Compartir

Kabanata 78

Autor: Shinzanzou
last update Fecha de publicación: 2026-08-19 04:55:24

"Hayaan mo na lang. Alam mo naman si Miles iniisip niya lang din ang kapakanan mo at ng mga bata," ani Miller habang nagkakape kami sa isang coffee shop malapit sa bahay ko.

"Iniisip ko rin ang mga bata, Mill. Malaki ang chance na makita sila ni Spike if ever na umuwi kami ng Pilipinas. Alam naman nating lahat na may pamilya na 'yong tao 'di ba? Ayoko lang makita ng mga anak ko na 'yong daddy nila ay may iba ng asawa't anak."

"Bakit kasi ayaw mong tanggapin ang offer kong maging daddy ng triplets. You know how much I love them, right? At mahal din ako ng mga bata."

Agad akong napairap at napabuntonghininga. Hindi lang din naman si Spike ang iniisip ko. Nandoon din ang mga Flores. Tatlong taon na ang nakakalipas pero tila kahapon pa rin kung sisihin ko ang sarili ko sa pagkamatay ni mommy. Hanggang hindi ko pa rin magawa-gawang patawarin ang sarili ko.

"You also know that I can't do that right? You know that I just can't take you for granted, Mill. Sobrang laki na ng naitulong niyo sa aming mag-iina. Hindi na kayang tanggapin ng pride ko na pati ang pagiging daddy ng mga anak ko ay aakuin mo."

"Serra..." aniya sabay abot sa kamay kong nakapatong sa lamesa. Hinawakan niya 'yon saka pinisil pero agad ko ring inalis.

"Mill," may pagbabanta sa boses na sabi ko. "I know what's best for us. I know na kaya ko kahit wala ang offer na 'yon."

"But that project may be your hit project. We all know na pahirapan sa iyo na makabalik sa pagmo-modelo dito sa Las Vegas because of your status. Kaya ka nga nagtayo ng sarili mong skincare company 'di ba? Now, that you've got an offer for partnership, ayaw mo naman."

"Hindi sa ayaw ko..."

"Gano'n na rin 'yon. You don't want to accept the offer because you don't want to be seen by the people of the Philippines. The Guillermo's and Flores's to be exact."

"I am fine with my small company here, Mill. Kahit papaano malaki din naman ang kinikita ko."

"But we both know that you can do better."

Umiling ako. "Buo na ang desisyon ko, Mill. Ayaw kong ilagay sa alanganin ang buhay ng mga anak ko."

Nagkibit-balikat lang si Miller saka siya nagsimulang humigop ng kape sa kanyang baso.

Maayos at kuntento na ako sa kung anong sitwasyon namin ngayon ng mga anak ko. Alam kong lumaki ako sa magarbong buhay, at dapat lang ding iparanas ko sa mga anak ko ang buhay na 'yon kasi iyon ang deserve nila pero kahit magarbo ang buhay na 'yon na kahit saan ako lumingon ay kaya kong bilhin anuman ang makita ko ay malungkot naman. Dahil sa ginagawang pagpapayaman ng mga magulang ko para lang maibigay lahat ng luho ko ay kapalit no'n ang oras nila na lagi kong hinihiling. Lagi silang wala at kahit sa hapagkainan ay hindi ako masabayan. Kaya no'ng maghiwalay sila ay mas along nalusaw ang pag-asa kong mabigyan nila ako ng kahit konting oras at atensyon. Kaya ngayong ako naman ang magulang ay ayos na sa akin ang kahit hindi mayaman, huwag lang malungkot ang mga anak ko. Kahit wala silang daddy ay kinakaya ko namang ipadama sa kanilang sapat na ako.

"Levi, why are you crying? Lennox, bakit may pasa ang mukha mo?!" agad akong tumakbo sa mga anak ko pagkalabas na pagkalabas nila sa gate ng school. Katatapos lang ng klase nila at ito na nga't sinusundo ko pagkatapos ko sa coffee shop kasama si Miller. Pero ito ang isinalubong sa akin ng mga anak ko.

"Mommy!" si Levi na agad yumakap sa akin.

"Lois, what happened?"

Umirap si Lois sa kawalan bago marahas na bumuntonghininga. "Our classmates bullied us! They told us that we have no father that's why Levi cried. And Lennox got hurt because..."

Hindi na niya itinuloy ang pag e-explain nang paglingon niya sa kapatid niya ay pinandilatan siya nito ng mga mata. And by the looks of them, alam ko na agad ang nangyari. Nakipagsuntukan si Lennox.

"I got hurt because you just watched!" singhal ni Lennox sa kapatid.

"And what do you want me to do? Get punched like what happened to you?!"

"They were bullying us! Dapat ay tinulungan mo akong suntukin ang mga bully na 'yon!"

