共有

CHAPTER ONE

作者: Lira Luna
last update 公開日: 2026-10-21 14:24:57

CHAPTER 1

“Dr. Del Fuego, the patient’s oxygen saturation is dropping fast! 72% and declining!”

Bumalik ang ingay at tensyon sa loob ng Trauma Bay. Nakatayo si Gabriel sa tapat ng glass wall ng opisina, hawak ang malamig na kape. Ang kanyang mata ay nakatitig pa rin sa babaeng nakasandal sa pader ng nurse’s station—si Lori. Umiiyak ito katabi ng lalaking marahil ay asawa niya. Nag-asawa na siya, at nagkaanak na rin. Bulong ni Gabriel sa kanyang isip.

Limang taon. Limang mahabang taon siyang nabuhay sa galit, sa pagtatanong sa sarili kung bakit siya itinapon at iniwan ng babaeng pinagkatiwalaan niya ng buong puso. At ngayon, nagbalik ito… sa pinakamagulo at masakit na paraan.

“Gabriel?” malambing na tawag ni Dr. Enid habang dahan-dahang humahawak sa kanyang braso. “Narinig mo ba ang sinabi ng nars? Complex Congenital Heart Defect. Kailangan ng immediate consultation. Ikaw lang ang pwedeng humawak ng pediatric cardiac surgery na katulad nito.”

Ibinaba ni Gabriel ang tasa sa lamesa. Walang ekspresyon ang kanyang mukha, ngunit sa loob-loob niya, may hindi maipaliwanag na kaba at paninikip sa kanyang dibdib.

“I’ll assess the patient,” malamig niyang tugon bago mabilis na naglakad palabas ng kanyang silid.

Habang nakatayo si Lori sa labas ng sliding door ng emergency room, tila mawawalan na siya ng lakas. Yakap-yakap niya si Malachi na tahimik  na umiiyak sa kanyang tabi.

“Mommy…” pabulong na tawag ni Malachi. “Is Mishael going to get better? Why does she have so many wires attached to her?”

Niyakap ni Lori ang anak nang mas mahigpit habang pinupunasan ang sariling mga luha. “Mishael will get better, baby… Mommy will do everything.”

Nabasag ang katahimikan nang magbukas ang p***o ng Trauma Bay at lumabas mula roon ang isang matangkad na pigura na nakasuot ng white coat. Every step the man makes is accompanied by an authority that quites the surroundings.

Napatigil ang paghinga ni Lori. dahan-dahang lumapit sa kanila si Gabriel.

“Gabriel…” nanginginig na usal ni Lori. “P-pakiusap…”

Tumingin sa kanya si Gabriel. Walang bahid ng sigla, walang bakas ng dating lalaking nakikipagkwentuhan sa kanya sa ilalim ng puno noong sila ay nasa kolehiyo pa. Ang nakatayo sa  harapan niya ngayon ay ang matigas na pader—si Dr. Gabriel Del Fuego.

“Misis Santiago,” panimula ni Gabriel, pormal at napakalamig ng boses. “I am Dr. Gabriel Del Fuego, the Chief of Pediatric Cardiothoracic Surgery. I’ve reviewed your daughter’s initial chart.”

Every formal, measured word from him felt like a dagger twisting straight through Lori’s heart. Misis Santiago. Parang kailan lang nung tinatawag siya nitong ‘Lori’ nang may matamis na ngiti.

“Gabriel, pakiusap… iligtas mo ang anak ko,” pagmamakaawa ni Lori habang tuluyang pumapatak na ang kanyang luha. Dahan-dahan siyang lumapit at humawak sa laylayan ng white coat ng lalaki, nawalan na ng anumang natitirang pride—para sa anak, isusuko niya lahat ng pride. “G-gawin mo ang lahat… kahit anong kapalit, Gabriel. Kahit ano.”

Tinitigan ni Gabriel ang kamay ni Lori na nakahawak sa kanyang coat. May kaunting panginginig sa mga daliri ng babae. Somewhere beneath the doctor’s composed exterior, a desperate piece of his heart reached out to hold her, only to be ruthlessly silenced by the ghost of his past—cold, sharp, and unforgiving.

Inilayo ni Gabriel ang kanyang katawan upang makabitaw si Lori.

