Share

Kabanata 6

Author: Shinzanzou
last update publish date: 2026-06-26 22:03:52

Nagising ako sa iilang katok na nanggagaling sa labas ng pinto. Ang akala ko ay kanina pang umalis si Spike pero mukhang hindi pa. Wala naman kasi kaming ibang kasama dito sa bahay niya kaya walang ibang kakatok kung 'di siya lang.

Oo nga pala at kahapon pa ako hindi kumakain. Nag aalala kaya siya sa akin?

Tamad kong binuksan ang pintuan. I already expecting him outside pero nagulat ako nang nakitang babae ang nandito. Kunot noo ko siyang tiningnan lalo pa nang malawak ang pagkakangiti niya sa akin.

"W-who are you?"

"Hi po, Ma'am Serra! Ako nga po pala si Rynette. Ako po 'yong new assistant niyo po."

"Assistant? Hindi naman ako nag-wanted ng assistant. At saka paano ka nakapasok dito?"

Itinaas niya ang isang kamay niya na may hawak na susi.

"Ipinadala po ako ni Sir Spike dito para po may kasama ka po."

"Oh?"

Muli siyang ngumiti ng malawak. "Ayaw niyo po ba sa pagkaing inihanda ni Sir Spike para sa inyo? Napansin ko kasing hindi nagalaw ang pagkain sa lamesa. Gusto niyo po bang ipaghanda ko kayo ng brunch? Ano pong hilig niyong kainin? Or comfort food po?"

"Wala akong gana. Pasensya na," sabi ko at pinagsarhan siya ng pinto.

"Ma'am, Serra kailangan niyo po ng energy. Mahaba po ang araw natin ngayon! Any minute din po darating na 'yong mag aayos ng wedding gown niyo!" sigaw niya pa mula sa labas ng pinto.

Marahas akong napabuntonghininga. Kahit na nagluluksa pa ako ay wala pa ring pakialam si Spike. Kasal at anak niya lang ang iniisip niya. Wala siyang pakialam sa nararamdaman ko. Napakasama!

Napilitan akong lumabas upang kumain. Ayaw ko na ring abalahin pa si Rynette kaya hindi na ako nagpaluto at pinainit na lang 'yong mga pagkaing inihanda ni Spike. At least, nag effort siyang ipagluto ako ng pagkain.

"Bakit nga ba rush? Are you pregnant?" tanong ng baklang gagawa ng gown ko.

Hindi ko alam kung paano ko siyang sasagutin. It's Spike's decision. And I think iyon din ang sabi sa kanya ng mga magulang niya since akala nga nila buntis ako. But I am not pregnant yet kaya hirap akong sagutin itong tanong ng bakla.

"Oh, sorry! I'm being nosy," sabay tawa niya.

Ngumiti na lamang ako at ibinaba ang tingin sa mga brochure na nagkalat sa coffee table upang maiwasan ang tanong niya.

"Anyways, you're a top model in Las Vegas. Babalik ka ba after ng kasal?"

Pagiging reporter ba ang sideline niya? Ba't ang dami niyang tanong?

"Ma'am Serra, ito maganda ito. Hindi masyadong revealing!" singit ni Rynette. Buti na rin at ginawa niya 'yon dahil hindi ko talaga alam ang mga isasagot ko sa mga itinatanong nitong baklang ito.

"Hindi ako mahilig sa mga may sequence, e. At saka masyadong conservative."

"Ay, agree! Masyadong old fashioned 'yan. Pero ewan ko ba marami pa ring mga bride na gustong suotin ang mga katulad ng ganyang gown."

Tumagal ng halos isang oras ang paghahanap ko ng wedding gown. I still want it to be beautiful and perfect kahit pa fake wedding ang mangyayari. Baka ito na rin kasi ang una't huli kong kasal. I still want to savor this moment, dahil kahit hindi ko pinangarap ito at wala ito sa bokabularyo ko, ay ginawan pa rin ng paraan ng universe para ma-experience ko ito.

"Parating na raw po si Sir Spike."

Agad akong napatingin suot kong relo. Alas tres pa lang ng hapon.

"Bakit maaga?"

"Aalis po kayo para maghanap ng magandang venue ng kasal. Ano po bang gusto niyo? Beach wedding po ba? Or Church wedding? Garden wedding? Masarap sigurong ikasal sa pinakagusto mong venue no? Iyong tipong wala kang alalahanin sa budget kasi marami naman kayong pera. Ako, pangarap ko talagang ikasal sa beach, e. Iyong tipong ang view namin ay ang kulay kahel na kalangitan dahil sa papalubog na araw o di kaya sunrise para bagong simula. Kaso wala kaming pera kaya nakisali na lang kami ng asawa ko sa kasalang bayan tapos kumain kami sa karenderya. Ang importante naman kasi ay 'yong kasal. Pero iba pa rin 'yong dream wedding mo talaga. Ikaw po ba, Ma'am Serra, anong dream wedding mo?"

