All Chapters of Married to the Ruthless Mafia: Chapter 21 - Chapter 30
99 Chapters
Kabanata 21
Nang makabalik sila ng Manila ay naiwan na silang dalawa sa bahay ni Caspian. Nakasimangot naman si Sophia dahil labag sa loob niyang iwan si Davina at Caspian ng silang dalawa lang sa iisang bahay. “Hindi mo kailangang mag-alala sa kanila, sigurado namang aalagaan ni Davina si Caspian.” Pangungumbinsi ni Railey kay Sophia. “Aalagaan? Ano bang alam ang babaeng yun? Baka siya pa itong maging dahilan para lumala ang kalagayan ni Caspian eh.” “Hindi man sila lubos na magkakilala, mukha namang mapagkakatiwalaan si Davina.” Sabat na rin ni Max habang nananatiling tahimik si Evander. “Siya nga itong dahilan kung bakit may tama si Caspian diba? Kung hindi lang siya pinuntahan ni Caspian at yakapin malamang baka ang babaeng yun ang may tama ngayon, tssss. Saka hindi ba kayo nagtataka? Bakit si Davina ang puntirya ng lalaki? Sige nga.” “Sophia, enough.” Maawtoridad na saad ni Evander kaya napairap na lang sa hangin si Sophia dahil kapag si Evander na ang nagsalita natatahimik na rin silang
Read more
Kabanata 22
Nakatitig lang si Caspian kay Davina habang ito ang naglilinis ng mga sugat niya. Pagaling naman na ang nasa braso niya at patuloy na pagpapagamot pa ng tama niya sa tagiliran niya. Maingat na nililinis na naman ni Davina ang sugat ni Caspian sa tagiliran niya. Napakagaan ng kamay niya na para bang hindi mo na maramdaman ang panggagamot niya.Mariing tinititigan ni Caspian ang mukha ng dalaga, mula sa maganda niyang kilay, ang sakto ng laki ng mga mata niya at medyo may kahabaan na pilik mata niya, matangos na ilong na para bang retoke pero natural lang naman, ang pinkish niyang labi.Naiiwas ni Caspian ang paningin niya sa dalaga dahil bigla siyang nakaramdam ng init nang makita na naman ang labi ng dalaga. Naaalala pa rin niya ang lambot nun noong hinalikan niya ito.“Okay na yan, inumin mo na lang itong gamot mo para mabilis humilom ang sugat mo. Talagang tinotoo mo sinabi ko no? Ang dabi ko partneran mo sa kabilang braso mo yung tama mo pero sa tagiliran ka naman nagpalagay, tssss
Read more
Kabanata 23
Paggising ni Caspian ay ramdam niya ang isang bagay na nasa noo niya kaya kinuha niya iyun. Kunot noo pa niyang tiningnan ang isang towel, wala naman siyang matandaan na may inilagay siya dun na towel kagabi o si Davina kaya ilalapag niya na sana ito sa side table niya nang magulat siya kay Davina.Nagtataka siya kung anong ginagawa dito ng dalaga kung umalis naman na ito kagabi. Napaisip siyang baka si Davina nga ang naglagay ng towel sa noo niya.“Do I have a fever?” natanong niya na lang sa sarili niya. Kinapa-kapa niya pa ang noo niya pero hindi naman na masyadong mainit yun. Tiningnan niya si Davina at kung dito ito natulog ng magdamag malamang ngalay na ang leeg niya. Kahit na gustuhin niyang buhatin si Davina at ilipat sana sa kama hindi niya naman kayang gawin dahil sa kalagayan niya kaya kinuha niya na lang ang kumot niya saka niya ipinatong sa likod ni Davina.Tinitigan niya ang mukha ng dalaga habang tulog pa ito. Napangiti na lang siya dahil ang lakas ng loob niyang manghi
Read more
Kabanata 24
