LOGINHalos lahat ng staff ko noon at mga kaibigan ko ay alam na hindi ako plastik na tao. Kapag ayaw ko sa tao, hindi talaga ako makikipagplastikan. Kung may karapatan lang ako tulad noon ay kanina pa akong nag walk out sigurado. Pero wala akong karapatan. Wala akong choice. So I had to stay at humarap sa dalawang ito na parang sila ang ikakasal.
And oh! If you think na nagseselos ako, no! Hindi ako nagseselos. I was just humiliated, naapakan 'yong ego ko. And that was all. "Hatid ka na namin," suhestiyon ni Spike pagkatapos naming mapag usapan ang lahat ng pwedeng pag usapan tungkol sa kasal. "You sure? Mapapalayo lang kayo, e." "It's okay, Ril." "Ayos lang ba talaga? Pasensya na, nasa trabaho pa kasi si Zac kaya hindi niya ako masusundo. Ayos lang ba sa 'yo, Serra?" sabay lingon niya sa akin na ikinagulat ko pa. Akala ko kasi hindi na kailangan ng permiso ko. And she's married... Forbidden romance ba ang meron sila? "It's okay, Merila," pilit akong ngumiti. "Ayon! Thank you!" she giggled. "Let's go," ani Spike at nauna nang lumabas. "BABY, TAMARAAAAA!" Nagsisisigaw si Merila habang tumatakbo palapit sa sports car ni Spike. Nagawa niya pa itong yakapin na parang may buhay. Akala ko ba ayaw ni Spike sa maingay? Pero bakit may bestfriend siyang mas maingay pa sa akin? "Na-miss kitaaaa!" ani Merila at nauna pang sumakay dito. Humalakhak si Spike na tila ba aliw na aliw sa kaibigan niya. Napanganga ako at mangha siyang tiningnan. Pansin kong panay ang tawa at halakhak niya this time. Hindi tulad no'ng ako lang ang kasama niya. So ito pala ang nagagawa ng isang Merila kay Spike Guillermo. Sinundan ko ng tingin si Spike nang sumakay din siya sa driver's seat. Nanatili ako sa kinatatayuan ko. So paano ako sasakay? E sports car nga itong dala niya. I mean, saan ako sasakay if that Tamara has two seats only? Napangiti ako. "Oh my gosh! Sorry, Serra. Hindi ko alam na si Tamara 'yong dala nitong si Spike," sabay baba ni Merila mula sa sasakyan. Agad ko siyang pinigilan. "Oh no, no, no, no, no! It's okay, Merila. I can wait for Spike here," sabay ngiti ko pa para isipin niyang ayos lang talaga. And it's true. Ayos lang talagang ihatid siya ni Spike. Dahil sa likod ng pagpayag ko ay ang planong pagtakas. Kahit na parang delikado at wala akong sapat na plano. Pero hayaan na. "Are you sure?" tanong ni Merila habang sumasakay pabalik ng sasakyan. Malawak ang ngiti sa labi akong tumango. Sinilip ko si Spike sa loob at nakitang titig na titig siya sa akin. Walang ekspresyon ang kanyang mukha kaya hindi ko mabasa kung anong iniisip niya. Sinikap kong ngitian siya upang ibigay ang assurance ko na ayos lang ako dito. And that I can wait for him to come back. As-if! Pero hindi ko yata siya nabigyan ng tamang assurance dahil bumaba siya ng sasakyan at umikot upang makalapit sa akin. Hinawakan niya ako sa braso. Bahagya akong napaatras nang ilapit niya ang mukha niya sa akin. Akala ko ay hahalikan niya ako, goodbye kiss kumbaga pero may ibubulong pala. "Anong plano mo?" "Ha? A-anong plano? H-hihintayin kita dito na makabalik." He clenched his jaw. Ilang sandali niya akong tinitigan bago siya huminga ng malalim. "I can't be rude to Merila. Kailangan ko siyang ihatid and make sure she's safe. Hintayin mo ako dito, babalikan kita." Tumango ako. Nagtagal ng ilang minuto ang naninimbang niyang mga mata sa akin bago siya tuluyang sumakay sa sasakyan. Merila bid her goodbyes to me. Hinatid ko sila ng tingin hanggang sa lumiko sila at mawala sila ng tuluyan sa paningin ko. Isang mahabang buntonghininga ang pinakawalan ko. Hindi ko alam pero ang bigat ng pakiramdam ko. Maybe because, hindi ako sanay na pinipili akong iwan? Sa Las Vegas kasi, nag aagawan ang mga lalaki ko sa paghatid sa akin. Hindi lang siguro ako makapaniwala na dito sa Pilipinas, magiging ganito ang trato sa akin. "Huwag kang mag self pity, Serra! Hindi na kailangan dahil makakabalik ka na ng Las Vegas," pagkausap ko sa sarili ko. Iginala ko ang paningin ko, naghahanap ng pwedeng masakyan pauwi ng mansion namin. I need to get