Compartilhar

Kabanata 70

Autor: Shinzanzou
last update Data de publicação: 2026-08-16 06:32:15

Nagtatanong ang mga matang nilingon ko si Spike. Ang sabi niya sa akin totoo ang kasal naming dalawa! Pero ngayon bakit biglang hindi pala? Bakit siya nagsinungaling sa akin?

Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya. "Spike, totoo ba?"

Pumikit ng mariin si Spike. "Serra, umakyat ka muna sa kwarto."

"HINDI! HINDI SIYA AAKYAT SA KWARTO AT HINDI NA SIYA TITIRA SA BAHAY NA ITO!" sigaw ng mommy ni Spike dahilan upang mapatingin ako sa kanya.

"Walang karapatan ang malanding babaeng 'yan para tumira sa pamamahay na ito!"

Umawang ang labi ko. Naguguluhan ako sa mga pinagsasasabi nila.

"Ma! Asawa ko ang pinagsasalitaan niyo ng ganyan!" kalmadong saad ni Spike kahit na gustong-gusto na akong sugurin ng nanay niya, pinipigilan lang ito ni Merila.

"Hindi mo siya asawa, Spike! At alam na rin naming hindi mo anak ang mga batang ipinagbubuntis niya!" sabi naman ng daddy niya.

Nanlaki ang mga mata ko. Anong pinagsasasabi nilang hindi si Spike ang ama ng mga batang dinadala ko? Napatingin ako kay Spike. Naghihintay ako na ipagtanggol niya. Naghihintay ako na sabihin niyang hindi totoo ang mga pinagbibintang nila, na anak niya ang mga batang ito.

"Anak po ito ni Spike," may pagmamakaawa sa boses na sabi ko. Pagmamakaawang paniwalaan nila ako.

Isang malutong na sampal mula sa lola ni Spike ang muli kong natanggap. "SINUNGALING!"

"Anong sumagi sa isip mo, Spike at tinanggap mo pa rin ang babaeng 'yan pagkatapos ng ginawa niya sa iyo? Inako mo pa rin ang mga bata?" ani mommy niya.

Umiling ako. "Wala po akong ginagawang masama. Totoo po ang sinasabi kong si Spike ang ama ng mga batang ito!"

"Lumayas ka sa pamamahay na ito habang may awa pa ako sa 'yo! Huwag mong hintaying ipakaladkad kita at ipakulong!"

Umiling ako. Bumitaw ako sa pagkakahawak ko kay Spike at pinilit ang sarili kong makatayo kahit pa nanghihina ako sa sobrang takot at sakit na nararamdaman. Hindi ko matanggap na nananatiling tahimik si Spike sa kabila ng mga akusasyong binibitawan ng pamilya niya laban sa akin.

"Kung tungkol po sa kontrata, totoo po 'yan..."

Agad na napasinghap si lola. Parang sinasabi niyang tama nga siya!

"Pero hindi ako lumapit para humingi ng tulong kay Spike upang mabayaran ang mga pinagkakautangan ng daddy ko..." Kinagat ko ang labi ko upang pigilan ang aking paghikbi. "Kababalik ko lang po ng Pilipinas nang damputin ako ng mga tao ni Spike para sa gaganaping engagement namin. Ni hindi ko nga po nagawang magdalamhati ng lubos sa pagkamatay ng daddy ko! Nabigla na lang ako na kinuha na nila ako at sinabing kailangan ko siyang bigyan ng anak-"

"Serra, enough!" Agad akong natigil sa pagsasalita nang hawakan ako sa siko ni Spike. Napatingin ako sa kanya. Bahagyang gumaan ang loob ko. Sa wakas ay magsasalita na siya't ipagtatanggol na ako. Kami. Kami ng mga anak niya.

Nagbaba siya ng tingin sa akin. He wears this cold expression again like the first time I saw him. Nawala agad ang pag asa ko. And the moment when he opened his mouth wala na. Gumuho na ang mundo ko.

"Tigilan mo na ang pagsisinungaling. Alam na nila ang totoo. Hindi na natin kailangang magpanggap."

"Spike..."

"Tama kayo. Lumapit siya sa akin upang tulungan kong makapagbayad sa lahat ng utang ng daddy niya at para mabalik sa kanya ang kompanya nilang pabagsak na."

Napapikit ako ng mariin. Hindi ako makapaniwalang ganito ang mga salitang binibitawan ni Spike. I can't believe I believed in him. I can't believe I trusted him!

