All Chapters of BROKEN SERIES 1 Zarina Montes [SEDUCTION]: Chapter 11 - Chapter 20
54 Chapters
KABANATA 11
Kanina pa kinakabahan si Zarina sa hindi niya malaman na dahilan. Pakiramdam niya kailangan na niyang umuwi kahit pa na wala naman naghihintay sa kaniya roon.“Huy! Para kang tanga diyan! Kanina pa ako salita nang salita pero ikaw kanina pa lingon nang lingon sa likuran mo. May nakikita ka ba na hindi namin nakikita, Zia?” naguguluhan na tanong ni LC.“Kinakabahan kasi ako,” pag-amin niya na nagpakawala nang malakas na tawa ni LC.“Ano ka ba naman, Zia! Okay, lang ang kabahan, ‘wag ka lang nerbiyusin.” Patawa-tawa pa nitong sagot.Napakunot-noong inismiran lang ni Zarina ang kaibigan at hindi niya na ito sinagot.“Babe, okay ka lang ba? Kanina ka pa hindi mapakali, gusto mo na bang umuwi na tayo?” mahinang bulong ni Marlon sa tainga niya.“Hmmmm… Okay lang ba? Kanina pa kasi may tumatawag sa cellphone ko, eh! Naka-silent na nga para hindi ko marinig.”“Baka si Mommy mo na ‘yang tumatawag sa’yo.”"Ewan! 'Di—"“Huy! Kayo bang dalawa! Magbubulungan na lang ba kayo, d’yan? Aba’y kanina pa
Read more
KABANATA 12
KINABUKASAN masakit ang ulo ni Zarina nang magmulat siya ng mata. Agad sumalubong sa kaniya ang madilim niyang kuwarto dahil natatabingan nang makapal na kurtina ang bahagi ng bintana at pinto niya sa balkonahe. Tumagilid pa siya sa pagkakahiga at kinapa ang cellphone sa gilid ng kaniyang kama. Binuksan niya ‘yon para tiningnan kung anong oras na ng mga sandaling ‘yon. Pasado alas dos na ng hapon pero pakiramdam niya ay kulang pa rin siya sa tulog. Hindi niya alam kung anong oras siya nakatulog kanina basta alam niya ay mag-uumaga na ‘yon. Dahil sa sama ng loob niya nahirapan siyang makatulog agad. Hindi na rin niya nagawang pumasok sa school dahil hindi siya nagising sa alarm na naka-set sa phone niya. Ang pinagdadasal na lang niya na sana si LC naman ang pumasok ngayon para makopya niya ang notes nito. Umupo siya sa kama at hinilot-hilot ang sentido. Dinaig pa niya ang nag-exam kagabi dahil sumasakit ang ulo niya sa walang katapusan na sermon ng Mommy Carol niya tungkol sa nangyari
Read more
KABANATA 13
Kumakalam na ang sikmura ni Zarina pero nanatili pa rin siyang nakahiga sa kama. Ang mata niya ay nanatili lang nakapikit nang mariin habang ang isang kamay niya ay sapo ang dibdib.Naninikip ang dibdib niya sa inis.Masama ang loob niya kay Antoine at ang lahat ng sakit na nararamdaman niya ay gusto niyang ibuhos lahat dito. Gusto niyang iparamdam din dito ang sakit na nararamdaman niya kaya nakapagsalita siya ng hindi maganda sa lalaki. Pero imbes na masiyahan siya sa ginawa niya ay parang mas lalo pa siyang nasaktan.Huminga siya nang malalim para punuin ng hangin ang kaniyang dibdib. Pakiramdam niya ang bigat-bigat ng dinadala niyang problema at gusto niyang isisi ang lahat ng ‘yon kay Antoine.Agad niyang pinunasan ang luhang naglandas sa mata niya.Peste na luha ‘yan hindi na ata natapos-tapos sa kakalabas sa mata niya!"Tell me how I can make it up to you,” tanong ng isang baritonong boses na nagpamulat ng mata niya. Agad umahon ang kaba sa dibdib niya at may pagtataka kung bak
Read more
KABANATA 14