my phone or my laptop. Nandoon 'yong contacts ko sa mga kaibigan ko sa Las Vegas. I can also call Miller for help. Sigurado akong tutulungan niya ako. Marami ang dumadaang taxi kaya naisipan kong sumakay. Kaya lang ay wala akong pamasahe. Hindi rin ako sigurado kung sino ang naroroon sa mansion na pwede kong pagkunan ng pera para sa pamasahe ko. Sigurado akong nandoon ang cards ko, pero hindi ako sigurado kung may laman pa. Napapikit ako't napatingala sa asul na asul na kalangitan. Para akong binagsakan ng langit at lupa. Bigla ay gusto ko na lang maiyak. Dati, hindi ko ito naiintindihan. Dati, akala ko madali lang humanap ng pera. Pero ngayong nandito ako sa ganitong sitwasyon ay napagtanto kong sobrang hirap pala. Iyong tipong walang-wala ka at nasa gitna ka ng kawalan ng mahihingan ng tulong. May humintong itim na sasakyan sa harapan ko kaya napaatras ako. Bumaba ang bintana at sinilip ako ng driver mula sa loob. Nagtaas ako ng isang kilay nang nakitang mukhang mas matanda lang ng ilang taon sa akin at gwapo ang isang 'to. Hindi man kasinggwapo ni Spike pero papasa pa rin sa standards ko. Oh no! Bakit ko ba sila ipinagkukumpara? "Miss Serra?" "Kilala mo ako?" Para akong nabuhayan ng loob. Omg! Baka isa siya sa mga tauhan ni daddy noon. Is he going to rescue me? Ngumiti siya at bumaba ng sasakyan. Umikot siya't pinagbuksan ako ng pintuan sa backseat. "How did you know me? Kaibigan ka ba ng daddy ko? Nagtatrabaho ka ba sa kanya noon?" Unti-unti nang sumisilay ang ngiti sa labi ko habang ipinapaulan ang mga tanong na 'yon. Mahina siyang tumawa. "Hindi po. Sakay ka na po. Baka po matagalan pa ang pagbabalik ni Boss Spike dito kaya inutusan niya akong kunin at ihatid ka sa bahay niyo." Bumagsak ang mga balikat ko. Ang kaninang ngiti ko ay unti-unting nawala kasabay ng pag asang unti-unting naglaho. Akala ko savior ko na, iyon pala kalaban. Mabigat ang mga hakbang ko pasakay sa likod ng sasakyan. Akala ko kasi makakatakas na ako, iyon pala may ipapadala siyang tauhan para sunduin ako. Mautak din ang isang 'yon ah!SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEWI watched her every move. I watched her when she first held our sons. I watched her when she first cries out of joy. At no'ng araw na 'yon... Nakita ko kung paanong bumalik ang tunay na ngiti sa mga mata't labi ng babaeng pinakamamahal ko.Parang sa isang iglap nabuhay din ako. Binuhay kaming pareho ni Serra ng mga anak namin.Hindi ako agad bumalik ng Pilipinas. I remained in Las Vegas at makailang beses na nagpabalik-balik sa bahay ni Serra upang silipin kung kailan siya lalabas. Ganyan nga siguro kapag bagong panganak. Lagi lang nasa loob ng bahay. I wonder what she's doing inside her house. I wonder if she's taking good care of herself."Bakit hindi ka na lang magpakita? Humingi ka na lang ng tawad. Hindi 'yong nandito ka lang sa labas at naghihintay kung kailan mo siya makikita. Isa pa, ngayon ka mas kailangan ni Serra. Tatlong bata ang inaalagaan niya. Hindi pa nakakabawi ang katawan niya mula sa panganganak.""Can you do it for me?""Bro, ako ba
SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEW"Please, Spike. I am begging you. Kunin mo ang anak ko kapalit ng malaking utang ko sa 'yo. Hindi ko na 'yon kayang bayaran. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng pera pambayad. Lahat ng mayroon ako nasa iyo na.""Aanhin ko ang anak mo?""Hindi ba ay naghahanap ka ng mapapangasawa? Hindi ba nga ay hindi mo makukuha ang lahat ng kayamanang ito kung wala kang maipapakitang tagapagmana mo at magtutuloy ng legacy ng pamilyang Guillermo?""I already have someone in mind. Hindi ko kailangan ang anak mo. Bayad mo ang kailangan ko, Mr. Madrigal."Nagmadali siya sa pagkuha ng pitaka niya na nasa kanyang bulsa. Nanginginig pa nga ang kanyang mga kamay habang binubuksan ito."Tingnan mo 'to." Itinaas niya sa aking harapan ang litrato ng sinasabi niyang anak niya. "Isang modelo ang anak ko sa Las Vegas. Hindi mo siya kayang itapon na lang basta, Mr. Guillermo. Sa sobrang ganda ng anak ko ay marami kang magiging kaagaw sa kanya. Kaya ito na at binibigyan na ki