“Hindi mo kailangang magmakaawa, Misis Santiago,” lamig na pahayag ni Gabriel. “I am a doctor. It is my sworn duty to save lives. Ang pag-opera ko sa anak mo ay walang kinalaman sa’yo, sa nakaraan natin, o sa kung anumang utang na loob. Purely professional.”

“Salamat… maraming salamat, Dok…” pabulong na sagot ni Lori habang napatungo.

Sa kabilang dulo, mabilis na lumapit si Enid. Tumingin ito nang masama at puno ng panunuri kay Lori bago bumaling kay Gabriel nang may matamis na ngiti.

“Gabriel, naihanda na ang OR para sa initial stabilization. Kakailanganin natin ng echocardiogram at cardiac catheterization bago ang operasyon,” wika ni Enid habang nakatingin kay Lori. “Sigurado ka bang kakayanin mo ang kasong ‘to? Baka maapektuhan ang concentration mo dahil… kakilala mo ang ina?”

Sinalubong ni Gabriel ang tingin ni Enid. “My personal life never interferes with my work, Dr. Delmonte. Prepare the patient for transport to the pediatric ICU.”

“Understood,” sagot ni Enid bago muling tumingin nang malamig kay Lori at naglakad patungo sa silid ng bata.

Dinala si Mishael sa Pediatric Intensive Care Unit. Pumasok si Gabriel sa loob upang suriin ang vital signs ng bata bago ang nakatakdang maselang operasyon.

Nakaipit sa gilid ng kama ang maliit na kamay ng bata. Lumapit si Gabriel at dahan-dahang inilagay ang kanyang stethoscope sa dibdib ni Mishael. Ang tibok ng puso ng bata ay nagpatigil sa kanya.

Lub-dub… lub-dub…

Nang hawakan ni Gabriel ang maliit na kamay ni Mishael upang suriin ang pulse rate nito, biglang may isang kakaibang sensayon ang kumalat sa buong katawan ng doktor. Isang matinding lukso ng dugo—isang kuryenteng tila kumabit mula sa puso ng bata patungo sa sarili niyang dibdib.

Napatigil si Gabriel. Napatitig siya sa mukha ng natutulog na bata.

Ang mahahabang pilikmata nito, ang hugis ng ilong, at ang bahagyang kurba ng mga labi… bakit tila pamilyar?

“Dok?” tanong ng nars sa kanyang tabi nang mapansing natutulala ang doktor. “May problema po ba sa rhythm?” 

Mabilis na ibinaba ni Gabriel ang kanyang stethoscope at pinalampas ang nararamdaman.

“No… everything is stable now,” seryosong sagot ni Gabriel habang sinusubukang pakalmahin ang mabilis na tibok ng sarili niyang dibdib. “Keep a close eye on her oxygen levels. Call me immediately if there’s any sudden drop.”

Lumabas si Gabriel ng kwarto, ngunit sa bawat hakbang niya palayo sa silid ng bata, patuloy na naglalaro sa kanyang isip ang mukha ni Mishael—at ang di-maipaliwanag na lukso ng dugo na bumasag sa kanyang malamig na mundo.

Sa labas ng PICU, nakatayo si Lori habang nakatingin sa salamin ng kwarto kung saan nakahiga si Mishael. Lumapit si Kevin sa kanyang tabi at inabutan siya ng isang basong tubig.

“Lori, uminom ka muna. Kanina ka pa walang kain at inom,” paalala ni Kevin.

Umiling si Lori habang nakatitig pa rin sa anak. “Kiven… nakita mo ba siya? Si Gabriel… galit na galit siya sa akin. At hindi ko siya masisisi.”

“Lori, limang taon ang nakalipas. Ginawa mo ‘yun dahil natakot ka at ayaw mong maging balakid sa pamilya niya,” depensa ni Kiven. “At saka, hindi ba dapat malaman ni Gabriel ang totoo? Na hindi lang si Mishael ang anak niya—na kambal ang naging bunga ng nakaraan ninyo?”

Napatigil si Lori at mabilis na napa-lingon sa paligid. “Huwag kang maingay, Kiven! Hindi ito ang tamang panahon. Ang mahalaga lang ngayon ay mailigtas ang buhay ni Mishael. Kapag nalaman ni Gabriel ang totoo habang galit siya sa akin, baka kunin niya ang mga bata sa akin. At hindi ko kakayanin kapag nawala ang mga anak ko.” 

