LOGIN"Iniwan ka niya. I didn't think she put so much effort on finding you because if she did, matagal ka na sana naming nakasama."
Mas lalo akong nagulat sa mga sinabi niya.
"Galit din ako sa kanya... Ilang taon nilang itinago ang katotohanan sa akin. Gumuho ang mundo ko no'ng nalaman ang katotohanang 'yon. Isipin mo, inakala kong perpekto ang pamilya namin. Iyon pala, kabit si mommy? O kabit si daddy? My god! May pinagmanahan ako?! Kaya siguro galit na galit sa akin si mommy no'n noong nalaman niyang kabit ako ni Roiden. Kasi gano'n din pala siya. Takot siya sa sarili niyang multo!"
"Terese..."
"What? Totoo naman 'di ba? Kaya gano'n na lang ang galit niya sa akin pati ng buong pamilya kasi nagkaroon ng déjà vu!"
"I didn't know anything about you or your family. Ang alam ko lang no'n noong umalis si mommy ay may ibang lalaki siya at buntis siya sa lalaking 'yon. Hindi ko alam na may sarili rin palang pamilya ang lalaki niya, ang daddy mo. Nalaman ko lang 'yon noong nabaril ka... I visited you on the hospital at doon ko nakita si mommy. Doon ko lang nalaman na ikaw 'yong ipinagbubuntis niya."
"Why were you at the hospital? Bakit mo ako binisita?"
Natahimik ako. Sandali akong nawalan ng kakayanang magsalita dahil sa naging tanong niya. She was asking my reason, and I was torn between telling the truth or telling her another lie. Simple lang naman kasi ang sagot, I was there to make sure na napuruhan siya ng kung sino mang bumaril sa kanya no'ng araw na 'yon. I am making sure na mamamatay siya at kung hindi man ay ako mismo ang tatapos sa kanya.
"Ate? Why were you there? Kung hindi mo pa naman alam na nandoon si mommy at magkapatid tayo, bakit ka ganoon? You have no reason to be there. Hindi naman tayo close para mag alala ka sa kalagayan ko no'n."
"I..."
Kumunot ang noo niya. "Wait... Ikaw ba ang bumaril sa akin?"
Agad akong umiling. "No!"
Bahagya siyang natawa. Pero bakas sa mukha niyang hindi siya natutuwa. "Then?"
"Hindi ako ang nakabaril sa 'yo."
Sumeryoso siya. "Hindi ikaw ang nakabaril sa akin. But you were there? Isa ka sa nagbabalak na bumaril sa akin?"
"Terese..."
"Just admit or deny it, ate. Yes or no lang ang sagot. Were you trying to get me killed?"
Bumagsak ang mga balikat ko. Napayuko agad ako nang narinig ang pagsinghap niya. "I'm sorry, Terese."
"Why? Tell me why? Anong dahilan? Bakit gusto mo akong patayin? You almost killed my twins that day!"
"Kasi galit ako! Galit na galit ako! I am lost at that moment. Wala na ako sa sarili ko no'n, Terese! Kapapanganak ko lang no'n sa triplets. Walang wala ako dahil pinalayas kami ni Spike. Pakiramdam ko no'n mag isa na lang ako. Galit na galit ako kay Spike at sa pamilya niya. And you... Ikaw ang sinisisi ko sa lahat ng nangyari. If it weren't for you hindi sana namatay si daddy. Hindi sana ako ang naging kabayaran sa lahat ng utang niya. Hindi sana ako napunta kay Spike, hindi niya ako naging asawa, hindi niya ako nabuntis. Edi sana hindi ako nasasaktan at nagdurusa."
"Bakit ako ang sinisisi mo? Hindi ko naman kasalanan kung maraming utang ang daddy mo. Hindi ko naman kasalanan kung ikaw ang ipinambayad niya. Isa pa, aksidente 'yong nangyari, Ate Serra. Yes, I know may kasalanan din ako dahil no'ng time na 'yon wala din ako sa sarili ko. Pero promise... Hindi ko balak na patayin ang daddy mo. I'm sorry."
"I know. I have watched the CCTV footage. Pero huli na, nangyari na lahat ng nangyari. Nabuo ko na 'yong galit ko sa 'yo. Binalak kong patayin ka bilang ganti kaya ako nandoon sa hospital. Pero nakita ko si mommy doon. Kaya mas lalo akong nagalit, inisip ko na baka plano niyo talagang patayin si daddy para maging happy family na kayo. Kaya ko nagawang ipasunog ang bahay niyo."
Bumagsak sa sahig si Terese. Napayuko siya at doon humagulgol nang humagulgol. Wala akong ibang magawa kung 'di ang umiyak lang din. Alam ko kung gaano kalaki ang kasalanan ko. Kaya nga hanggang ngayon pinili ko pa ring magdusa kasi alam kung iyon ang kabayaran sa lahat ng mga nagawa ko.
"I'm sorry..."
"I was willing to forgive you pero... Sobrang sakit..."