Lumipas ang mga araw at nagiging okay na rin ang mga sugat ni Caspian. Nakakakilos na rin siya ng mag-isa niya dahil hindi naman na nakirot kapag gumagalaw siya. Salubong na naman ang mga kilay ni Davina habang nakatingin kay Caspian, naghahanda ng umagahan nila si Caspian dahil simula nang gumaling siya ay siya na ang nagluluto ng makakain nilang dalawa.Nakapangalumbaba pa si Davina habang nakatingin lang siya sa likod ni Caspian. Isang Buwan na rin siyang nananatili sa pamamahay ni Caspian at hanggang ngayon wala rin ni isa ang tumatawag o nagtetext sa kaniya na mga katrabaho niya lalo na ang mga magulang niya. Napabuntong hininga na lang siya, malamang hanggang ngayon galit pa rin sa kaniya ang Daddy niya o baka nga hindi na siya nito mapatawad eh.“I’m going at the hotel later, you want to come with me?” tanong ni Caspian nang inihahain niya na ang mga pagkain na niluto niya.“Can I? Wala naman akong ginagawa rito eh.” Bakas na ang pagkabagot niya dahil wala na lang siyang ibang
Read more
Kabanata 25
Humugot ng malalim na buntong hininga si Davina. Ang pinakaayaw pa naman niya ay ang minamaliit siya. Siya man ang baguhan dito o kahit na intern lang siya wala silang karapatan na gawing impyerno ang buhay niya sa pagtatrabaho niya. Pare-pareho lang silang nagtatrabaho rito kung sakali.Inis na ibinagsak ni Davina ang mga hawak hawak niyang papeles na ikinagulat nila at mas lalo namang ikinainis ng babaeng nagbigay nun sa kaniya. Dapat nakaayos yun ayon sa pagkasunod-sunod pero dahil sa ginawa ni Davina, nagulo na ito.“What did you do?! You stupid woman!” galit niyang sigaw kay Davina pero nang-aasar lang na ngumiti si Davina sa kaniya. Namamasyal lang siya sa hotel tapos ito pa ang mangyayari sa kaniya.“Hindi mo ba nakita? Kailangan ko bang ulitin?” bakas na ang inis sa tinig niya pero pilit pa rin niyang kinakalma ang sarili niya lalo na at baka masaktan niya physically ang mga empleyado ni Caspian na akala mo kung sino ng nasa mataas na posisyon para magmayabang.“What the hell
Read more
Kabanata 26
Pagdating nila ng office ni Caspian ay tanong niya kaagad ang unang narinig ni Davina.“Ano ba kasing ginagawa mo dun? At talagang nakipag-away ka pa? What are you? A kid?” inirapan na lang siya ni Davina. Dumiretso naman si Davina kung nasaan ang bag niya para manguha ng wipes dahil sa tumapon na kape sa mukha niya kanina.“I’m not the kid here kundi ang mga empleyado mong ang taas taas ng tingin sa mga sarili. Hindi ako mahilig sa gulo. I also tried my best to calm myself—““You just tried, bakit hindi mo ginawa? Sinubukan mo lang Davina but you failed.” Sinamaan ng tingin ni Davina si Caspian dahil hindi pa man siya tapos magsalita ay pinutol na siya nito.“Pwede ba? Patapusin mo muna ako? Pinapangunahan mo na kasi ako kaagad eh. Oo, sinubukan ko, sinubukan ko hanggang sa sagarin nila kaya anong magagawa ko? Hindi mo ba kayang disiplinahin ang mga empleyado mo? Kung anong ugali mo ay siyang ugali rin nila.”“What the hell?” napapamura na lang si Caspian dahil nadamay pa siya sa pak
Read more
Kabanata 27
Nakasimangot na lang si Davina dahil sa kalagayan niya ngayon. Nakaupo siya sa wheelchair habang itinutulak siya ni Caspian.“Are you okay?” malumanay na tanong sa kaniya ni Caspian. Ramdam niya ang pagiging tahimik ni Davina kanina pa, nag-aalala siyang baka may dinadaing pa ang dalaga. Tanging iling lang naman ang sagot sa kaniya ni Davina, rinig pa niya ang pagbuntong hininga nito. “If you need something just tell me and I will give it to you, everything.” Dagdag pa ni Caspian.Napangiti na lang si Davina dahil ramdam niya ang pagiging sinsero ngayon ni Caspian. Naipilig na lang tuloy niya ang ulo niya dahil anong inginingiti-ngiti niya?Patuloy ang pagtulak ni Caspian ng wheel chair para bumalik na sila sa office niya nang may biglang humarang sa kanila. Nakayuko naman si Davina kaya sapatos lang ang nakikita niya. Wala siyang ganang tingnan kung sino man ang empleyado ni Caspian ang nasa harapan niya.“Ganiyan na lang ba ang nangyayari sayo?” biglang natauhan si Davina sa boses n