"Hindi rin ako ang daddy ng mga anak niya. Nalaman kong plano nila 'yon ng lalaki niya dahil alam niyang makukuha ko ang mana ko kapag nagkaroon ako ng anak. Lately ko lang nalaman, naunahan niyo lang akong palayasin siya."

"Spike, anong sinasabi mo?"

"Hindi ba totoo, Serra? Hindi ba't iyon talaga ang plano niyo ni Yoko?!"

Kita ko ang galit sa kanyang mga mata. Pati ang pagkahulog ng isang butil ng luha sa kanyang mata ay kitang-kita ko kung paanong namuo at kung paanong agad na bumagsak.

Umiling ako. "Alam mo ang totoo, Spike. Hindi ko maintindihan kung bakit mo ito ginagawa."

"Nagawa mong magpagalaw sa iba sa kabila ng ginawa kong kabutihan sa 'yo, Ms. Madrigal."

"Spike, ikaw lang ang lalaking-"

Dinukot niya ang cellphone niya't minanipula ito sandali. Sunod naming narinig ay ang mga ungol na hindi ko magawang i-deny dahil alam kong ako.

"ANG BABOY!" sigaw ng mommy niya saka ito humagulgol ng iyak.

"Masarap ba, Serra?! Sabihin mo, gaano kasarap ang lalaking 'yon?!"

Hindi ako makapagsalita, ni hindi ko magawang ipagtanggol ang sarili ko. Ang tanging nagawa ko lang ay humagulgol ng iyak habang umiiling. Alam ko sa sarili kong may nangyari sa amin ni Yoko pero hindi tulad ng iniisip nila. Siguradong sigurado akong si Spike ang tunay na ama ng mga bata. Dahil sigurado akong siya lang ang nakagalaw sa akin simula ng umapak ako ng Pilipinas. Pero hindi ko alam kung paano iyon ipapaliwanag sa kanila.

"Minahal kita, Serra. Mahal na mahal kita. Pero ang malamang nagawa mong magpagalaw sa iba at nagbunga pa ay hindi ko matanggap. Umalis ka na."

"Spike, maniwala ka sa akin. Sa iyo ang mga batang ito." Sinubukan kong hawakan ang kamay niya pero agad niya 'yong inilayo.

"Tumigil ka na nga, Serra! Huwag mo nang bilugin pa ang ulo ni Spike! Hinding-hindi mo na siya maloloko ulit!" singit ni Merila at lumapit sa amin. Hinawakan niya sa braso si Spike at marahan iyong hinaplos. Ni hindi inalis ni Spike at hinayaan lang si Merila sa ginagawa.

"Umalis ka na sa pamamahay na ito. Lumayas ka!" ani lola ni Spike habang walang pakundangan akong itinutulak palabas ng bahay.

Nagmamatigas ako't pilit na tinatawag si Spike pero nanatili siyang nakatingin sa kawalan. Hinahayaan akong kaladkarin ng mga tauhan niya palabas ng bahay. Nagmakaawa akong paniwalaan niya pero hindi niya ginawa kahit na lingunin ako.

"Sebastian, wala akong mapupuntahan," umiiyak na sabi ko kay Sebastian nang madala nila ako sa labas.

"Pasensya na po, Maam Serra."

"Sebastian, buntis ako. Parang awa niyo na. Baka mapano ang mga anak ko."

"Wala kaming pakialam kung ano man ang mangyari sa 'yo at sa mga anak mo! Kahit na mamatay ka pa d'yan sa kalsada ay wala kaming pakialam! Walang magbibigay ng tulong sa babaeng 'yan ah!" bulyaw ni Merila.

"Hindi ko alam kung paano mo nagawang paniwalain ang lahat, Merila. Pero itong tatandaan mo, kung ang akala mo'y nanalo ka na! Pwes, hindi! Hindi pa tayo tapos."

Agad siyang humalakhak. "Humanap ka muna ng matutuluyan ngayong gabi bago ka magmayabang sa akin, Serra," aniya saka ako tinalikuran.

Naikuyom ko ang mga kamao ko. Mula sa labas ay kitang-kita kong niyayakap ni Merila si Spike. Agad akong tumakbo pabalik sa loob. Pinigilan ako ng mga bodyguards pero nagmatigas ako.

