Share

Chapter 252

Author: vienriaz
last update publish date: 2026-08-10 19:09:15

Huminga ako nang malalim habang pilit na pinakakalma ang nagwawalang tibok ng aking puso. Habang dahan-dahang kumakalma ang aming mga damdamin mula sa matinding pagsabog ng katotohanan at emosyon, naramdaman ko ang paghihiwalay ng aming mga katawan. Ibinaba ni Lucas ang kanyang mga kamay mula sa aking likod patungo sa aking mga pulso, dahan-dahang humahakbang nang paatras upang matitigan ako nang deretso sa mga mata.

"Stay with me tonight," seryosong wika niya, ang kanyang mga mata ay puno ng d
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Melody Paginag Sagala
update po ulit plss
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Working as a Maid for the Billionaire   Chapter 252

    Huminga ako nang malalim habang pilit na pinakakalma ang nagwawalang tibok ng aking puso. Habang dahan-dahang kumakalma ang aming mga damdamin mula sa matinding pagsabog ng katotohanan at emosyon, naramdaman ko ang paghihiwalay ng aming mga katawan. Ibinaba ni Lucas ang kanyang mga kamay mula sa aking likod patungo sa aking mga pulso, dahan-dahang humahakbang nang paatras upang matitigan ako nang deretso sa mga mata."Stay with me tonight," seryosong wika niya, ang kanyang mga mata ay puno ng determinasyon na tila hindi na kailanman papayag na muling malayo sa akin kahit sa loob lamang ng ilang oras. Napaatras ako nang bahagya, nanlalaki ang mga mata habang mabilis na inililibot ang paningin sa paligid. Binalot ako ng biglaang pag-aalala. Kahit na napakarami naming kailangang ayusin at pag-usapan, hindi ko pwedeng kalimutan kung nasaan kami at kung ano ang estado ko rito."Lucas, hindi pwede," mabilis kong sagot, umailing-iling habang pilit na binabawi ang aking mga kamay. "Nasa gitn

  • Working as a Maid for the Billionaire   Chapter 251

    Umangat ang tingin ko at tumingin sa kanya. Nakatitig ako sa kanya habang ang lahat ng alaala ng nakaraang apat na taon ay mabilis na naglakbay sa aking isip. Parang isang pelikula na mabilis na umiikot sa aking paningin ang mga gabing hindi ako makatulog dahil sa matinding pag-aalala at takot. Ang araw na tumalikod ako sa lalaking pinakamamahal ko, bitbit ang durog kong puso, dahil sa buong akala ko ay inililigtas ko siya mula sa tuluyang pagbagsak.Lahat ng 'yon... lahat ng sakit, hirap, at sakripisyo ko... ay nakatayo lamang pala sa isang napakalaking kasinungalingan."L-Lucas..." halos walang boses na lumabas sa aking mga labi. Nanginginig ang aking panga, at ang aking mga mata ay pilit na inuunawa ang ekspresyon ng kanyang mukha.Wala doon ang kasinungalingan. Wala doon ang pag-aalinlangan. Ang naroon lamang ay ang galit para sa sarili niyang ina at ang matinding pait ng pagkakatuklas sa kung paano kami pinaglaruan.Naramdaman ko ang paglamig ng aking mga kamay at paa. Nanghina a

  • Working as a Maid for the Billionaire   Chapter 250

    "Status doesn't mean a damn thing to me, Anya!" Bumaha ang galit sa boses ni Lucas, isang galit na hindi nakatutok sa akin, kundi sa mga salitang nagmula sa sarili kong bibig. Lumapit siya nang mabilis, binabasag ang distansyang pilit kong itinatayo sa pagitan naming dalawa. Bago pa ako makahakbang paatras muli, hinawakan niya ang aking dalawang kamay. Ang init ng kanyang mga palad ay agad na humagupit sa nanginginig kong balat. "Do you think I cared about social status four years ago? Do you think I give a damn about it now?" sigaw niya, bagaman puno ng basag na emosyon ang bawat patlang ng kanyang paghinga. "I didn't fall in love with the title, Anya. I fell in love with you. The woman who worked until her knees gave out just to keep her family afloat. The woman who smiled at me even when the whole world was crashing down on her. That was the Anya I loved, and that is the exact same Anya standing right in front of me today." "Lucas, hindi mo naiintindihan..." umiling ako, pilit

