ng tingin sa suot ko. Pinapaalala lang nitong damit na 'to ang kababuyang ginawa sa akin ng lalaking 'yon kanina.

"Spike—"

"WHAT?!"

Gusto ko sanang magpaliwanag. Gusto ko sanang sabihin sa kanyang na-kidnap ako. Pero dahil sa gulat sa biglaang pagsigaw niya ay tila napipi na naman ako. Nawalan ako ng lakas upang magsalita. Wala akong ibang nakikita sa mga mata ni Spike kung 'di galit. Marahil sa isiping sinubukan kong tumakas mula sa pagbabayad ko ng utang sa kanya.

"God, Serra! Sisirain mo pa yata ang mga plano ko!" Tinalikuran niya ako at nagtungo siya sa kusina. Sinundan ko siya ng tingin. Unti-unting tumulo ang mga luha ko. Bigla ay na-miss ko si daddy. Kahit kasi nasa Las Vegas ako noon ay ramdam ko ang pag aalala niya sa tuwing hindi niya ako naco-contact. Ngayon ay wala nang nag aalala sa akin kahit na nasa bingit na ako ng kamatayan at takot na takot ako.

"Hinding-hindi ako tatakas, Spike. Hinding-hindi ko tatakasan ang responsibilidad kong bayaran ka sa utang ng daddy ko sa 'yo. Kaya sana kung sakali mang mangyari ulit ang pagkawala ko, maisip mo sanang hindi ako tumakas."

Nilingon niya ako. Ang kaninang nag aapoy niyang mga mata ay ngayo'y natupok na. Unti-unti iyong kumalma.

"Are you crying? Nagpapaawa ka ba? Nagpapakonsensya ka ba kasi inakusahan kitang tumakas?"

Sarkastiko akong natawa. "Wala ka nga talagang puso. Sarili mo lang 'yong iniisip mo at 'yong kayamanang ipamamana sa 'yo."

Tinalikuran ko siya't agad akong tumakbo paakyat sa kwarto ko. Isinarado ko ang pinto at agad akong nagtungo sa banyo upang maligo. Hindi rin naman niya ako sinundan. Hindi niya ako pinilit sagutin ang tanong niya na kung saan ako nanggaling.

Sa loob ng banyo ko iniiyak ang pandidiring nararamdaman. I never thought it would be this painful. Sanay akong nahahawakan ng lalaki pero hindi 'yong ganito. Hindi 'yong labag sa loob ko.

"Bwiset na buhay 'to!"

Gusto ko mang anurin ng tubig ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ay tila wala ring nangyayari. Andoon pa rin 'yong sakit, mga hinanakit, galit na hindi ko alam kung paanong nagkandapatong-patong. Gulong-gulo ang utak ko! Masikip na masikip na ang dibdib ko!

Hindi ako lumabas pagkatapos maligo. Nahiga ako't agad na niyakap ang unan at muli na namang humagulgol doon. Sa sobrang dami kong gustong iiyak, hindi ko na alam kung alin pa doon ang dahilan ng paghagulgol ko.

**

Alas siyete ng umaga nang nagising ako. Tinatamad man akong bumangon at inaantok pa ay pilit naman akong pinapabangon ng tiyan kong nag iingay. Gutom na gutom ako dahil hindi man lang ako nakapaghapunan kagabi dahil sa mga nangyari. At lalo na sa galit ko kay Spike na hindi man lang ako nagawang tanungin kung kumain na ba ako.

Nagdiretso ako sa kusina at naabutan si Spike na nagluluto ng agahan. Nilingon niya ako pagkapasok ko. Nagpang-abot ang aming mga mata pero agad rin akong nag iwas ng tingin. Tinungo ko ang ref at kumuha ako roon ng gatas. Tahimik akong nagsalin sa baso at isinalang iyon sa microwave. Hindi siya nagsalita at nagpatuloy sa ginagawa kaya hindi rin ako nagsalita. Wala din naman akong sasabihin sa kanya.

I toasted a bread at iyon ang kinain ko kasabay ng gatas na pinainit ko.

Patapos na ako sa pagkain ko nang isa-isang ilapag ni Spike sa harapan ko ang mga niluto niya. At nang tuluyang mailapag lahat ay naupo siya sa harapan ko. Eksakto ring tapos na ako sa bread and milk ko. Tumayo ako at aalis na sana nang narinig ko siyang nagsalita.

"Saan ka pupunta?"

Marahas akong napabuntonghininga. "Kailangan ba lahat ng galaw ko alam mo?"

Nilingon ko siya at nakita kong napapikit siya sa ginawa kong pagsagot sa kanya.

"We're going to have breakfast, Serra," puno ng pagtitimping aniya.

"Tapos na ako."

