LOGIN"No offense meant ha? Naitanong ko lang kasi, hindi ba parang mahirap 'yong maraming anak tapos hindi naman kalakihan 'yong sinasahod ng asawa mo. But— I'm sorry. Kalimutan mo na lang na naitanong ko. Pasensya na."
Yumuko siya. Makailang ulit ko pa siyang tiningnan bago ako nagpasyang umalis tumayo at magtungo sa kusina upang uminom ng tubig. Eksakto ring natunugan namin ang pagdating ng sasakyan ni Spike. "Are you done?" "Yes po, Sir Spike. Nai-email ko na po sa inyo 'yong gown na napili ni Ma'am Serra. Pwede na po ba akong umalis?" "Yes. Thank you, Rynette." Yumuko si Rynette kay Spike, ganun din sa akin. Sinundan ko siya ng tingin habang papalabas siya ng bahay. Yakap-yakap niya ang tote bag niya, tinatakpan ang tiyan niya, pinoprotektahan ang bata sa loob. I think I offended her. "Magbibihis lang ako," pagpapaalam ni Spike. Tumango lang ako. Nanatili ang mga titig ko sa pintuang nilabasan ni Rynette at saka ako napabuga ng hangin. Bakit ko ba kasi nagawang sabihin 'yon? Of course, mahal niya 'yong anak niya. Hindi niya basta-bastang ipapamigay 'yon. Naisip ko lang naman na what if mag ampon na lang kami? Para hindi na kailangang sirain ni Spike ang katawan ko bilang kabayaran sa utang namin sa kanya. "What's your dream wedding?" tanong ni Spike sa kalagitnaan ng byahe namin papunta sa place kung saan namin ime-meet ang wedding coordinator. "I don't have one. Niminsan hindi ko pinangarap ikasal. Ayaw kong matali sa kahit na sino. Gusto ko 'yong malaya ako sa kahit na anong gusto kong gawin." Hindi siya sumagot. Hindi na rin ako nagsalita. Mula no'ng araw na kinuha niya ako hanggang ngayon ay paulit-ulit pa ring tumatakbo sa isipan ko kung anong pwede kong gawin para mapa-konsensya ko siya. Should I kneel and beg? "But any wedding will do. Ang importante lang naman ay ang maikasal tayo 'di ba? Civil wedding is fine also," dagdag ko. "Civil wedding can't be fine, Serra. My family won't let us get married in that kind of wedding." "So you're saying na dapat grand wedding 'yong mangyayari?" Hindi na naman siya sumagot. Feeling ko tuloy, mahal ang bawat laway niya. "Ayos lang din naman if grand wedding. Kayo naman ang gagastos. Oo nga pala at pinirmahan ko na 'yong kontratang ibinigay mo kagabi. Pero bago ako pumirma ay may mga idinagdag ako." Isang beses niya akong nilingon bago siya muling humarap sa kalsada. Sports car ang gamit niya ngayon dahil kaming dalawa lang naman. Sobrang yaman niya nga. Kita naman 'yon sa magagarang sasakyan na pagmamay-ari niya. Kung ako rin siguro sa posisyon niya ay talagang hahanap at hahanap din ako ng paraan para maipamana sa akin ang karangyaang ito at hindi masayang ang lahat ng pinaghirapan ko. Naiintindihan ko naman siya. Hindi ko lang talaga matanggap na ako ang gagamitin niya para makuha ang kayamanang 'yon. "What is it." "That if I ever get pregnant with your child. Pagkatapos na pagkatapos ko itong ipanganak ay tapos na rin ang utang ko sa 'yo. And you won't let me see the child. I don't wanna see it. I don't even want to remember it. Ayaw ko ring makilala niya ako . . . Be it its mom or your wife." Umayos ako ng upo bago humarap sa bintana at itinuon doon ang lahat ng atensyon. Biglang bumigat ang dibdib ko. Ngayon pa lang kasi ay hindi ko na maiwasang masaktan. I know exactly how it feels. Alam na alam ko kung anong pakiramdam ng iniwan ng nanay. It's a childhood trauma. That is why dati pa lang nakatatak na sa isip ko na hinding-hindi ako mag aasawa. Hinding-hindi ako mag-aanak. Pero ngayon, hindi ko na alam kung ano pang plano ng tadhana sa akin. Lahat kasi ng plano ko, pumalpak. Hindi nagsalita si Spike. Nanatili kaming tahimik hanggang sa makarating sa paroroonan. "Spiiiiike!" Pagkapasok na pagkapasok namin sa isang hall ay may agad na sumalubong sa amin at diretsong yumakap kay Spike na babae. I stepped back. And that was my initial reaction. "Merila!" maliliit na tawa ni Spike ang sunod kong narinig habang niyayakap niya pabalik ang babae. Namataan ako ng babae at agad itong lumayo sa magiging asawa ko. "Oops, sorry!" Doon lang din ako nagawang