"Papasukin niyo ako! Kakausapin ko lang si Spike. SPIKE! SPIKE! LUMABAS KA!"

"HINDI KA PA RIN UMAALIS?!" sigaw ng mommy niya at akmang susugurin ako pero pinigilan ni Spike.

"Ano pang kailangan mo?" tanong niya. Walang mababasang emosyon sa kanyang mga mata.

Tinanggal ko ang singsing na naroroon sa daliri ko saka ko inabot ang kamay niya't inilapag iyon sa palad niya. Nagbaba siya ng tingin doon at agad na kinagat ang labi niya.

"Hindi ko alam kung bakit mo ito ginagawa. Hiningi mong pagkatiwalaan kita pero no'ng ibinigay ko'y ito ang ginawa mo..." Isang hikbi ang kumawala sa bibig ko. "Hindi ko alam kung bakit ayaw mong maniwala sa akin pero totoo ako sa 'yo, Spike. No'ng sinabi kong ikaw ang ama, totoo iyon. Noong sinabi kong mahal kita, totoo 'yon. At ngayong sasabihin kong hinding hindi kita kailanman mapapatawad... Asahan mong gagawin ko. Totoo ito. Hinding hindi na kita tatanggapin sa buhay namin. Tandaan mo... Ikaw ang unang nagtaboy sa aming mag iina mo," sabi ko't agad nang tumalikod at naglakad palayo.

Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App

Último capítulo

  • Uncontrollable Desire   SPECIAL CHAPTER 02

    SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEWI watched her every move. I watched her when she first held our sons. I watched her when she first cries out of joy. At no'ng araw na 'yon... Nakita ko kung paanong bumalik ang tunay na ngiti sa mga mata't labi ng babaeng pinakamamahal ko.Parang sa isang iglap nabuhay din ako. Binuhay kaming pareho ni Serra ng mga anak namin.Hindi ako agad bumalik ng Pilipinas. I remained in Las Vegas at makailang beses na nagpabalik-balik sa bahay ni Serra upang silipin kung kailan siya lalabas. Ganyan nga siguro kapag bagong panganak. Lagi lang nasa loob ng bahay. I wonder what she's doing inside her house. I wonder if she's taking good care of herself."Bakit hindi ka na lang magpakita? Humingi ka na lang ng tawad. Hindi 'yong nandito ka lang sa labas at naghihintay kung kailan mo siya makikita. Isa pa, ngayon ka mas kailangan ni Serra. Tatlong bata ang inaalagaan niya. Hindi pa nakakabawi ang katawan niya mula sa panganganak.""Can you do it for me?""Bro, ako ba

  • Uncontrollable Desire   SPECIAL CHAPTER 01

    SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEW"Please, Spike. I am begging you. Kunin mo ang anak ko kapalit ng malaking utang ko sa 'yo. Hindi ko na 'yon kayang bayaran. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng pera pambayad. Lahat ng mayroon ako nasa iyo na.""Aanhin ko ang anak mo?""Hindi ba ay naghahanap ka ng mapapangasawa? Hindi ba nga ay hindi mo makukuha ang lahat ng kayamanang ito kung wala kang maipapakitang tagapagmana mo at magtutuloy ng legacy ng pamilyang Guillermo?""I already have someone in mind. Hindi ko kailangan ang anak mo. Bayad mo ang kailangan ko, Mr. Madrigal."Nagmadali siya sa pagkuha ng pitaka niya na nasa kanyang bulsa. Nanginginig pa nga ang kanyang mga kamay habang binubuksan ito."Tingnan mo 'to." Itinaas niya sa aking harapan ang litrato ng sinasabi niyang anak niya. "Isang modelo ang anak ko sa Las Vegas. Hindi mo siya kayang itapon na lang basta, Mr. Guillermo. Sa sobrang ganda ng anak ko ay marami kang magiging kaagaw sa kanya. Kaya ito na at binibigyan na ki