"Gatas at isang piraso ng tinapay lang ang kinain mo."

"Still. Tapos na ako. Iyon ang breakfast ko."

"I cooked for you."

"Hindi ko sinabing ipagluto mo ako."

Tinalikuran ko siya't lumabas na ako ng kusina. Paakyat na ako sa hagdan nang hawakan niya ang palapulsuhan ko at hinila ako paharap sa kanya. Bubulyawan ko na sana siya pero agad akong natigilan matapos makita ulit ang nag aapoy niyang mga mata.

"Anong ginawa nila sa 'yo?"

I was stunned with his question. Agad kong naramdaman ang pag init ng mga mga mata ko.

"Sabihin mo . . ." Tumataas baba ang dibdib niya. "Hinalay ka ba nila?"

Agad na tumulo ang mga luha ko. Hinawakan ni Spike ang magkabila kong balikat at niyugyog iyon.

"Serra, magsalita ka. Hinalay ka ba nila?!" bulyaw niya.

Hindi ko alam kung bakit bigla na lang ay humagulgol ako sa harapan niya. Para akong batang iyak nang iyak matapos niyang ibulyaw ang tanong niya.

-----

SPIKE GUILLERMO

Nabitawan ko si Serra.

"FUCK!"

Nasuntok ko ang pader na nasa tabi niya. Hindi ko alam kung kanino ako magagalit. Kung sa mga lalaking kumidnap sa kanya o sa sarili ko.

I was looking for her for almost seven hours last night. Sa galit ko ay inakusahan ko pa siyang tinakasan ako. Hindi man lang sumagi sa isip ko na baka nga kidnap-in siya ng mga taong pinagkakautangan ng daddy niya. Inuna ko ang galit ko.

Nakatanggap ako ng mensahe eksaktong pag akyat niya ng kwarto niya.

Unknown number

Ang tagal niyo namang magbayad ng utang. Buti na lang napisil-pisil ko ang dibdib niya. Next time na kikidnapin namin ang mapapangasawa mo, sisiguraduhin kong hindi lang dibdib ang mapipisil ko.

Pero huli na. I already made her cry. Nasaktan ko na siya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Uncontrollable Desire   SPECIAL CHAPTER 02

    SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEWI watched her every move. I watched her when she first held our sons. I watched her when she first cries out of joy. At no'ng araw na 'yon... Nakita ko kung paanong bumalik ang tunay na ngiti sa mga mata't labi ng babaeng pinakamamahal ko.Parang sa isang iglap nabuhay din ako. Binuhay kaming pareho ni Serra ng mga anak namin.Hindi ako agad bumalik ng Pilipinas. I remained in Las Vegas at makailang beses na nagpabalik-balik sa bahay ni Serra upang silipin kung kailan siya lalabas. Ganyan nga siguro kapag bagong panganak. Lagi lang nasa loob ng bahay. I wonder what she's doing inside her house. I wonder if she's taking good care of herself."Bakit hindi ka na lang magpakita? Humingi ka na lang ng tawad. Hindi 'yong nandito ka lang sa labas at naghihintay kung kailan mo siya makikita. Isa pa, ngayon ka mas kailangan ni Serra. Tatlong bata ang inaalagaan niya. Hindi pa nakakabawi ang katawan niya mula sa panganganak.""Can you do it for me?""Bro, ako ba

  • Uncontrollable Desire   SPECIAL CHAPTER 01

    SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEW"Please, Spike. I am begging you. Kunin mo ang anak ko kapalit ng malaking utang ko sa 'yo. Hindi ko na 'yon kayang bayaran. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng pera pambayad. Lahat ng mayroon ako nasa iyo na.""Aanhin ko ang anak mo?""Hindi ba ay naghahanap ka ng mapapangasawa? Hindi ba nga ay hindi mo makukuha ang lahat ng kayamanang ito kung wala kang maipapakitang tagapagmana mo at magtutuloy ng legacy ng pamilyang Guillermo?""I already have someone in mind. Hindi ko kailangan ang anak mo. Bayad mo ang kailangan ko, Mr. Madrigal."Nagmadali siya sa pagkuha ng pitaka niya na nasa kanyang bulsa. Nanginginig pa nga ang kanyang mga kamay habang binubuksan ito."Tingnan mo 'to." Itinaas niya sa aking harapan ang litrato ng sinasabi niyang anak niya. "Isang modelo ang anak ko sa Las Vegas. Hindi mo siya kayang itapon na lang basta, Mr. Guillermo. Sa sobrang ganda ng anak ko ay marami kang magiging kaagaw sa kanya. Kaya ito na at binibigyan na ki