lingunin ni Spike at tila ba sa mga oras lang din na 'yon niya ako naalala. Wow! Just wow! Nahuli ko pa ang ngiti ni Spike bago siya biglang sumeryoso at lumapit sa akin, iniyakap ang isang braso sa bewang ko, at iginiya ako palapit sa babaeng nagngangalang Merila. "This is my fiance . . . Serra," pagpapakilala niya sa akin. Malawak akong nginitian ni Merila bago siya naglahad ng kamay. "I'm Merila, Spike's bestfriend and your wedding coordinator. Nice to finally meet you, Serra." Tinanggap ko ang kamay niya at nginitian ko na rin pabalik. "Nice to meet you too." Wow! So his girl bestfriend. Interesting! "Kailan nga ulit 'yong kasal?" Nag angat ako ng tingin kay Spike. Oo nga pala at hindi ko pa alam 'yong mga details ng kasal namin. "By the end of this month," si Spike ang sumagot since siya naman ang nagplano nito. Napataas ang dalawang kilay ni Merila sa naging tugon ni Spike. "What? Bakit parang minadali? Are you pregnant?" sabay lingon nito sa akin. Kapag ba minadali ang kasal, ibig sabihin no'n ay buntis ang babae? Hindi ba pwedeng mahal na mahal lang nila ang isa't-isa and they can't wait another year to get married kaya rush? Bakit lahat na lang sila itinatanong kung buntis ba ako? "Yes. She is, Merila," si Spike na naman ang sumagot. Namilog pati bibig ni Merila. The first reaction I saw in her face was dismayed. At agad niya 'yong pinalitan ng pagiging excited. Buti na lang at mabilis ang mga mata ko kaya ko nakita 'yon. "Omg! Magiging daddy ka na! Congratulations to the both of you! Matutupad mo na 'yong pangarap mong makabuo ng isang basketball team, Spike!" sabay hagalpak niya ng tawa. "Yeah! You should get pregnant too, so my boys can have their cheerleaders like how you used to cheered me back then," natatawa ring tugon ni Spike. Ang kaninang pilit na ngiti sa aking labi ay unti-unti na talagang naglaho. Bakit parang may nakikita akong iba? Bakit parang may nakikita akong dalawang nagmamahalan sa aking harapan? Am I hallucinating? Or they really are in love with each other? What the heck?! Kahit hindi ito totoong marraige, I still didn't want to be cheated on!SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEWI watched her every move. I watched her when she first held our sons. I watched her when she first cries out of joy. At no'ng araw na 'yon... Nakita ko kung paanong bumalik ang tunay na ngiti sa mga mata't labi ng babaeng pinakamamahal ko.Parang sa isang iglap nabuhay din ako. Binuhay kaming pareho ni Serra ng mga anak namin.Hindi ako agad bumalik ng Pilipinas. I remained in Las Vegas at makailang beses na nagpabalik-balik sa bahay ni Serra upang silipin kung kailan siya lalabas. Ganyan nga siguro kapag bagong panganak. Lagi lang nasa loob ng bahay. I wonder what she's doing inside her house. I wonder if she's taking good care of herself."Bakit hindi ka na lang magpakita? Humingi ka na lang ng tawad. Hindi 'yong nandito ka lang sa labas at naghihintay kung kailan mo siya makikita. Isa pa, ngayon ka mas kailangan ni Serra. Tatlong bata ang inaalagaan niya. Hindi pa nakakabawi ang katawan niya mula sa panganganak.""Can you do it for me?""Bro, ako ba
SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEW"Please, Spike. I am begging you. Kunin mo ang anak ko kapalit ng malaking utang ko sa 'yo. Hindi ko na 'yon kayang bayaran. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng pera pambayad. Lahat ng mayroon ako nasa iyo na.""Aanhin ko ang anak mo?""Hindi ba ay naghahanap ka ng mapapangasawa? Hindi ba nga ay hindi mo makukuha ang lahat ng kayamanang ito kung wala kang maipapakitang tagapagmana mo at magtutuloy ng legacy ng pamilyang Guillermo?""I already have someone in mind. Hindi ko kailangan ang anak mo. Bayad mo ang kailangan ko, Mr. Madrigal."Nagmadali siya sa pagkuha ng pitaka niya na nasa kanyang bulsa. Nanginginig pa nga ang kanyang mga kamay habang binubuksan ito."Tingnan mo 'to." Itinaas niya sa aking harapan ang litrato ng sinasabi niyang anak niya. "Isang modelo ang anak ko sa Las Vegas. Hindi mo siya kayang itapon na lang basta, Mr. Guillermo. Sa sobrang ganda ng anak ko ay marami kang magiging kaagaw sa kanya. Kaya ito na at binibigyan na ki
