Lahat ng Kabanata ng THE BILLIONAIRE'S SUBSTITUTE WIFE: Kabanata 41 - Kabanata 50
64 Kabanata
Chapter 41
Alex's PovBigla akong nagising nang tumama sa mukha ko ang isang bagay. Pagmulat ko ng aking mga mata ay damit pala ni Uriel na itinapon sa mukha ko."Gumising ka na at labhan mo ang marurumi kong damit. Kamayin mo lang dahil sira ang washing machine ko," parang hari na utos sa akin ni Uriel habang nakatayo siya sa paanan ng kama. Muli niyang initsa sa mukha ko ang iba pa niyang maruruming damit kaya mabilos na akong napabangon sa higaan."Ano ba, Uriel?! Hindi mo naman kailangang ibato sa akin ang mga marurumi mong damit," inis na sabi ko sa kanya. Ang sarap ng tulog ko tapos iniistorbo niya ako. Ang sarap niyang ipasok sa washing machine at paikutin. Sinira niya ang tulog ko. "Gusto kong ibato sa mukha, bakit? Magagawa ka ba?""Isip-bata," mahinang bulong ko. Hindi ito narinig ng lalaki dahil mahina lamang ang aking boses. Tiningnan niya lamang ako ng masama na tila ba nahuhulaan niyang patungkol sa kanya ang sinambit ko. Pagkatapos niya akong tapunan ng masamang tingin ay walang
Magbasa pa
Chapter 42
Alex's PovGusto ko nang mawalan ng malay habang nakatingin sa lalaking puno ng pagnanasa ang mga mata habang nakatingin sa akin. Kung ito man ay isang masamang bangungot ay gusto ko nang magising. Nang lumundag papunta sa akin ang lalaki ay isang napakalakas na tili ang kumawala sa aking lalamunan. At kasabay ng aking tili ay ang pagbungad naman ni Uriel sa nakabukas na pintuan. Agad itong lumapit sa nabiglang tauhan at inundayan ng magkakasunod na suntok. Hindi tinigilan ni Uriel ang lalaki hangga't hindi ito nakagulapay sa sahig habang duguan ang mukha."Walang hiya ka, Dado! Ang lakas ng loob mong tarantaduhin ako!" pulang-pula sa galit ang mukha na sigaw ni Uriel. Pagkatapos ay inundayan nito ng malakas na tadyak sa tagiliran ang lalaking pumasok sa kuwarto na Dado pala ang pangalan "Tama na, boss. Baka mapatay mo si Dado," awat ng isa pang lalaki na kasunod ni Uriel na pumasok sa kuwarto ko. Kung hindi ako nagkakamali ay siya ang tauhan nitong pumansin sa akin kanina."Talagang
Magbasa pa
Chapter 43
Alex's PovNagising ako kinaumagahan dahil sa masarap na amoy ng sinangag na kanin. Kahit na tinatamad pa akong bumangon dahil medyo masakit pa ang aking buong katawan ay bumangon pa rin ako at pumasok sa banyo para maligo. Malamig ang tubig kaya nag-hot shower ako. Napatingin ako sa aking sarili sa malaking salamin na nasa loob ng banyo. Nangingitim ang gilid ng aking mga labi at medyo may putok din dahil sa malakas na sampal na ibinigay sa akin ng Dado na iyon. Mabuti na lang talaga at dumating si Uriel dahil king hindi ay tiyak na nagtagumpay na ang taong iyon sa masamang binabalak niya sa akin. Ngunit kasabay ng pagkakaalala sa muntik nang nangyari na hindi maganda sa akin kagabi ay ang nangyari naman sa amin ni Uriel. Bahagya akong napangiti at nahaplos ang aking mga labi na inangkin niya kagabi. Para kaming mga uhaw sa isa't isa. Sa tindi yata ng pananabik ko sa kanya ay hindi ko naramdaman itong sugat ko sa aking mga labi. Napailing na lamang ako pagkatapos ay tinapos ko na ang
Magbasa pa
Chapter 44
