Compartilhar

Kabanata 69

Autor: Shinzanzou
last update Data de publicação: 2026-08-16 06:31:49

Nakapikit ang mga matang pinapakiramdaman ko ang bawat dampi ng hanging amihan na dumadapo sa aking balat habang pinapakinggan ko ang bawat hampas ng alon sa dalampasigan.

Hindi ako makapaniwalang gano'n kabilis nangyari ang lahat. Noong nakaraang linggo lang ay iniinis ko pa si Spike sa kulay pink na gamit ng babies namin. Ngayon ay nandito na ako sa isla na pagmamay-ari ng mga Flores.

"Handa na ang breakfast. Kumain na tayo."

Agad kong pinunasan ang mga luhang nagkalat sa pisngi ko nang narinig ang boses ni Welvorn. Alam kong nakita niya ang pag iyak ko pero nanatili siyang tahimik hanggang sa makapasok kami sa loob ng bahay at maupo sa hapag.

Isang linggo na kaming magkasama pero kahit isang beses ay hindi siya nagtanong kung ano ang mga nangyari. Kahit no'ng natagpuan niya akong umiiyak habang nakaupo sa gilid ng kalsada ay hindi rin siya nagtanong. Niyakap niya lang ako't inalalayan papasakay sa sasakyan niya.

Hanggang sa matapos kaming kumain ay walang kahit isang nagsalita sa aming dalawa. Pero kahit gano'n ay ramdam ko ang minu-minutong pagtitig niya sa akin.

"I already reached your friend Miles," biglang sabi ni Welvorn nang tabihan niya ako habang nakatayo ako sa bintana't pinapanood ang isang pamilyang masayang gumagawa ng sandcastle sa 'di kalayuan. "Sinabi kong magkasama tayo. She asked about what happened, but I couldn't answer the question... Because neither I don't know what exactly happened to you."

Napatingin ako sa kanya. "Paano mo nakilala ang kaibigan ko?"

Umawang ang labi niya na parang miski siya ay nagulat.

"I..."

"And how did you reach her?"

"I... Just happened to know her when I had a business back in Las Vegas."

Marahan akong tumango. "Ah..."

"Ihahatid kita sa Las Vegas if you want."

Umiling ako. "I wanna stay here hanggang sa manganak ako kung okay lang sana," sabay lingon ko sa kanya.

"Why?"

Nanatili akong nakatitig sa kanya. Ibinuka ko ang bibig ko pero agad ko rin 'yong itinikom. Ayaw ko pang bumalik ng Las Vegas. Madali akong matutunton ni Spike kapag nandoon ako. Kahit na alam kong imposibleng hanapin niya ako o puntahan.

"Ayaw kong bumalik doon kasama ang mga bata." Nag iwas ako ng tingin at muli kong pinanood ang pamilya na ngayo'y tapos na sa ginagawa nilang sandcastle at nagtatakbuhan na habang karga-karga ng tatay sa kanyang balikat 'yong anak niyang babae.

"Wha- what do you mean?"

"Gusto kong iwan ang mga bata dito sa Pilipinas. Gusto ko silang ipaampon."

"Ano? Serra, sigurado ka ba? Alam ba ni Guillermo ang plano mong 'yan?"

Nilingon ko siya. "Hindi. Hindi niya alam at wala naman siyang karapatang malaman pa ang kahit anong may kinalaman sa mga bata. Hindi naman niya anak ang mga ito."

"Hindi siya ang ama? Kung hindi si Guillermo ang ama, e, sino?"

Malungkot akong napangiti. "It's according to him, Welvorn. Kahit na ipinagpilitan kong sa kanya ay iginigiit niyang hindi."

"So are you saying na idineny niya 'yong mga anak niyo?"

Humugot ako ng isang malalim na hininga nang naramdaman ang muling pagkirot ng aking dibdib. Parang sandamakmak na pana ang tumama sa puso ko nang alalahanin ko muli ang mga nangyari no'ng gabing iyon.

"Masaya ka ba?" tanong sa akin ni Spike habang nasa byahe kami pauwi ng bahay. Haplos haplos ko ang butterfly pendant ng kwentas na ibinili niya saa akin kanina sa mall.

"Of course! At saka excited na akong simulan ang decoration sa kwarto ng mga babies natin," nakangiti kong tugon sa kanya.

Ngumiti rin siya saka niya inabot ang kamay ko at hinawakan ito ng napakahigpit.

Pareho kaming nakangiti ni Spike pagdating ng bahay. Nang nakita ang mga nakaparadang sasakyan na alam kong sa mga magulang ni Spike ay mas lalo akong napangiti. Hindi talaga nila kami nakakalimutang bisitahin. Marahil ay ipagluluto na naman ako ni Mommy Rosella.

"They're here again," ani Spike.

"Hayaan mo na," tugon ko.

"Excited pa naman akong umuwi para masolo ka, hindi pa rin pala," nakasimangot na aniya.

