Share

[19] Attempt

Natapos ang kinakanta ng banda na naabutan nila pagpasok nila. Ang sunod na kanta ay isang malungkot na awitin. Sakto sa mga sawi na nagpunta ng bar ng oras na iyon. Sakto sa nararamdaman ni Leaf. Ramdam niya rin iyon kaya naman hindi niya maialis ang mata niya sa entablado. Tutok na tutok siya sa pakikinig hanggang sa lumipad na ang isip niya at naalala na naman niya ang ginawa sa kaniya ni Elm. Muling tumulo ang luha mula sa mata niya.

Agad siyang napansin ni Clover kaya hinaplos niya ang likod ng kaibigan para subukang pakalmahin siya.

“Ano bang nangyari?” tanong ni Clover. Bigla na lang siyang niyakap ni Leaf. Hindi sumagot si Leaf kaya muli siyang nagsalita. “Ayos lang. Ilabas mo iyan. Ikwento mo. Makakatulong ‘yan para pagaanin ang loob mo.”

“Nag-cheat siya sa akin. Nahuli ko sila ni Hazel.”

Namilog ang mga mata ni Clover. “Nagawa sa’yo ‘yun ni Elm? Akala ko pa naman nagbago na talaga siya.”

Kumalas na sa pagkakayakap si Leaf. “Parang wala lang sa kaniya lahat ng pinagsamahan na
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status