Nanatili ang mga titig ko kay Rynette. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya. Dahil wala naman talaga akong dream wedding. Kahit kailan ay hindi ko pinangarap na maikasal.

"Kahit anong kasal ay ayos lang sa akin."

"Kung sabagay, ang importante ay ang maikasal ka sa lalaking mahal mo."

Sarkastiko akong napangisi. Sa estado ng buhay ko ngayon ay hindi ko pa alam kung ano bang tama sa mali. Nangangapa ako at hindi ko alam kung saan magsisimula. But I only have one goal in mind. At iyon ay ang patayin si Terese Flores. She dragged me to this kind of hell, kaya iyon din ang gagawin ko sa kanya. For now, gagawa muna ako ng matibay na daan papunta sa kanya. And if it means Spike, then he is.

"Kasal ka na?" tanong ko.

Nakangiti siyang tumango. "At may mga anak na din po kami. Actually, buntis na naman nga po ako ngayon. Mag i-isang buwan na. Buti na nga lang po at hindi ako maselan magbuntis."

Napataas ang kilay ko. "Kung buntis ka, bakit ka nandito at nagtatrabaho?"

"Hindi naman po kasi kami mayaman, Ma'am Serra. Tricycle driver lang 'yong asawa ko at tatlo ang batang pinapakain namin araw-araw, kukulangin kung aasa lang kami sa kikitain ng asawa ko sa pamamasada ng buong maghapon. Buti na nga lang po at ang sabi ng kuya ko ay naghahanap nga raw po ang boss niya ng personal assistant para sa magiging asawa nito kaya sabi ko irekomenda niya ako. Magaling naman po akong magtrabaho, ma'am. Promise ko po sa inyo na hindi po magiging hadlang ang pagbubuntis ko sa magiging trabaho ko sa inyo."

"Alam ba 'to ni Spike?"

"Po?" Mabilis na naglikot ang kanyang mga mata. Nasagot agad ang tanong ko sa simpleng galaw niyang 'yon.

Hindi ito alam ni Spike. Tatlo ang batang kailangan nilang sustentuhan, Tricycle driver lang ang trabaho ng asawa niya at buntis siya . . .

"Kung sakaling may mag a-adopt d'yan sa ipinagbubuntis mo, papayag ka?"

Her eyes widened. "Po?"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Uncontrollable Desire   SPECIAL CHAPTER 02

    SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEWI watched her every move. I watched her when she first held our sons. I watched her when she first cries out of joy. At no'ng araw na 'yon... Nakita ko kung paanong bumalik ang tunay na ngiti sa mga mata't labi ng babaeng pinakamamahal ko.Parang sa isang iglap nabuhay din ako. Binuhay kaming pareho ni Serra ng mga anak namin.Hindi ako agad bumalik ng Pilipinas. I remained in Las Vegas at makailang beses na nagpabalik-balik sa bahay ni Serra upang silipin kung kailan siya lalabas. Ganyan nga siguro kapag bagong panganak. Lagi lang nasa loob ng bahay. I wonder what she's doing inside her house. I wonder if she's taking good care of herself."Bakit hindi ka na lang magpakita? Humingi ka na lang ng tawad. Hindi 'yong nandito ka lang sa labas at naghihintay kung kailan mo siya makikita. Isa pa, ngayon ka mas kailangan ni Serra. Tatlong bata ang inaalagaan niya. Hindi pa nakakabawi ang katawan niya mula sa panganganak.""Can you do it for me?""Bro, ako ba

  • Uncontrollable Desire   SPECIAL CHAPTER 01

    SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEW"Please, Spike. I am begging you. Kunin mo ang anak ko kapalit ng malaking utang ko sa 'yo. Hindi ko na 'yon kayang bayaran. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng pera pambayad. Lahat ng mayroon ako nasa iyo na.""Aanhin ko ang anak mo?""Hindi ba ay naghahanap ka ng mapapangasawa? Hindi ba nga ay hindi mo makukuha ang lahat ng kayamanang ito kung wala kang maipapakitang tagapagmana mo at magtutuloy ng legacy ng pamilyang Guillermo?""I already have someone in mind. Hindi ko kailangan ang anak mo. Bayad mo ang kailangan ko, Mr. Madrigal."Nagmadali siya sa pagkuha ng pitaka niya na nasa kanyang bulsa. Nanginginig pa nga ang kanyang mga kamay habang binubuksan ito."Tingnan mo 'to." Itinaas niya sa aking harapan ang litrato ng sinasabi niyang anak niya. "Isang modelo ang anak ko sa Las Vegas. Hindi mo siya kayang itapon na lang basta, Mr. Guillermo. Sa sobrang ganda ng anak ko ay marami kang magiging kaagaw sa kanya. Kaya ito na at binibigyan na ki