Read more
Kabanata 28
Simula nang magkita sila ng ama niya palagi ng nakakunot ang noo niya at tila ba napakalalim ng iniisip niya. Ganun na lang ba talaga ang galit ng Daddy niya sa kaniya? Dahil ba sa napahiya niya ito sa harap ng maraming tao? Gustuhin man niyang maging perfect daughter sa ama niya, ayaw niya namang lahat na lang ay kontrolin ng ama niya. Pati ba naman ang pag-aasawa niya ay pakikialamanan nito? Gusto lang naman niyang mabuhay ng masaya at payapa. Ang pag-aasawa, panghabang buhay na pangako yun at pagsasama. Ayaw niyang pilitin ang sarili niyang mahalin ang isang tao dahil naniniwala siyang kapag puso na ang naghanap at nagsabi sayo na ito ang mamahalin mo, wala kang magagawa kundi sundin ito. Malayo pa lang ay kita na ni Caspian ang sasakyang gamit ni John para ihatid si Davina sa kaniya. Nakasunod lang ang paningin niya hanggang sa huminto na ito. Ilang metro pa rin ang layo mula sa kaniya.“Nandito na po tayo Ma’am.” wika ni John nang makarating sila kung nasaan si Caspian. Tumingin
Read more
Kabanata 29
Lumipas ang ilang mga oras pero hindi pa rin bumabalik si Davina sa hospital. Pakiramdam niya tama si Sophia, lahat ng mga nangyayari kay Caspian ay siya ang dahilan. Hindi man siya ang naging dahilan sa pagkakaroon ng tama ni Caspian sa braso noon pero siya ang dahilan kung bakit tinamaan din si Caspian sa Boracay at yung ngayon.Kanina pa nakababad ang katawan niya sa tubig pero malalim pa rin ang iniisip niya. Kung siya ang pakay ng mga umaatake sa kanila, anong dahilan? Dahil pa rin ba ito sa notebook at diamond na hinahanap nila? Kahit naman kasi anong gawin niya hindi niya alam kung nasaan yun? May katunayan ba sila para maging confident silang nasa kaniya nga ang hinahanap nila?Napabuntong hininga na lang si Davina at inihiga niya na lang ang katawan niya sa bath tub. Ito ang kauna-unahan niyang may hinayaan siyang tao na maliitin siya at sigaw-sigawan. Wala na kasi siyang ganang patulan pa dahil mas nangingibabaw ang pag-aalala niya kay Caspian. Ayaw niya ng may kahinaan siya
Read more
Kabanata 30
Naiwan na silang dalawa sa hospital, si Davina na ang nag-alaga kay Caspian. Nagi-guilty siya dahil alam niyang tama naman si Sophia dahil siya ang naging dahilan kung bakit may sugat na naman si Caspian. Nagtataka na lang siya dahil alam niyang siya talaga ang pakay at hindi si Caspian. Kung may kinalaman pa rin ito tungkol sa sinasabi nilang notebook at mga diamond siguro kailangan niyang kumilos, kailangan niyang unahan ang mga ito bago pa may mangyari sa buhay niya lalo na sa mga taong nasa paligid niya.Lingid sa kaalaman ni Davina na inaakala ni Caspian na siya talaga ang pakay ng mga taong binabalak saktan si Davina dahil iniisip ni Caspian na baka nalaman ng mga kalaban niya na may asawa na siya at yun ay si Davina. Iniisip ni Caspian na baka gusto nilang gamitin si Davina bilang kaniyang kahinaan. Kung hindi lang makokonsensya si Caspian sa kung ano mang mangyayari kay Davina hindi niya isasakripisyo ang buhay niya but he had no choice.“Are you really okay?” malumanay na tan
Read more
PREV
123456
...
10
DMCA.com Protection Status