  • Uncontrollable Desire   Wakas

    Habang nasa lamesa ay hindi ko maiwasang panoorin si Lois at Spike na magkatabi sa gilid ko. Nilalagyan ni Spike ng mga pagkain ang pinggan ni Lois, pagkaing mga itinuturo nito na gustong nitong kainin."Ito pa?" ani Spike na agad tinanguan ni Lois."Tama na 'yan baka hindi na niya maubos," pigil ko kay Spike pero nginitian niya lang ako."Huwag kang mag alala, Serra. Kayang ubusin 'yan ng anak ko."Pilit akong ngumiti. Alam ko kung anong kayang ubusin ng anak ko kasi ako ang kasama nito. Ako ang nagpapakain sa kanya kaya alam ko kung ano lang ang kaya niyang ubusin."Ako ang kasama niya lagi sa bahay, Spike. Hindi siya mahilig sa kanin."Kumunot ang noo ni Spike at tuluyan na itong nag angat ng tingin sa akin. Umayos na rin siya ng upo."Lagi naman niyang nauubos ang mga dala kong pagkain. Hindi ba siya kumakain sa bahay niyo?""It's because I'm still full from what you brought kaya hindi na ako nag h-heavy meal sa bahay pag uwi ko," singit ni Lois."And you never told your mom?" Spi

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 100

    "What? What did you just say?"Agad kong narinig ang sabay na halakhak ni Spike at Lois. What is happening? Bakit parang pinagkakaisahan ako ng dalawa?"What are you trying to say?""Surprise, mom!"Kunot noo kong nilingon si Lois sa back seat. Wala akong ideya na may communication siya kay Spike! And wait... Sasakyan? Para sa isang sampung taong gulang na bata? Seryoso?!"Are you guys kidding me? Bakit mo naman reregaluhan ng sasakyan ang anak ko? E, sampung taong gulang pa lang 'yan, Spike! Anong alam niyan sa sasakyan?""He said you needed a car! Hindi mo raw siya maigala ng maayos kapag umuuwi kayo dito sa Pilipinas kasi wala kayong sasakyan na magagamit. I told him you can use mine, but he said ayaw mong manghiram sa akin kaya I suggest na reregaluhan ko na lang siya ng sarili niyang sasakyan. Kasi sigurado rin naman akong kapag binigyan kita ay hindi mo naman tatanggapin 'di ba? Pero itong regalo ko sa ANAK NATIN hindi mo pwedeng tanggihan kasi hindi naman ito sa 'yo."Napaawang

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 99

    Pagkarating na pagkarating namin ng Pilipinas ay agad kaming dumiretso ni Lois sa sementeryo para bisitahin ang mga kapatid niya. Ang sabi ko nga ay umuwi na muna kami sa bahay upang ilagay ang mga gamit namin pero nagpumilit siyang bumisita na muna kami.Pagkarating ng sementeryo ay naabutan naming marami pa rin ang nakalagay na bulaklak sa libingan nila. Dati pa man, sa tuwing bumibisita kami ni Lois dito ay marami na talaga kaming naaabutan na mga bulaklak dito. At first, ay ipinagtataka namin 'yon. But then I remember na oo nga pala at nandito sa Pilipinas si Spike. Alam din niya kung saan nakalibing ang mga bata dahil siya naman ang naglibing ng mga ito. Sa tabi pa nga ay nandirito ang lola at daddy niya.I already expected it pero hindi ko akalaing magpapang-abot kami dito ngayon.Maayos naman kaming dalawa. Hindi man kami nagkabalikan pero maayos kaming naghiwalay five years ago bago kami bumalik ni Lois sa Las Vegas."Hey..." aniya."Hey..." tugon ko rin pabalik. Hindi ko alam

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 98

    I was true to myself when I said na kapag nahuli na si Mama Rosella ay aalis na rin kami kaagad ni Lois. Unlike the last time, hindi na mabigat ang loob ko sa pag alis ko, unlike last time, umalis ako to heal at hindi lang dahil may tinatakasan ako. Hindi tulad sa dati, ngayon ay umalis ako para sa sarili ko naman.Lois and I started a new life. Mahirap man dahil kami na lang dalawa ay kinakaya naming pareho. I continued my business, I focused on it and Lois. As time goes by, unti-unti kaming nakabangon. Pero alam naming pareho na kahit saan man kami dalhin ng kapalaran namin ay mananatiling nasa mga puso namin sina Lennox at Levi."Congratulations, Serra!"Nakangiti si Miller habang bitbit ang isang bouquet nang lumapit siya sa akin. Inabot niya sa akin iyon na agad ko namang tinanggap."Good thing nakahabol ka. Patapos na 'yong party," biro ko pa sa kanya matapos ko siyang ibeso."I'm sorry, my job won't let me out early.""Your job? Or si Lovelaine?""Serra!" may pagbabanta sa bose

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status