Alex's PovDahan-dahang imimulat ko ang aking mga mata nang pagbalikan na ako ng aking malay. Napakunot ang aking noo nang unang kulay na namulatan ko ay ang puting ceiling. Naisip kong patay na yata ako at nasa langit na ang kaluluwa ko. Nakaramdam ako ng lungkot at pagbigat ng aking dibdib. Hindi ko na makikita kahit na kailan ang mga magulang ko pati na rin si Alexa. Ni hindi nga ako nakapagpaalam kay Art bago ako mamatay kahit sa aking isip man lang. Tiyak na malulungkot siya kapag nalaman niyang pumanaw akong bigla lalong-lalo na ang aking pamilya. At kahit si Uriel ang dahilan kung bakit ako nawala sa mundo ay mamimis ko pa rin siya. Hindi ako galit sa kanya kahit kahit na siya ang dahilan kung bakit hindi ko na makakasama ang pamilya ko sa halip ay naiintindihan ko ang galit niya. Kung sa akin nangyari ang nangyari sa kanya ay malamang siya rin ang sisisihin ko sa nangyari. Ang mali lamang niya ay hindi siya marunong makinig sa paliwanag dahil sarado ang utak niya. Ngunit wala
Magbasa pa
Chapter 45
Alex's PovDalawang Linggo matapos ang pagkakaligtas sa akin sa dagat ay halos nasa loob lamang ako ng aking kuwarto at nagkukulong. Hindi tuloy maiwasan ng mga magulang ko ang mag-alala kaya kinausap nila ako."Nag-aalala na kami sa'yo, Alex. Ayos ka lang ba talaga? Baka gusto mong ituloy na ang bakasyon mo sa ibang bansa?" kausap sa akin ni Daddy isang umaga. Magkasama sila ni Mama nang puntahan nila ako sa aking silid para kausapin."Oo nga naman, Anak. Ituloy muna ang bakasyon mo. Huwag mong alalahanin si Alexa dahil naniniwala kami ng daddy mo na mahahanap din natin siya. Tingnan mo tayong dalawa. Hindi natin akalain na muli nating matatagpuan at makakasama ang daddy at kapatid mo, 'di ba? Kaya maniwala rin tayo na matatagpuan at makakasama nating muli ang kapatid mo," pagbibigay ni Mama ng pag-asa sa akin. Alam ko na gusto lamang palakasin ng mga magulang ko ang aking loob ngunit sa loob nila ay sobrang nag-aalala sila sa kapatid ko. Ayaw lamang nilang ipakita at iparamdam sa ak
Magbasa pa
Chapter 46
Alex's Pov"May lakad ba ulit kayo ni Art ngayon, Alex?" palabas na ako nang bigla akong tawagin ni Mama. Akala ko nasa loob siya ng kuwarto niya at nagpapahinga kaya hindi ko na lamang siya nais na abalahin. Nagbilin naman ako sa katulong na sabihin kay Mama na umalis ako sakaling magising siya at hanapin ako. "Gising ka pala, Ma. Akala ko natutulog ka sa kuwarto mo kaya hindi na kita inabala," kausap ko kay Mama nang harapin ko siya."Nasa kuwarto nga ako at balak ko sanang matulog ngunit hindi ako makatulog kaya lumabas na lamang ako," sagot ni Mama na may halong lungkot sa kanyang tinig. Tila matamlay na naupo siya sa sofa. Hindi naman ako nakatiis na umalis nang hindi ko inaalam kung ano ang gumugulo sa isio niya kaya nilapitan ko siya."May problema po ba, Ma? Tila matamlay po kayo," tanong ko sa kanya nang lapitan ko siya."Bigla kong naisip ang kapatid mo, Alex. Nasaan na kaya siya ngayon? Nasa mabuting kalagayan kaya siya? Kailan ba natin siya mahahanap?" tila nawawalan ng p
Magbasa pa
Chapter 47
Alex's PovNanginginig ang kamay ko habang kinukuhanan ng video si Sandy na sinasaktan ang kapatid kong nakakulong sa isang malaking kulungan ng malalaking aso. Kasama ng kapatid ko sa kulungan ang nawawalang katulong ni Uriel na Myrna ang pangalan. Sinasabi ko na nga ba at may kinalaman ang mag-inang Lorena at Sandy sa pagkawala ng katulong ni Uriel. Ngunit hindi ko inaasahan na pati ang pagkawala ni Alexa ay may kinalaman din ang dalawa."Masaya ka ba sa tirahan mo ngayon, Alexa? Katulad sa malaking bahay ni Uriel ay may katulong ka rin na kasama rito so I'm sure na ang saya-saya mo," nakangising sabi ni Sandy habang hawak nito ng mahigpit ang mahabang buhok ng kakambal ko."Isa kang mamamatay tao, Sandy! Kung inaakala mo na maitatago mo habam-buhay ang ginawa mong pagpatay sa mommy ni Uriel ay nagkakamali ka. Makukulong ka rin balang-araw. Kayong tatlo ng masama mong ina at ng lalaki mo," matapang na sagot ni Alexa kahit na hindi maipinta ang mukha nito sa matinding sakit.Muntik n
