Share

CHAPTER 10

NAPAKASARAP ng tulog ni Carla. Napakahimbing na para bang ipinaghihili siya ng napakaraming anghel. Napakasarap ng pakiramdam niya nang mga sandaling iyon. Parang may isang anghel na masuyong humahaplos sa kaniyang pisngi at niyayakap siya. Ramdam niya ang init ng katawan nito, ang bawat paghinga nito, at ang bawat pagtibok ng puso nito.

Pero bakit parang buhay ang anghel na iyon? Para itong hindi isang kaluluwa lamang.

"A sweet angel is sleeping beside me," narinig niyang sambit ng anghel na iyon.

Napakasarap sa pandinig niya ang boses nito. At lalaki pala ang anghel na nakayakap sa kaniya ngayon. Para siyang idinuduyan nang mga sandaling iyon. Naramdaman na lamang niyang may mainit na bagay na dumapo sa kaniyang noo. Hinalikan ba siya ng anghel?

"Kahit paulit-ulit mo akong tarayan at ipagtabuyan, patuloy pa rin kitang lalapitan,” narinig na naman niya ang masuyong boses na iyon ng anghel.

Ang sarap sa pakiramdam na hindi siya kaila
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status