LOGIN"O-okay po . . . M-mama," alanganing saad ko.
"Ilang araw na lang at ikakasal na kayo ng anak ko. And after the wedding, I'll make sure na makakapagbonding tayo ng bonggang bongga! That's if hindi ka maselan magbuntis." Umiling ako. "Hin. . .di naman po." Marahan siyang bumuntonghininga. "Serra, if you need anything, you can call me, okay? I am so willing to take care of you. Kung pwede nga lang na sa bahay na kayo tumira para matutukan namin ang pagbubuntis mo." Agad akong ngumiti ng pilit at umiling ng sunod sunod. "I am perfectly fine, tit— mama. Inaalagaan din naman po ako ni Spike. At saka hindi naman po ako maselan magbuntis." Nilingon ko si Rynette sa likuran ko na tahimik lang kaming pinapanood. Agad siyang ngumiti sa akin nang napansin ang pagljngon ko. "Sige na, isukat mo na 'to." Ibinigay sa akin ng mama ni Spike ang wedge na kanina niya pang hawak-hawak. Naupo ako sa maliit na stool na naroroon at doon isinukat ang sapatos. Agad akong napangiti nang naramdaman ang gaan niyon sa aking paa. Napakakomportableng suotin at bagay na bagay sa maputla kong mga paa. "Very beautiful," narinig kong komento ni Tita Rosella. Ay! Mama na pala. Napabuntonghininga ako habang nakatitig sa aking mga paa. Matagal na mula no'ng huli kong nabanggit ang salitang mama. Ilang taon rin 'yong nawala sa bokabularyo ko. Hindi na ako sanay na bigkasin 'yon. Siyempre at pinangarap ko din naman na maranasan ulit na magkaroon ng mama pero hindi sa ganitong sitwasyon. At pinangarap ko lang naman. Hindi ko sinabing sana magkatotoo. May mga pangarap naman kasing mas' gusto natin na hanggang pangarap lang talaga. Alam ko naman kasing hindi na babalik si mommy. Dahil kung may plano man siyang bumalik, edi sana noon pa. At kung bumalik man siya ay hindi ko rin siguro siya matatanggap. "Serra, are you okay?" Tila nabalik ako sa sarili nang ilapat ni Mama Rosella ang palad niya sa balikat ko. "A-ah, opo." "Nagugutom ka na ba? Gusto mong kumain? Let's go, I'm sure nagugutom na ang apo ko d'yan sa tiyan mo," sabay ngiti nito sa akin. Sobrang bait ng mama ni Spike. Kahit na hindi niya pa ako masyadong nakikilala ay tinanggap niya na agad ako ng buong puso. Akala ko ay magiging madali para sa akin ang sitwasyong ito, hindi pala. Ngayon ko lang naiintindihan kung bakit nasa kontrata na bawal akong makipag-close sa pamilya ni Spike. Isa ito sa mga factors niyon. Maaaring masira ang mga plano niya. Mag a-alas singko na ng hapon nang lumabas kami ng mall. Tinulungan ko na si Rynette na dalhin ang mga paperbags na dala niya upang hindi siya mabigatan. "Hija, that's heavy!" Agad na naibulalas ni Mama Rosella matapos akong makitang binitbit ang walong paperbags na magaan lang naman. Parang ang exxagerated naman yata nitong magiging biyenan ko! "Just let her carry that," dagdag pa nito. Nilingon ko si Rynette. Mas marami pa ang bitbit niya kesa sa akin. Ni hindi nga ako nangalahati sa dami ng dala niya. And to think na buntis siya. Ito talagang si Spike. Hindi nag iisip. Sana hindi na lang niya idinamay itong si Rynette. Napagod pa tuloy itong buntis. "Akin na po, Ma'am Serra." Sinubukan pang kunin ni Rynette ang paperbags na dala ko peeo agad ko rin 'yong inilayo mula sa kanya. "It's okay, Rynette. Hindi naman ito mabigat," sabay ngiti ko sa kanya. "Are you sure, Serra?" paniniguro ni Mama Rosella. Nilingon ko siya at nakangiti kong tinanguan. May pagdududa pa akong nakikita sa kanyang mga mata kaya nilawakan ko ang pagkakangiti ko. "Oh no! I forgot something!" bigla ay naibulalas ni Mama Rosella. "A-ano po 'yon?" tanong ko. "Dito muna kayo, okay? May babalikan lang ako sa loob," pagpapaalam niya saka kami tinalikuran at pumasok ulit sa loob ng mall. "Ibaba mo na muna 'yan, Rynette. Maupo muna tayo doon," sabi ko kay Rynette sabay turo sa bench malapit sa entrada ng mall. Nagtungo kami roon at naupo. Ilang sandali kaming tahimik bago ako nagpasyang magpaalam sa kanya upang magtungo sa powder room. Habang naglalakad