Share

Kabanata 94

Author: Shinzanzou
last update publish date: 2026-08-19 06:04:43

"Alam ko. Iyon ang nagagawa ng paghihiganti, Serra."

"Hindi ba sila nagtaka na ibang mukha na ang bumalik sa kanila?"

Umiling siya. "Halos magkamukha kami no'n."

Inalis ko ang mga luha sa pisngi ko saka ako huminga ng malalim. Umayos ako ng upo.

"Ang plano lang talaga ay ang makahanap ng ebidensiya sa pagkamatay ni nanay at ang pagkuha sa kayamanan ng mga Guillermo. Pero nahuli kami. Isa sa mga tauhan ko ang bumaliktad at nagsumbong sa mga Carisma. At ito ang naging resulta. They killed my father. They killed lola, Miles, Sebastian, Lennox and Levi. Ngayon naman ay hawak nila si Rynette. We were trying to find them pero hindi namin sila mahanap-hanap. I know it's Rosella who's behind all these pero malinis silang gumawa. Malinis silang pumatay. Even Art and Marga who's more capable of finding them ay nahihirapan."

"Gusto ko silang makita."

He shook his head. "Nailibing na namin sila, Serra."

Napapikit ako at muli na namang napaiyak. Ni hindi ko man lang sila nakita kahit sa huling pagkakataon.

"Hindi ko kayang ipakita sa 'yo ang sitwasyon nila. Kahit si Miller ay hindi kinayang makita ang lasog-lasog na katawan ng kapatid niya. Our sons' bodies were burned, Serra. Nakumpirma ko lang na sila 'yon dahil sa mga kwentas na suot nila na may nakaukit na pangalan nila. Lola and daddy were hanged sa living room ng mansion. Puno ng tama ng baril ang mga katawan nila ng matagpuan namin."

"Bago ako nawalan ng malay... Huli kong nakita ang sunog na katawan ni Lois..."

Tumango siya. "Hindi siya 'yon. Hindi ko alam kung bakit napunta sa batang 'yon ang kwentas pero hindi siya si Lois. I found our triplets, Serra. Sebastian was able to secure them at dinala sa bahay niya pero nasundan pa rin sila do'n. Si Lois lang ang nailigtas ko."

"Hindi ko alam kung kanino ako magagalit, Spike. Galit na galit ako. Pero pagod na pagod na akong manisi. Kailan ba matatapos lahat ng 'to?"

Inabot niya ang kamay ko at pinisil 'yon. "I'm sorry, Serra. Hindi ko na rin alam ang gagawin. Pero pangako sisiguraduhin ko ang kaligtasan mo."

"Siguraduhin mo ang kaligtasan ni Lois, Spike. Dahil siya na lang ang dahilan kaya mo 'ko nakakausap ngayon."

Inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko saka ako tumayo at nagtungo sa kusina. Uminom ako ng tubig upang makahinga ng maluwag. Nagsisimula na namang manikip ang dibdib ko.

Ilang minuto akong hindi lumabas ng kusina upang makapagisip-isip. Medyo natagalan akong i-proseso lahat ng mga impormasyong inihayag sa akin ni Spike. He already did explain his self pero nararamdaman ko pa rin ang galit ko sa kanya.

Pagkalabas ko ng kusina ay nakita kong may kausap na si Spike sa telepono.

"Kahit sa Mindanao pa 'yan ay lulusob tayo, Art. Si Rosella ang ulo, siya ang kailangan nating putulin."

Nanatili ako sa likuran ni Spike habang pinapakinggan siyang makipagusap sa kaibigan niya. Matapos ang ilang sandal ay ibinaba niya ito at nilingon ako.

"Alam na nila kung saan nagtatago si Rosella."

"Sasama ako," agaran kong tugon sa kanya.

"What? No! Delikado ang gagawin namin, Serra."

I shook my head. "Gusto kong sumama."

"Ipapahatid kita kay Welvorn sa Batanes."