Magbasa pa
Chapter 48
Alex's PovPagmulat ko ng mga mata ay nasa loob na ako ng ospital at nakahiga sa hospital bed. Mukha ng nag-aalalang mga magulang ko ang agad kong nabungaran pagdilat ko ng mga mata."Alex! Diyos ko samalat naman at gising ka na. Alam mo ba na sobrang alalang-alala kami sa'yo? Tatlong araw kang walang malay at hindi namin alam kung ano ang gagawin namin," umiiyak na kausap sa akin ng Mama na biglang napayakap sa akin. "Ma, okay lang po ako," mabilis kong sagot para hindi na siya mag-alala pa at umiyak."Okay lang ba iyang may nakalagay na cervical neck brace siyan sa leeg mo?" ani Mama na patuloy sa pag-iyak. Saka ko lang napansin na may nakaharang pala sa leeg ko kaya pala hindi ko maigalaw pababa ang aking ulo. Naalala ko na bumangga ang ulo ko sa manibela bago ako nawalan ng malay. Maliban sa neck brace ay may benda rin ang aking ulo. Ito siguro ang dahilan kung bakit tatlong araw akong comatose.Bahagya akong ngumiti para ipakita kay Mama na okay lang talaga ako. Ngunit biglang n
Magbasa pa
Chapter 49
Alex's PovPagkalabas ko sa ospital ay nagpahinga lamang ako ng isang Linggo at pagkatapos ay lumipad ako papuntang Spain kasama ang mga magulang ko. Nagpaiwan si Alexa na sa bahay na ni Uriel muling tumira. May mga bodyguard naman na kasama ang kakambal ko kaya kahit paano ay panatag ang loob namin nina Daddy at Mama na maiiwan namin siya. At saka nakatitiyak ako na hindi siya pababayaan ni Uriel. Ang sabi sa akin ni Alexa sa una ay hindi raw makapaniwala si Uriel nang makausap niya ito lalo na at wala naman ako sa harapan nito para maniwala itong magkambal nga kaming dalawa ni Alexa. Ngunit sapat na ang video na nakuhanan ko at pati na rin ang statement ni Myrna. Ngayon ay naniwala na ang lalaki na hindi si Alexa ang pumatay sa kanyang ina kundi ang mag-inang nakatira sa bahay niya. Sa malas ay nakatunog si Aling Lorena kaya bago pa makauwi sa bahay niya si Uriel na may mga kasamang pulis para ipadampot ang pinagkakatiwalaan niyang mayordoma ay mabilis nang nakatakas ang matanda a
Magbasa pa
Chapter 50
Alex's PovParang may tambol sa loob ng aking dibdib sa sobrang lakas ng pagtibok ng aking puso habang naglalakad ako papasok sa gate ng malaking bahay ni Uriel. Sobra akong kinakabahan. Mahigit isang buwan ko siyang hindi nakita at wala rin akong balita sa kanya dahil iniiwasan kong magtanong sa kakambal ko kapag tumatawag siya sa akin. Way ko iyon para mabilis kong makalimutan ang nararamdaman ko sa kanya. Ngunit sayang lang pala ang effort ko na makalimutan siya dahil heto at papasok ulit ako sa buhay niya bilang substitute wife. Hindi ko naman magawang tanggihan si Alexa dahil nakikita kong desperada na talaga siya. Kaya isinantabi ko ang sarili kong damdamin para sa kanya.Saglit akong huminto sa paglalakad nang malapit na ako sa may pintuan. Alam kong nakauwi na siya dahil nakagarahe na sa loob ng gate ang kanyang kotse. Huminga ako ng malalim para alisin ang kabang nararamdaman ko. Kinakabahan ako sa muli naming pagkikita ni Uriel. Nag-aalala ako na baka makahalata siya na hind
Magbasa pa
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status