"It's not worth my time, Lennox! Totoo naman kasing wala tayong tatay," ani Lois sabay angat ng tingin sa akin bago padabog na naglakad papunta sa sasakyan. He even slammed the door hard.

"Mommy, bakit kasi wala kaming daddy?" galit na Sabi ni Lennox saka rin sumunod kay Lois at pumasok sa sasakyan.

"Mommy..." si Levi na ngayo'y hindi pa rin maawat sa pag iyak.

"Shh... Tahan na. Let's go home na okay?"

"Sabi niyo po nasa malayo ang daddy namin. Nasa'n po ba siya, mommy? Bakit hindi po siya umuuwi? Bakit hindi na lang po natin siya puntahan para po makita namin?"

Bumuntonghininga ako bago yumuko at lumebel sa kanya. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat saka malawak na nginitian. "Gusto mo bang mag ice cream tayo ngayon?"

"Anong flavor?"

Naningkit ang mga mata ko. "Ikaw talaga. Basta ice cream lagi kang excited. Siyempre 'yong favorite mong dark chocolate ang bibilhin ni mommy."

Agad na sumigla ang mga mata niya saka ako binigyan ng malawak na ngiti. "Yeheey!"

Bago umuwi ay dumaan muna kami sa grocery store upang mamili ng mga kakailanganin namin sa bahay at siyempre 'yong pampalubag-loob ko sa kanila na ice cream. Buti na lang at may ice cream, may nagco-comfort sa kanila sa tuwing masama ang loob nila Kasi wala silang tatay.

Ito lang naman ang pino-problema ko. Kung paano kong sasabihin sa kanila na may ibang pamilya na ang daddy nila. Mahirap Kasi. Hindi ko naman akalaing darating sa puntong ganito. Na habang lumalaki sila ay unti-unti nilang nakikita na may kulang sa kanila. Akala ko magiging sapat ako. Pero hindi pala, hangga't may mga taong nanghuhusga sa kakulangan nila ay kailangan hindi ako magiging sapat para sa kanila.

Should I accept Miller's offer? Tutal naman ay ilang taon na kaming magkakilala. Pero hindi ba parang ang sama ko naman? Tatanggapin ko siya sa buhay naming mag i-ina at gagamitin ko ang pagmamahal niya sa amin para lang punan ang kulang sa buhay namin, kahit na hindi ko naman talaga siya mahal. Hindi ba parang unfair naman 'yon para sa kanya?

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • Uncontrollable Desire   SPECIAL CHAPTER 02

    SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEWI watched her every move. I watched her when she first held our sons. I watched her when she first cries out of joy. At no'ng araw na 'yon... Nakita ko kung paanong bumalik ang tunay na ngiti sa mga mata't labi ng babaeng pinakamamahal ko.Parang sa isang iglap nabuhay din ako. Binuhay kaming pareho ni Serra ng mga anak namin.Hindi ako agad bumalik ng Pilipinas. I remained in Las Vegas at makailang beses na nagpabalik-balik sa bahay ni Serra upang silipin kung kailan siya lalabas. Ganyan nga siguro kapag bagong panganak. Lagi lang nasa loob ng bahay. I wonder what she's doing inside her house. I wonder if she's taking good care of herself."Bakit hindi ka na lang magpakita? Humingi ka na lang ng tawad. Hindi 'yong nandito ka lang sa labas at naghihintay kung kailan mo siya makikita. Isa pa, ngayon ka mas kailangan ni Serra. Tatlong bata ang inaalagaan niya. Hindi pa nakakabawi ang katawan niya mula sa panganganak.""Can you do it for me?""Bro, ako ba

  • Uncontrollable Desire   SPECIAL CHAPTER 01

    SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEW"Please, Spike. I am begging you. Kunin mo ang anak ko kapalit ng malaking utang ko sa 'yo. Hindi ko na 'yon kayang bayaran. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng pera pambayad. Lahat ng mayroon ako nasa iyo na.""Aanhin ko ang anak mo?""Hindi ba ay naghahanap ka ng mapapangasawa? Hindi ba nga ay hindi mo makukuha ang lahat ng kayamanang ito kung wala kang maipapakitang tagapagmana mo at magtutuloy ng legacy ng pamilyang Guillermo?""I already have someone in mind. Hindi ko kailangan ang anak mo. Bayad mo ang kailangan ko, Mr. Madrigal."Nagmadali siya sa pagkuha ng pitaka niya na nasa kanyang bulsa. Nanginginig pa nga ang kanyang mga kamay habang binubuksan ito."Tingnan mo 'to." Itinaas niya sa aking harapan ang litrato ng sinasabi niyang anak niya. "Isang modelo ang anak ko sa Las Vegas. Hindi mo siya kayang itapon na lang basta, Mr. Guillermo. Sa sobrang ganda ng anak ko ay marami kang magiging kaagaw sa kanya. Kaya ito na at binibigyan na ki