  • Working as a Maid for the Billionaire   Chapter 249

    Nakatayo siya roon, mataas at matipuno, ang kanyang mukha ay mas malamig pa sa yelo ngunit may nag-aalab na galit sa kaibuturan ng kanyang mga mata. Mabilis ang pagtaas at pagbaba ng kanyang dibdib, tanda ng matinding emosyon na pilit niyang pinipigilan. Si Lucas."That's enough, Mom," malamig, baritonong boses ni Lucas na yumugyog sa buong parking lot.Binitawan niya ang kamay ng kanyang ina, ngunit hindi pabagsak, kundi nang may sapat na diin upang iparamdam ang kanyang galit.Bahagyang napaatras si Ma’am Sofia sa pagkagulat. Ang kanyang galit na mukha ay napalitan ng panginginig at hindi makapaniwalang reaksyon nang makita ang sariling anak. "L-Lucas? What….what are you doing here? I thought you already left?" Gulat na tanong ni Ma’am Sofia.Yan din ang akala ko. Nakita ko siyang umalis kanina. Kaya bakit siya nandito ngayon?Hindi siya sinagot ni Lucas. Sa halip, dahan-dahan niyang inilipat ang kanyang tingin sa akin.Ang titig na kanina sa lobby ay blangko at walang pagkilala ay

  • Working as a Maid for the Billionaire   Chapter 248

    Habang binibigkas ko ang mga linyang iyon, iniharap ko ang aking pinakapropesyonal na ngiti sa panauhing nakatayo sa aking harapan. Ngunit ang ngiting iyon ay unti-unting napawi at tuluyang nawala nang matitigan ko nang maayos kung sino ang taong nasa tapat ko. Tila biglang huminto ang ikot ng mundo. Ang hangin sa aking paligid ay naging napakabigat at mahirap hingahin. Nakatayo sa tapat ng reception desk si Ma’am Sofia. Ang ina ni Lucas. Nakasuot siya ng isang napaka-eleganteng terno na pinalulutang ng mamahaling alahas sa kanyang leeg at tainga, ngunit hindi ang kanyang kasuotan ang pumutol sa aking paghinga, kundi ang kanyang mga mata. Nakatitig siya sa akin nang may malamig, matalim, at nagbabantang titig. Walang anumang bakas ng pagkagulat sa kanyang mukha, na para bang alam na alam niyang matatagpuan niya ako rito. Napalunok ako nang walang oras. Ang aking mga kamay na nakapatong sa ibabaw ng counter ay pilit kong ibinaba sa aking gilid upang itago ang matinding panginginig

  • Working as a Maid for the Billionaire   Chapter 247

    Ang mga sumunod na araw ay lumipas na parang isang panaginip na ayaw kong gisingan, ngunit wala akong pagpipilian kundi ang gumising araw-araw at harapin ang mundo. Ang buhay ay patuloy na gumagalaw kahit na sa pakiramdam ko ay huminto na ang sa akin noong gabing iyon, noong gabing tuluyan nang bumitiw si Lucas at iniwan ang huling piraso ng aming nakaraan. Bawat umaga, bumabangon ako nang may panibagong sugat sa dibdib. Pilit kong isinusuot ang aking uniporme, inaayos ang buhok, at pinipintahan ng simpleng pampaganda ang aking mukha upang maitago ang nangingitim na balat sa ilalim ng aking mga mata dahil sa walang patid na pag-iyak tuwing gabi. Sa harap ng salamin, sinasanay ko ang aking sarili na ngumiti, isang ngiti na para lamang sa layuning makatagos sa pangaraw-araw na trabaho. Ngayong araw, last day na ng pag-stay niya sa hotel. Ito na ang huling araw na makikita ko siya. Bilang isang receptionist sa hotel, ang aking pangunahing tungkulin ay ang maging magiliw. Kailangang mag

  • Working as a Maid for the Billionaire   Chapter 5

    Matapos ang gabing muntik nang maging 'Rated SPG' ang buhay ko ay biglang naglaho si Sir Lucas. Akala ko pa naman ay masusundan ang aming moment, pero mukhang sa panaginip ko muna itutuloy ang mga naudlot na halik. Ang dalawang linggong wala si Sir Lucas ay parang dalawang taon para sa akin. Para

  • Working as a Maid for the Billionaire   Chapter 4

    Naramdaman ko ang biglang pag-akyat ng lahat ng dugo ko sa mukha. "O-opo, Sir. Sorry po talaga. Akala ko po talaga kasi ikamamatay ko na 'yung kaba," sabi ko habang pilit na inaayos ang suot kong manipis na puting t-shirt. Sa sobrang luma nito, halos maging transparent na siya, at sa sobrang kaba k

  • Working as a Maid for the Billionaire   Chapter 3

    Pagod na pagod ako pagdating ng gabi. Parang kinuha ng mga polo shirt ni Sir Lucas ang lahat ng energy sa katawan ko. Pagkatapos ng hapunan at paglilinis sa kusina, diretso na ako sa servant’s quarters. Ang plano ko talaga, ititupi ko pa 'yung mga bagong tuyong damit ni Sir na kinuha ko sa sampayan

  • Working as a Maid for the Billionaire   Chapter 2

    Halos mag-split ako sa tuwa habang tinatahak ang daan patungong labanderya. Pagdating ko doon, nadatnan ko ang tatlong iba pang maid na abala sa pagtitiklop at pag-aayos ng mga telang puting-puti.“Uy, ang bagong salta!” bati ng isang morenang babae na may name tag na ‘Gina’. “Si Sir Lucas ba ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status