Share

Kabanata 93

Author: Shinzanzou
last update publish date: 2026-08-19 06:03:42

"Ayaw kong pag usapan 'yong tayo, Spike."

Tumango siya at hindi na muling nagsalita. Tahimik kaming dalawa sa loob ng sasakyan habang papunta sa bahay ng kaibigan niyang si Neo. Nang makarating doon ay agad kaming pumasok sa loob. Gaya ng bahay nina Roiden at Terese ay gwardiyado din ang bahay nitong si Neo.

"Ikaw si Serra? Ako si Adaline, asawa ni Neo," agad na bungad sa akin ng babaeng kasama ni Neo sabay abot nito ng kamay sa akin.

Tumango ako at nginitian siya kasabay rin ng pagtanggap ko sa kamay niya.

"Nag breakfast na kayo?" muling tanong nito. Umiling ako.

"Love, paasikaso muna si Serra. Mag uusap lang kami nitong si Spike," ani Neo.

"Sure," ngiti nito. "Come on, Serra."

"Thanks, Ada," pahabol ni Spike nang magsimula kaming maglakad ni Adaline papunta sa kitchen nila.

"Oh no! Wala na kaming stocks," si Ada habang tinitingnan ang ref nila. "Pasensya ka na, Serra. Pancakes lang ang mai-o-offer ko sa 'yo sa ngayon. Hindi pa kasi kami nakakapag-grocery ni Neo, e."

"Naku! Ayos lang, Ada. Pasensya na rin at nakakaisturbo pa kami dito sa inyo."

"Ano ka ba! Hindi kayo isturbo. Willing kaming tumulong ni Neo sa inyo. Alam mo kasi, isa 'yang asawa mong si Spike sa dahilan kaya ako nandito at malaya. Kaya hangga't kaya namin ni Neo na tumulong sa inyo ay tutulong kami. Don't worry, Serra, magiging maayos din ang lahat," sabay ngiti niya.

Mabilis kumilos si Adaline kaya ilang minuto lang din ay hinahain na niya ang pancakes. Dahil nakakahiya naman at nakakaisturbo pa kami sa kanila ay tumulong na din ako sa paggawa ng kape.

"Iced americano ang paborito ni Spike, Serra. Iyon ang gawin mo," sabay ngiti niya sa akin.

Nahinto pa ako saglit bago muling nakagalaw. Wala kasi akong alam kay Spike sa kung anong mga paborito niya. No'ng nasa iisang bahay kasi kami dati ay hindi naman namin napapagkwentuhan ang mga bagay na tungkol doon.

"Lagi kasi 'yang nandito si Spike kaya alam na alam ko na kung anong mga gusto niyang inihahanda ko. Actually, lahat 'yan silang magkakaibigan laging tumatambay dito sa bahay. Pero mas madalas talagang si Spike kasi wala naman kayong pamilya niya dito sa Pilipinas."

Huminga ako ng malalim at humarap sa kanya. Abala na siya ngayon sa paghihiwa ng strawberries.

"Akala ko naging sila ng bestfriend niyang si Merila?"

Tumigil siya sa paghihiwa kasabay ng pagkunot ng kanyang noo.

"No."

"They have a daughter. Nakita ko."

"Maybe iyon 'yong mga panahon na maayos pa ang takbo ng paghihiganti ni Spike. Merila is part of the plan to get rid of the Carisma family. At saka hindi niya anak ang bata. Hindi ba niya nakwento sa 'yo?"

Umiling ako. "H-hindi pa kami nakakapagusap ng masinsinan tungkol sa mga nangyayari."

Nanlaki ang mga mata niya. "Pumunta ka dito without knowing what's really happening? It's dangerous, Serra!"

"Gusto ko lang naman makita ang mga anak ko. Tatlong buwan ko na silang hindi nakikita."

"Hindi mo ba pa rin ba alam ang tungkol sa dalawang bata? Oh my god. I shouldn't be asking. Hindi dapat sa akin manggaling."

"Alam ko na. Pero hindi ko alam kung nasaan ang mga katawan nila."

Tuluyan niyang ibinaba ang hawak niyang kutsilyo. Lumapit siya sa akin at niyakap ako.

"My deepest condolences, Serra."

Inabutan kami nina Neo at Spike sa ganoong posisyon. Pero hindi sila nagtanong kung anong mga nangyari o kung anong pinagusapan namin ni Adaline. Tahimik lang din kaming kumain ng agahan at pagkatapos ay nagpaalam ang mag asawa na mag go-grocery sila. Naiwan kaming dalawa ni Spike sa bahay nila.

"Gusto mong magpahinga?" tanong ni Spike nang tuluyang makaalis si Adaline at Neo.

Umiling ako at naupo sa sofa. Sinenyasan ko siyang maupo sa tabi ko na agad naman niyang sinunod.

Sa sobrang dami ng gusto kong itanong sa kanya ay hindi ko na alam kung alin pa doon ang una kong itatanong.

Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko.

"Hindi mo anak ang anak ni Merila?"

Umiling siya. "But why is she calling you daddy?"

"Kasi 'yon 'yong gusto ni Merila. Pero alam ng bata na hindi ako ang daddy niya. Alam din niyang may pamilya ako. Na merong kayo."

Panandalian akong nagulat sa sinabi niya. Pamilya niya? Kami? Yes. I am labeled by the people around us as his wife pero hindi ko 'yon masyadong pinapansin. Ngayon lang talaga na siya na ang nagsabi.

"Alam mo bang ikaw ang ama ng triplets?"

"Masasaktan ba ako ng ganito kung hindi?"

Nakagat ko ang labi ko. Nagbabadya na namang tumulo ang mga luha ko.

"Alam ko na agad 'yon matapos mong manganak, Serra. I was there. I was outside the operating room."

Para akong nanlamig sa sobrang gulat. Napatitig ako sa kanya habang hirap pa ring iproseso ang mga sinabi niya.

"Ipina-DNA test ko agad ang mga bata."

"Spike, hindi ako kailanman nagalaw ni Yoko."

He nodded. "Alam ko."

Tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko. "Alam mo? Pero hindi mo ako pinagtanggol sa mga magulang mo? Alam mo? Pero pinalayas mo ako?"

"Pinasundan kita no'n, Serra. Nakapalibot sa 'yo ang tauhan ko. I'm sorry pero kailangan ko 'yong gawin para malayo ka dito. Kailangan ko 'yong gawin kasi madadamay ka at ayaw ko 'yong mangyari. Naghihiganti ako, Serra. Naghihiganti ako kay Rosella Carisma at sa pamilya niya. Dahil sa kanila kaya namatay ang nanay ko. Dahil sa kanila hanggang ngayon hindi pa namin nakikita ang bangkay niya.

"Si Rosella? Hindi ba ay mommy mo 'yon?"

He shook his head. "Yes. I mean no. Mommy siya ni Spike Guillermo. At hindi ako 'yon. I am Damian Guttierez, kapatid ko si Sebastian at si Rynette. Anak ako ni nanay kay Javier Guillermo."

"Kung ikaw si Damian Guttierez, nasaan ang totoong Spike Guillermo?"

"Inilibing ng stepfather ko no'ng kinse anyos pa lang ako. Akala lang nila missing ang anak nila pero ang totoo patay na. No'ng mag 25 ako doon ako pumunta sa kanila at nagpanggap na siya."

Napailing-iling ako. "You were as cruel as them, Spike. Or should I say... Damian?"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Uncontrollable Desire   SPECIAL CHAPTER 02

    SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEWI watched her every move. I watched her when she first held our sons. I watched her when she first cries out of joy. At no'ng araw na 'yon... Nakita ko kung paanong bumalik ang tunay na ngiti sa mga mata't labi ng babaeng pinakamamahal ko.Parang sa isang iglap nabuhay din ako. Binuhay kaming pareho ni Serra ng mga anak namin.Hindi ako agad bumalik ng Pilipinas. I remained in Las Vegas at makailang beses na nagpabalik-balik sa bahay ni Serra upang silipin kung kailan siya lalabas. Ganyan nga siguro kapag bagong panganak. Lagi lang nasa loob ng bahay. I wonder what she's doing inside her house. I wonder if she's taking good care of herself."Bakit hindi ka na lang magpakita? Humingi ka na lang ng tawad. Hindi 'yong nandito ka lang sa labas at naghihintay kung kailan mo siya makikita. Isa pa, ngayon ka mas kailangan ni Serra. Tatlong bata ang inaalagaan niya. Hindi pa nakakabawi ang katawan niya mula sa panganganak.""Can you do it for me?""Bro, ako ba

  • Uncontrollable Desire   SPECIAL CHAPTER 01

    SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEW"Please, Spike. I am begging you. Kunin mo ang anak ko kapalit ng malaking utang ko sa 'yo. Hindi ko na 'yon kayang bayaran. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng pera pambayad. Lahat ng mayroon ako nasa iyo na.""Aanhin ko ang anak mo?""Hindi ba ay naghahanap ka ng mapapangasawa? Hindi ba nga ay hindi mo makukuha ang lahat ng kayamanang ito kung wala kang maipapakitang tagapagmana mo at magtutuloy ng legacy ng pamilyang Guillermo?""I already have someone in mind. Hindi ko kailangan ang anak mo. Bayad mo ang kailangan ko, Mr. Madrigal."Nagmadali siya sa pagkuha ng pitaka niya na nasa kanyang bulsa. Nanginginig pa nga ang kanyang mga kamay habang binubuksan ito."Tingnan mo 'to." Itinaas niya sa aking harapan ang litrato ng sinasabi niyang anak niya. "Isang modelo ang anak ko sa Las Vegas. Hindi mo siya kayang itapon na lang basta, Mr. Guillermo. Sa sobrang ganda ng anak ko ay marami kang magiging kaagaw sa kanya. Kaya ito na at binibigyan na ki