"Kaya alam kong malabong maging malapit tayo, Terese. I am glad that you are calling me ate... Pero sa tingin ko, hindi mo ako deserve maging kapatid."
Umiling siya. "I don't know... Handa na ako, e. Handa na akong tanggapin ka sa pamilya namin pero ang sakit lang ng mga inamin mo."
"Alam mong hindi ako kailanman magiging parte ng pamilya niyo hindi ba? Sinabi ko na dati pa. Ayos na akong mag isa. Magmula no'ng namatay si daddy, I already knew I am alone. That I am without a family. Kuntento na rin ako sa kung anong mayroon ako. Tanggap ko na din naman na ito ang kapalaran ko."
"No... You have to accept me as your sister. Kasi kung iniisip mong mag isa ka na lang at na wala ka ng pamilya, ibig sabihin lang no'n galit ka pa rin sa akin at hindi mo pa rin ako tanggap bilang kapatid mo. Ibig sabihin lang no'n, sinisisi mo pa rin ako, hindi lang dahil sa pagkamatay ng daddy mo pati na rin sa paghihiwalay nila ni mommy."
Hindi ako nakasagot. Namangha ako sa mga salitang binitawan niya. Kasi 'yong dati ko pang dini-deny sa sarili ko nagawa niyang sambitin sa harapan ko. She's right. Maliban sa sarili ko, siya lang din ang sinisisi ko sa lahat.
Pero may mababago ba? Anong magagawa ng paninisi ko sa kanya? E, nangyari na lahat ng gulo. Nasaktan na kaming lahat. Nadurog na ako. Kung hanggang ngayon ba sisihin ko siya, may mababago ba?
"Kapag nahuli na si Mama Rosella ay aalis na din kami agad ni Lois dito. Babalik kami sa Las Vegas at hindi na muling manggugulo sa inyo."
She sarcastically laughed. "Ang sama mo. Napakasama mo!"
"I have no intention of treating you as my sister, Terese. Hindi naman kasi porket nalaman natin ang totoo ay ganoon na lang din kasimple nating tatanggapin ang isa't-isa."
"Aren't you happy na kahit papaano may kapatid ka pa? Meron ka pang ako?"
Mapakla akong natawa. "Nabuhay ako ng ilang taon na ang tanging nasa isip ay nag iisa akong anak. Hindi ako sanay na may kapatid. Hindi ako sanay na may pamilya."
Tumango siya. Inalis niya ang mga luha niya saka niya inayos ang sarili at tumayo. "Maybe you just have to forgive yourself first. At kapag napatawad mo na ang sarili mo, saka mo ako bigyan ng pagkakataon, at magkapatawaran tayo. Baka sakaling sa ganyang paraan... Makapagsimula tayo bilang magkapatid."
Isang tipid na ngiti ang iginawad ko sa kanya. Hindi ko alam. Sa ngayon ay masyado pang magulo at nagkakabuhol-buhol ang nararamdaman ko. Siguro. Malay natin. Posible ang mga sinabi niya.
SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEWI watched her every move. I watched her when she first held our sons. I watched her when she first cries out of joy. At no'ng araw na 'yon... Nakita ko kung paanong bumalik ang tunay na ngiti sa mga mata't labi ng babaeng pinakamamahal ko.Parang sa isang iglap nabuhay din ako. Binuhay kaming pareho ni Serra ng mga anak namin.Hindi ako agad bumalik ng Pilipinas. I remained in Las Vegas at makailang beses na nagpabalik-balik sa bahay ni Serra upang silipin kung kailan siya lalabas. Ganyan nga siguro kapag bagong panganak. Lagi lang nasa loob ng bahay. I wonder what she's doing inside her house. I wonder if she's taking good care of herself."Bakit hindi ka na lang magpakita? Humingi ka na lang ng tawad. Hindi 'yong nandito ka lang sa labas at naghihintay kung kailan mo siya makikita. Isa pa, ngayon ka mas kailangan ni Serra. Tatlong bata ang inaalagaan niya. Hindi pa nakakabawi ang katawan niya mula sa panganganak.""Can you do it for me?""Bro, ako ba
SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEW"Please, Spike. I am begging you. Kunin mo ang anak ko kapalit ng malaking utang ko sa 'yo. Hindi ko na 'yon kayang bayaran. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng pera pambayad. Lahat ng mayroon ako nasa iyo na.""Aanhin ko ang anak mo?""Hindi ba ay naghahanap ka ng mapapangasawa? Hindi ba nga ay hindi mo makukuha ang lahat ng kayamanang ito kung wala kang maipapakitang tagapagmana mo at magtutuloy ng legacy ng pamilyang Guillermo?""I already have someone in mind. Hindi ko kailangan ang anak mo. Bayad mo ang kailangan ko, Mr. Madrigal."Nagmadali siya sa pagkuha ng pitaka niya na nasa kanyang bulsa. Nanginginig pa nga ang kanyang mga kamay habang binubuksan ito."Tingnan mo 'to." Itinaas niya sa aking harapan ang litrato ng sinasabi niyang anak niya. "Isang modelo ang anak ko sa Las Vegas. Hindi mo siya kayang itapon na lang basta, Mr. Guillermo. Sa sobrang ganda ng anak ko ay marami kang magiging kaagaw sa kanya. Kaya ito na at binibigyan na ki