Tinalikuran siya ni Zarina at ipinikit pa nito nang mariin ang mga mata bilang palatandaan na ayaw na siya nitong makausap.Nagpakawala siya ng isang buntong-hininga at isa pang sulyap ang ginawa niya sa dalaga bago binuksan ang makina ng sasakyan para pasibadin.Habang nagmamaneho ay binuksan niya ang FM Radio para magkaroon ng kaunting ingay man lang sa loob ng sasakyan. Nakakabingi ang katahimikan na pumagitan sa kanila ni Zarina.Patuloy lang siya sa pag-drive kahit kumakalam na ang sikmura niya dahil sa gutom. Buhat pa kagabi ay wala siyang matinong kain at tulog dahil sa guilt na nararamdaman niya.Alam niya na nakagalitan nang husto si Zarina dahil hindi pa man siya tuluyang nakakalabas ng pinto narinig na niya agad ang malakas na boses ni Tita Carol para pagalitan si Zarina. Gusto niyang bumalik sa loob at bawiin ang lahat ng mga sinabi niya ngunit agad niyang pinigilan ang sarili. Katwiran niya kailangan na ni Tita Carol na pagsabihan si Zarina baka kasi hindi lang ang lalaki
Read more
KABANATA 15
Malamig ang buga ng aircon at nakakaramdam na rin si Zarina ng panunubig pero tinatamad siyang bumangon at hayunin ang banyo. Alam niya na kapag iminulat na niya ang mga mata at sinunod niya ang gusto ng katawan niya sure siya mahihirapan siyang makabalik ng tulog. Ang plano niya ay deadmahin ang nararamdaman dahil alam naman niya mawawala rin ang panunubig niya.Kinapa niya ang isang unan sa tabi niya at kinuha ‘yon para ilagay sa pagitan ng hita niya. Inipit niya nang husto ang unan at ipinikit nang mariin ang mga mata para ituloy ang pagtulog.Ilang minuto pa ang lumipas ay inis siyang napahimalos sa mukha at iminulat ang mata.Agad na sumalubong sa mata niya ang isang madilim na kuwarto.Nasaan ako? Takang tanong niya sa sarili at napabalikwas ng bangon.Umupo siya sa kama at isinandal ang likod sa headboard. Napakamot siya sa ulo habang inaalala ang mga nangyari. Alam niya kasama niya si Antoine sa loob ng kotse bago siya nakatulog.Napatuptop siya sa bibig at nilinga-linga ang u
Read more
KABANATA 16
"I thought you had washed your face. Bakit parang may muta ka pa?”Mabilis pa sa alas kuwatro na naitulak niya si Antoine palayo sa kaniya at mabilis na tumalikod.Kinapa ni Zarina ang mata pero wala naman siyang makapa na muta na sinasabi nito.Niloloko ba siya nito?Inis na nilingon ang lalaki na nangingiting nakatingin sa kaniya.Ang mata nito ay nanunudyo na tila aliw na aliw sa ginawa nitong kalokohan sa kaniya.“Sayang-saya ka?” tanong niya na may kasamang irap sa lalaki.Isang malutong na tawa ang pinakawalan nito at naglakad palapit sa kaniya. Inakbayan siya nito sa balikat na mabilis niyang iniwas ang sarili at naglakad palayo rito.“Don’t!” Gigil niya pang saway sa lalaki ng sumunod ito sa kaniya.“What?” tatawa-tawa pa nitong wika na hinila pa ang kamay niya para hindi na siya makalayo.“Akala mo nakakatawa ‘yon?”“Let’s eat. Im sure, na gutom na gutom ka na dahil kahapon ka pa walang kain.”Biglang parang nagparamdam ang tiyan niya dahil kumulo ‘yon nang malakas na nagpaka
Read more
KABANATA 17
“Hey! ‘Di ba tayo kakasuhan ng mga Raymundo kapag pumasok tayo sa lupain nila?” nag-aalala niyang tanong at hinawakan pa niya ang kamay ni Antoine na nasa harapan niya na nakahawak sa horse rein. Mahinang tawa ang pinakawalan nito. "Sweetheart, Hacienda Savic now owns this land." “What? Since when?” gulat niyang tanong. Dahil hindi niya nabalitaan ang na pag-aari na pala ng Savic ang lupain ng mga Raymundo at wala naman nababanggit ang Mommy Carol niya tungkol dito. Dahil ang Mommy Carol niya ang madalas na magbalita sa kaniya tungkol sa nangyayari sa buhay ng mga ito. Simula nang makita niya si Antoine na may kahalikan na babae ay hindi na talaga siya nagpunta sa Hacienda Savic. "Dad bought the whole hacienda from the Raymundo family when they chose to move to Canada." “What?” gulat niyang bulaslas. “You mean nasa Canada na sina Cody at Coby?” Pagtukoy niya sa magkapatid na madalas niyang nagiging kalaro noon kapag nagbabakasyon siya sa Hacienda Savic. Ang Ate Corine ng mga i
