首頁 / Romance / Until Divorce Do Us Part / Chapter 36: The Reality

分享

Chapter 36: The Reality

作者: Lyric Arden
last update publish date: 2025-01-16 20:32:09

Pagkatapos niyang ilagay ang PIN ng lock ay tumuloy na silang dalawa. Nauna si Sigmund kaysa kay Cerise sa pagpasok, at hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya. Napatayo siya sa gilid ng pintuan hanggang sa nakaupo ito.

“At bakit ka nandito?” Tanong niya.

“May naiwan ako…” Tinaasan naman siya ng kilay ni Cerise. “…ano, ah lighter. Oo.”

Napairap nalang si Cerise. “Saan mo ba naiwan?”

Gustong ngumiti ni Sigmund sa iritado nitong reaksyon pero baka mabuko lang ang pagsisinungaling niya dah
在 APP 繼續免費閱讀本書
掃碼下載 APP
已鎖定章節

最新章節

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 174: Across Ten Thousand Kilometers

    Namula ang mukha ni Cerise, para bang may apoy na gumapang mula sa kanyang dibdib hanggang sa kanyang pisngi. Malakas ang pintig ng kanyang puso, mas mabilis kaysa sa takbo ng kanyang paghinga. Halos hindi niya makayanan na tingnan si Sigmund sa mata, kaya’t inilihis niya ang tingin, animo’y batang nahuli sa kasalanan. Ngunit hindi siya tinantanan ni Sigmund. Marahan nitong iniangat ang kanyang kamay at banayad na pinisil ang baba niya."Huwag kang tumakbo palayo sa akin.""Sigmund…""At least, huwag ngayon. Lumipad ako nang mahigit sampung libong kilometro para lang hanapin ka."Sa mga mata ni Sigmund, may ningning na puno ng damdamin. Ang lalim ng kanyang titig ay tila kumakawala ng mga salitang hindi na kayang isambit. Doon, sa mismong sandaling iyon, unti-unting nabuwag ang pagtatanggol ni Cerise. Nang bumaba ang tingin ni Sigmund sa kanyang labi, walang anu-ano’y idinampi niya ang halik.Napigil ang hininga ni Cerise. Nanigas siya sa pagkabigla, at hindi niya alam kung paano kiki

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 173: A New Year’s Silence

    Umalingawngaw ang tunog ng video call sa kalagitnaan ng katahimikan sa maliit na apartment. Mula sa kusina, kusang lumakad si Cerise patungo sa sala nang marinig ang salitang "Mamita." Parang awtomatikong gumalaw ang kanyang mga paa, dala ng gulat at pagkasabik na hindi niya maipaliwanag. Nang maupo siya sa harap ng laptop, agad niyang pinunasan ang kanyang mukha. Wala siyang suot na make-up, pero ayaw niyang makita ng matanda ang mga bakas ng luha sa kanyang pisngi.Nasa gilid si Sigmund, nakalagay ang isang kamay sa likuran ni Cerise, ngunit ang katawan nito’y nakalayo. Sa kabila nito, malinaw pa ring kita ang kanilang mga mukha sa screen. Kitang-kita rin ang pagkairita sa mukha ng matandang babae habang pinagmamasdan sila.“Baby, sinaktan ka ba agad ng batang ‘yan pagdating niya?” tanong ni Mamita na hindi maitago ang pag-aalala sa boses.Mabilis na umiling si Cerise. “Hindi, Mamita. Nang binuksan ko lang ang pinto kanina, may buhangin na pumasok sa mata ko, napuwing lang ako. Masa

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 172: A Knock in The Cold  

    Sa malamig na gabi ng Bagong Taon, tahimik na pinupunasan ni Cerise ang sahig ng kanilang inuupahang apartment. Basang-basa ang kanyang palad, nanginginig ang mga daliri, ngunit patuloy siyang nagwawalis ng mga alikabok at lumang bakas ng nakaraan. Marahang umiikot ang timba sa gilid ng kanyang paa habang pinipilit niyang ituon ang sarili sa gawaing bahay, para makalimot, kahit panandalian.Ngunit sa gitna ng katahimikan, isang katok sa pinto ang pumunit sa kanyang ulirat. Napahinto siya. Nanlamig ang kanyang batok. Parang may malamig na hangin na dumaan sa kanyang likod kahit wala namang bukas na bintana. Bahagyang nanginginig ang kanyang kamay nang ibaba niya ang basahan. Dahan-dahan siyang tumayo, hawak pa rin ang timba, habang humigpit ang tibok ng kanyang puso.Hatinggabi na. Si Kara ay nasa Pinas, at si Percy nama’y umalis pa noong umaga. Sino pa kaya ang maaaring kumatok sa ganoong oras?Napasinghap si Cerise. Mabilis na sumagi sa kanyang isipan ang alaala ng gabing dumating si

