THIRD PERSONTAHIMIK ang lounge ng pediatric hematology ward. Tanging ang mahinang tikatik ng ulan sa labas at ang monotonong tunog ng wall clock ang naririnig.Dumaan ang isang nurse, bahagyang ngumiti kay Marivic, ina ni Luna, pero agad ding lumihis ng tingin.Nakatayo si Ernesto, ama ni Luna, sa may bintana, hawak ang tasa ng mainit na kape, habang ang asawa nitong si Marivic ay nakaupo, mariing nakakapit sa rosaryong kanina pa umiikot sa kanyang mga daliri.Dalawang araw na rin ang nakalipas mula nang sumailalim si Damon sa HLA typing para malaman kung tugma siya bilang donor sa bone marrow transplant ng anak nila ni Luna. At ngayong araw nila malalaman ang resulta.Pumasok si Dr. Mendez, ang doktor na nag-aasikaso kay Davin, hawak ang clipboard at may bakas ng ngiti sa labi nito. Tila ba’y may dala itong magandang balita.“Good morning po,” bungad ng doktor. “Ikinagagalak ko pong ibalita na nag-match po ang HLA typing ni Mr. Villaruel kay Davin. Posible na siyang maging bone marr
Last Updated : 2025-05-24 Read more