Read more
KABANATA 18
PAGKAPASOK na pagkapasok pa lang ni Antoine sa loob ng treehouse ay isang impit na tili ang pinakawalan ni Zarina. Halos sabunutan na niya ang maganda at mahabang buhok dahil sa inis niya sa sarili. Parang gusto niya tuloy hilingin na magkaroon ng isang superpower na puwedeng magbalik ng oras at baguhin ang mga nangyari kanina. Dahil kapag nagkataon na mayroon siyang superpower na ganoon ay babalik siya sa oras na kung saan hindi pa niya nasasabi ang salitang nabitawan niya. GOSH! Ang tanga! Ang tanga mo, Zarina Eunice! Ano 'yong mga pinagsasabi mo, kanina? Pagalit niyang tanong sa sarili. Napasapo siya ng ulo at napahilamos siya ng mukha. Halo-halo ang nararamdaman niyang emosyon. Pakiramdam niya mawawalan siya ng ulirat dahil sa nangyari. Bakit kasi may nalalaman pa kasi siya na ang English ng malaki ay BIG? Obvious tuloy na iba ang gusto niyang ipakahulugan doon. Napahawak siya sa batok na at hinimas-himas ‘yon. Shock! Papaano siya haharap sa lalaki ng hindi baba ang tingin ni
Read more
KABANATA 19
HALOS hindi na maipinta ang mukha ni Zarina sa pagkainip at bagot na nararamdaman niya. Lahat na lang ata ng klaseng pag-upo na ay nagawa na niya. Panay na rin ang paling ng ulo niya sa salamin na pader kung saan niya nakikita ang maganda at malinaw na tubig sa lagoon. Huminga siya nang malalim at muling tiningnan ang cellphone na hawak niya. Alas diyes na ng mga oras na ‘yon at dalawang oras na rin siyang nagpapansin kay Antoine. Nakatunganga lang siyang nakatingin sa lalaki na busy sa kung anong binabasa nito sa laptop. Bago siya nito iginiya papasok muli kanina sa treehouse ay sinabihan na siya nito na magpalit ng damit na panligo pero naudlot ang plano nila dahil nakatanggap ito ng tawag buhat sa ama nitong si Don Antonio. Napabuga na lang sa hangin si Zarina kapagkuwan inis na ipinatong niya ang dalawang paa sa lamesa na maliit kung saan nasa pagitan nilang dalawa ni Antoine. Ang dalawang braso ay nakabuka na ipinatong niya sa headrest ng inuupuan niya. Tumingala siya sa kisa
Read more
KABANATA 20
GUSTONG kumawala ng pagtitimpi ni Antoine nang agaran na tumugon si Zarina sa halik niya sa kung papaano lang nito alam. Bawat galaw ng labi niya ay sinasabayan ni Zarina na lalong nagpapawala sa kaniyang katinuan. Ang mata nito nanatiling nakapikit nang mariin habang ang dalawang kamay nito ay nakakapit nang mahigpit sa magkabilang hem ng t-shirt niya na para bang doon kumukuha ng lakas.Kung susundin ni Antoine ang gusto ng katawan niya. Bubuhatin niya si Zarina papasok sa loob ng kuwarto at ihihiga sa kama para pagsawain ang sarili, katulad ng mga babaing naka-fling niya sa America. Pero hindi niya kayang gawin ‘yon sa dalaga lalo pa’t alam niyang iba ito sa mga babaing nakakasalamuha niya. Kahit na ang totoo ay kagabi pa siya naligalig nang husto kay Zarina ng ipinulupot nito ang dalawang braso sa batok niya at iniabot nito ang labi niya para gawaran ng banayad na halik.Kaya nga gusto niyang pagtawanan ang sarili dahil kung siya ay lulugo-lugo at walang sapat na tulog dahil sa gi
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status