Habang nasa lamesa ay hindi ko maiwasang panoorin si Lois at Spike na magkatabi sa gilid ko. Nilalagyan ni Spike ng mga pagkain ang pinggan ni Lois, pagkaing mga itinuturo nito na gustong nitong kainin."Ito pa?" ani Spike na agad tinanguan ni Lois."Tama na 'yan baka hindi na niya maubos," pigil ko kay Spike pero nginitian niya lang ako."Huwag kang mag alala, Serra. Kayang ubusin 'yan ng anak ko."Pilit akong ngumiti. Alam ko kung anong kayang ubusin ng anak ko kasi ako ang kasama nito. Ako ang nagpapakain sa kanya kaya alam ko kung ano lang ang kaya niyang ubusin."Ako ang kasama niya lagi sa bahay, Spike. Hindi siya mahilig sa kanin."Kumunot ang noo ni Spike at tuluyan na itong nag angat ng tingin sa akin. Umayos na rin siya ng upo."Lagi naman niyang nauubos ang mga dala kong pagkain. Hindi ba siya kumakain sa bahay niyo?""It's because I'm still full from what you brought kaya hindi na ako nag h-heavy meal sa bahay pag uwi ko," singit ni Lois."And you never told your mom?" Spi
"What? What did you just say?"Agad kong narinig ang sabay na halakhak ni Spike at Lois. What is happening? Bakit parang pinagkakaisahan ako ng dalawa?"What are you trying to say?""Surprise, mom!"Kunot noo kong nilingon si Lois sa back seat. Wala akong ideya na may communication siya kay Spike! And wait... Sasakyan? Para sa isang sampung taong gulang na bata? Seryoso?!"Are you guys kidding me? Bakit mo naman reregaluhan ng sasakyan ang anak ko? E, sampung taong gulang pa lang 'yan, Spike! Anong alam niyan sa sasakyan?""He said you needed a car! Hindi mo raw siya maigala ng maayos kapag umuuwi kayo dito sa Pilipinas kasi wala kayong sasakyan na magagamit. I told him you can use mine, but he said ayaw mong manghiram sa akin kaya I suggest na reregaluhan ko na lang siya ng sarili niyang sasakyan. Kasi sigurado rin naman akong kapag binigyan kita ay hindi mo naman tatanggapin 'di ba? Pero itong regalo ko sa ANAK NATIN hindi mo pwedeng tanggihan kasi hindi naman ito sa 'yo."Napaawang
Pagkarating na pagkarating namin ng Pilipinas ay agad kaming dumiretso ni Lois sa sementeryo para bisitahin ang mga kapatid niya. Ang sabi ko nga ay umuwi na muna kami sa bahay upang ilagay ang mga gamit namin pero nagpumilit siyang bumisita na muna kami.Pagkarating ng sementeryo ay naabutan naming marami pa rin ang nakalagay na bulaklak sa libingan nila. Dati pa man, sa tuwing bumibisita kami ni Lois dito ay marami na talaga kaming naaabutan na mga bulaklak dito. At first, ay ipinagtataka namin 'yon. But then I remember na oo nga pala at nandito sa Pilipinas si Spike. Alam din niya kung saan nakalibing ang mga bata dahil siya naman ang naglibing ng mga ito. Sa tabi pa nga ay nandirito ang lola at daddy niya.I already expected it pero hindi ko akalaing magpapang-abot kami dito ngayon.Maayos naman kaming dalawa. Hindi man kami nagkabalikan pero maayos kaming naghiwalay five years ago bago kami bumalik ni Lois sa Las Vegas."Hey..." aniya."Hey..." tugon ko rin pabalik. Hindi ko alam
I was true to myself when I said na kapag nahuli na si Mama Rosella ay aalis na rin kami kaagad ni Lois. Unlike the last time, hindi na mabigat ang loob ko sa pag alis ko, unlike last time, umalis ako to heal at hindi lang dahil may tinatakasan ako. Hindi tulad sa dati, ngayon ay umalis ako para sa sarili ko naman.Lois and I started a new life. Mahirap man dahil kami na lang dalawa ay kinakaya naming pareho. I continued my business, I focused on it and Lois. As time goes by, unti-unti kaming nakabangon. Pero alam naming pareho na kahit saan man kami dalhin ng kapalaran namin ay mananatiling nasa mga puso namin sina Lennox at Levi."Congratulations, Serra!"Nakangiti si Miller habang bitbit ang isang bouquet nang lumapit siya sa akin. Inabot niya sa akin iyon na agad ko namang tinanggap."Good thing nakahabol ka. Patapos na 'yong party," biro ko pa sa kanya matapos ko siyang ibeso."I'm sorry, my job won't let me out early.""Your job? Or si Lovelaine?""Serra!" may pagbabanta sa bose