"Hindi. Gusto kong sumama sa 'yo."

"Delikado nga! Ayaw kong mapahamak ka!"

"Ayaw ko ring mapahamak ka!"

Natigilan si Spike. Naiwan ang mga naninimbang niyang titig sa akin.

"Ayaw kong pati ikaw mawala!"

"Serra..."

"Gets ko na, Spike. The moment na ipinambayad utang ako sa 'yo ng daddy ko, the moment na pinili mong pakasalan ako alam ko nang kahit anong gawin mo, apektado ako. Kahit anong desisyon mo, damay ako at ang mga anak natin. Kaya kahit magtago kami, hangga't buhay si Rosella hindi tayo matatahimik, hindi matatapos 'to. Kaya sasama ako sa 'yo! Hindi ako makakapayag na ako lang lagi ang pinoprotektahan mo! Kaya ko ring protektahan ang sarili ko, Spike. Kaya rin kitang protektahan!"

"Serra, papatay kami ro'n!"

"Kaya ko ring pumatay, Spike! Nakalimutan mo yatang ako ang pumatay sa sarili kong ina!"

Umawang ang labi niya. Kita ko kung paanong namilog ng bahagya ang kanyang mga mata.

"I am also capable of killing, Spike."

"Iba pa rin 'to, Serra."

Sunod-sunod akong umiling. "Hindi. Sasama pa rin ako. Hindi ako pupunta ng Batanes na hindi ka kasama. Papatayin mo lang din ako sa pag aalala do'n. I have to make sure na buhay ka. Babawi ka pa sa amin."

Napakagat siya sa labi niya.

"Right?"

Marahas siyang bumuntonghininga bago ako hinawakan sa palapulsuhan at hinila palapit sa kanya upang mayakap ng mahigpit.

"I am just scared, Serra."

"Sasamahan kita sa laban na 'to, Spike. Lalaban tayo kasi hinihintay tayo ng anak natin."

Mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin. Ramdam ko rin ang sunod-sunod niyang pagpataw ng paisa-isang halik sa tuktok ng ulo ko. Napapikit ako ng mariin at yumakap na rin sa kanya. Pinapakinggan ko ang bawat tibok ng puso kong sumasabay din sa pagtibok ng puso niya.

Hinintay lang namin saglit sina Adaline at Neo saka kami naghanda matapos ibalita sa kanilang may lead na kung nasaan si Rosella.

"Sasama ako, Spike. I'm a doctor kailangan ako do'n," palabas na kami ng bahay nila at nangungulit pa rin si Neo.

"Isa ka pang makulit, e! Dude, hindi kami magbabaril-barilan lang do'n. Seryosong laban ang mangyayari!"

"Doktor mo ako, Spike! Nag aalala ako sa 'yo!"

"Kaya ko ang sarili ko, Neo."

"Alam kong kaya mo, Spike. Pero 'yong katawan mo pareho nating alam na hindi!"

"Ano ba! Ikaw 'yong may sakit sa puso, hindi ako!"

"Magaling na ako, Spike!"

"Samahan mo na lang si Adaline sa Batanes. Mas kailangan ka ng asawa mo do'n. Ayaw kong isama ka sa gulo ng buhay ko, Neo."

"Pero si Art at Marga isasama mo?"

Tipid na ngumiti si Spike. "Hindi ito ang panahon mo para sumama sa laban na 'to, Neo. Kailangan ka ng asawa mo at ng magiging anak mo. Congratulations, dude."

Agad na namilog ang mga mata at nalaglag ang panga ni Neo matapos marinig ang sinabi ni Spike.

"What? Buntis si Ada? Hindi niya sinabi sa akin." Nilingon niya si Ada. "Love!"

Tipid namang nakangiti si Ada habang nakatingin sa kanya. I mouthed her the word congratulations nang lumingon siya sa akin.