  • Uncontrollable Desire   Wakas

    Habang nasa lamesa ay hindi ko maiwasang panoorin si Lois at Spike na magkatabi sa gilid ko. Nilalagyan ni Spike ng mga pagkain ang pinggan ni Lois, pagkaing mga itinuturo nito na gustong nitong kainin."Ito pa?" ani Spike na agad tinanguan ni Lois."Tama na 'yan baka hindi na niya maubos," pigil ko kay Spike pero nginitian niya lang ako."Huwag kang mag alala, Serra. Kayang ubusin 'yan ng anak ko."Pilit akong ngumiti. Alam ko kung anong kayang ubusin ng anak ko kasi ako ang kasama nito. Ako ang nagpapakain sa kanya kaya alam ko kung ano lang ang kaya niyang ubusin."Ako ang kasama niya lagi sa bahay, Spike. Hindi siya mahilig sa kanin."Kumunot ang noo ni Spike at tuluyan na itong nag angat ng tingin sa akin. Umayos na rin siya ng upo."Lagi naman niyang nauubos ang mga dala kong pagkain. Hindi ba siya kumakain sa bahay niyo?""It's because I'm still full from what you brought kaya hindi na ako nag h-heavy meal sa bahay pag uwi ko," singit ni Lois."And you never told your mom?" Spi

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 100

    "What? What did you just say?"Agad kong narinig ang sabay na halakhak ni Spike at Lois. What is happening? Bakit parang pinagkakaisahan ako ng dalawa?"What are you trying to say?""Surprise, mom!"Kunot noo kong nilingon si Lois sa back seat. Wala akong ideya na may communication siya kay Spike! And wait... Sasakyan? Para sa isang sampung taong gulang na bata? Seryoso?!"Are you guys kidding me? Bakit mo naman reregaluhan ng sasakyan ang anak ko? E, sampung taong gulang pa lang 'yan, Spike! Anong alam niyan sa sasakyan?""He said you needed a car! Hindi mo raw siya maigala ng maayos kapag umuuwi kayo dito sa Pilipinas kasi wala kayong sasakyan na magagamit. I told him you can use mine, but he said ayaw mong manghiram sa akin kaya I suggest na reregaluhan ko na lang siya ng sarili niyang sasakyan. Kasi sigurado rin naman akong kapag binigyan kita ay hindi mo naman tatanggapin 'di ba? Pero itong regalo ko sa ANAK NATIN hindi mo pwedeng tanggihan kasi hindi naman ito sa 'yo."Napaawang

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 99

    Pagkarating na pagkarating namin ng Pilipinas ay agad kaming dumiretso ni Lois sa sementeryo para bisitahin ang mga kapatid niya. Ang sabi ko nga ay umuwi na muna kami sa bahay upang ilagay ang mga gamit namin pero nagpumilit siyang bumisita na muna kami.Pagkarating ng sementeryo ay naabutan naming marami pa rin ang nakalagay na bulaklak sa libingan nila. Dati pa man, sa tuwing bumibisita kami ni Lois dito ay marami na talaga kaming naaabutan na mga bulaklak dito. At first, ay ipinagtataka namin 'yon. But then I remember na oo nga pala at nandito sa Pilipinas si Spike. Alam din niya kung saan nakalibing ang mga bata dahil siya naman ang naglibing ng mga ito. Sa tabi pa nga ay nandirito ang lola at daddy niya.I already expected it pero hindi ko akalaing magpapang-abot kami dito ngayon.Maayos naman kaming dalawa. Hindi man kami nagkabalikan pero maayos kaming naghiwalay five years ago bago kami bumalik ni Lois sa Las Vegas."Hey..." aniya."Hey..." tugon ko rin pabalik. Hindi ko alam

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 98

    I was true to myself when I said na kapag nahuli na si Mama Rosella ay aalis na rin kami kaagad ni Lois. Unlike the last time, hindi na mabigat ang loob ko sa pag alis ko, unlike last time, umalis ako to heal at hindi lang dahil may tinatakasan ako. Hindi tulad sa dati, ngayon ay umalis ako para sa sarili ko naman.Lois and I started a new life. Mahirap man dahil kami na lang dalawa ay kinakaya naming pareho. I continued my business, I focused on it and Lois. As time goes by, unti-unti kaming nakabangon. Pero alam naming pareho na kahit saan man kami dalhin ng kapalaran namin ay mananatiling nasa mga puso namin sina Lennox at Levi."Congratulations, Serra!"Nakangiti si Miller habang bitbit ang isang bouquet nang lumapit siya sa akin. Inabot niya sa akin iyon na agad ko namang tinanggap."Good thing nakahabol ka. Patapos na 'yong party," biro ko pa sa kanya matapos ko siyang ibeso."I'm sorry, my job won't let me out early.""Your job? Or si Lovelaine?""Serra!" may pagbabanta sa bose

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status