Magkahawak kamay kami ni Spike na pumasok sa loob ng bahay pero agad akong napabitaw sa kanya nang isang malakas na sampal ang bumungad sa akin. Na sa sobrang lakas ay tumilapon ako sa sahig.

"LA!" sigaw ni Spike saka siya agad na lumapit sa akin upang alalayan ako sa pagtayo.

Magtatanong na sana ako kung bakit ako nasampal pero agad na kumunot ang noo ko nang nakita ang nakangising mukha ni Merila sa likuran ni Mommy Rosella.

This bitch! Siguradong may ginawa na naman ang babaeng 'to! Sa ngisi niya pa lang ay sigurado na akong siya ang dahilan kung kaya ako nasampal ng ganoon kalakas.

"ANO ITO?! ANONG IBIG SABIHIN NITO, SPIKE!" nanggagalaiti sa galit na sigaw ng lola ni Spike.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nakitang papel na hawak-hawak ni lola. Shit! Paano napunta sa kamay niya 'yan?

"BAKIT HINDI KAYO MAKASAGOT?! ANONG IBIG SABIHIN NG KONTRATANG ITO?!"

"La, I can explain. Just please you calm down first," ani Spike.

Napatingin ako sa mommy at daddy ni Spike. Galit ang nakikita kong ekspresyon sa mukha ng daddy niya samantalang pandidiri naman sa kanyang mommy habang nakatingin sa akin. Sinubukan akong itayo ni Spike pero nanatili akong nakaupo sa sahig. Nanlalambot ang mga tuhod ko dahil sa kaba kaya't wala akong lakas upang tumayo.

"Pinakasalan mo lang ang apo ko para mabayaran lahat ng utang na iniwan sa 'yo ng daddy mo! MANGGAGAMIT!" sigaw sa akin ng lola niya.

Bumuhos agad ang luha ko! Para akong sinaksak gamit ang salitang isinigaw niya. Hindi ko ginamit si Spike. Kahit na alam kong hirap akong mabayaran ang mga utang ni daddy ay niminsan hindi sumagi sa utak ko na gamitin siya. He offered it and the only wrong I did was accepting it.

Umiling ako. "Hindi po gano'n, lola!"

"Huwag mo akong matawag-tawag na lola! HINDI KITA APO!"

"La, asawa ko po si Serra!"

Sarkastikong natawa si lola. "Hindi mo siya asawa, Spike! Nabasa na namin ang kontratang ginawa niyong dalawa! Alam na rin namin na hindi totoo ang kasal niyong dalawa! Peke ang kasal niyo! Hindi nakarehistro!"

Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App

Último capítulo

  • Uncontrollable Desire   SPECIAL CHAPTER 02

    SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEWI watched her every move. I watched her when she first held our sons. I watched her when she first cries out of joy. At no'ng araw na 'yon... Nakita ko kung paanong bumalik ang tunay na ngiti sa mga mata't labi ng babaeng pinakamamahal ko.Parang sa isang iglap nabuhay din ako. Binuhay kaming pareho ni Serra ng mga anak namin.Hindi ako agad bumalik ng Pilipinas. I remained in Las Vegas at makailang beses na nagpabalik-balik sa bahay ni Serra upang silipin kung kailan siya lalabas. Ganyan nga siguro kapag bagong panganak. Lagi lang nasa loob ng bahay. I wonder what she's doing inside her house. I wonder if she's taking good care of herself."Bakit hindi ka na lang magpakita? Humingi ka na lang ng tawad. Hindi 'yong nandito ka lang sa labas at naghihintay kung kailan mo siya makikita. Isa pa, ngayon ka mas kailangan ni Serra. Tatlong bata ang inaalagaan niya. Hindi pa nakakabawi ang katawan niya mula sa panganganak.""Can you do it for me?""Bro, ako ba

  • Uncontrollable Desire   SPECIAL CHAPTER 01

    SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEW"Please, Spike. I am begging you. Kunin mo ang anak ko kapalit ng malaking utang ko sa 'yo. Hindi ko na 'yon kayang bayaran. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng pera pambayad. Lahat ng mayroon ako nasa iyo na.""Aanhin ko ang anak mo?""Hindi ba ay naghahanap ka ng mapapangasawa? Hindi ba nga ay hindi mo makukuha ang lahat ng kayamanang ito kung wala kang maipapakitang tagapagmana mo at magtutuloy ng legacy ng pamilyang Guillermo?""I already have someone in mind. Hindi ko kailangan ang anak mo. Bayad mo ang kailangan ko, Mr. Madrigal."Nagmadali siya sa pagkuha ng pitaka niya na nasa kanyang bulsa. Nanginginig pa nga ang kanyang mga kamay habang binubuksan ito."Tingnan mo 'to." Itinaas niya sa aking harapan ang litrato ng sinasabi niyang anak niya. "Isang modelo ang anak ko sa Las Vegas. Hindi mo siya kayang itapon na lang basta, Mr. Guillermo. Sa sobrang ganda ng anak ko ay marami kang magiging kaagaw sa kanya. Kaya ito na at binibigyan na ki