Natatawang umiling si Spike. "Alis na kami. Huwag kayong mag ce-celebrate hangga't hindi kami nakakabalik ah?!" ani Spike habang naglalakad palabas. Agad rin naman akong humabol sa kanya.

"Siguraduhin niyong makakabalik kayo!" pahabol na sigaw ni Neo.

"May hindi ka pa ba sinasabi sa akin, Spike?"

"I already told you everything, Serra."

Pero pakiramdam ko may tinatago pa siyang iba. Dahil sa pag aalalang pinapakita ni Neo sa kanya, alam kong may hindi pa siya sinasabi sa akin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Uncontrollable Desire   SPECIAL CHAPTER 02

    SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEWI watched her every move. I watched her when she first held our sons. I watched her when she first cries out of joy. At no'ng araw na 'yon... Nakita ko kung paanong bumalik ang tunay na ngiti sa mga mata't labi ng babaeng pinakamamahal ko.Parang sa isang iglap nabuhay din ako. Binuhay kaming pareho ni Serra ng mga anak namin.Hindi ako agad bumalik ng Pilipinas. I remained in Las Vegas at makailang beses na nagpabalik-balik sa bahay ni Serra upang silipin kung kailan siya lalabas. Ganyan nga siguro kapag bagong panganak. Lagi lang nasa loob ng bahay. I wonder what she's doing inside her house. I wonder if she's taking good care of herself."Bakit hindi ka na lang magpakita? Humingi ka na lang ng tawad. Hindi 'yong nandito ka lang sa labas at naghihintay kung kailan mo siya makikita. Isa pa, ngayon ka mas kailangan ni Serra. Tatlong bata ang inaalagaan niya. Hindi pa nakakabawi ang katawan niya mula sa panganganak.""Can you do it for me?""Bro, ako ba

  • Uncontrollable Desire   SPECIAL CHAPTER 01

    SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEW"Please, Spike. I am begging you. Kunin mo ang anak ko kapalit ng malaking utang ko sa 'yo. Hindi ko na 'yon kayang bayaran. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng pera pambayad. Lahat ng mayroon ako nasa iyo na.""Aanhin ko ang anak mo?""Hindi ba ay naghahanap ka ng mapapangasawa? Hindi ba nga ay hindi mo makukuha ang lahat ng kayamanang ito kung wala kang maipapakitang tagapagmana mo at magtutuloy ng legacy ng pamilyang Guillermo?""I already have someone in mind. Hindi ko kailangan ang anak mo. Bayad mo ang kailangan ko, Mr. Madrigal."Nagmadali siya sa pagkuha ng pitaka niya na nasa kanyang bulsa. Nanginginig pa nga ang kanyang mga kamay habang binubuksan ito."Tingnan mo 'to." Itinaas niya sa aking harapan ang litrato ng sinasabi niyang anak niya. "Isang modelo ang anak ko sa Las Vegas. Hindi mo siya kayang itapon na lang basta, Mr. Guillermo. Sa sobrang ganda ng anak ko ay marami kang magiging kaagaw sa kanya. Kaya ito na at binibigyan na ki

  • Uncontrollable Desire   Wakas

    Habang nasa lamesa ay hindi ko maiwasang panoorin si Lois at Spike na magkatabi sa gilid ko. Nilalagyan ni Spike ng mga pagkain ang pinggan ni Lois, pagkaing mga itinuturo nito na gustong nitong kainin."Ito pa?" ani Spike na agad tinanguan ni Lois."Tama na 'yan baka hindi na niya maubos," pigil ko kay Spike pero nginitian niya lang ako."Huwag kang mag alala, Serra. Kayang ubusin 'yan ng anak ko."Pilit akong ngumiti. Alam ko kung anong kayang ubusin ng anak ko kasi ako ang kasama nito. Ako ang nagpapakain sa kanya kaya alam ko kung ano lang ang kaya niyang ubusin."Ako ang kasama niya lagi sa bahay, Spike. Hindi siya mahilig sa kanin."Kumunot ang noo ni Spike at tuluyan na itong nag angat ng tingin sa akin. Umayos na rin siya ng upo."Lagi naman niyang nauubos ang mga dala kong pagkain. Hindi ba siya kumakain sa bahay niyo?""It's because I'm still full from what you brought kaya hindi na ako nag h-heavy meal sa bahay pag uwi ko," singit ni Lois."And you never told your mom?" Spi