Hindi nila namalayan, sa kabilang sulok ng pasilyo, nakatayo si Enid sa likod ng pader. Narinig nito ang huling bahagi ng usapan nina Lori at Kevin. The female doctor narrowed her eyes as a dark plan began to form in her mind—plotting something evil.

“Kambal?” pabulong na usal ni Enid habang nakatingin kay Lori mula sa malayo. “So, you’re hiding something big from Gabriel, Lori Santiago… Pinapangako ko, sisiguraduhin kong hindi ka kailanman makakabalik sa buhay niya—kayo ng mga bastardo mong kambal.”

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • When Two Broken Hearts Collide, Again    CHAPTER EIGHT

    Ang bawat pag-flash ng mga camera sa press room ay tila nag-iwan ng permanenteng marka sa buhay ng pamilya Del Fuego. Matapos ang matapang na pahayag ni Gabriel, mabilis niyang inakay si Lori at ang mga bata pabalik sa exclusive suit ng ospital upang ilayo sa nandidilat na mga mata ng media at staff ng ospital.Sa loob ng silid, naghahari ang isang kakaibang katahimikan. Nakaupo si Lori sa gilid ng malambot na kama habang nakatitig sa kanyang mga daliri na patuloy na nanginginig. Sa kabila ng ligaya at gulat sa mga binitawang salita ni Gabriel, may isang matinding kaba ang pumupunit sa kanyang dibdib.“Lori,” mahinang tawag ni Gabriel habang dahan-dahang lumapit at lumuluhod sa kanyang tapat. Inabot ng doktor ang malamig na mga kamay ng dalaga. “Patawarin mo ako kung nagdesisyon ako nang hindi muna nagtatanong sa’yo. Pero hindi ko na kayang panatilihin kayo sa dilim.”Tumingin si Lori sa mga mata ni Gabriel, naroon ang katapatang limang taon niyang hindi nakikita, ngunit bakas din ang

  • When Two Broken Hearts Collide, Again    CHAPTER SEVEN

    Ngunit bago pa man magpatuloy ang magandang sandali ng pamilya, biglang bumukas nang malakas ang pinto ng silid. Mabilis na pumasok si Enid na may hawak ng tablet, kunwaring nag-aalala ang mukha.“Gabriel! Lori!” nagmamadaling tawag ni Enid. “May malaking problema sa labas ng ospital!”“Ano ‘yon, Dr. Delmonte?” kumunot ang noo ni Gabriel habang tumatayo.Ipinakita ni Enid ang screen ng tablet kung saan nakasulat ang isang trending headline sa mga news site:“SECRET FAMILY OF BILLIONAIRE SURGEON DR. GABRIEL DEL FUEGO EXPOSED? SCHOLAR FROM THE PAST CLAIMS TO HAVE HIS TWINS FOR MONEY!”Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Lori nang mabasa ang artikulo. Sinisiraan siya roon at pinalabas na ginagamit niya ang mga bata upang makahingi ng pera sa pamilya Del Fuego.“G-Gabriel… hindi ko ginawa ‘to…” umiiyak na giit ni Lori habang nanginginig ang buong katawan. “Wala akong pinagsabihan na kahit sino!”Tumingin si Enid kay Lori nang may halong paninira. “Misis Santiago, marami nang reporte

  • When Two Broken Hearts Collide, Again    CHAPTER SIX

    Tahimik ang silid. Tanging ang mahinang tunog ng mga makina at ang nanginginig na paghinga nina Gabriel at Lori ang bumabasag sa katahimikan matapos ang kanilang matinding pagtatalo.“Karapatan ko, Lori…” pabulong ngunit may matinding diin na ulit ni Gabriel. Dahan-dahang lumambot ang kanyang pagkakahawak sa mga balikat ng babae, ngunit naroon pa rin ang pait sa kanyang boses. “I-I suffered for five years, thinking you just threw me away like I was worth nothing. But it hurts even more to realize that for those five years, my children grew up without me beside them.”Mabilis na pinunasan ni Lori ang mga luhang mabilis na dumadaloy sa kanyang mga pisngi. Umiling siya habang napapaatras.“Hindi mo alam kung gaano kahirap, Gabriel,” pait na tugon ni Lori. “Nang nalaman ko ang totoong pagkatao mo, narealize ko kung—kung gaano ka layo ang agwat ng mundo natin,” bahagya siyang natahimik at lumunok dahil sa sakit na nararamdaman. “Isa lang akong scholar na walang maipagmamalaki, samantalang