  • Uncontrollable Desire   Wakas

    Habang nasa lamesa ay hindi ko maiwasang panoorin si Lois at Spike na magkatabi sa gilid ko. Nilalagyan ni Spike ng mga pagkain ang pinggan ni Lois, pagkaing mga itinuturo nito na gustong nitong kainin."Ito pa?" ani Spike na agad tinanguan ni Lois."Tama na 'yan baka hindi na niya maubos," pigil ko kay Spike pero nginitian niya lang ako."Huwag kang mag alala, Serra. Kayang ubusin 'yan ng anak ko."Pilit akong ngumiti. Alam ko kung anong kayang ubusin ng anak ko kasi ako ang kasama nito. Ako ang nagpapakain sa kanya kaya alam ko kung ano lang ang kaya niyang ubusin."Ako ang kasama niya lagi sa bahay, Spike. Hindi siya mahilig sa kanin."Kumunot ang noo ni Spike at tuluyan na itong nag angat ng tingin sa akin. Umayos na rin siya ng upo."Lagi naman niyang nauubos ang mga dala kong pagkain. Hindi ba siya kumakain sa bahay niyo?""It's because I'm still full from what you brought kaya hindi na ako nag h-heavy meal sa bahay pag uwi ko," singit ni Lois."And you never told your mom?" Spi

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 100

    "What? What did you just say?"Agad kong narinig ang sabay na halakhak ni Spike at Lois. What is happening? Bakit parang pinagkakaisahan ako ng dalawa?"What are you trying to say?""Surprise, mom!"Kunot noo kong nilingon si Lois sa back seat. Wala akong ideya na may communication siya kay Spike! And wait... Sasakyan? Para sa isang sampung taong gulang na bata? Seryoso?!"Are you guys kidding me? Bakit mo naman reregaluhan ng sasakyan ang anak ko? E, sampung taong gulang pa lang 'yan, Spike! Anong alam niyan sa sasakyan?""He said you needed a car! Hindi mo raw siya maigala ng maayos kapag umuuwi kayo dito sa Pilipinas kasi wala kayong sasakyan na magagamit. I told him you can use mine, but he said ayaw mong manghiram sa akin kaya I suggest na reregaluhan ko na lang siya ng sarili niyang sasakyan. Kasi sigurado rin naman akong kapag binigyan kita ay hindi mo naman tatanggapin 'di ba? Pero itong regalo ko sa ANAK NATIN hindi mo pwedeng tanggihan kasi hindi naman ito sa 'yo."Napaawang

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 99

    Pagkarating na pagkarating namin ng Pilipinas ay agad kaming dumiretso ni Lois sa sementeryo para bisitahin ang mga kapatid niya. Ang sabi ko nga ay umuwi na muna kami sa bahay upang ilagay ang mga gamit namin pero nagpumilit siyang bumisita na muna kami.Pagkarating ng sementeryo ay naabutan naming marami pa rin ang nakalagay na bulaklak sa libingan nila. Dati pa man, sa tuwing bumibisita kami ni Lois dito ay marami na talaga kaming naaabutan na mga bulaklak dito. At first, ay ipinagtataka namin 'yon. But then I remember na oo nga pala at nandito sa Pilipinas si Spike. Alam din niya kung saan nakalibing ang mga bata dahil siya naman ang naglibing ng mga ito. Sa tabi pa nga ay nandirito ang lola at daddy niya.I already expected it pero hindi ko akalaing magpapang-abot kami dito ngayon.Maayos naman kaming dalawa. Hindi man kami nagkabalikan pero maayos kaming naghiwalay five years ago bago kami bumalik ni Lois sa Las Vegas."Hey..." aniya."Hey..." tugon ko rin pabalik. Hindi ko alam

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 98

    I was true to myself when I said na kapag nahuli na si Mama Rosella ay aalis na rin kami kaagad ni Lois. Unlike the last time, hindi na mabigat ang loob ko sa pag alis ko, unlike last time, umalis ako to heal at hindi lang dahil may tinatakasan ako. Hindi tulad sa dati, ngayon ay umalis ako para sa sarili ko naman.Lois and I started a new life. Mahirap man dahil kami na lang dalawa ay kinakaya naming pareho. I continued my business, I focused on it and Lois. As time goes by, unti-unti kaming nakabangon. Pero alam naming pareho na kahit saan man kami dalhin ng kapalaran namin ay mananatiling nasa mga puso namin sina Lennox at Levi."Congratulations, Serra!"Nakangiti si Miller habang bitbit ang isang bouquet nang lumapit siya sa akin. Inabot niya sa akin iyon na agad ko namang tinanggap."Good thing nakahabol ka. Patapos na 'yong party," biro ko pa sa kanya matapos ko siyang ibeso."I'm sorry, my job won't let me out early.""Your job? Or si Lovelaine?""Serra!" may pagbabanta sa bose

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status