Habang nasa lamesa ay hindi ko maiwasang panoorin si Lois at Spike na magkatabi sa gilid ko. Nilalagyan ni Spike ng mga pagkain ang pinggan ni Lois, pagkaing mga itinuturo nito na gustong nitong kainin."Ito pa?" ani Spike na agad tinanguan ni Lois."Tama na 'yan baka hindi na niya maubos," pigil ko kay Spike pero nginitian niya lang ako."Huwag kang mag alala, Serra. Kayang ubusin 'yan ng anak ko."Pilit akong ngumiti. Alam ko kung anong kayang ubusin ng anak ko kasi ako ang kasama nito. Ako ang nagpapakain sa kanya kaya alam ko kung ano lang ang kaya niyang ubusin."Ako ang kasama niya lagi sa bahay, Spike. Hindi siya mahilig sa kanin."Kumunot ang noo ni Spike at tuluyan na itong nag angat ng tingin sa akin. Umayos na rin siya ng upo."Lagi naman niyang nauubos ang mga dala kong pagkain. Hindi ba siya kumakain sa bahay niyo?""It's because I'm still full from what you brought kaya hindi na ako nag h-heavy meal sa bahay pag uwi ko," singit ni Lois."And you never told your mom?" Spi
"What? What did you just say?"Agad kong narinig ang sabay na halakhak ni Spike at Lois. What is happening? Bakit parang pinagkakaisahan ako ng dalawa?"What are you trying to say?""Surprise, mom!"Kunot noo kong nilingon si Lois sa back seat. Wala akong ideya na may communication siya kay Spike! And wait... Sasakyan? Para sa isang sampung taong gulang na bata? Seryoso?!"Are you guys kidding me? Bakit mo naman reregaluhan ng sasakyan ang anak ko? E, sampung taong gulang pa lang 'yan, Spike! Anong alam niyan sa sasakyan?""He said you needed a car! Hindi mo raw siya maigala ng maayos kapag umuuwi kayo dito sa Pilipinas kasi wala kayong sasakyan na magagamit. I told him you can use mine, but he said ayaw mong manghiram sa akin kaya I suggest na reregaluhan ko na lang siya ng sarili niyang sasakyan. Kasi sigurado rin naman akong kapag binigyan kita ay hindi mo naman tatanggapin 'di ba? Pero itong regalo ko sa ANAK NATIN hindi mo pwedeng tanggihan kasi hindi naman ito sa 'yo."Napaawang
Pagkarating na pagkarating namin ng Pilipinas ay agad kaming dumiretso ni Lois sa sementeryo para bisitahin ang mga kapatid niya. Ang sabi ko nga ay umuwi na muna kami sa bahay upang ilagay ang mga gamit namin pero nagpumilit siyang bumisita na muna kami.Pagkarating ng sementeryo ay naabutan naming marami pa rin ang nakalagay na bulaklak sa libingan nila. Dati pa man, sa tuwing bumibisita kami ni Lois dito ay marami na talaga kaming naaabutan na mga bulaklak dito. At first, ay ipinagtataka namin 'yon. But then I remember na oo nga pala at nandito sa Pilipinas si Spike. Alam din niya kung saan nakalibing ang mga bata dahil siya naman ang naglibing ng mga ito. Sa tabi pa nga ay nandirito ang lola at daddy niya.I already expected it pero hindi ko akalaing magpapang-abot kami dito ngayon.Maayos naman kaming dalawa. Hindi man kami nagkabalikan pero maayos kaming naghiwalay five years ago bago kami bumalik ni Lois sa Las Vegas."Hey..." aniya."Hey..." tugon ko rin pabalik. Hindi ko alam
I was true to myself when I said na kapag nahuli na si Mama Rosella ay aalis na rin kami kaagad ni Lois. Unlike the last time, hindi na mabigat ang loob ko sa pag alis ko, unlike last time, umalis ako to heal at hindi lang dahil may tinatakasan ako. Hindi tulad sa dati, ngayon ay umalis ako para sa sarili ko naman.Lois and I started a new life. Mahirap man dahil kami na lang dalawa ay kinakaya naming pareho. I continued my business, I focused on it and Lois. As time goes by, unti-unti kaming nakabangon. Pero alam naming pareho na kahit saan man kami dalhin ng kapalaran namin ay mananatiling nasa mga puso namin sina Lennox at Levi."Congratulations, Serra!"Nakangiti si Miller habang bitbit ang isang bouquet nang lumapit siya sa akin. Inabot niya sa akin iyon na agad ko namang tinanggap."Good thing nakahabol ka. Patapos na 'yong party," biro ko pa sa kanya matapos ko siyang ibeso."I'm sorry, my job won't let me out early.""Your job? Or si Lovelaine?""Serra!" may pagbabanta sa bose







