Share

Chapter 11

Kanina pa tinatawagan ni Olivia ang binata pero hindi parin nito sinasagot ang cellphone.

Ring lang ng ring nag-aalala na siya kung anong nangyari rito nagsisisi tuloy siya kung bakit pinayagan niya itong umalis na hindi siya kasama.

Marami ng mga imposibleng eksena ang nasa isip niya. Humugot siya ng isang malalim na hininga bago tinype ang numero ni Ellise.

"Oh, Olivia napatawag ka?" surpresang tanong ng pinsan sa kanya.

"A-ano kasi..si Zach hindi parin nakakauwi simula ng umalis siya kaninang hapon. Kinakabahan na kasi ako eh."

Ito naman ang napabuntong hininga sa narinig.

"Akala ko mangungumusta ka rito sa amin," may halong pagtatampo na sabi nito."Alam mo bang nagpa-iwan si Tito Alfonso dito? Galit na galit siya nang hindi ka sumipot sa airport kaya sila na lamang ni Tita Andrea ang umalis. Pati ako nagulpi rin ni Tito eh, kasi alam niyang kasabwat ako."

Hindi siya nakaimik.

Napapikit siya nang maisip muli ang ama. Napapailing siya sa isipang napaka selfish niyang anak dahil s
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status