  • Uncontrollable Desire   Wakas

    Habang nasa lamesa ay hindi ko maiwasang panoorin si Lois at Spike na magkatabi sa gilid ko. Nilalagyan ni Spike ng mga pagkain ang pinggan ni Lois, pagkaing mga itinuturo nito na gustong nitong kainin."Ito pa?" ani Spike na agad tinanguan ni Lois."Tama na 'yan baka hindi na niya maubos," pigil ko kay Spike pero nginitian niya lang ako."Huwag kang mag alala, Serra. Kayang ubusin 'yan ng anak ko."Pilit akong ngumiti. Alam ko kung anong kayang ubusin ng anak ko kasi ako ang kasama nito. Ako ang nagpapakain sa kanya kaya alam ko kung ano lang ang kaya niyang ubusin."Ako ang kasama niya lagi sa bahay, Spike. Hindi siya mahilig sa kanin."Kumunot ang noo ni Spike at tuluyan na itong nag angat ng tingin sa akin. Umayos na rin siya ng upo."Lagi naman niyang nauubos ang mga dala kong pagkain. Hindi ba siya kumakain sa bahay niyo?""It's because I'm still full from what you brought kaya hindi na ako nag h-heavy meal sa bahay pag uwi ko," singit ni Lois."And you never told your mom?" Spi

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 100

    "What? What did you just say?"Agad kong narinig ang sabay na halakhak ni Spike at Lois. What is happening? Bakit parang pinagkakaisahan ako ng dalawa?"What are you trying to say?""Surprise, mom!"Kunot noo kong nilingon si Lois sa back seat. Wala akong ideya na may communication siya kay Spike! And wait... Sasakyan? Para sa isang sampung taong gulang na bata? Seryoso?!"Are you guys kidding me? Bakit mo naman reregaluhan ng sasakyan ang anak ko? E, sampung taong gulang pa lang 'yan, Spike! Anong alam niyan sa sasakyan?""He said you needed a car! Hindi mo raw siya maigala ng maayos kapag umuuwi kayo dito sa Pilipinas kasi wala kayong sasakyan na magagamit. I told him you can use mine, but he said ayaw mong manghiram sa akin kaya I suggest na reregaluhan ko na lang siya ng sarili niyang sasakyan. Kasi sigurado rin naman akong kapag binigyan kita ay hindi mo naman tatanggapin 'di ba? Pero itong regalo ko sa ANAK NATIN hindi mo pwedeng tanggihan kasi hindi naman ito sa 'yo."Napaawang

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 99

    Pagkarating na pagkarating namin ng Pilipinas ay agad kaming dumiretso ni Lois sa sementeryo para bisitahin ang mga kapatid niya. Ang sabi ko nga ay umuwi na muna kami sa bahay upang ilagay ang mga gamit namin pero nagpumilit siyang bumisita na muna kami.Pagkarating ng sementeryo ay naabutan naming marami pa rin ang nakalagay na bulaklak sa libingan nila. Dati pa man, sa tuwing bumibisita kami ni Lois dito ay marami na talaga kaming naaabutan na mga bulaklak dito. At first, ay ipinagtataka namin 'yon. But then I remember na oo nga pala at nandito sa Pilipinas si Spike. Alam din niya kung saan nakalibing ang mga bata dahil siya naman ang naglibing ng mga ito. Sa tabi pa nga ay nandirito ang lola at daddy niya.I already expected it pero hindi ko akalaing magpapang-abot kami dito ngayon.Maayos naman kaming dalawa. Hindi man kami nagkabalikan pero maayos kaming naghiwalay five years ago bago kami bumalik ni Lois sa Las Vegas."Hey..." aniya."Hey..." tugon ko rin pabalik. Hindi ko alam

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 98

    I was true to myself when I said na kapag nahuli na si Mama Rosella ay aalis na rin kami kaagad ni Lois. Unlike the last time, hindi na mabigat ang loob ko sa pag alis ko, unlike last time, umalis ako to heal at hindi lang dahil may tinatakasan ako. Hindi tulad sa dati, ngayon ay umalis ako para sa sarili ko naman.Lois and I started a new life. Mahirap man dahil kami na lang dalawa ay kinakaya naming pareho. I continued my business, I focused on it and Lois. As time goes by, unti-unti kaming nakabangon. Pero alam naming pareho na kahit saan man kami dalhin ng kapalaran namin ay mananatiling nasa mga puso namin sina Lennox at Levi."Congratulations, Serra!"Nakangiti si Miller habang bitbit ang isang bouquet nang lumapit siya sa akin. Inabot niya sa akin iyon na agad ko namang tinanggap."Good thing nakahabol ka. Patapos na 'yong party," biro ko pa sa kanya matapos ko siyang ibeso."I'm sorry, my job won't let me out early.""Your job? Or si Lovelaine?""Serra!" may pagbabanta sa bose

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status