  • Uncontrollable Desire   Wakas

    Habang nasa lamesa ay hindi ko maiwasang panoorin si Lois at Spike na magkatabi sa gilid ko. Nilalagyan ni Spike ng mga pagkain ang pinggan ni Lois, pagkaing mga itinuturo nito na gustong nitong kainin."Ito pa?" ani Spike na agad tinanguan ni Lois."Tama na 'yan baka hindi na niya maubos," pigil ko kay Spike pero nginitian niya lang ako."Huwag kang mag alala, Serra. Kayang ubusin 'yan ng anak ko."Pilit akong ngumiti. Alam ko kung anong kayang ubusin ng anak ko kasi ako ang kasama nito. Ako ang nagpapakain sa kanya kaya alam ko kung ano lang ang kaya niyang ubusin."Ako ang kasama niya lagi sa bahay, Spike. Hindi siya mahilig sa kanin."Kumunot ang noo ni Spike at tuluyan na itong nag angat ng tingin sa akin. Umayos na rin siya ng upo."Lagi naman niyang nauubos ang mga dala kong pagkain. Hindi ba siya kumakain sa bahay niyo?""It's because I'm still full from what you brought kaya hindi na ako nag h-heavy meal sa bahay pag uwi ko," singit ni Lois."And you never told your mom?" Spi

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 100

    "What? What did you just say?"Agad kong narinig ang sabay na halakhak ni Spike at Lois. What is happening? Bakit parang pinagkakaisahan ako ng dalawa?"What are you trying to say?""Surprise, mom!"Kunot noo kong nilingon si Lois sa back seat. Wala akong ideya na may communication siya kay Spike! And wait... Sasakyan? Para sa isang sampung taong gulang na bata? Seryoso?!"Are you guys kidding me? Bakit mo naman reregaluhan ng sasakyan ang anak ko? E, sampung taong gulang pa lang 'yan, Spike! Anong alam niyan sa sasakyan?""He said you needed a car! Hindi mo raw siya maigala ng maayos kapag umuuwi kayo dito sa Pilipinas kasi wala kayong sasakyan na magagamit. I told him you can use mine, but he said ayaw mong manghiram sa akin kaya I suggest na reregaluhan ko na lang siya ng sarili niyang sasakyan. Kasi sigurado rin naman akong kapag binigyan kita ay hindi mo naman tatanggapin 'di ba? Pero itong regalo ko sa ANAK NATIN hindi mo pwedeng tanggihan kasi hindi naman ito sa 'yo."Napaawang

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 99

    Pagkarating na pagkarating namin ng Pilipinas ay agad kaming dumiretso ni Lois sa sementeryo para bisitahin ang mga kapatid niya. Ang sabi ko nga ay umuwi na muna kami sa bahay upang ilagay ang mga gamit namin pero nagpumilit siyang bumisita na muna kami.Pagkarating ng sementeryo ay naabutan naming marami pa rin ang nakalagay na bulaklak sa libingan nila. Dati pa man, sa tuwing bumibisita kami ni Lois dito ay marami na talaga kaming naaabutan na mga bulaklak dito. At first, ay ipinagtataka namin 'yon. But then I remember na oo nga pala at nandito sa Pilipinas si Spike. Alam din niya kung saan nakalibing ang mga bata dahil siya naman ang naglibing ng mga ito. Sa tabi pa nga ay nandirito ang lola at daddy niya.I already expected it pero hindi ko akalaing magpapang-abot kami dito ngayon.Maayos naman kaming dalawa. Hindi man kami nagkabalikan pero maayos kaming naghiwalay five years ago bago kami bumalik ni Lois sa Las Vegas."Hey..." aniya."Hey..." tugon ko rin pabalik. Hindi ko alam

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 98

    I was true to myself when I said na kapag nahuli na si Mama Rosella ay aalis na rin kami kaagad ni Lois. Unlike the last time, hindi na mabigat ang loob ko sa pag alis ko, unlike last time, umalis ako to heal at hindi lang dahil may tinatakasan ako. Hindi tulad sa dati, ngayon ay umalis ako para sa sarili ko naman.Lois and I started a new life. Mahirap man dahil kami na lang dalawa ay kinakaya naming pareho. I continued my business, I focused on it and Lois. As time goes by, unti-unti kaming nakabangon. Pero alam naming pareho na kahit saan man kami dalhin ng kapalaran namin ay mananatiling nasa mga puso namin sina Lennox at Levi."Congratulations, Serra!"Nakangiti si Miller habang bitbit ang isang bouquet nang lumapit siya sa akin. Inabot niya sa akin iyon na agad ko namang tinanggap."Good thing nakahabol ka. Patapos na 'yong party," biro ko pa sa kanya matapos ko siyang ibeso."I'm sorry, my job won't let me out early.""Your job? Or si Lovelaine?""Serra!" may pagbabanta sa bose

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status