ay palinga-linga ako dahil baka makita ko ang mama ni Spike. Magpapaalam na lang din ako if ever. Pero nagulat ako nang biglang may humawak sa braso ko at marahas akong hinila. Hindi ko pa man nalilingon at nakikita kung sino ang nagmamay-ari ng kamay na humila sa akin ay may matapang na amoy na akong nalanghap na agad na nagpaikot sa paningin ko. ** Nagising akong tahimik ang paligid ko. Pero amoy na amoy ko naman ang pinaghalong amoy ng sigarilyo at alak. Agad akong nagpalinga-linga nang napagtantong nasa abandonadong lugar yata ako. May mga troso akong nakikita sa aking likuran na siyang sinasandalan ko. Sa aking harapan ay isang malaking pintuan na gawa sa bakal at makapal na yero. "Ang tagal naman yatang magising? Kanina pa 'yang natutulog! Ano bang pinaamoy niyo d'yan? Hindi kaya nalason na 'yan?!" Agad akong pumikit nang narinig ang boses na nanggagaling sa labas. Bumukas ang pintuan at agad na naging maingay ang paligid ko dahil sa mga yapak ng sapatos nila. "Woah! Si Sleeping beauty ba 'yan? Grabe! Ang puti!" Parang gusto kong maiyak sa narinig. Minamanyak pa yata ako ng kung sino. "Kaya pala agad na papakasalan ni Guillermo dahil talaga namang sobrang ganda ng anak nitong si Madrigal," sabay halakhak nito na siyang nagpatayo sa mga balahibo ko. Damn it! Nasaan ba ako? At sino itong mga lalaking 'to? "Gisingin niyo nga nang makita ko naman kung gaano siya kaganda kapag gising!" Napigil ko ang hininga ko. Ilang sandali lang bago ko naramdaman ang lamig ng tubig na agad bumasa sa buo kong katawan. Fuck! Agad akong napamulat ng mga mata. Nagdiretso agad ang mga tingin ko sa anim na lalaking nasa aking harapan. Ang nasa pinakaunahan ay unti-unting ngumisi sa akin. Nakakakilabot ang ngising pinakawalan nito. "Hi, Miss Beautiful. Wanna have some fun with me?" At muli itong ngumisi. Agad na tumulo ang mga luha ko. Namayani ang takot sa dibdib ko.SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEWI watched her every move. I watched her when she first held our sons. I watched her when she first cries out of joy. At no'ng araw na 'yon... Nakita ko kung paanong bumalik ang tunay na ngiti sa mga mata't labi ng babaeng pinakamamahal ko.Parang sa isang iglap nabuhay din ako. Binuhay kaming pareho ni Serra ng mga anak namin.Hindi ako agad bumalik ng Pilipinas. I remained in Las Vegas at makailang beses na nagpabalik-balik sa bahay ni Serra upang silipin kung kailan siya lalabas. Ganyan nga siguro kapag bagong panganak. Lagi lang nasa loob ng bahay. I wonder what she's doing inside her house. I wonder if she's taking good care of herself."Bakit hindi ka na lang magpakita? Humingi ka na lang ng tawad. Hindi 'yong nandito ka lang sa labas at naghihintay kung kailan mo siya makikita. Isa pa, ngayon ka mas kailangan ni Serra. Tatlong bata ang inaalagaan niya. Hindi pa nakakabawi ang katawan niya mula sa panganganak.""Can you do it for me?""Bro, ako ba
SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEW"Please, Spike. I am begging you. Kunin mo ang anak ko kapalit ng malaking utang ko sa 'yo. Hindi ko na 'yon kayang bayaran. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng pera pambayad. Lahat ng mayroon ako nasa iyo na.""Aanhin ko ang anak mo?""Hindi ba ay naghahanap ka ng mapapangasawa? Hindi ba nga ay hindi mo makukuha ang lahat ng kayamanang ito kung wala kang maipapakitang tagapagmana mo at magtutuloy ng legacy ng pamilyang Guillermo?""I already have someone in mind. Hindi ko kailangan ang anak mo. Bayad mo ang kailangan ko, Mr. Madrigal."Nagmadali siya sa pagkuha ng pitaka niya na nasa kanyang bulsa. Nanginginig pa nga ang kanyang mga kamay habang binubuksan ito."Tingnan mo 'to." Itinaas niya sa aking harapan ang litrato ng sinasabi niyang anak niya. "Isang modelo ang anak ko sa Las Vegas. Hindi mo siya kayang itapon na lang basta, Mr. Guillermo. Sa sobrang ganda ng anak ko ay marami kang magiging kaagaw sa kanya. Kaya ito na at binibigyan na ki