  • When Two Broken Hearts Collide, Again    CHAPTER 5

    Matapos ang tatlong mahabang oras ng nakapapagod na operasyon, bumukas ang pinto ng Operating Room. Unang lumabas si Gabriel, at dahan-dahang tinatanggal ang kanyang surgical mask. Bakas ang matinding pagod sa kanyang mukha, ngunit naroon ang isang pambihirang kaginhawaan sa kanyang dibdib.Agad na patakbong lumapit si Lori, kasunod nito si Kiven at Malachi.“Gabriel! Dok… kumusta po ang anak ko? Ligtas ba si Mishael… m-maayos po ba siya?” umiiyak at nanginginig na tanong ni Lori, hawak ang sariling mga kamay na tila nananalangin.Tinitigan ni Gabriel si Lori. For the first time in five years, the coldness in his eyes changed—replaced by the familiar warmth that he had long buried away.“The operation was complete success, Lori,” mahinang pahayag ni Gabriel. “Ligtas na si Mishael.”Sa sobrang kagalakan at labis na ginhawang naramdaman, hindi na napigilan ni Lori ang sarili. Napahagulgol siya at mabilis na napayakap nang mahigpit sa leeg ni Gabriel.“Salamat… Maraming salamat, Gabriel!

  • When Two Broken Hearts Collide, Again    CHAPTER FOUR

    Araw-araw nakikita ni Gabriel si Lori sa pasilyo ng ospital. Bawat pagtatagpo ng kani-kanilang mga mata ay may dalang matinding digmaan sa kanyang dibdib. Despite the anger and bitterness of the past that he desperately tries to let prevail—yet he diligently hides it behind cold words and formal demeanor.Habang naglalakad si Lori sa pasilyo bitbit ang isang basong tubig, ay bigla siyang hinarangan ni Dr. Enid Del Monte sa gilid ng nurse’s station.“Misis Santiago,” malamig at puno ng pang-uuyam na bati ni Enid. “Hindi mo ba naisip na nakakagulo ka sa focus ni Dr. Del Fuego? Palagi kang nakabuntot at nakatitig sa kanya.”At ako pa talaga ang palaging nakabuntot, samantalang siya itong parang inasinan kapag nawawala si Gabriel sa paningin niya. Bulong ni Lori sa kanyang isip.Tumingin si Lori kay Enid, pilit na pinapatibay ang sarili. “Narito ako para sa anak ko, Dr. Delmonte. Wala akong ibang hangarin kundi ang gumaling si Mishael.”“Talaga ba?” pabalang na ngumisi si Enid habang daha

  • When Two Broken Hearts Collide, Again    CHAPTER 3

    Nakatayo si Gabriel sa malaking bintana ng kanyang silid sa Hacienda Del Fuego. Malayo ang tingin niya sa malawak na lupain at mga punong sumasayaw sa ihip ng hangin. Umuwi siya upang magpahinga at ihanda ang sarili bago ang maselang operasyon ni Mishael. Ngunit sa halip na kapahingahan, isang matinding kaguluhan sa kanyang isip at puso ang sumalubong sa kanya. “Gabriel, anak?”Nabasag ang katahimikan nang pumasok ang kanyang ina na si Donya Celestina, may bitbit itong mainit na tsaa at nakangiti ng matamis papalapit kay Gabriel.“Ma,” bati ni Gabriel habang dahan-dahang humaharap sa ina. Pilit niyang inayos ang kaniyang tindig upang hindi halata ang matinding pagod at abala sa kanyang isip.“Buhat nang maging tanyag kang doktor sa lungsod, bihira ka nang umuwi rito sa hacienda,” malambing na pangaral ng ina habang ibinababa ang tsaa sa mesa. “Inabot ka nanaman ng madaling-araw sa pag-iisp. Tungkol ba ito sa nakatakda mong operasyon sa bata sa ospital?” Bumuntong-hininga muna si Gab

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status