Habang nasa lamesa ay hindi ko maiwasang panoorin si Lois at Spike na magkatabi sa gilid ko. Nilalagyan ni Spike ng mga pagkain ang pinggan ni Lois, pagkaing mga itinuturo nito na gustong nitong kainin."Ito pa?" ani Spike na agad tinanguan ni Lois."Tama na 'yan baka hindi na niya maubos," pigil ko kay Spike pero nginitian niya lang ako."Huwag kang mag alala, Serra. Kayang ubusin 'yan ng anak ko."Pilit akong ngumiti. Alam ko kung anong kayang ubusin ng anak ko kasi ako ang kasama nito. Ako ang nagpapakain sa kanya kaya alam ko kung ano lang ang kaya niyang ubusin."Ako ang kasama niya lagi sa bahay, Spike. Hindi siya mahilig sa kanin."Kumunot ang noo ni Spike at tuluyan na itong nag angat ng tingin sa akin. Umayos na rin siya ng upo."Lagi naman niyang nauubos ang mga dala kong pagkain. Hindi ba siya kumakain sa bahay niyo?""It's because I'm still full from what you brought kaya hindi na ako nag h-heavy meal sa bahay pag uwi ko," singit ni Lois."And you never told your mom?" Spi
"What? What did you just say?"Agad kong narinig ang sabay na halakhak ni Spike at Lois. What is happening? Bakit parang pinagkakaisahan ako ng dalawa?"What are you trying to say?""Surprise, mom!"Kunot noo kong nilingon si Lois sa back seat. Wala akong ideya na may communication siya kay Spike! And wait... Sasakyan? Para sa isang sampung taong gulang na bata? Seryoso?!"Are you guys kidding me? Bakit mo naman reregaluhan ng sasakyan ang anak ko? E, sampung taong gulang pa lang 'yan, Spike! Anong alam niyan sa sasakyan?""He said you needed a car! Hindi mo raw siya maigala ng maayos kapag umuuwi kayo dito sa Pilipinas kasi wala kayong sasakyan na magagamit. I told him you can use mine, but he said ayaw mong manghiram sa akin kaya I suggest na reregaluhan ko na lang siya ng sarili niyang sasakyan. Kasi sigurado rin naman akong kapag binigyan kita ay hindi mo naman tatanggapin 'di ba? Pero itong regalo ko sa ANAK NATIN hindi mo pwedeng tanggihan kasi hindi naman ito sa 'yo."Napaawang
Pagkarating na pagkarating namin ng Pilipinas ay agad kaming dumiretso ni Lois sa sementeryo para bisitahin ang mga kapatid niya. Ang sabi ko nga ay umuwi na muna kami sa bahay upang ilagay ang mga gamit namin pero nagpumilit siyang bumisita na muna kami.Pagkarating ng sementeryo ay naabutan naming marami pa rin ang nakalagay na bulaklak sa libingan nila. Dati pa man, sa tuwing bumibisita kami ni Lois dito ay marami na talaga kaming naaabutan na mga bulaklak dito. At first, ay ipinagtataka namin 'yon. But then I remember na oo nga pala at nandito sa Pilipinas si Spike. Alam din niya kung saan nakalibing ang mga bata dahil siya naman ang naglibing ng mga ito. Sa tabi pa nga ay nandirito ang lola at daddy niya.I already expected it pero hindi ko akalaing magpapang-abot kami dito ngayon.Maayos naman kaming dalawa. Hindi man kami nagkabalikan pero maayos kaming naghiwalay five years ago bago kami bumalik ni Lois sa Las Vegas."Hey..." aniya."Hey..." tugon ko rin pabalik. Hindi ko alam
I was true to myself when I said na kapag nahuli na si Mama Rosella ay aalis na rin kami kaagad ni Lois. Unlike the last time, hindi na mabigat ang loob ko sa pag alis ko, unlike last time, umalis ako to heal at hindi lang dahil may tinatakasan ako. Hindi tulad sa dati, ngayon ay umalis ako para sa sarili ko naman.Lois and I started a new life. Mahirap man dahil kami na lang dalawa ay kinakaya naming pareho. I continued my business, I focused on it and Lois. As time goes by, unti-unti kaming nakabangon. Pero alam naming pareho na kahit saan man kami dalhin ng kapalaran namin ay mananatiling nasa mga puso namin sina Lennox at Levi."Congratulations, Serra!"Nakangiti si Miller habang bitbit ang isang bouquet nang lumapit siya sa akin. Inabot niya sa akin iyon na agad ko namang tinanggap."Good thing nakahabol ka. Patapos na 'yong party," biro ko pa sa kanya matapos ko siyang ibeso."I'm sorry, my job won't let me out early.""Your job? Or si Lovelaine?""Serra!" may pagbabanta sa bose
![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)