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 100

    "What? What did you just say?"Agad kong narinig ang sabay na halakhak ni Spike at Lois. What is happening? Bakit parang pinagkakaisahan ako ng dalawa?"What are you trying to say?""Surprise, mom!"Kunot noo kong nilingon si Lois sa back seat. Wala akong ideya na may communication siya kay Spike! And wait... Sasakyan? Para sa isang sampung taong gulang na bata? Seryoso?!"Are you guys kidding me? Bakit mo naman reregaluhan ng sasakyan ang anak ko? E, sampung taong gulang pa lang 'yan, Spike! Anong alam niyan sa sasakyan?""He said you needed a car! Hindi mo raw siya maigala ng maayos kapag umuuwi kayo dito sa Pilipinas kasi wala kayong sasakyan na magagamit. I told him you can use mine, but he said ayaw mong manghiram sa akin kaya I suggest na reregaluhan ko na lang siya ng sarili niyang sasakyan. Kasi sigurado rin naman akong kapag binigyan kita ay hindi mo naman tatanggapin 'di ba? Pero itong regalo ko sa ANAK NATIN hindi mo pwedeng tanggihan kasi hindi naman ito sa 'yo."Napaawang

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 99

    Pagkarating na pagkarating namin ng Pilipinas ay agad kaming dumiretso ni Lois sa sementeryo para bisitahin ang mga kapatid niya. Ang sabi ko nga ay umuwi na muna kami sa bahay upang ilagay ang mga gamit namin pero nagpumilit siyang bumisita na muna kami.Pagkarating ng sementeryo ay naabutan naming marami pa rin ang nakalagay na bulaklak sa libingan nila. Dati pa man, sa tuwing bumibisita kami ni Lois dito ay marami na talaga kaming naaabutan na mga bulaklak dito. At first, ay ipinagtataka namin 'yon. But then I remember na oo nga pala at nandito sa Pilipinas si Spike. Alam din niya kung saan nakalibing ang mga bata dahil siya naman ang naglibing ng mga ito. Sa tabi pa nga ay nandirito ang lola at daddy niya.I already expected it pero hindi ko akalaing magpapang-abot kami dito ngayon.Maayos naman kaming dalawa. Hindi man kami nagkabalikan pero maayos kaming naghiwalay five years ago bago kami bumalik ni Lois sa Las Vegas."Hey..." aniya."Hey..." tugon ko rin pabalik. Hindi ko alam

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 98

    I was true to myself when I said na kapag nahuli na si Mama Rosella ay aalis na rin kami kaagad ni Lois. Unlike the last time, hindi na mabigat ang loob ko sa pag alis ko, unlike last time, umalis ako to heal at hindi lang dahil may tinatakasan ako. Hindi tulad sa dati, ngayon ay umalis ako para sa sarili ko naman.Lois and I started a new life. Mahirap man dahil kami na lang dalawa ay kinakaya naming pareho. I continued my business, I focused on it and Lois. As time goes by, unti-unti kaming nakabangon. Pero alam naming pareho na kahit saan man kami dalhin ng kapalaran namin ay mananatiling nasa mga puso namin sina Lennox at Levi."Congratulations, Serra!"Nakangiti si Miller habang bitbit ang isang bouquet nang lumapit siya sa akin. Inabot niya sa akin iyon na agad ko namang tinanggap."Good thing nakahabol ka. Patapos na 'yong party," biro ko pa sa kanya matapos ko siyang ibeso."I'm sorry, my job won't let me out early.""Your job? Or si Lovelaine?""Serra!" may pagbabanta sa bose

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status