  • Uncontrollable Desire   Wakas

    Habang nasa lamesa ay hindi ko maiwasang panoorin si Lois at Spike na magkatabi sa gilid ko. Nilalagyan ni Spike ng mga pagkain ang pinggan ni Lois, pagkaing mga itinuturo nito na gustong nitong kainin."Ito pa?" ani Spike na agad tinanguan ni Lois."Tama na 'yan baka hindi na niya maubos," pigil ko kay Spike pero nginitian niya lang ako."Huwag kang mag alala, Serra. Kayang ubusin 'yan ng anak ko."Pilit akong ngumiti. Alam ko kung anong kayang ubusin ng anak ko kasi ako ang kasama nito. Ako ang nagpapakain sa kanya kaya alam ko kung ano lang ang kaya niyang ubusin."Ako ang kasama niya lagi sa bahay, Spike. Hindi siya mahilig sa kanin."Kumunot ang noo ni Spike at tuluyan na itong nag angat ng tingin sa akin. Umayos na rin siya ng upo."Lagi naman niyang nauubos ang mga dala kong pagkain. Hindi ba siya kumakain sa bahay niyo?""It's because I'm still full from what you brought kaya hindi na ako nag h-heavy meal sa bahay pag uwi ko," singit ni Lois."And you never told your mom?" Spi

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 100

    "What? What did you just say?"Agad kong narinig ang sabay na halakhak ni Spike at Lois. What is happening? Bakit parang pinagkakaisahan ako ng dalawa?"What are you trying to say?""Surprise, mom!"Kunot noo kong nilingon si Lois sa back seat. Wala akong ideya na may communication siya kay Spike! And wait... Sasakyan? Para sa isang sampung taong gulang na bata? Seryoso?!"Are you guys kidding me? Bakit mo naman reregaluhan ng sasakyan ang anak ko? E, sampung taong gulang pa lang 'yan, Spike! Anong alam niyan sa sasakyan?""He said you needed a car! Hindi mo raw siya maigala ng maayos kapag umuuwi kayo dito sa Pilipinas kasi wala kayong sasakyan na magagamit. I told him you can use mine, but he said ayaw mong manghiram sa akin kaya I suggest na reregaluhan ko na lang siya ng sarili niyang sasakyan. Kasi sigurado rin naman akong kapag binigyan kita ay hindi mo naman tatanggapin 'di ba? Pero itong regalo ko sa ANAK NATIN hindi mo pwedeng tanggihan kasi hindi naman ito sa 'yo."Napaawang

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 99

    Pagkarating na pagkarating namin ng Pilipinas ay agad kaming dumiretso ni Lois sa sementeryo para bisitahin ang mga kapatid niya. Ang sabi ko nga ay umuwi na muna kami sa bahay upang ilagay ang mga gamit namin pero nagpumilit siyang bumisita na muna kami.Pagkarating ng sementeryo ay naabutan naming marami pa rin ang nakalagay na bulaklak sa libingan nila. Dati pa man, sa tuwing bumibisita kami ni Lois dito ay marami na talaga kaming naaabutan na mga bulaklak dito. At first, ay ipinagtataka namin 'yon. But then I remember na oo nga pala at nandito sa Pilipinas si Spike. Alam din niya kung saan nakalibing ang mga bata dahil siya naman ang naglibing ng mga ito. Sa tabi pa nga ay nandirito ang lola at daddy niya.I already expected it pero hindi ko akalaing magpapang-abot kami dito ngayon.Maayos naman kaming dalawa. Hindi man kami nagkabalikan pero maayos kaming naghiwalay five years ago bago kami bumalik ni Lois sa Las Vegas."Hey..." aniya."Hey..." tugon ko rin pabalik. Hindi ko alam

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 98

    I was true to myself when I said na kapag nahuli na si Mama Rosella ay aalis na rin kami kaagad ni Lois. Unlike the last time, hindi na mabigat ang loob ko sa pag alis ko, unlike last time, umalis ako to heal at hindi lang dahil may tinatakasan ako. Hindi tulad sa dati, ngayon ay umalis ako para sa sarili ko naman.Lois and I started a new life. Mahirap man dahil kami na lang dalawa ay kinakaya naming pareho. I continued my business, I focused on it and Lois. As time goes by, unti-unti kaming nakabangon. Pero alam naming pareho na kahit saan man kami dalhin ng kapalaran namin ay mananatiling nasa mga puso namin sina Lennox at Levi."Congratulations, Serra!"Nakangiti si Miller habang bitbit ang isang bouquet nang lumapit siya sa akin. Inabot niya sa akin iyon na agad ko namang tinanggap."Good thing nakahabol ka. Patapos na 'yong party," biro ko pa sa kanya matapos ko siyang ibeso."I'm sorry, my job won't let me out early.""Your job? Or si Lovelaine?""Serra!" may pagbabanta sa bose

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status