Habang nasa lamesa ay hindi ko maiwasang panoorin si Lois at Spike na magkatabi sa gilid ko. Nilalagyan ni Spike ng mga pagkain ang pinggan ni Lois, pagkaing mga itinuturo nito na gustong nitong kainin."Ito pa?" ani Spike na agad tinanguan ni Lois."Tama na 'yan baka hindi na niya maubos," pigil ko kay Spike pero nginitian niya lang ako."Huwag kang mag alala, Serra. Kayang ubusin 'yan ng anak ko."Pilit akong ngumiti. Alam ko kung anong kayang ubusin ng anak ko kasi ako ang kasama nito. Ako ang nagpapakain sa kanya kaya alam ko kung ano lang ang kaya niyang ubusin."Ako ang kasama niya lagi sa bahay, Spike. Hindi siya mahilig sa kanin."Kumunot ang noo ni Spike at tuluyan na itong nag angat ng tingin sa akin. Umayos na rin siya ng upo."Lagi naman niyang nauubos ang mga dala kong pagkain. Hindi ba siya kumakain sa bahay niyo?""It's because I'm still full from what you brought kaya hindi na ako nag h-heavy meal sa bahay pag uwi ko," singit ni Lois."And you never told your mom?" Spi
"What? What did you just say?"Agad kong narinig ang sabay na halakhak ni Spike at Lois. What is happening? Bakit parang pinagkakaisahan ako ng dalawa?"What are you trying to say?""Surprise, mom!"Kunot noo kong nilingon si Lois sa back seat. Wala akong ideya na may communication siya kay Spike! And wait... Sasakyan? Para sa isang sampung taong gulang na bata? Seryoso?!"Are you guys kidding me? Bakit mo naman reregaluhan ng sasakyan ang anak ko? E, sampung taong gulang pa lang 'yan, Spike! Anong alam niyan sa sasakyan?""He said you needed a car! Hindi mo raw siya maigala ng maayos kapag umuuwi kayo dito sa Pilipinas kasi wala kayong sasakyan na magagamit. I told him you can use mine, but he said ayaw mong manghiram sa akin kaya I suggest na reregaluhan ko na lang siya ng sarili niyang sasakyan. Kasi sigurado rin naman akong kapag binigyan kita ay hindi mo naman tatanggapin 'di ba? Pero itong regalo ko sa ANAK NATIN hindi mo pwedeng tanggihan kasi hindi naman ito sa 'yo."Napaawang
Pagkarating na pagkarating namin ng Pilipinas ay agad kaming dumiretso ni Lois sa sementeryo para bisitahin ang mga kapatid niya. Ang sabi ko nga ay umuwi na muna kami sa bahay upang ilagay ang mga gamit namin pero nagpumilit siyang bumisita na muna kami.Pagkarating ng sementeryo ay naabutan naming marami pa rin ang nakalagay na bulaklak sa libingan nila. Dati pa man, sa tuwing bumibisita kami ni Lois dito ay marami na talaga kaming naaabutan na mga bulaklak dito. At first, ay ipinagtataka namin 'yon. But then I remember na oo nga pala at nandito sa Pilipinas si Spike. Alam din niya kung saan nakalibing ang mga bata dahil siya naman ang naglibing ng mga ito. Sa tabi pa nga ay nandirito ang lola at daddy niya.I already expected it pero hindi ko akalaing magpapang-abot kami dito ngayon.Maayos naman kaming dalawa. Hindi man kami nagkabalikan pero maayos kaming naghiwalay five years ago bago kami bumalik ni Lois sa Las Vegas."Hey..." aniya."Hey..." tugon ko rin pabalik. Hindi ko alam
I was true to myself when I said na kapag nahuli na si Mama Rosella ay aalis na rin kami kaagad ni Lois. Unlike the last time, hindi na mabigat ang loob ko sa pag alis ko, unlike last time, umalis ako to heal at hindi lang dahil may tinatakasan ako. Hindi tulad sa dati, ngayon ay umalis ako para sa sarili ko naman.Lois and I started a new life. Mahirap man dahil kami na lang dalawa ay kinakaya naming pareho. I continued my business, I focused on it and Lois. As time goes by, unti-unti kaming nakabangon. Pero alam naming pareho na kahit saan man kami dalhin ng kapalaran namin ay mananatiling nasa mga puso namin sina Lennox at Levi."Congratulations, Serra!"Nakangiti si Miller habang bitbit ang isang bouquet nang lumapit siya sa akin. Inabot niya sa akin iyon na agad ko namang tinanggap."Good thing nakahabol ka. Patapos na 'yong party," biro ko pa sa kanya matapos ko siyang ibeso."I'm sorry, my job won't let me out early.""Your job? Or si Lovelaine?""Serra!" may pagbabanta sa bose