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 171: Targeted

    Agad na bumukas ang pinto. Mabilis na pumasok si Percy matapos marinig ang tunog.Sa loob ng apartment, natagpuan niyang nakatayo si Cerise, nanginginig ang mga kamay habang mahigpit na hawak ang pulso ng lalaking may hawak na kutsilyo. Buong lakas ang kanyang sigaw sa takot nang marinig niyang may bumungad sa pintuan.Nang lumingon si Percy, tumambad sa kanya ang isang matangkad at payat na lalaking nakasuot ng itim na leather jacket, may suot na baseball cap at mask. May hawak itong matalas na kutsilyo na nakatutok sa leeg ni Cerise. Halata ang hangarin nitong patayin ang babae."Cerise!" sigaw ni Percy, hindi na naisip kung saan galing ang lakas ng loob.Sa sandaling iyon, alam na ni Cerise na ang lalaking ito ay walang ibang layunin kundi tapusin ang kanyang buhay. Hindi ito magnanakaw. Hindi ito lasing. Isa itong mamamatay-tao.Habang abala ang lalaki sa pagbabantay kay Percy, biglang itinaas ni Cerise ang kanyang paa at buong lakas na inapakan ang paa ng lalaki gamit ang pitong

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 170: A Knife At Your Neck

    Hindi niya maipaliwanag kung ang lamig na nararamdaman ngayon ay dahil ba sa klima o sa lungkot na hatid ng katahimikan sa paligid. Suot niya ang mapusyaw na turtleneck sweater, pilit na kinukubli ang ginaw na hindi lang pisikal kundi abot sa kanyang damdamin. Habang naglalakad pauwi, bawat yapak niya ay tila dumadagundong sa walang laman na kalsada, at ang bawat paghinga ay may dalang buntong-hininga na ayaw kumawala.Pagpasok niya sa kanyang tirahan, sinalubong siya ng katahimikan, isang uri ng katahimikang hindi nagpapatahan kundi lalong nagpapabigat ng dibdib. Wala ni isang tunog, maliban sa mahinang tikhim ng air purifier sa gilid ng kwarto. Tinanggal niya ang coat, inihagis sa isang sulok, saka naupo sa sofa. Doon lang niya naalala ang cellphone sa loob ng kanyang bag. Binuksan niya ito, at agad na lumitaw sa screen ang tatlong missed calls ni Sigmund at pitong messages. May tatlong voice messages at isang video message pa.Napapikit siya sandali. Tila ba tumigil ang oras habang

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 169: Stay Behind

    Napatingin si Cerise sa mga mata nito, umaasang may makikita siyang sinseridad, ngunit wala. Kaya napalingon siya palayo.“Huwag mong subukan, ayoko nang pilit.”Saglit na nanahimik si Sigmund. Ramdam niyang muli siyang tinanggihan ng tanging babaeng dati’y nahuhumaling sa kanya.Gusto niya itong sigawan, gusto niyang ipaalala kung sino siya. Pero hindi niya magawa. Sa halip, tahimik niyang hinawakan ang kamay nito at hinayaan siyang manatili sa kandungan niya.“President, nasa airport na po tayo,” saad ng driver sa unahan.Mabilis na napabuntong-hininga si Cerise at nagtangkang bumaba.Ngunit pinigilan pa rin siya ni Sigmund.“Maaga pa,” bulong nito.“Malelate ako sa flight.”“Ihahatid kita ng sarili kong eroplano,” kalmadong sagot nito.Wala siyang nagawa kundi ang manatiling nakaupo. Pinaglalaruan ni Sigmund ang kanyang mga daliri. Ramdam niya ang kirot sa pagkakakurot nito ngunit hindi siya nagreklamo. Alam niyang kapag umangal siya, baka lalo pa itong maging mapusok.“Naipaliwana

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 134: Still His Wife

    Natigilan si Cerise nang magtagpo ang tingin nila ni Sigmund. Sa isang sulyap pa lang, alam niyang nakita na nito ang mga sugat niya na pilit niyang itinatago. Naunawaan niya rin kung bakit ito bumalik sa pribadong silid para hanapin si Mr. Peterson. Ngunit sa kabila ng lahat, hindi niya mapigilang

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 132: The Mask Falls    

    Binalewala ni Cerise ang kirot na gumagapang sa kanyang tagiliran. Ang tunay na takot ay dumapo sa kanyang sikmura nang mapansing naka-lock ang pinto, inilock ito ni Mr. Peterson.Tahimik ang tunog ng mga sapatos ni Mr. Prescott habang papalapit siya, mabagal, puno ng intensyon. Hinawakan nito ang

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 132: The Deal She Never Asked For  

    “Ako?”“Hm-hm.” mabilis na pagtango ni Spencer, pilit na ngumiti kahit hindi umaabot sa kanyang mga mata ang ngiti. “Kumain na tayo.”Dahan-dahan nilang tinapos ang hapunan. Pagkatapos, isinama ni Cerise si Spencer sa ilang kilalang lugar sa lungsod, ipinakita ang kultura at tradisyon ng Pearl Pavi

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 131: Lines We Can’t Cross

    “Sig?” Halos pabulong na lumabas ang pangalan niya sa labi ni Cerise nang sinagot niya ang tawag, malamig ito at matalim.“Kailangan ba ng babae ko ang pamilya Prescott? She already has me.” Hindi na siya naghintay ng sagot ng kabilang linya at kaagad na pinatay ang tawag.Nakanguyom ang panga ni

更多章節
探索並免費閱讀 優質小說
GoodNovel APP 免費暢讀海量優秀小說,下載喜歡的書籍,隨時隨地閱讀。
在 APP 免費閱讀書籍
掃碼在 APP 閱讀
DMCA.com Protection Status